Chapter 33- Furious

1324 Words
AFTER A remarkable conversation with Elle, Gelo would intend to follow her despite of the negative vibes she could at the front of his parents. Sa katunayan, nagtatalo rin ang puso't isip niya kung tama ba 'tong ginawa niyang pagsunod gayong matatandaang nakapagbitaw siya ng pangako kay Deina na sa mismong araw na iyon ay babawi siya rito. "Why did you follow me? Hindi ba't wala naman na akong halaga sa buhay mo?" Those words were suddenly felt him frustrated to fix everything. In fact, he was not doing it for himself but for Angelie. "Elle, I'm sorry." Tila nahimasmasan ng salitang iyon si Elle. Ngunit kalauna'y ikinangisi lamang nito. "Sorry?" Nasapo nito ang sariling mukha. Saka siya bahagyang hinarap. "Where did you picked your sorry? If you're the only reason who hurted me so bad?" Doon niya sinubukang harapin si Elle, 'yung tipong hindi ito makaliligtas sa mga titig niya. "Look, Elle, I'm gonna be humble from now on, not because I have still care for our marriage but because I have still care about you." Buong akala niya ay lalambot na ito subalit mas nanaig pa rin ang galit nito. "Iyon na nga e, wala ka nang pakialam sa marriage natin kaya gano'n lang kadali sa'yo na balewalain ang feelings ko. Without knowing that all my reasons were valid just to fight for our marriage." Nakikita na niya ang luha sa mga mata nito pero nanatili siyang hindi nagpaapekto. "Gelo, I still care and love you but I know you can't give it back to me, again. Because of that stupid woman!" Halos iduro na nito si Deina kahit na wala naman ito sa kanilang harapan. Saka siya malayang pinaghahampas nito sa dibdib. And thinking about Deina, ay kung galit si Elle ay inaasahan niyang galit din ito. Dahil sa hindi nito pagpaparamdam simula pa kanina. Nagpatuloy ito sa paghampas sa kaniya sa dibdib hanggang sa matigilan ito nang mapasigaw siya. "Sige, saktan mo lang ako! Saktan mo lang ako hanggang sa unti-unting mapawi ang sakit sa dibdib mo!" Subalit sa puntong 'yon ay pahagulgol na napayuko si Elle. At nakita niya kung paano dungisan ng luha ang mukha nito habang sinasabi ang mga katagang, "I hate the feeling that no matter what I do, I still love you. I hate it 'cause it seems like I'm an idiot to you. 'Cause no matter what I do to win your heart again, I know, it is not going to be me who you choose to stay beside you." Doon siya nakaramdam ng awa kay Elle. Hindi niya alam ngunit sa kabila ng katotohanang sinabi niya kanina ay hindi rin naman magkukunwari ang sarili niya na mag-alala sa dating asawa. And as near of fact, he couldn't lying to tell himself that he was worrying so much about Elle. Kaya sa puntong 'yon ay nakita niya na lang ang sarili na yakap-yakap ito. Bagay na bahagyang nagpagaan din sa kalooban ni Elle kahit nananaig pa rin ang galit nito sa kaniya. - Bago pa man siya bumalik sa bahay ay bigo pa rin siyang napauwi si Elle. Nagpaiwan kasi muna ito dahil gusto raw muna nitong mapag-isa. And as a respect ay pumayag siya. Subalit, sumapit na lang ang gabi ay wala pa ring bumabalik na Elle. "Where is mama, papa? Bakit po hindi pa siya umuuwi?" Halos hindi siya makasagot sa itinanong ni Angelie. Isabay pa ang pagkatakot na baka mawalan ng direksyon ang buhay ni Elle nang dahil sa ginawa niyang pakikipagkasundo sa magulang na hindi i-tolerate ang masamang ginawa nito. In fact, his parents were hoping that Elle will become a better person, kung saan ay makita nila na karapat-dapat pa rin ito kay Gelo. Para pagdating ng araw ay hindi rin ito kamuhian ng sarili niyang anak. Marahan niyang hinawakan ang mukha ng anak at ginulo-gulo ang buhok nito saka nagsalita, "Baby, I think mama would spent a lot of time to focus on herself. Maybe, she needs time to relax her mind alone. Pero 'wag mo sanang isipin na hindi ka na niya mahal. And someday, you'll understand why our family could end up like this." "Apo, 'wag kang mag-alala kung wala man ngayon ang mama mo, nandito naman kami ni mamito, e," wika ni Mrs. Madrigal sa apong si Angelie. At doo'y nakangiting sumalubong ng yakap sa kaniyang lolo't lola si Angelie. Gelo was smiled. And a little bit wondering. Because of what happening right now, Gelo is confidently say that Elle would not easily giving up to change. Lalo pa't malakas ang paninindigan nito sa sarili na manatiling asawa niya. And despite from being confident, it's the same thing to be his greatest fear for Elle's response in case of the petition for annulment. Dahil hindi pa man dumadating ang araw na iyon ay batid na niyang hinding-hindi siya nito hahayaang maging malaya. Subalit, bago pa man matapos ang araw ay ginawa niya ang isang bagay na ayaw niyang makaligtaan-- ang suyuin si Deina. "Gelo, anak, saan ka pupunta?" Tahimik na ang buong bahay nang madatnan siya ni Mrs. Madrigal na bihis na bihis at mukhang may lalakarin. "Ma, I need to fix something." Tipid itong napabuntong hininga. "'Wag mong sabihing tungkol kay Elle na naman 'to." "No, mama. It's all about Deina." Doon bahagyang napakunot ang noo ng kaniyang ina. Bagay na nagbigay dahilan naman sa kaniya to tell his reason. "I've been a lot of feelings today but still my heart would not be contented if the one I really love is mad at me." Pagkasabi niya no'n ay hindi niya inaasahan na bahagyang ngumiti ang kaniyang ina. "Seryoso ka ba talaga sa babaeng 'yon? O baka naman napi-pressure ka lang na makahanap agad ng tatayo ring ina ni Angelie balang araw." "Ma, yeah, I'm serious for Deina. Pero hindi naman ako pressure sa mga ganitong bagay, I knew in myself na bago ko pa man siya piliing mahalin ay malaya ang puso ko na magmahal. Ma, you would not understand why I'm feeling this, but I guess your right, someday, Angelie would recognize Deina as her mother, and of course together with our future kids. Ma, I can't wait that moment to happen. And please, sa dami ng kinakaharap kong problema ngayon, ay sana, 'wag mo naman akong pigilang maging masaya." Napatango si Mrs. Madrigal at tanging yakap ang naging kasagutan nito sa kaniya. At nang maghiwalay sa yakap ay saka nito sinabi, "Mag-iingat ka, anak. Basta, kung saan ka masaya ay masaya na rin ako." "Salamat, ma." Kinalaunan ay ginawa nga niya ang nararapat gawin. Kung saan ay dumiretso siya sa apartment ni Deina na inaasahan niyang doon ito matatagpuan. Subalit no'ng oras na ginalaw na niya ang door knob ay gulat siya nang marinig ang boses nito mula sa likuran. At hindi niya inaasahan ang seryosong tingin nito sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito? Gabi na." "E, ikaw? Anong ginagawa mo sa labas?" tanong niya at doon niya lang napansin na nakasakbit pa rin sa balikat nito ang shoulder bag. "'Wag mong sabihing, kauuwi mo lang?" "O, bakit? Ikaw lang ba ang p'wedeng magsaya? I still have my own life, Gelo." Napapiyok ito pagkasabi no'n at doon niya lang napuna ang humahalimuyak na dulot ng alak. "Nakainom ka," kalmadong aniya. Subalit sinamaan lamang siya ng tingin ni Deina. At doon niya lang nakita ang tunay na nararamdaman nito sa mga sumunod nitong naging salita, "Ano bang pakialam mo? 'Di ba hinayaan mo lang akong maghintay sa wala? Na mas inunawa ko na mas kailangan ka ng pamilya mo! Gelo, ilang beses-- ilang beses lang naman akong nagparaya. At hanggang sa kahit minsan na 'yon na dapat ay masaya tayo ay nagparaya pa rin ako." Ramdam niya ang sakit sa bawat salitang sinabi nito. Lalo na nang makita niya ang namumuong luha sa mga mata ng nobya. Ngunit wala siyang ibang nasabi at sa halip ay yakap ang nagsilbi niyang kasagutan dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD