FIVE YEARS LATER: HINDI naging madali ang pagsisimula ni Kira sa ibang bansa. Nagtrabaho siya doon bilang manager ng isang flower shop. Pero sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan, unti-unti rin itong nakausad. Araw-araw nitong kausap sa videocall ang pamilya niya. Kaya alam nito ang mga nangyayari sa pamilya nitong nasa Pilipinas. Nasa tatlo na rin ang pamangkin nito kay Marco. Nagkabalikan naman sina Wilma at Raven. Habang si River, nagpatuloy ito sa pamumuno sa Montero's Corporation nila. Iyon nga lang, nasa pangangalaga nito ang mag-inang Shuvee at Deseree na anak nila. Noong una ay nagalit ito kay Shuvee at hindi matanggap na nabuntis ito. Pero dahil napatunayan ng dalaga na sa kanya ang bata, inako niya ang responsibilidad sa bata. Nakatira ang mag-ina sa isang condo nito. Dinad

