Chapter 32- Barrier Over Demands

2590 Words
HINDI INAASAHAN ni Elle ang madadatnan niya kinabukasan. She have still a hang over about yesterday-- kung paano siya dalawang beses na ipagtulakan ni Gelo at kung paano nito iparamdam sa kaniya na wala na talagang pag-asang maibalik ang lahat. Subalit, nang mamataan niyang katabi nitong matulog ang anak sa k'warto ay tila nahabag ang puso niya. 'Cause she never thought that he could spend his time to his daughter at all cost. Na kahit hindi man sa kaniya nito ilaan ang atensyon at oras ay sigurado siyang kahit kailan ay hindi nito matitiis ang anak. Nang bumaba siya sa may kitchen ay nadatnan niyang nagluluto ng almusal si Aleng Ester. Subalit nagtaka naman siya dahil sobrang dami nang iniluluto nitong ulam at fried rice. "Aleng Ester? Bakit ang dami naman po yata nang iniluluto mo para sa aming tatlo?" Inaasahan niya na kasi na sasabay sa kanilang mag-almusal ngayon si Gelo gayong dito ito muling nagpalipas ng gabi. "Ay, ma'am. Katatawag lang po ng biyenan mo na bibisita raw po sila ngayon dito." "O, so, alam na ba ito ni Gelo? And tumawag na ba sila mama na on the way na sila?" paniniguro niya. "Opo, ma'am, katatawag lang. Bale, ako po ang nakasagot kanina sa mismong cellphone ni Sir Gelo kaya hindi pa po siguro alam ni sir ang tungkol dito." Pagkarinig no'n ay saka siya may naisip na paraan para hadlangan ang komunikasyon nito kay Deina. In fact, all she want is to make sure that today would be their special day as a family. "Where is his phone?" "Ahm, inilapag ko po roon sa may ibabaw ng cabinet, ma'am, natakot na po kasi akong ibalik sa bulsa ni Sir Gelo kasi baka magising siya." "Okay. I'll get it." Pagkasabi niya no'n ay umakyat na siya sa k'warto at nagtungo sa k'warto ni Angelie. At saka niya kinuha ng walang paalam ang cellphone ni Gelo sa ibabaw ng cabinet. Saktong mahimbing pa rin ang pagkakatulog ng kaniyang mag-ama kung kaya't malaya siyang sinilip ang nilalaman ng cellphone ni Gelo. Subalit tila kumulo na naman ang dugo niya nang makitang maraming missed calls at texts si Deina rito. Lalo na ang huling mensahe nito na lalong nagpakulo ng dugo niya. "Gelo, good morning. Saan ka nagpalipas ng gabi? Akala ko kasi ay babalik ka pa kagabi kaya napuyat ako kahihintay sa'yo. Nalulungkot lang ako kasi hindi na naman kita nakasama ng matagal kahapon, Gelo.. pero ang sabi mo ay babawi ka ngayon 'di ba? naman ay makasama kita ng matagal ngayon dahil rest day mo naman." Halos maibato na niya ang cellphone sa inis. Dahil sa tingin niya ay humahati pa itong si Deina sa atensyon at oras. "Magdusa ka sa kahihintay!" inis na bulong niya sa sarili. At saka nagawang magtipa na kunwari ay siya si Gelo para sabihin ang mga katagang iyon. "You don't have to expect for me today, Deina. I'm with my daughter and Elle, perhaps, it would be a great day for us as a family." Sigurado siyang iiyak sa kalungkutan itong si Deina habang siya naman ngayon ang magdidiwang sa kasiyahan, dahil sa muli ay siya ang piniling makasama ni Gelo ngayong araw. Samantala'y nakarating naman agad kay Deina ang mensahe na iyon. At pagkabasa pa lang niyon ay namayani na sa kaniya ang lungkot. Hindi niya alam kung paano pa mas lalawakan ang pang-unawa sa sitwasyon gayong para siyang pulubi na namamalimos ng oras sa nobyo. Kung saan ay kailangan niyang pagtiisan kung kailan lang ito p'wedeng makasama. Umaasa siyang makakasama ito at babawi sa nangyaring aberya kahapon dahil resy day naman nito. Kaya naman laking gulat ng kaniyang mga kasama na pumasok pa rin siya sa work. "O, Deina, akala ko ba ay rest day mo ngayon?" pagsalubong sa kaniya ni Ted nang magtungo siya sa may employee's room. "Ahm, wala namang dahilan para mag-rest day ako, e. Isa pa ay baka balutin lang ako ng kalungkutan." "Asus! Baka naman may problema lang kayong dalawa ni Gelo. E, sandali, akala ko ba ay doon siya nag-sleep over sa apartment mo?" Doon siya bahagyang nakaramdam ng lungkot. "Iyon nga, e. Doon sana siya matutulog ang kaso ay may nabalitaan siya kay Elle na nagpakalasing daw ito sa isang resto bar. Siyempre, hindi naman gano'n kawalang pake si Gelo para hayaan na lang doon si Elle. Kaya, nagpaalam siyang ihahatid lang ito pero iyon, hindi na nakabalik. Tapos ang masakit pa, umasa akong babawi siya ngayon sa akin, pero ayon, mukhang family day nila kaya malabong makasama ko siya. Sino ba naman ako para umangal, 'di ba?" "Sino ka? Gaga, siyempre ikaw itong girlfriend, girl. At ex-wife lang itong si Elle. Saka karapatan mong makasama si Gelo, saka hello? Family day? E, hiwalay na nga sila. Siyempre, kung magba-bonding man sila as family ay para na lang iyon sa bata. E, baka naman kasi hinarangan na naman nitong malditang si Elle ang araw na dapat ay magkasama kayo, alam mo naman 'yon, hiwalay na nga sila ni Gelo ay nagde-demand pa rin ng oras para sa kaniya." "Hayaan mo na, Ted. Hahayaan ko na lang muna siya. Basta ako ay magpo-focus na muna ngayon sa trabaho. Saka sasabihin ko na lang din kay Sir Ferdie na magchi-change rest day na lang ako bukas." "Hay naku, girl, hindi na healthy ang relationship n'yo, e. Kaya dapat talaga ay tuluyan nang ma-annulled 'yang si Elle kay Gelo para matigil na rin ang mga demands niya. Kaloka!" - Hindi inaasahan ni Gelo na mataas na ang sikat ng araw nang magising siya habang mahimbing pa rin na natutulog si Angelie. Pagkagising lamang ay cellphone niya na kaagad ang kaniyang hinanap dahil sa nagtaka siyang hindi ito nakapa sa kaniyang bulsa. Hanggang sa makita niya ito sa ibabaw ng cabinet. "Paano napunta ito rito?" Because of wondering, he suddenly check his phone if there are missed calls and texts from Deina. Pero halos masapo niya ang sariling noo nang makitang wala namang missed calls at texts na bumungad sa kaniya. Bagay na ipinagtaka niya dahil karaniwan niyang nabubungaran ang missed calls at texts nito sa umaga lalo na sa tuwing rest day niya. Doon siya nagtaka kung kaya't agad siyang lumabas ng k'warto upang kwestyunin si Elle. Doo'y nadatnan niya ang dating asawa na tumutulong sa paghahanda ng pagkain sa may lamesa si Aleng Ester. "Elle, pinakialamanan mo ba ang phone ko?" walang intro-introng pagkakatanong niya rito. Napalingon naman sa kaniya si Elle ngunit boses ni Aleng Ester ang narinig niya, "Ay, Sir Gelo, ako po pala ang gumamit ng cellphone mo, dahil ako po ang nakasagot sa tawag ng mama't papa mo." Pagkarinig no'n ay napawi ang kaniyang pagdududa kay Elle. Bagay na ikinaluwag naman ng pakiramdam ni Elle dahil nakalusot ito sa kalokohang ginawa. Out of Gelo's notice, na nagawang burahin ni Elle ang call history at maging ang mga latest texts ni Deina, gayundin ang reply ni Elle sa text ni Deina. "Gano'n ba, so, may sinabi ba sila?" "Opo, Sir Gelo, ang totoo po niyan ay bibisita sila rito, kaya sasabay po sila sa almusal." Pagkasabi no'n ni Aleng Ester maya-maya lang ay tumunog na ang door bell. "O, I think, sila mama na 'yan, they already here." Narinig niyang wika ni Elle. Kaya naman ito na ang nagmadaling sumama kay Aleng Ester para magbukas ng gate. Habang ang puso't isip niya naman ay nagtatalo dahil sa pangako niya ngayon kay Deina na maaaring mapako. Kaya naman hindi niya maiwasang mapahilamos sa sarili. "s**t! Bakit ngayon pa?" Maya-maya pa'y namataan na niya ang pagpasok ng kaniyang magulang na halos matagal na panahon niya ring hindi nakasama. Sina Mrs. Angelou Madrigal at Mr. Evan Madrigal. Bagama't nakausap niya ito noong humingi siya ng permiso sa annulment kay Elle at pagtanggap sa relasyon nila ni Deina. "Ma, pa, mabuti at nakabisita po kayo," masiglang pagsalubong niya sa mga ito. Habang nanatili lamang na nakangiti si Elle. "Ah, ang sabi ko kasi kay papa mo, kahit isang araw naman ay magpahinga na muna kami sa pagtitinda para makabisita rito," k'wento ng mama niya. "Mabuti nga at mabait ang nasakyan namin kaya naka-discount kami sa pamasahe," k'wento naman ng kaniyang ama. Bahagya siyang hindi natuwa sa narinig. "Pero sana ay sinabi n'yo sa akin kahapon na bibisita pala kayo ngayon, para naman nasundo ko kayo at nang nakatipid kayo sa pamasahe," aniya. "Hindi na, ayos lang, anak. Balak talaga namin ang sorpresahin ka at ang aming apo," wika ni Mrs. Madrigal na bahagyang ikinatampo ni Elle. Inaasahan nitong kasama sa dahilan ng parents ni Gelo sa dahilan nang pagbisita. Pero pinili na lang na manahimik nito kaysa ang magsalita. "Sandali, nasaan pala ang aming apo?" pag-iiba ng usapan ni Mr. Madrigal. "Ay nasa k'warto pa po, sir, sandali po ay gigisingin ko," sagot ni Aleng Ester na ikinatango nila. "O, siya, sumabay na kayo sa aming kumain, ma, pa," wika niya. At ilang sandali pa ay pumulupot ang kamay ni Elle sa braso niya. Doo'y inaasahan niyang makita ang pagtataka sa mga mata ng kaniyang magulang. "O, ma, pa, bakit parang bago po sa inyo ang pagiging sweet naming mag-asawa?" tanong ni Elle na bahagya lamang ikinangiti ng magulang ni Gelo. "Wala naman, Elle, nanibago lang kami. Last time kasi n nagpunta ka sa bahay ay sabi mo, may problema kayo ng anak ko," paliwanag ni Mrs. Madrigal na maliwanag pa sa buwang tinanggap ni Elle dahil na rin sa minsang pagmanipula niya sa mga isip nito. Gayong lingid pa sa kaalaman ni Elle na nakarating na sa kaalaman ng mga ito ang kanilang annulment pati na rin ang ugali niyang hindi kanais-nais kung kaya't naapektuhan nito ang kanilang pagsasama. In fact, the main reason why they planned to visit was their reaction upon Gelo and Elle's separation. Maya-maya pa'y napalitan ng ngiti ang seryosong usapan na 'yon nang matanaw ng mag-asawang sina Mrs. Angelou at Mr. Evan Madrigal ang pagdating ng kanilang apo. "Apo, mabuti at gising ka na!" masiglang salubong dito ni Mrs. Madrigal na para kay Elle ay malaking bagay para sa kaniyang in laws ang kanilang anak ni Gelo. Bagay na nagiging dahilan din para tuluyan pa siyang tanggapin sa pamilya. "Mamita, mamito!" masiglang salubong din nito matapos bumitiw kay Aleng Ester. Nang magkakaharap na sila sa almusal ay hindi maiwasang magbukas ng usapan ng mag-asawang Mr. & Mrs. Madrigal. Pero dahil nasa harap nila si Angelie ay piniling gawing smooth ni Mrs. Madrigal ang usapan, "Gelo at Elle, ano ng plano n'yo ngayon sa darating na birthday ni Angelie, gayong pina-process na ang inyong annulment?" Doon nakita ni Gelo ang pagtataka sa mga mata ni Elle. Marahil ay hindi nito inaasahan na alam na ng kaniyang magulang ang tungkol sa annulment. "Ma, Gelo and I have already talked about it. Kung saan ay kumpleto kami sa araw na iyon." "So, alam na pala ni Angelie ang tungkol sa--" "Ma, it is not necessary to mention it sa harap mismo ni Angelie," katwiran ni Elle na tila hindi nagustuhan ng mag-asawa. "Elle, please stay calm," pagpapaalala niya rito. Kung kaya't nanamihik na rin si Elle. Saka siya nakiusap kay Aleng Ester na dalhin na muna sa playground si Angelie dahil tapos na rin naman itong kumain. At pagkaalis lamang nina Aleng Ester at Angelie ay saka siya muling nagsalita, "Anyway, ma and pa, gusto ko sanang humingi ng permiso sa inyo na kung p'wede bang mag-stay na muna kayo rito hanggang sa dumating ang kaarawan ni Angelie?" Doon napakunot ang noo ni Elle, bagama't mas magiging pabor dito na nasa puder ang in law dahil sa pag-aakalang magiging pabor din sa mga ito na magsama pa rin sila sa iisang bubong. In fact, it has five days left before Angelie's birthday. And five days would be kinda a long time to feel a whole and happy family again. "Gano'n ba, anak, pero paano naman ang negosyo namin ng papa mo?" "Ma, 'wag po kayong mag-alala dahil babayaran ko ang pag-i-stay n'yo rito, para na rin maka-bonding ninyo palagi ang inyong apo habang wala ako." "At saan ka naman pupunta?" tanong agad ni Mrs. Madrigal. Bagay din naman na nais itanong ni Elle. "Ma, pa, alam n'yo naman na simula nang i-process ang annulment namin ni Elle ay hindi na kami p'wedeng magsama sa iisang bubong. At hindi rin naman magtatagal ay dito na rin kayo titirang dalawa, kasama sina Deina at Angelie. Kapag naging maayos na ang lahat." Sandaling nagkatinginan ang kaniyang magulang sa sinabi niya. Subalit anong pangbabastos ang plano niya para kay Elle. Gayong sa pag-aakala nito ay may karapatan pa rin itong manatili sa bahay nang dahil sa anak nilang si Angelie. Kaya naman sa puntong iyon ay lumabas mismo sa harap ng magulang niya ang hindi kanais-nais na ugali ni Elle. Dahil nagawa nitong hampasin ang lamesa sa inis. "How could you do this, Gelo? At may plano ka pa talagang itira rito ang kirida mo!" "Elle, p'wede bang kumalma ka lang?" pagpapaalala rito ni Mr. Madrigal. "Pero, pa, nakakabastos naman kasi, saka, I never thought na kampi na pala kayo sa kirida niya? Papayag na lang ba kayo na sila ang magsamang tatlo? Paano naman ako? Ako ang tunay na ina ni Angelie!" "Elle, wala kaming kinakampihan o pinapanigan, sinusuportahan lang namin si Gelo sa kung anong alam niyang paraan na mas makabubuti. Saka, kahit hiwalay na kayo ng anak ko ay hindi ka naman paaalisin dito dahil ikaw pa rin ang ina ng apo namin, 'di ba, Gelo?" wika iyon ni Mrs. Madrigal. "I don't care, ma. Hindi dapat ma-approve ang annulment dahil simula't sapul ay kami naman talaga dapat ni Gelo, e. Kung hindi lang umeksena ang babaeng 'yon!" Sukdulan na sa inis at galit ang nararamdaman ni Elle para kay Deina. Isabay pa ang pagsang-ayon ng magulang ni Gelo sa kagustuhan nito. Knowing it seems that she has been collaborating between two sides. At masakit para kay Elle na kahit saang parte ay talo siya. "Elle, why you just can't give me what I want? Na kahit naman hiwalay na tayo ay hinding-hindi ko ipagkakait kay Angelie ang isang masaya at buong pamilya. Magiging malaya ka pa ring makakalabas pasok dito sa bahay kapag dumating ang araw na 'yon." "Gelo, how many times do I have to beg you na itigil mo na ang annulment?" maluha-luhang wika ni Elle na nagpatahimik naman sa mag-asawa. Pansin na ng mga ito na tumataas na an tensyon sa pagitan nila. "Elle, how many times do I have to tell you na wala na tayong pag-asang dalawa. I know all my faults, and knowing you, Elle, hindi ka basta-basta nagpapatalo. You're so unfair, ikaw ay p'wedeng manglalaki habang sa akin ay napaka-big deal sa'yo ang pakikipagrelasyon ko kay Deina? And just how I said to you last night. How could you blame me from all my mistake that I did if you do the same thing for me?" "Tama si Gelo, Elle, hindi sa pinapanigan ko siya. Maayos niya namang tinapos ang relasyon n'yo bagama't batid niya ang kaniyang naging kasalanan sa inyong pagsasama. At sana naman sa paraang 'yon ay palayain mo na siya, Elle. Igalang mo naman kaming magulang niya." Sa puntong iyon ay tila hindi na kinaya ni Elle ang mga paratang sa kaniya. Sobrang bigat sa dibdib niya ang nangyayari. Tipong walang nakakaitindi sa kaniya. Kaya naman kahit mahirap ay lumayas ito ng bahay ng walang paalam. Bahala na kung saan siya napadpad. At ang pag-alis niya ay lalong ikina-disappoint ng magulang ni Gelo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD