LUMIPAS pa ang mga araw at nanatiling malamig si Kira dito. Kahit may mga pagkakataon na kinakausap siya ni River, hindi niya ito sinasagot o maski tapunan ng tingin. Na tila hindi nage-exist sa paningin niya ang binata. Isang umaga. Nangunotnoo si Kira na may dalaga silang bisita na kasalukuyang kinakausap ng mommy nito dito sa sala. Napalingon ang dalawa kay Kira na pababa ng hagdanan. Lumapit si Kira sa mga ito na nagtatanong ang mga mata sa kanyang ina. "Ano pong meron, Mommy?" tanong nito na naupo sa tabi ng kanyang ina. "Uhm, anak. Siya si Shuvee. Secretary ni River--" "At girlfriend ni River." Putol ng dalaga na ikinalingon ng mag-inang Kira at Wilma dito. Napatitig si Kira dito at nakilala ang dalaga. Ito 'yong babaeng naabutan niyang kasama ni River sa kama noon sa opisin

