LUMIPAS ang mga araw. Naging maayos ang lahat sa pamumuhay nila Kira na nakasilid na sa kulungan si Brianna. Nag-lie-low na rin muna si River sa mga ito at iniiwasan niyang magbangayan silang muli ni Kira. Mainit pa ang ulo ng dalaga sa kanya. Dahil damay siya sa galit ng mga ito sa kanyang ina. Tumupad naman si River sa ipinangako niya sa kanyang inang si Brianna. Araw-araw niya itong dinadalaw sa kulungan. Dinadalhan din ng makakain. Hanggang sa dumating na ang araw ng paglilitis kay Brianna. Nasintensyahan ito ng habang buhay na pagkakakulong kasama ang asawa nitong si Dagul. Kahit inaasahan na ni River na guilty ang ihahatol sa kanyang ina, hindi pa rin nito mapigilang mabigo. Kitang-kita ang pagkasawi sa mga mata nito nang sintens’yahan ng judge ang ina nito. Isang mahigpit na yak

