Nagmadali akong kumuha ng tuwalya ko sa cabinet at ibinalot sa aking katawang basa-basa pa ng tubig galing sa pagshoshower.
Hindi ko akalain na hindi ko pala nailock ang pinto ng silid kung kaya't walang kahirap hirap na nakapasok ang bastos kong amo.
Oo, bastos siya dahil basta-basta na lang susugod-sugod ng silid na hindi man lang kumakatok.Eh, paano naman niya maririnig, eh, nasa shower siya.Kahit na, bakit nanatili pa rin sa silid at prenteng inintay siya makalabas ng banyo.Talagang sinadya ng hudas niyang amo na bosohan siya.
Naggigil at inis na inis siyang kinakausap ang sarili.Sinigurado niyang nailock niya ang silid bago nagbihis ng terno pajama niya.Pinatuyo niya ang basa at hanggang balikat niya na buhok bago magpasyang humiga sa kama.
Nag-iinit ang pakiramdam niya ng mabalik sa kanyang isipan ang nagganap na eksena kaninang umaga at pati na rin sa nangyari ilang minuto pa lang.
Naalala niya ang huling sinabi ng amo bago ito umalis ng silid na patas na sila dahil kapwa na nila nakita ang maseselang bahagi ng katawan. Eh, hindi naman iyon totoo.
Abs at dibdib lang naman ang nakita niya sa amo pero ang huli ay lahat ng tinatago at iniingatan wala na, kitang-kita na lahat ng amo niya ang monay at dalawa niyang papaya.
Iniingatan niya pa naman ito na ipapakita niya lang ito sa magiging asawa niya.Ito lang ang maipagmamalaki niya sa kanyang magiging asawa ang kanyang kalinisan at pagkabirhen.
Ngayon, wala na ito, may tao ng nagnakaw ng kanyang first time. First time to see her body at iyon ang kanyang arogante at bastos na amo. Inis na inis siya sa sarili kung bakit nangyari ito sa kanya.Akala niya ay trabaho lang na pagtuturo sa bata ang pagkakaabalahan niya hindi lang pala, pati ang iniingatan niyang puri ay delikado na.
Hindi niya hahayaan na lumagpas pa sa ganoong sukdulan ang mamagitan sa kanila ng among lalake.Oo nga at malakas ang s*x appeal ng amo at parang nadadarang siya tuwing malapit ito sa kanya.Isa pa kahit nalaman niyang hindi pala ito ang tatay ng batang tutee ay hindi pa rin sapat na magpatangay siya dito.
Ang galawan ng among lalake sa kanya ay alam niya na kung saan patutungo ngunit hindi siya manhid at edukada para makaisa ito sa kanya.Malay niya bang may asawa na ito o may karelasyon, hindi talaga tama na magpadala siya sa tukso nito sa kanya.
Ipinikit niya na ang mga mata para matulog na, bukas niya na iisipin paano niya haharapin ang among lalake na nakita na nito ang kaluluwa niya.Sadyang wala na siyang maitatago na hiyas niya dito. Bukas maaga siyang gigising at kakain ng agahan upang mauna siya sa silid ng pagkaklasehan nila ng batang tutee.
Sa ganoong paraan hindi na magtatagpo ang landas ng among lalake.Bukod sa inis na nararamdaman niya para dito ay may sumilay na hiya sa kaibuturan niya na hindi niya maipaliwanag. Hindi niya gustong pangalanan ang iba pang damdamin ang namumuo sa kanyang puso para sa among lalake.
Maaga nga siyang naggising kinabukasan.Bago pa siya umalis sa silid ay naayos niya ang higaan niya at nakapaglaba na rin siya ng marurumi niyang damit na hinanger niya lang sa banyo.
Nakaligo na rin siya at nakasuot ng kulay baby blue na ternong uniporme , hindi tulad ng naisuot niyang uniporme noong isang araw na may disenyong pangbata ngayon ay plain baby blue lang.Nagmumukha talaga siyang nars o medical practitioner sa ayos niya imbes isang guro.
Alas sais pa lang ng umaga ay nasa ground floor na siya.Dumeretso siya sa kusina at naabotan niyang abala ang housemaids at mayordoma sa pagluluto.Si Ditas ay naghihiwa ng mga gulay at mga isasahog sa mga menu na lulutoin.
Magiliw siyang bumati sa mga tao sa kusina.Gumanti din ng bati sa kanya ang mga ito. Madali siyang kumilos palapit sa mga ito at aakto sana siyang tutulong sa gawain ngunit bigla siyang sinaway ng mayordoma na hindi puwede siyang tumulong.
Pinaupo siya sa lamesa at inalok ng kape.Tinanggap niya naman ng malugod ang kapeng tinimpla ng isang house maid.Ininum niya ang kapeng nasa tasa.Masarap at kakaibang kape ang nalasan niya.Kapeng pangmayaman. Hindi 3-in-1 coffee na nakasanayan niya ng inumin. Tinanong pa siya kung ano pa ang kailangan niya, humingi na lang siya ng cornsilog na madalas na pinapakain sa kanya ng inay niya tuwing umaga dahil iyon din ang kanyang paboritong agahan.
Madali lang naihatid sa dining area ang nirequest niyang agahan. Nagtanong din ang mga housemaids lalo na ang mayordoma kung bakit maaga siyang mag-aagahan. Nagdahilan na lang siyang marami pa siyang tatapusin na teaching aids na hindi niya natapos kahapon na sa totoo lang ay tapos niya naman.
Minadali niyang tinapos ang agahan. Kailangan na wala pang alas siyete ng umaga ay tapos na siya at nasa session area na siya. Mahirap na at baka magkrus na naman ang landas nila ng among lalake. Kailangan niya itong iwasan dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa alam paano ito pakikiharapan sa nagganap sa kanila kagabi.
Dali-dali siyang pumanhik sa silid sakay ng elevator. Takot siyang mapang-abot sila sa elevator, mabuti na lang at hindi nga sila nagkita sa pagbukas ng elevator sa palapag kung nasaan ang silid-aralan nila ng batang tutee. Doon pa lang siya nakaginhawa ng maayos ng nakapasok na siya sa loob at naupo sa sofa.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Sa isip-isip niya baka dito sa trabaho niya ay tutubuan siya ng sakit sa puso o nerbiyos dahil sa mga sari-saring emosyon na nararamdaman niya. Inayos at inisa-isa niya ang mga kagamian niya sa pagtuturo ngayong araw na ito. Wala namang kulang at medyo nadagdagan pa nga dahil paglinga siya sa dulong bahagi ng lamesa ay may maliit na white board at may iba't ibang pens nakaayos sa lalagyan.
Marahil ay nilagay ito ng mga housemaids doon kagabi o kaninang naglinis ito dito sa silid. Napansin niyang maaliwalas at mas maliwanag na sa silid kumpara kahapon. Tiningala niya ang ilaw at napansin na mas malaki na ito at mas maliwanang kaysa kahapon. Ngunit ganoon pa rin, tanging mga aklat pa rin ang nasa palibot ng dingding. Hindi child-friendly dahil walang maningning na kulay o mga laruan na bagay para sa bata.
Kinuha niya ang lesson logs na nakalagay sa folder.Inihanda niya ito kahapon. Pinag-aralan niya muli ang mga aralin na tatalakayin nila ng batang tutee pati na rin ang mga activities na gagawin nila ngayon. Natigil ang konsentrasyon niya sa pag-aaral ng mga gagawin dahil biglang bumukas ang pinto at tumambad sa kanyang harapan ang kanyang tutee. Akala niya ay mag-isa lang ito kaya binalik niya ang paningin sa folder.
Ngunit ganun na lang ang pagtataka niya ng may baritonong boses ang nagsalita, "Why didn't you join us for breakfast?
"You supposed to be there and teach me lessons on proper etiquette in eating," angil ng bata na nagmamaktol.
Ano ba naman itong umaga niya. Siya na siguro ang napakamalas na tutor, pilit niyang iniiwasan na mabwesit ang araw niya ng among lalake ay kusang lumalapit ito sa kanya. Hindi lang isang batang tutee ang pakikisamahan niya pati tiyuhin nitong hindi niya maintindihan ang pag-uugali.
"Good morning, young master Timothy! Good morning, Sir Lance, good morning!" masigla kong bati sa dalawa upang maibsan at pagtakpan ang namumuong stress ko sa kanila. Ika nga sa kasabihan kapag binato ka ng bato ay batohin mo ng tinapay. Imbes inis ang ipukol sa kanila sa kanilang kagaspangan ng ugali ay mahabang pasensya at mababang loob ang isusukli ko sa dalawa.
Nakita kong hindi man lang natinag ang magtiyuhin sa masigla kong pagbati. Sabay pa itong nagkibit-balikat at naupo sa magkabilang gilid ko. Nasa gitna ako ng dalawang magtiyuhin na mariing nakatitig sa akin na ang dalawang kilay ay magkasalubong. Itinuon ko muna ang atensyon ko sa among lalake at hinarap siya.
"Eh, sir, wala ba kayong pasok sa trabaho? oras na ng learning session namin ni Tim, puwede na kayong umalis, I can manage him with me," pagtataboy ko sa kanya na seryoso lang ang tingin ko sa kanya.
"Okay, you can begin teaching him now," utos niya.
"Sir, it will be okay if you are not around here mas makakaconcentrate ang bata sa kanyang leksyon," pagdadahilan ko pa sa kanya.
"He can manage and concentrate while I am here so, go on with your lesson," he demanded.
"Sir, I don't think that's appropriate kahit sa pormal na paaralan ay walang parents or guardian na nakamasid habang nagtuturo ang guro," pahayag ko pa.
"That's there rule not mine, this is my territory, just like what I've said yesterday, no one dared to go against me kahit ikaw pa na guro, yes, you're just merely Tim's tutor and I will be paying you high salary so, f*****g right and I deserve to monitor if you're efficient in teaching the best for my nephew," he muttered with teeth clinching.
Tila ako lalapain sa bagsik at angas ng pananalita ng aking amo. Kung hindi ko talaga kailangan ng trabaho ay talagang titigil at aalis na ako sa mansyong ito na totoo pala ang nakatira ay mga dragon. Nasaktan man ang aking ego at pride sa mga pinagsasabi ng among lalake ay taas noo ko pa rin siyang tiningnan sa kanyang mga mata ng may respeto at tatag ng loob.
"Yes, you are right sir, definitely right! mainam na rin na nandito ka, you should be my tutee, yeah, right sir, Tim, we will start," sabi ko pa na pilit na pinatatag ang sarili kahit gusto ko na talaga takasan at takbuhan ang magtiyuhin na ito.
Humarap ako sa batang tutee na prenteng nakaupo at naghihintay sa akin. Sinimulan ko na ang aming session kahit pa man na batid ko ang pagkatuliro dahil nasa tabi ko lang ang lalakeng amo, na kasamaang palad na pilit kong tinatakasang makita ay hindi pala talagang matatakasan.
Mabuti na lang din talaga at handa ako sa araw na ito kaya may kompyansa ako sa aking sarili na matatawid ko ang session namin ngayon. Isinali ko ang among lalake sa aming activities tulad ng pagbabasa ng iba't ibang salita at pagbabasa ng kuwento. Sinali ko rin siya sa aking mga katanungan. Mabuti na lang at ang napili kong story lesson ay may value integration na respeto at tiyak kong matatamaan ang magtiyuhin. Binakbakan ko ng maraming open-ended questions ang magtiyuhin na sinagot naman nila.
Kapwa silang dalawa natahimik ng naginject ako ng mga respect quotations at maikseng sermon patungkol sa mabuting pag-uugali katulad ng respeto sa kapwa. Para talaga akong pari sa lagay namin ngayon dahil mukhang nagmuni-muni rin naman ang magtiyuhin. Hindi ko na tinaasan pa ang pagsesermon at pagpapaalala sa kanila ng kabutihan dahil baka mahahalata nila na patungkol sa kanila ang mga pinagsasabi ko.
Nagkaroon din ako ng writing at drawing activities para sa magtiyuhin na pareho nilang isinagawa. Ngunit napansin kong tila nagtuturo ako ng mga tood dahil hindi ko mababakas ang kauwaan sa kanilang mga hitsura. Seryoso lang silang sumusunod sa mga itinuturo ko sa kanila. Hindi ko man lang nakitang ngumiti ang isa man lang sa kanila kahit pa man nagpapakawala ako ng iilang biro sa kanila ay wala pa rin nabenta sa magtiyuhin.
Sa wakas natapos din ang lahat ng dapat na talakayin nila ng tatlong oras mahigit. Nagpaalam nasiya sa magtiyuhin na tapos na ang oras ng klase at puwede na silang maglunch break. Agad namang tumayo ang batang tutee at basta-basta na lang lumakad palabas ng pinto ngunit bago pa ito tuluyang makalabas ay tinawag niya ang atensyon nito at lumingon ito sa kanila ng among lalake na prente pa rin nakaupo sa gilid niya.
"Aren't you supposed to say something to me, Tim?" makahukugan kong sabi sa kanya.
Tila nag-isip ito at ngumuso sa tiyuhin. Ibinaling ko ang tingin sa among lalake na nasa gilid ko. Pareho lang silang nagngungusuhan sa isa't isa. Ano ba itong mga amo ko, minsan arogante, suplado, bastos , manhid at ito ngayon parang walang mga isip. Hindi ko alam ang magiging reaksyon matatawa ba sa kanilang dalawa o magagalit. Tila walang gustong magsalita kung kaya't inilipat-lipat ko ang paningin sa kanilang dalawa na nilakihan ko ang aking mga mata na ibig sabihin ay hinhintay ko ang kanilang sagot.
"Yeah, right, Miss Loren, okay, okay then, goodbye Miss, see you next session and by the way, thanks," walang kaemosyong-emosyon wika ng batang tutee sa akin na mukhang pilit lamang ang pagkasabi.
Ngumiti ako pabalik sa kanya kahit hindi niya masuklian ito pabalik sa akin. Sapat na ang mga salitang kanyang binitiwan sa ngayon at least may improvement at may konting pagbabago sa ugali ng batang tutee ko. Ngunit aywan ko na alang sa among lalake na katabi ko pa rin.
Isinirado na ni Tim ang pinto palabas sa silid at naiwan kaming dalawa ng among lalake. Kikilos na sana ako patayo at aayusin ang mga kagamitan ko sa pagtuturo ngunit bigla akong hinila paupo balik ng among lalake. Nabigla ako sa kanyang paghila kung kaya't pabagsak akong natihaya sa kanyang dibdib.
"Sir, ano bah, pabigla-bigla naman kayo," mabilis kong iwas tayo sa kanya.
Ngunit kahit anong bilis ko sa pagtayo at iwas sa kanya ay maagap niyang nahawakan ang balakang ko paupo balik sa tabi niya. Basta-basta niya na lang ako pinaharap sa kanya at ang dalawa niyang kamay ay hinawakan ang magkabila kong mukha na hindi ko na maaring iiwas pa.
"Ano ba, Sir! let me go!" angil ko sa kanya.
Imbes na sagutin niya ako ay basta-basta na lang niya akong mariing hinagkan sa aking labi. Halos mapugto ang aking hininga sa pagngudngod niya ng kanyang labi sa aking labi. Matagal at mapagparusa ang kanyang mga halik na nagpahina sa aking katawang lupa. Pilit akong kumakawala sa kanyang marahas na hawak sa aking mukha ngunit tila bakal ang kanyang mga kamay.
Kinagat niya ang aking ibabang labi na dahilan ng pagbuka ng aking labi na naging daan upang galugurin niya ang loob ng aking bibig. Dahil inosente ako at hindi pa ako nakaranas ng mahalikan sa tanang buhay ko ay para akong estatwa na natulala sa mabilis na pag-angkin niya sa aking labi. Hindi ko maggawang tumugon o umiwas sa kanyang nagbabagang halik, tila ako nilalamon ng tamang huwesyo at pag-iisip.
I gathered all my wits and guts to resist him, this should not happen, hindi ito tama na basta-basta na lang ako tutugon o magpaparaya na lang sa kahibangan ng among lalake. Kinagat ko rin ang kanyang labi ng mariin na naging hudyat upang kumawala ang labi niya sa akin. Narinig ko siyang umungol na parang nasaktan sa aking pagkagat. Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin.
"What are you thinking Mr. Del Mundo? for your information, I am your nephew's tutor for pete sake! respetuhin mo naman sana ako," malakas na bulyaw ko sa kanya.
"That's the prize for being irrelevant in injecting and insignificant lessons to my nephew's young mind," he said unreasonably.
"And what should I teach with Timothy, your arrogance and unrespectful attitude, Mr. Del Mundo, I am not just Tim's tutor, I am also here to nurture him the right values that you failed to teach," I sarcastically said.
Mukha yatang natigalgal ang amo kong lalake sa aking sinabi. Dali-dali ko siyang iniwan sa silid bago pa man siya makasagot at makagawa naman ng hindi inaasahang bagay laban sa akin. Pangiti-ngiti akong lumakad patungong elevator, kahit pa man nakuha ni Mr. Lance del Mundo ang first kiss ko ay nagbubunyi ang aking puso't isipan dahil sa unang pagkakataon ay nanalo ako sa aming diskusyon dalawa.