Chapter 9- Loren

3065 Words
"Oi, poging-pogi yata tayo ngayon Manong Tonz, saan lakad natin?" bungad ko sa kanya na nagkakape sa kusina isang umaga. "Oi, ikaw pala, Miss Loren, kay ganda ng umaga kapag ikaw ay nakikita! ang iyong mukhang anghel na nagpapagaan sa pakiramdam sa tuwina," magiliw niyang sabi na akala mo'y nagtutula. "Napakamakata mo naman Manong Tonz, lalo kayong gumagandang lalake niyan, dagdag pogi points para sa inyo, di ba Ante Pilar?," angil ko sa mayordoma ng mansyon. "Abay, ganyan lang talaga yan si Tonz makapagsalita Miss Loren,.masanay ka na!ako'y rinding-rindi na d'yan hindi na bumebenta sa akin iyang mga banat niya, aba'y hirap magkapaniwala sa taong hanggang salita lamang eh," parinig ni Ante Pilar kay Manong Tonz. Rinig na rinig ko ang bangayan ng dalawa at naaaliw akong pagmasdan sila.Mukhang may something sa kanilang dalawa.Sa mga hugot na patama ni Ante Pilar mukhang si Manong Tonz ang pinatatamaan niya. Iiling-iling na lang akong umalis sa kusina at nagtungo sa dining area upang makapag-almusal.Mahigit isang linggo na rin akong nagtratrabaho bilang tutor ni Timothy dito sa mansyon. Naging payapa at matiwasay naman ang naging isang linggo ko dahil bigla na lamang hindi nagpakita sa akin ang among lalake buhat ng huling pangyayari sa amin sa silid kung saan ninakaw niya ang first kiss ko. Hindi niya alam kung anong dahilan nito kung bakit ni anino ng among lalake ay hindi na makita.Siguro ay abala ito sa trabaho o sadyang iniiwasan ang kanyang presensya.Alin man sa dalawa ay hindi siya sigurado at mabuti na rin iyon dahil mas panatag ang kanyang kalooban. May gabing dinadalaw siya ng panaginip sa mga nagganap sa kanila ng amo, naggigising na lang siyang umuungol at pawisan. Hindi siya ganito at inosente siya sa mga bagay na patungkol sa pakikipagtalik.Ngunit buhat ng mga eksenang nangyari sa kanila ng amo mula sa nasaksihang pagbabayo ng amo sa babae hanggang sa pagnakaw ng unang halik ng amo sa kanya. Lahat ng iyon ay nagpabukas ng kanyang makamunduhang pagnanasa. May gabing nag-iinit ang kanyang katawan na pinahuhupa niya lamang sa pagshoshower at may gabing bigla na lamang siya napapaungol sa masarap na panaginip na may gumagalugad sa kanyang hiyas. Sa araw ay pinipilit pa rin niyang bumangon ng may matatag na disposisyon.Hindi niya man lubos na maintindihan ang nangyayari sa kanya at nalilito siya kung bakit nagkakaroon siya ng malaswang imahinasyon sa isipan ay pilit niya itong iwinawaksi upang makapagturo ng maayos kay Timothy. Kahit panatag ang kalooban niya sa araw dahil walang amo na umaaligid sa kanya ay dinadalaw naman siya ng among lalake sa kanyang mga panginip sa tuwing gabi.Talaga sigurong tinamaan na siya sa kamandag ng amo niya.Pilit niya man nilalabanan ang sumisibol na pagtingin para sa among lalake ay pinagtitibay lang nito ang pagkamiss niya sa amo. Totoo nga ang kasabihang, Absence makes the heart grows fonder.. Mas lalo mong mamimis ang isang tao kung hindi muna ito nakikita.Pilit man nilalabanan ang pagtangi ng puso niya para sa among lalake ay humihiyaw ito sa tuwina na hindi niya ito nakikita. Nagpakawala siya ng ilang buntong-hininga bago nagpasyang tumungo sa learning classroom nila ni Timothy. Maaga pa naman kaya't marami pa siyang oras sa paghahanda ng mga activities sa araw na ito. Tamang-tama lang ang dating ng batang amo ng pumasok ito sa silid. Nakapalumbaba ito ng tumabi sa kanya sa sofa. Mukhang may bumabagabag sa isipan nito.Napansin niyang tila hindi ito mapakali sa pagkaupo.Hindi na kaya nawawalan ng alalahanin ang batang ito, palagi na lang pasan ang mundo. Kailan kaya ito ngingiti at matutong makibagay sa kapwa. "What happen to you Tim, is there something wrong?" alala kong tanong sa kanya. "That jerk old man trapped me here with you, you see I want to go back to formal schooling but that didn't happened," he blurted out na parang ako ang kanyang kaaway. "Whose old man your are referring to?" kuryoso kong tanong sa kanya.Gusto kong bumanghalit ng tawa sa kanyang sinabi ngunit pinigilan ko lang.May hula na ako kung sino ang tinutukoy niya "Eh, sino pa ba? that bastard titodad of the world!," bulyaw niya. Natigilan ako sa asta ng bastang tutee makapanglait siya sa tiyuhin parang kasing-edad niya lang ito.Hindi ko maaninag ang respeto at pagmamahal sa kanyang tiyuhin.Madali lang para sa batang tutee ang magsalita ng masama laban sa tiyuhin.Wala nga talaga ito naturuan ng magandang-asal o nakopya lang talaga ang ugali ng tiyuhin base na rin sa nakikita ng bata. Pinakalma ko ang aking sarili upang hindi sabayan ang galit ng bata.Napag-alaman ko nitong huli kay Ante Pilar na pinatigil na ng among lalake ang batang tutee sa pag-aaral sa eskuwelahan dahil sa madalas itong makipag-away sa mga kaklase, lage din itong bugnutin at wala sa sarili kung nasa loob ng classroom kaya madalas nabubully ng kaklase kaya ang ending naghahamon ito ng away. Hindi totoo na kailangan nito ng tutor upang matuto kung paano magbasa at umangat sa klase dahil ang totoo madali namang matuto ang batang tutee.Sadyang, ang ugali lang nito ang dapat baguhin tulad ng among lalake. Nagtataka siya kung bakit imbes dalhin ang bata sa psychologist baka may problema ito kaya nagpapakita ng kagaspangan ng ugali.Bakit tutor na kagaya niya ang kinuha ng among lalake.Hindi ba nito na nakikita ang emosyonal na pangangailangan ng bata? "Tim, I know you are upset with your titodad but it is not right to say bad words against him, after all, he is still your family," kalmado kung sabi sa kanya. "Yeah, you are right, that's the point, I am the only family he has but where is he? his too busy making more money and I am always left out with no choice, could I just do what I what?anyways, nevermind, why should I be talking to you, you will never understand me!" himutok ng batang tutee. "Just try me, Tim, I will listen but for now, settle your emotions first, we will still have so many activities to finish for today, after these, I will hear you out, makikinig ako sa iyo, promise!" sabi ko sa kanya. Nakita kong umaliwalas ang mukha ng batang tutee at napangiti ako sa kanya.Ginantihan niya lang ako ng tango at ito ay naging sapat na sa aming dalawa na upang umpisahan ang aming leksyon at ipagpatuloy ang pagkatutoto kahit na may iniindang suliranin. Natapos ng mabilis ang aming aralin kung kaya't hinikayat ko siyang magkuwento pa ng mga personal na bagay tungkol sa kanya.Marami akong nalaman na bagay-bagay tungkol sa batang tutee at iyon ang naging basehan ko upang masabi na malungkot nga talaga ang buhay ni Timothy. Ipinagpasalamat niya sa Diyos na kahit mahirap lang silang magpamilya ng itay at inay niya ay puno sila ng pagmamahalan hindi tulad ng batang tutee, sagana man ito sa mga materyal na bagay ay kulang naman ito sa pagmamahal. Ngayon ay higit niya ng nauunawaan kung bakit ito may attitude problem, kailangan nito ng higit na pang-unawa at malasakit.Nakipaglaro at nakipagbiruan siya sa batang tutee, napansin niyang gumaan ng konti ang pakikitungo nito sa kanya. Naaliw siya sa pagguhit dahil inaya niya ang batang tutee na iguhit nito ang gustong mangyari sa buhay nito pagkatapos ng pagkukuwento nito.Hindi niya namalayan na nakatulog pala ang batang tutee sa sofa.Tiyak niyang napagod ito ng husto sa pagkukuwento.Madalas kasi ay tipid lang ito magsalita. Inayos niya ang pagkahiga ng batang tutee sa sofa.Lumabas siya sa silid upang hindi maabala ang tulog ni Tim at tinawagan si Ditas sa kanyang keypad phone.Mas mabilis ang pagtawag niya kay Ditas o sa mga housemaids kung may kailangan siya kaysa gagamit pa ng buzzer. Agad namang dumulog si Ditas at Manong Tonz sa silid.Kinarga ni Manong Tonz si Tim patungo sa silid nito.Inayos ko ang puwesto ng batang tutee at nilagyan ng unan ang magkabilang gilid nito upang hindi mahulog.Pinatungan ko rin ng comforter ang kanyang katawan upang mas komportable ang tulog. Tiningnan ko ang oras sa aking wrist watch, hindi pa sumasapit ang tanghali.Inaya ko na sila Ditas at Manong Tonz na lumabas na sa silid ng batang tutee. Hindi ako pumayag na kumain ng tanghalian ng mag-isa.Inaya ko ang aking sarili na kumain ng sabay sa kanila sa maids' quarter kung saan may sarili din silang kusina at lamesa kung saan sama-sama silang kumakain. For the first time sa aking stay dito sa mansyon, ngayon lang ako totoong nabusog at ginanahan na kumain. Maingay at makwela ang mga housemaids na pinasaya pa talaga ni Manong Tonz na nagbabato palagi ng jokes. Aywan ko na lang talaga kung walang mga housemaids dito sa mansyon, napakatahimik at malungkot siguro.Mabuti na lang sila at least, hindi masyado akong apektado sa aking batang tutee.Hanggang ngayon dama ko pa rin ang matinding kalungkutan ng batang tutee.May gusto akong itanong sa mga housemaids na matagal ng naglalaro sa aking isipan ngunit hindi ko lang maisatinig. Hindi naman siguro kalabisan at panghihimasok sa buhay ng aming amo kung itatanong ko.Buong lakas kong isiniwalat ang laman ng aking isipan. "Ah,eh, excuse me lang po, saan na ba ang mommy ni Timothy? isang linggong mahigit na ako dito hindi ko man lang nakita ang mommy niya," deretso kong tanong sa kanila. Biglang natahimik ang lahat ng housemaids.Umubo si Manong Tonz na tila nabilaukan.Si Ditas ay uminom ng tubig.Ang ibang housemaids ay tumigil sa pagkain at nagtinginan sa isa't isa. "Bakit parang palagi na lang malungkot ang bata at parating mag-isa?Hindi ba iyon naglalaro, palagi kasing galit at suplado!?" sunod-sunod kung tingin. Umiwas ng tingin ang mga housemaids sa akin.Wala man lang nagsalita.Ang iba ay dinala ang plato sa lababo at tuluyan na ngang kumain. Naghihintay ako ng kasagutan sa isa man lang sa kanila. Tumingin si Ditas bago nagsalita.Ngunit bago pa man maumpisan ang sasabihin ay binali na agad siya ni Aling Pilar. "Ah,Miss Loren, kami ay walang karapatang maglahad ng impormasyon tungkol sa ating amo sa iyo.Ang mga bagay na iyan ay mahigpit na pinagbabawal na pag-usapan dito ayon kay master Lance," paliwanang ni Ante Pilar. "Kung gusto mong malaman siya na lang ang tanungin mo hija, mahirap na baka matanggal kami sa trabaho, sana naiintindihan mo," dagdag niya pa. Ah, ganun po ba, sige po, salamat po Ante Pilar, susubukan kong kausapin si Mr. Del Mundo tungkol sa natanong ko at iba pa, nag-aalala lang kasi ako sa kalagayan ng bata," dahilan ko pa sa kanila. Nagkibit-balikat lamang si Ante Pilar at nagsimula ng mag-ayos ng pinagkainan.Nakita ko rin na walang interes din ang ibang housemaids na magbigay pa ng ibang komento. "Sige po, mauuna na po ako, dadalhan ko na rin ng pagkain si Timothy sa silid niya, ako na po ang magpapakain sa kanya," imporma ko sa kanila. "Ditas, samahan muna si Miss Loren sa taas at tingnan mo iyong alaga mo kung gising na," tawag ni Ante Pilar kay Ditas. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ditas.Kinuha niya sa akin ang dala kong food tray para sa batang tutee.Inaarok ko ng tingin si Ditas kung magsasalita ba sa akin ngunit tahimik lamang ito na sumunod sa akin patungo sa silid ng batang amo. Pagkarating namin sa loob ng silid ni Timothy.Nakita naming gising na ang batang amo.Kasalukuyan itong nakaupo sa kama at ang dalawang kamay ay hinahagod ang magkabilaang mata.Naghikab ito bago itinuon ang atensyon sa amin. "I am starving, what's for lunch?" tanong nito na hinihimas pa ang tiyan. "Oh, young master, we brought your favorite food, eat some," magiliw na paanyaya ni Ditas na dinala ang food tray sa harap ng batang tutee. Doon ko lang nakitang parang bata talagang kumain si Timothy.Nilantakan agad nito ang fried chicken at hindi pa man nalulunok ang kinagat na fried chicken ay sumubo na agad ng spaghetti. Napuno ng spaghetti sauce ang gilid ng labi ni Tim.Sarap na sarap itong kumakain. Napangiti ako sa aking nakitang pagbabago sa batang tutee.Unti-unti ng kumawala ang totoong pagkabatang ugali nito.Sinadya kong ipaluto ang fried chicken at spaghetti kay Ditas para panglunch ni Tim. Napapansin ko kasi palagi na lang pagkaing pangmatanda ang hinahain ng mga housemaids sa batang tutee.Gusto kong iparanas kay Tim kung paano maging bata.At tama nga ako, nasiyahan nga si Tim sa pagkain niya ngayon.Marahil ito ay isa sa dahilan kung bakit hindi maiguhit ang mukha nito tuwing kumakain.Bagama't seryoso ito at kumakain naman sa mga pagkain inihain sa kanya ay mababakas ang kalungkutan sa mga mata nito. Inabot ko sa kanya ang isang basong ice juice dahil wala itong palya sa pagsubo ng fried chicken at spaghetti. "O, dahan-dahan lang Tim, baka ka mabilaukan niyan, hindi ka mauubusan, sa iyo lang talaga iyan," may pag-alala na sabi ko sa kanya. Tiningnan ko si Ditas na iiling-iling sa aking harapan.Nginitian ko na lang siya at nag-thumbs-up ako sa kanya.Binalik ko ang tingin ko kay Tim na ngayon ay halos ubos na ang laman ng plato. Kinuha nito ang baso ng juice at inisang lagok at inubos ito. "This is the best lunch ever, whoahhh!" pahayag nito sa amin. "Who cooked this one yaya Ditas?" pahabol pa nitong tanong. "Ah, eh, me, Tim," sabi ko na tinaas ang aking isang kamay. Tumingin ito ng seryoso sa akin at nagpakawala ng napakatamis na ngiti na ngayon ko lang talaga nakita sa batang tutee simula ng dumating ako dito sa mansyon, "Miss Loren, thanks." "Anything for you, Tim," balik ko ring sabi sa kanya na nakangiti rin. Nag-excuse na ang batang tutee na magbabanyo kung kaya't lumabas na rin kami ni Ditas na bitbit ang food tray na wala ng laman. Natuwa naman ako sa inasal ng batang tutee at least marunong na itong magpasalamat. Konti na lang at matutoto din ang batang amo na makipagkapwa-tao. Buong maghapon kung inabala ang aking sarili sa pagprint ng mga cartoon pictures na download ko sa internet. Wala kaming klase ng batang tutee dahil hindi na ito lumabas pa sa silid.Ayon kay Ditas ay nakatulog daw itong muli ng kanyang silipin sana upang tawagin na para sa kanilang klase. Hinayaan na lang ni Ditas na makatulog ang bata base na rin sa aking bilin na hindi ito didisturbuhin kung natutulog. Dapit hapon na ng matapos siya sa kanyang ginagawa. Nagmistulang children's playground ang silid kung saan sila nagkaklase ng batang tutee. Nasiyahan siya sa naging resulta, sa wakas, may touch of child-friendly atmosphere na ang silid. Tiyak niyang magugustuhan ito ng batang tutuee ngunit bigla na lang pumasok sa isipan niya ang among lalake kung ano ang sasabihin nito sa pagdedecorate niya dito sa silid. Isinantabi niya muna ang isiping magagalit na naman ang among lalake sa kanya. Sa ilang araw nilang hindi pagkikita ay excited siyang magkadaupang-palad na naman ulit ang among suplado at bastos. Dumeretso siya sa kanyang silid upang maligo dahil pakiramdam niya ay puno na ng pawis ang kanyang uniporme sa pag-aayos ng silid kanina. Mabilis siyang natapos maligo dahil balak niya pang bumaba sa ground floor upang maglight-dinner. Binuksan niya ang cabinet at kukuha na sana ng underwear upang isuot ay gayon na lang ang pagtataka niya dahil wala man lang isang underwear siyang makita. Ang akala niya kaninang umaga ay baka nailagay niya lang sa ibang parte ng cabinet. Sa kanyang pagmamadali kanina ay hindi na siya nag-abala pa itong hanapin. Tanging isang panty na lang kanina ang nakita niya na isinuot niya kanina.Ngayon ay wala na siyang maisusuot, ang naisuot niya kanina ay nilabhan niya na at nakahanger na sa banya. Imposible naman na mawala ang kanyang mga panty, eh, siya lang naman ang naglalaba ng mga ito at nagtitiklop ng kanyang mga damit. Nahihiya naman siyang tanungin ang mga housemaids tungkol sa nawawala niyang mga panty dahil personal na bagay iyon. Wala siyang choice kung hindi ay hindi na lang magsusuot ng panty. Nagsuot siya ng terno pajama niya at ang plano niyang bababa para kumain ay nagbago na. Tinawagan niya si Ditas at nagpahatid na lang ng sandwich at spaghetti na niluto niya kanina. Maya-maya ay may kumatok na sa kanyang pinto at minadali niya itong buksan. Ganun na lang ang kanyang gulat na ang among lalake ang nagdala ng food tray sa kanya. Hindi siya agad nakahuma at nanatiling nakatayo na tila na nastock ang kanyang mga binti sa sahig. "Aren't you going to let me in?" deretsa nitong sabi habang tuloy-tuloy na pumasok sa silid. "Abay, magpapaalam ka pa ng lagay na iyan, eh, pumasok ka na nga kaagad, ang bastos talaga!" himutok niya sa kanyang sarili Basta-basta na lang nitong inilapag sa lamesita ang bitbit na tray at humarap sa akin na nanatiling napako ang mga paa sa pagkatayo. Lumapit ito sa akin at bigla na lang sinakop nito ang aking mga labi. Nawalan ako ng panimbang kung kaya't hinawakan nito ang aking pang-upo habang walang habas ang paglaplap ng aking labi. Hindi ko maggawang tumugon sa kanyang mga halik kaya't nanatili akong tood na bukang-buka ang mga mata. "Dammit, close your eyes and kiss me back, woman!" maotoridad at dominante niyang sabi sa gitna ng paghalik niya sa akin. Nanghihina akong napasunod sa kanya na tila mahika ang kanyang salita. Ipinikit ko ang aking mga mata at bahagyang ibinuka ang bibig. Ipinasok niya agad ang kanyang dila sa loob ng aking bibig at sinipsip ang aking dila upang tumugon din. Ang kabilang kamay niya ay malikot na hinawakan ang garter ng aking pajama at sa isang iglap ay naipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking pajama. Dinama niya ang aking pagkakababae habang patuloy pa rin sa pagispadahan ang aming mga dila, Tila ako sinasaniban ng kakaibang init sa buo kung katawan. Bigla niyang ipinasok ang isa niyang daliri sa aking butas na nagpasinghap sa akin. "Ohhhhh..uhmmmmnn..uhmmm,"ungol ko habang pabilis ng pabilis ang paglabas masok ng kanyang daliri sa aking butas habang natatamaan ang aking c******s. He was doing finger f*****g me and it made me scream evenmore. Nang maramdaman kung may kung anong likido ang gustong kumawala sa aking p********e ay napahiyaw ako ng todo. "Tha'ts it, c*m for me...cum for me, is it good,woman? say it, it is good!" he demanded. "Yes, yes, feels so good," lupaypay kung sabi ng biglang sumabog ang katas sa aking b****a tanda na ako'y nilabasan na. Hinugot niya ang kanyang daliri at walang kagatol-gatol na ipinasok sa kanyang bibig,"Ahmmmnnn....Tastes sweet!" "Good you like it! by the way, this is the price you have to pay for going against my rules," sarkastiko niyang sabi sabay talikod at alis sa aking silid na iniwan akong tigalgal at napaupo sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD