Chapter 4- Closer

2009 Words
AS THE DAY passed by, Deina would find her heart much closer to Gelo. Hindi niya alam kung gaano kabilis nito napukaw ang puso niya. At aminado siya sa sarili na gusto niya na itong sagutin-- but her mind speaks up that she should not make things fast. Habang gano'n din naman ang advice sa kaniya ng pinakamalapit na kaibigan niya sa trabaho na si Ted. "Girl, oo bet ko si Gelo for you, pero hindi ba p'wedeng magpakipot ka muna? 'Wag mong madaliin ang mga bagay-bagay, instead, kilalanin mo pa siya. E, ikaw na nga itong nagsabi na hindi ka pa nito ipinapakilala sa angkan nito." "Alam ko naman 'yon, Ted, at naiintindihan ko ang privacy na hinihingi sa akin ni Gelo, but my heart was genuinely close to him. At ayoko nang palampasin pa ang pagkakataong ito para sa aming dalawa." "Shunga! Kung talagang gusto ka ni Gelo, he would willing to wait for you kahit gaano pa katagal 'yan. Saka, hello? Hindi na tayo bata para hindi magduda sa ganiyang set up, girl, he should be proud of you kahit na nililigawan ka pa lang niya. Kaya, stop abusing that mindset na kailangang madaliin ang lahat. So, if ever man na hindi siya makapaghintay, then, he's not the right one for you. Come to think of it, Deina." Sandaling napabuntong hininga si Deina bago pa man bumigkas ng mga salita. "Okay, may point ka, Ted. Sa totoo lang ay may pag-aalinlangan pa rin ako sa part na hindi pa ako dapat makilala ng buong angkan niya sa ngayon. Kaya, hindi ko muna mamadaliin ang lahat. Thank you sa advice, Ted, hah?" Pasimpleng tumanday ang baba ni Ted sa balikat niya habang magkatabi sila sa upuan. "No worries, Deina. Kahit medyo na-stress ang beauty ko sa'yo ngayon!" sabi nito na nagpatawa sa kanilang dalawa. "O, siya, tapusin na nga natin itong pagkain, nang makabalik na tayo sa trabaho," pang-aaya pa nito. Pagkabalik nila sa trabaho ay laman pa rin ng isip niya ang in-advice sa kaniya ni Ted. She doesn't know why but her heart was still eager to be happy with Gelo even if her mind was confused of other things. Natatandaan pa niyang hindi pa siya inaaya nitong mag-date during rest day nilang dalawa. Para naman mas mahaba ang oras nila para sa isa't isa. And with that thinking, ay mas napapatunayan niya na hindi pa dapat sundin sa ngayon ang tinitibok ng puso niya. But, her plan has been scattered when one night was happened. It's when Gelo has perfectly fit to stay closer in her heart. Gelo was wearing a black printed shirt together with a gray cargo short, na hindi lalampas sa tuhod nito. Simple pero ang astig nito sa kaniyang paningin habang batid niya na nakatitig lamang ito sa kaniya at nakangiti. "G-gelo.." She begun to tremble. At sapat nang pahiwatig iyon sa matinding atraksyon na nararamdaman. And yes, Gelo have a great sense of style to capture her heart instantly. Tipong makalaglag panty talaga sa bawat titig at ngiti nito. Wonder how her mind become annoying when she sees him. It was a night for them to have a date after her duty. At kataka-taka dahil mukhang kauuwi lamang nito ng bahay para sunduin siya sa trabaho. "Are you ready?" "Ahm, teka, saan ba tayo pupunta?" "I want you to meet my parents." Tila nagkarerahan ang kaniyang puso sa narinig. She doesn't know why but the standard of a man that she could finding for was she never thought with Gelo Madrigal. Parang no'ng isang araw lang ay nagdududa pa siya sa katauhan nito at kung talagang seryoso ito sa kaniya, pero heto ngayon at handa siyang ipakilala sa angkan nito. "Are you nervous?" Napalingon siya sa boses nito. At doon niya lang namalayan na kasalukuyan na pala silang nasa biyahe. "Ahm, hindi ba masyadong maaga pa para.. ipakilala mo ako? I mean.. pagod ako sa trabaho para makaramdam ng ganitong kaba." Gelo was smiled. At wala itong pakialam sa kung anumang sasabihin ng magulang. Lalo na't batid ng mga ito na pamilyado na siya. "It doesn't matter. I just need to prove to you that I'm really serious about you." Doon nagtagpo ang tingin nila. "Deina, I don't mind for everything, just give me a chance to love you." Parang sinungkit ng mga katagang iyon ang puso niya. Pero ayaw niya namang magpaapekto lalo na't nagsisimula pa lang naman niyang kilalanin pa si Gelo. Nang makarating sila sa isang bungalow na bahay ay iginiya siya ni Gelo na pumasok doon. Sa katunayan ay hindi naman nalalayo ang buhay ni Gelo sa kaniya, kung hindi lang talaga ito nagsikap para magkaroon ng sariling kotse at condo ay hindi nito mabibigyan ng magandang buhay ang asawang si Elle at ang anak na si Angelie. Pero sa kalagayan ngayon ni Gelo, he admit that he wanted to have a happy life after marrying the woman that he don't really love at all. Gusto niya naman maging malaya kahit papaano habang hindi tinatalikuran ang responsibilidad kay Angelie. That's why he used to court Deina who give him a great affection that he couldn't felt before. "Good evening, ma at pa." May pagtataka sa mga mata ng magulang nito pero mabilis na na-isegway ni Gelo ang usapan. "Anyway, I want you to meet, Deina, my friend." Parang binasag niyon ang puso ni Deina sa narinig. 'Yung inakala niyang ipakikilala siya ni Gelo bilang special na tao sa buhay nito. Nakita niya na nagtanguan ang magulang nito sa harap niya at iginiya siyang maupo. "Gelo, ito na ba ang sinasabi mong bibisita ka sa amin one of these days? And alam na ba ito ni--" "Ma, I came here just to tell you about something." Halatang matindi ang kabang nararamdaman ni Gelo pero hindi sapat na dahilan ang paglilihim sa asawa para lang matupad ang inaasam na pagtanggap ng magulang niya kay Deina. "Okay, ano ba iyon, anak?" ang sabi ng ina nito na si Mrs. Angelou Madrigal. Tila nakararamdam ito na hindi maayos ang pagsasama nina Gelo at Elle kung kaya't may dala siyang babae. Bagay na ipinagtaka nito sa loob ng apat na taong pagsasama ng dalawa. Samantala'y napansin niya naman ang mapagbantang tingin ng kaniyang ama na si Mr. Evan Madrigal. "Nililigawan ko si Deina." Mga kataga niyang bumasag sa sandaling katahimikan, habang hindi naman iyon inaasahan ni Deina. "Anong kalokohan ito, Gelo?" napataas na tonong sabi ni Mr. Madrigal. Habang nagtataka naman ang mga mata ni Deina sa narinig. "Pa, I am serious. Alam n'yo naman na kapag nagdala ako ng babae rito sa bahay ay seryoso ako." Doon lalong tumindi ang galit ni Mr. Madrigal sa naging katwiran niya. Sa isip nito ay, how could he used to betray his marriage with Elle? Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon para makausap siya ng masinsinan ng kaniyang magulang dahil kasalukuyang nag-CR si Deina ay masasakit na salita agad ang ibinungad nito sa kaniya. "Paano mo nagawa ito sa mag-ina mo, Gelo?" kalmado pero naiinis na tugon ng kaniyang ama. Habang may pagtataka pa rin sa mga mata ng kaniyang ina. "Anak, tama ang papa mo, nahihibang ka na ba? Kasal ka at may anak tapos nagawa mo pang magdala rito ng babae at isa pa ay nililigawan mo pa? Sa tingin mo ba ay hahayaan na lang namin na masira ang iyong pamilya?" "Pero, ma, hindi na ako masaya kay Elle. I don't love her anymore. Kung hindi lang dahil sa anak namin, e." "Pero hindi iyan ang tamang desisyon para gawin mo 'yan sa kaniya. Paano na lang kapag inilayo niya sa'yo ang apo namin? Anak naman, bakit ba hindi ka nag-iisip? Are you planning to make us crazy?" wika pa ni Mrs. Madrigal. Nang sandaling iyon ay natunugan nila ang pagbukas ng pinto. Habang sinigurado rin naman ng magulang niya na hindi narinig ni Deina ang naging usapan nila. Dahil na rin nagawa nitong magpatugtog ng mahina sa mga oras na 'yon. Kaya naman sa pagbalik niya sa lamesa ay tila naging kalmado muli ang lahat at umarteng parang walang mangyari. "Ahm, nga pala, salamat po ulit sa dinner, tito at tita." Habang si Gelo naman ay hindi pa rin lubos na mapanatag sa kung anumang maging aksyon ng kaniyang magulang. And luckily, his plans would not become miserable. Dahil tila nakikisabay naman ang kaniyang magulang sa kalokohan niya, maipakita lang na okay si Deina sa kanila. At sa kabila ng kalokohang ginagawa ni Gelo ay maayos pa rin namang nakitungo kay Deina ang magulang nito. "Walang anuman, hija. Nga pala, pasensya ka na kung hindi ka namin masyadong nakausap. Na-miss lang talaga namin ang aming anak," sabi ni Mrs. Madrigal habang lihim na binantaan ng tingin si Gelo. Naging maayos naman ang lahat hanggang sa tuluyan na silang nakaalis doon. At kahit namuhay ang tensyon sa pagitan nila ng kaniyang magulang ay wala siyang pakialam kundi sundin ang pansariling kaligayahan. Kaya naman habang nasa biyahe ay sinamantala na niya ang pagkakataon para muling tanungin si Deina. "Deina, I know it's too fast, but.. may I know if you already have an answer?" "Ahm, tungkol saan?" "Tungkol sa panliligaw ko sa'yo." Tila nakaramdam naman siya ng kaba gayong may pakiramdam siya na hindi siya okay sa pamilya nito. "Ahm, Gelo kasi.. hindi ba masyadong maaga pa para sa atin? I mean, I am still thankful dahil nagawa mo akong ipakilala sa parents mo. Pero kasi.. parang ramdam ko na, ayaw nila sa akin." "Deina, stop thinking about that, gano'n lang talaga sina mama at papa. At kinikilatis lang nila ang bawat aksyon ko sa buhay." Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago pa man siya magpasyang magsalita, "Gusto ko lang makasiguro, Gelo. Oo, gusto kita. Pero gusto ko lang makasiguro na wala kang inililihim sa akin." Tila nakaramdam ng munting kaba si Gelo sa narinig. Pero ayaw naman nitong magpaapekto lalo na't nararamdaman na nitong may pag-asa para sa kanilang dalawa. "Deina, ano pa bang nais mong malaman tungkol sa akin? Para lang mapatunayan ko na seryoso at tapat ako sa'yo?" Halos pumiyok na ito sa mga katagang iyon. But her heart and mind were moving on separate ways. Iba ang idinidikta ng kaniyang isip at puso. Na para bang nagtatalo ito kung dapat ba talaga niyang tanggapin nag pagmamahal ni Gelo. Her mind is telling, don't rush onto things while her heart is telling, go on and follow it. "Hindi ko maintindihan, Gelo. My heart is so close to you but my mind is still finding a proof to let my heart in love with you." Doon hinawakan ni Gelo ang mukha niya habang sinasabi, "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na I don't mind for everything, just let me love you and I will prove to you that you could have the best love story at all." Tila sinungkit na naman iyon ang puso niya dahilan para umapaw ito sa kilig. At aaminin niya na hindi ganoon kadaling mapigilan ang nararamdaman kapag puso na ang nagdikta. Gustung-gusto niya si Gelo at ayaw niyang ipagkait ang chance para ito'y tuluyang mahalin at mahalin din siya nito. Ilang sandali pa ay sandali siyang napalihis ng tingin at napabitiw naman sa mukha niya si Gelo. "Aaminin ko, natatakot akong sumugal sa pag-ibig, lalo na't first time kong magkakanobyo, Gelo. Natatakot akong masaktan sa pagmamahal. Natatakot akong ibigin ang isang tulad mo." "Hindi mo kailangang matakot, Deina. Maging kalaban man natin ang mundo ay handa kong ipaglaban ka sa lahat ng bagay." Tila sinampal si Gelo ng mga katagang iyon lalo na't may mag-inang umaasa sa kaniyang pagdating. May mag-inang umaasa na gagampanan ang kaniyang responsibilidad bilang ama at asawa. At kahit lingid iyon kay Deina ay nais niya pa ring sundin ang alam niyang tunay na makapagpapasaya sa kaniya. Kaya nang sandaling iyon ay muli niyang tinanong ang isang katanungan na batid niyang makapagpapabago ng kaniyang buhay. "Deina Gomez, sinasagot mo na ba ako?" At doo'y walang alinlangang napatango si Deina habang sinasabi ang mga katagang, "Oo, Gelo Faustin Madrigal, sinasagot na kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD