NANGINGITI si River na nakamata dito habang magkaharap silang nagkakape. Hindi naman nagsusungit si Kira sa kanya. Pero dama nitong napaka casual nang makipag-usap ni Kira sa kanya. Wala na ang mga kinang sa mga mata ng dalaga na dati ay nagniningning ang mga iyon kapag magka-date silang dalawa. “Okay ka lang ba? Para kang timang d'yan na nakangiti,” wika ni Kira ditong mahinang natawa. “Okay lang ako. Namis ko lang makausap ka nang gan'to. Na hindi tayo nagtatalo,” sagot nito na sumimsim sa kape nito. Napangiti naman si Kira na sumimsim din sa kape nito. Matapos nilang magkape, bumalik din sila sa shop at nagpaalam na si Kira sa kasama nitong mauuna na itong uuwi. Dadaan pa kasi ito sa supermarket at bibili ng grocery supplies si Kira. Paubos na kasi ang mga gamit nito sa bahay kaya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


