NANATILI si River sa bahay nila Kira dahil ayaw ni Wilma na umuwi ito. Pero kahit ilang araw na itong nasa bahay, hindi pa rin ito pinapansin ni Kira. Umiiwas ang dalaga dito. Sa hapag kainan niya lang malayang nakakasama si Kira dahil sumasabay ito sa kanila sa tuwing kakain. Kahit paano ay naibsan ang bigat na dala-dala ni River na kasama niya ang pamilya ni Kira. Kahit hindi sila maayos ng dalaga, may mga naging kasangga naman na ito sa pamilya. Katulad ni Marco na naging kaibigan na nito. Isang umaga. Si Kira at River lang ang naiwan sa bahay. Nasa silid kasi ang dalaga na nagkukulong kaya hindi nito alam na may lakad ang pamilya niya. Si Marco ay kasama ang nobya nito para sa paghahanap ng magandang simbahan na pagdadausan ng kanilang kasal ng nobya nito. Nagtungo naman sa palengke

