"O, MAGLA-lunch break ka na, Claude?" Mga katanungang ibinungad dito ni Deina nang mapuna ito na paalis na ng front desk.
"Ah, oo, Deina, e, 'di ba hindi naman tayo p'wedeng magsabay? Sige, hah." Tatalikod na sana ito nang humabol pa siya ng salita.
"Bakit hindi ka na lang sumabay kay Ted, pa-break na rin 'yon, e."
Sandaling napaisip si Claudine. "Ah, hindi na. Ano kasi, e.. may importanteng tao akong kakausapin."
"Gano'n ba? O, sige, makikiusap ako kay Ted na baka p'wedeng hintayin niya na lang akong makapag-break pagbalik mo," sagot niya rito.
Napatango naman ito at napangiti bago sumagot, "Sige, Deina. Alam mo naman na kayo ang madalas na makapagsabay ni Ted, e."
"Sige." Pagkasagot niya no'n ay tuluyan na ngang umalis si Claudine upang makapag-break. Bale, ang set up ng breaktime schedule nila araw-araw ay sila ni Claudine ang magde-decide kung sino ang mauunang mag-break sa kanilang dalawa dahil walang maiiwan sa front desk kung magsasabay sila. At dahil mas close sila ni Ted ay madalas itong sumasabay sa kaniya.
Seryoso siyang nakatutok sa monitor ng sandaling iyon nang hindi inaasahang maamoy niya ang pamilyar na halimuyak ng perfume na malapit sa kaniya. Nang lingunin niya naman ang paligid ay bigo siyang makita ang taong inaasahan niyang makita. Hindi niya alam ay pakulo lamang iyon ni Gelo para iparamdam sa kaniya na naroon lamang ito sa paligid.
"Gelo?" wika niya kahit tila nagtataka sa perfume na 'yon. Saka pasimpleng tinanong ang janitress na si Sela na nagma-map ng sahig. "Excuse me, Ate Sel," aniya para sandali itong matigilan sa ginagawa.
"Bakit po, Ma'am Deina?"
"Ahm, matanong ko lang kung may napansin kang lalaki na tumambay dito? Matangkad, moreno, makapal ang kilay a-at g'wapo.." paglalarawan pa niya.
Bahagya namang napangiti si Sela dahil lingid sa kaniya ay ito ang napag-utusan ni Gelo na magwisik ng perfume nito malapit sa mismong desk niya. "Ah, wala naman, Ma'am Deina," kaswal na anito at nagpatuloy na muli sa ginagawa.
Kaya naman tila nabigo siya sa hinala na nasa paligid lamang ang nobyo. Hanggang sa ituon niya na lang muli ang atensyon sa ginagawa. Ilang sandali pa ay hindi pa man lumilipas ang ilang minuto ay muli niya na namang naamoy ang perfume ni Gelo. Ngunit sa pagkakataon na 'yon ay hindi niya inakalang kasabay din niyon ang bulto ng taong inaasahan niyang makita. "Gelo?" Hindi niya maiwasang mapahalukipkip ng mga oras na 'yon. "Bakit ka naparito? Hindi ba't mamaya pa 'yung out mo?"
"Yeah, pero, masama bang bisitahin ka, my beautiful Deina?" Bahagyang nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. At doon niya lang napansin ang nakalapag na chocolates sa may front desk.
"Wow, para sa akin 'to? Teka, gaano ba kalayo ang workplace mo para makapag-adjust ka ng oras para lang mapuntahan ako?" Doon napangiti si Gelo bago pasimpleng kunin ang palad niya at ikulong iyon sa mismong palad nito.
"It's not really matter 'cause.. I will spend my day with you even if it only lasts an hour." Hindi niya maiwasang mapangiti sa mga sinabi nito. She doesn't know why but her heart now is so happy.
"How sweet, o, teka." Doon bahagyang nawala ang kaniyang ngiti at pasimpleng inangkin ang palad sa nobyo dahil oras pa rin ng kaniyang trabaho at nagkataong may dumating muli na bagong kliyente.
Samantala'y hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Elle na gawin ang naisip na plano habang ang naturingang person of interest nito na si Claudine ay nagkataong kinakailangan din ng malaking pera para sa gamutan ng mama nitong may breast cancer.
Nakahain na ang pagkain sa lamesa na para sa kaniya at mukhang pinaghandaan talaga nito ang kaniyang pagdating.
"Well, salamat naman at dumating ka. I guess, hindi na ako mapapahiya this time?" umaasang wika ni Elle. Habang nanatiling nakikinig lamang ang nakatatandang kapatid nito na si Gail.
"A-ano ho bang trabaho ang iaalok mo sa akin, ma'am?"
"Alright, simple lang naman, ang maging spy kita sa babaeng katabi mo kanina sa may front desk," klarong pagkakasabi nito na sandaling ikinaawang ng bibig ni Claudine.
"Sandali, hindi ko po maintindihan, bakit ko kailangang maging espiya? Saka, sino ka po ba para ganituhin si Deina?"
"Deina.. Deina, what a cheap name. Anyway, I am Elle Agustin Madrigal, ako lang naman ang legal na asawa ni Gelo Madrigal." Doon bahagyang napakunot ang noo ni Claudine sa sinabi nito.
"Sandali, Gelo? May asawa na si Sir Gelo? 'Yung boyfriend ngayon ni Deina?"
Doon napataas ang kilay ni Elle habang sinasabi ang katagang, "Yes. At dahil do'n ay matatawag na kabet ang Deina na tinutukoy mo."
"Kaya ba kailangan mo akong maging espiya para i-report ko lahat ng aking nalalaman tungkol sa kanila?"
"You're right." Sandali pang nagkatinginan ang magkapatid bago i-abot sa kaniya ang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera. "Thirty thousand pesos, kapalit ng loyalty mo, miss."
"Ahm, paumanhin po pero ayoko pong maging masamang tao para lang kumita ng malaking pera. K-kung gusto mo pong ipamukha kay Deina na mali ang pagpatol niya kay Sir Gelo at kung nagtaksil man po sa iyo si Sir Gelo ay baka p'wede naman po itong makuha sa magandang usapan--"
"Shut up. Forty thousand, tatanggapin mo ba ang offer ko o hindi?" Doon napalunok si Claudine. At sa kabila ng matinding pag-aalala niya sa ina ay nanaig pa rin ang prinsipyo niyang hindi dapat gumawa nang masama para lang makatapak ng kapwa, at mas lalong hindi dapat gumawa nang masama para lang sa malaking pera.
"Ma'am, paumanhin po pero hindi ko po talaga kaya. Pasensya na." Tatayo na sana siya subalit umarteng nagmamakaawa itong si Elle habang nakahawak ito sa braso niya.
"Please, kung ikaw ang nasa posisyon ko ay gagawin mo rin 'to. Gusto ko lang mapahiya ang asawa ko sa panloloko niya sa akin at sa babae niya. Gusto ko lang mabuo ulit ang isang pamilya na nasira dahil sa kalokohan niya. Kaya please, do it for me as a woman like you who really deserve to be respected and to be loved. Please.."
Tipid siyang napangiti habang binabalot ng lungkot. Hindi niya akalaing dadating ang araw na kailangan niyang pagtimbangin ang kaniyang pangangailangan sa kung anong nararapat gawin. Naisip niya ang kaniyang ina na kinakailangan na ring maoperahan. Pero naisip niya rin ang kapakanan ni Deina na wala namang intensyon na sumira ng pamilya. Dahil ang sa pagkakaalam niya lang ay single
father si Gelo at hiwalay sa asawa.
"Okay, tatanggapin ko po ang ino-offer mo, ma'am. Basta mangako ka rin po na hindi po ako madadamay dito. Na gagawin ko lang ang trabaho ko para sa mama kong kinakailangan nang ma-operahan.."
"Maayos akong kausap. You're Claudine, right?" tanong nito kaya dahan-dahan naman siyang napatango. "Asahan mo na hindi ka rito madadamay. And all you have to do is to report on me kung saan sila pupunta o kung ano ang mga pinaplano nila. Of course, samahan mo na rin nang pagtatanong sa Deina na 'yon para mas makakuha ka ng maraming impormasyon. And after that, magugulat na lang siya isang araw na kasalanan pala ang umibig sa isang Gelo Madrigal," napapangising anito. At gayundin ang kapatid nitong si Gail.
Matapos mag-break ni Claudine ay laman pa rin ng isipan niya ang naging usapan nila ni Elle.
Napuna man ni Deina ang pananahimik niya ay hindi agad ni Deina masyadong binigyan iyon ng pansin dahil na rin sa pangungulit sa kaniya ni Ted para mag-break na. At siyempre, ng mga oras na 'yon ay kasalukuyan namang umalis na si Gelo at hindi na nakasabay pang mag-lunch sa kanila. Pero nagpa-reserve na ito ng pagkain sa isang cafeteria para sa kanila ni Ted. Sweet talaga si Gelo kay Deina, kahit na hindi niya ito hiniling sa nobyo, bagay na hindi nito nagawa kay Elle simula nang maikasal ito.
Subalit, kahit gaano kasaya ang araw na iyon ay hindi naman maiwasan ang nakakainis na usapan mula sa kaniyang kaibigang si Ted.
"Alam mo, girl, na-imbyerna ako sa client ko kanina na sobrang arte. Kaya nga mina-massage siya ay para ma-relax siya, e. Ang kaso ay parang 'di niya ine-enjoy ang effort ko at kung anu-ano pang sinasabi."
Napangisi at napa-iling naman siya sa matapos mapakinggan ang mga sinabi ni Ted. "Hayaan mo na, gano'n talaga ang mga kliyente, hindi pare-pareho ng ugali. Ang mahalaga ay kumikita pa rin tayo at nakatutulong sa pamilya."
"Hindi, e. Sobra naman kasi ang pag-iinarte niya. Naku, tatandaan ko talaga ang mukha na 'yon at kapag nagpa-service ulit siya sa atin ay hindi ko siya aasikasuhin kahit magalit pa si Mr. Rozales sa akin," desididong wika pa nito na ikinatawa lamang ni Deina.
"Hay, kung anuman ang nangyari kanina ay lilipas din 'yon at makakalimutan mo rin. Kaya, ikain na lang natin 'yan," masiglang pagkakasabi pa niya na ikinatawa na lang din ni Ted.
Hindi nila alam ay maliit na mundo na lamang ang ginagalawan nila ngayon. Na lingid sa kaniyang kaalaman, na ang babaeng tinutukoy ng kaniyang kaibigang si Ted ay walang iba kundi ang legal na asawa ni Gelo Madrigal-- na walang iba kundi si Elle Agustin Madrigal.