Chapter 31- Encounter with Elle's Mistress

2269 Words
MATAPOS ANG naging sagutan nina Elle at Gelo sa mismong apartment ni Deina ay nagawang magpakalasing ni Elle sa isang resto bar. Sa ilang oras na pamamalagi niya sa resto bar ay ramdam niyang may tama na siya ng alak. Kaya naman tinawagan niya ang numero ng best friend na si France. Ngunit sa puntong iyon ay ring lang ng ring ang numero nito. Out of her knowing na nasa isang bakasyon si France ngayon kasama ang boyfriend nito. Hanggang sa sinabi niya na lang ang mga katagang nais niyang sabihin upon voice record at nagawa iyong i-send sa chat as audio clip. "France, I'm in Benito's Resto Bar here in Quezon City. I need your help to fetch me home. I was drunk.." Nakarating din naman agad kay France ang audio clip na iyon. Kaya sa puntong iyon ay hindi namalayan ni Elle na naka-hang lamang ang linya nang magawa siyang tawagan ni France. "Hello, Elle, what's going on?" tinig ni France mula sa kabilang linya, subalit hindi naman na narinig iyon ni Elle dahil lingid dito ang pagtawag niya na aksidente rin naman nitong nasagot. Maya-maya pa ay narinig niya mula sa kabilang linya ang boses ng isang lalaki. "Hey, miss, wanna have a good time with me?" Samantala'y hindi naman nakaligtas sa kapreskuhan ng isang lalaki si Elle gayong first time lamang nitong lumapit sa kaniya. Wari ay naakit ito sa kaniyang kagandahan at sa maputi at sexy niyang pangangatawan. Sa sobrang pag-aalala sa kaibigan ay hindi na siya nagdalawang isip na tawagan si Gelo, pero hindi nito nagawang sumagot kaya itinext niya na lang din mismo rito ang bar na kinaroroonan ni Elle. Subalit wala man lang itong response kaya hindi na niya inaasahan na darating pa si Gelo. At para kay France ay isa lamang iyong dahilan para magawa niyang tawagan si Jeremiah ng mga oras na iyon, gayong ito na lang ang naisip niyang p'wedeng maghatid kay Elle pauwi gayong hindi rin naman siya p'wede para puntahan ang kaibigan, dahil nasa malayong lugar siya. Kaya sa puntong iyon ay katawagan na ni France si Jeremiah habang patuloy naman ang engkwentro ni Elle sa estrangherong lalaki. "Who are you to be my one night stand? Isang lalaki lang ang gusto kong makasiping sa kama at asawa ko 'yon." Tila hindi nagpaapekto ang lalaki sa sinabi niya pero nagawa nitong dumistansya muna sa kaniya hanggang sa makainom pa siya ng isa pang bote. Saka niya tinawag ang waiter at humirit pa rito ng isang bote. "One more bottle of vodka please.." "Pero, ma'am, mukhang hindi n'yo na po kaya ang kalasingan n'yo, wala ka po bang kasama?" nag-aalalang tanong ng waiter subalit hindi naman naiwasang marinig iyon ng estrangherong lumapit sa kaniya kanina at nahalata nito na lasing na siya kaya mas sinamantala nito ang pagkakataon para magpakilalang kakilala niya at para na rin makuha siya. "Excuse me," wika pa nito sa waiter. "Sir? Ahm, kakilala ka po ba ni ma'am? Lasing na po kasi siya, e." "Ah yeah.. she's my girlfriend," pagkukunwari pa nito. Kaya naman naging kampante ang waiter na iwan si Elle sa lalaki. Subalit pagkaalis lamang ng waiter ay nagawa itong itulak ni Elle mula sa pagkakaakbay sa kaniya. "Who are you to keep pretending that I'm your girlfriend?" "It's not important, pero, miss, lasing ka na, so please let me to take you in a room." Doo'y malaya nitong ikinalong siya sa mismong balikat nito subalit sa puntong iyon ay bigla naman dumating si Jeremiah dahilan para pagsusuntukin nito ang lalaki. Hindi naman maiwasang mag-alisan ng ilang customer na kumakain nang patalsik doong tumumba ang estrangherong lalaki. At kahit lasing na ay naaninag ni Elle ang lalaking sumuntok sa estrangherong lalaki. Ang lalaking hindi niya inaasahang magliligtas sa kaniya. "J-jeremiah.." Agad siyang sumalubong ng yakap dito, bagay naman na lihim nitong ikinasiya. "Halika na at umuwi na tayo," wika ni Jeremiah na halatang sobra ang pag-alala sa kaniya. "Pero paano mo nalaman na nandito ako?" takang tanong niya. At sa halip na sagutin siya ni Jeremiah ay maingat lamang siyang ipinasan nito mula sa likuran. "Kumapit ka lang ng maayos, Elle.." pagpapaalala pa nito. Hanggang sa suyurin na nito ang daan palabas ng resto bar. Pero hindi pa man siya tuluyang naisasakay sa kotse ni Jeremiah ay natigilan ito nang bumungad sa kanilang harapan si Gelo. At kung anong kalmado si Jeremiah nang rumescue kay Elle ay siyang malakas na tinig naman ang ibinungad nito sa dating asawa. Habang makikita ang gulat sa mga mata ni Jeremiah gayong batid nitong asawa ni Elle ang bumungad sa kanila. "What's really going on you, Elle? I thought that you went home after our conversation?" Pero dahil sa kalasingan ay hindi na nagawang suklian pa ng katwiran ni Elle ang inis na nararamdaman ngayon ni Gelo. Kaya sa puntong iyon, habang akay-akay si Elle ni Jeremiah ay natuon ang atensyon dito ni Gelo. "And you, who are you? Ikaw ba ang lalaki niya?" Kaya nang sandaling iyon ay matapang na hinarap ni Jeremiah. Matapos niyang iwan sandali si Elle mula sa kinatatayuan. "Paano kung sabihin ko sa'yong oo? At ikaw, ikaw pala ang huling nakasama niya pero bakit hindi mo man lang siya nagawang ihatid?" Sasagot na sana si Gelo nang hindi nila inaasahan pareho ni Jeremiah ang sasabihin ni Elle, "B-bakit niya naman ako ihahatid kung kasama niya ang kabet niya?" Kaya naman sandaling natuon kay Elle ang masamang tingin ni Gelo habang nanatili naman ang tingin ni Jeremiah sa kaniya. "Iyon naman pala, e. Fair lang kayong dalawa, may kabet ka at may kabet din siya," wika ni Jeremiah na nagpagulat sa kaniya. "O, ba't parang nagulat ka? Hindi ka ba aware na may namamagitan sa amin? O baka hindi ka rin aware na hindi lang isa o dalawang beses na may nangyari sa amin habang malaki ang pagkukulang mo sa kaniya bilang asawa." Tila napikon naman siya sa sinabi ni Jeremiah hinggil sa kaniya. "Aba'y g*go ka, hah." Mabilis pa sa alas kwatrong sinuntok niya ito sa panga. Na hindi rin naman naiwasang gumanti ni Jeremiah, kaya nagpalitan ang dalawa ng suntok. At sa puntong iyon ay pilit silang inawat ni Elle sa kabila ng kalasingan nito. "Ano ba, Jeremiah, Gelo, tumigil na kayo!" Natigilan sila pareho sa malakas na sigaw ni Elle. At hindi rin naman naiwasang hatakin ni Gelo si Elle palapit sa kaniya. "Halika na, ihahatid na kita pauwi, kailangan ka ng anak natin." "Ayoko, Gelo. Hindi ako uuwi!" pagmamatigas pa ni Elle. At siya namang sali sa usapan ni Jeremiah na ngayo'y iniinda pa rin ang sakit ng pangang nalapatan ng suntok. "Oo, hindi uuwi si Elle, dahil sa akin siya uuwi," preskong anito. "No, of course hindi ako sasama sa'yo, Jeremiah.." wika ni Elle na nagpatigil din dito. Saka nito binalikan ng tingin si Gelo. "W-wala akong pipiliin sa inyong dalawa na samahan, I can manage myself to go home," anito at pinilit maglakad kahit paingka-ingka na. And knowing Gelo, ay hindi naman siya ganoon kasama para hayaan na lang ang dating asawa na umuwing mag-isa. Yes, he still care aboit her despite of everything. Kaya sa puntong iyon ay naging kalmado na siyang kausapin si Jeremiah. "Jeremiah, please.. let me to take her home," pakiusap niya. "I'm still her husband," sabi pa niya kahit ayaw niya na sanang isipin ang katotohanang iyon. Given the fact that he was more trusted himself than this man. Nang sila na lamang dalawa ang magkasama ay pasimple niyang pinapasadahan ng tingin si Elle. Hindi niya maiwasang ma-guilty sa sarili gayong pakiramdam niya'y siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ito. Na mas pinili niyang sirain ang isang pamilya kaysa buuin ito. Hanggang sa maihatid niya na ito at siya na rin ang nagdala kay Elle sa may k'warto. Nanatili siyang tahimik habang ito'y pinagmamasdan. Pero ilang sandali pa ay tila nahimasmasan siya nang makitang idilat ni Elle ang mga mata. "O, why are you here? Hindi ba dapat ay doon ka dumiretso sa kirida mo?" Kahit lasing na ito ay tila nasa tamang katinuan pa rin si Elle para sabihin 'yon. Of course, he expected those words from her. "And why do you blaming me from the sin that you did the same thing?" ganting tanong niya rito. Dahilan para bahagyang mapaawang ang labi nito at hindi nakapagsalita. "Sinisisi mo ako sa kasalanang ginawa ko, gayong ikaw din naman itong kumakabet sa iba." Napabuntong hininga pa siya matapos maalala si Jeremiah na kanina niya lang nakilala, personally. "Matagal ko nang alam na may iba kang kinakamang lalaki, Elle, at hinayaan ko 'yon dahil alam kong malaki ang pagkukulang ko sa'yo bilang asawa at alam ko na roon ka sasaya. Pero hindi ko naman alam na kina-career mo talaga ang pangangabet habang sinusuyo mo akong itigil ang annulment. How pathetic you are, Elle. Why would you trying to make everyone feel sympathy about you without knowing them that you did the same thing for me?" Doon tuluyang napabangon si Elle habang nakatingin sa kaniya. "Paano ko naman hindi gagawin 'yon kung hindi mo maibigay sa akin ang bagay na gusto ko. Na kahit puso mo nga ay hindi mo na maibigay sa akin. Dahil ano? Selfish ka, Gelo. You can't understand my moodswings, and even all my reasons why I chose to be cold sometimes. Ni hindi ka man lang nga nag-effort para tanungin ako. Or kumustahin ako sa isang araw. Lahat ng 'yon ay hinanap ko sa'yo as my husband. Tipong magkasama nga tayo at magkatabi gabi-gabi pero parang ang layo-layo mo." Hindi siya nakapagsalita. At inaamin niya ang kakulangan niya noon bilang asawa. Pero masama bang magpakatotoo lamang siya sa nararamdaman? Na simula nang maikasal sila ay napawi na lang ang pagmamahal niya sa isang Elle Agustin? "I admit all my faults, Elle. But you can't blame me from not loving you since we got married. I gave you an option, na p'wede ko pa rin naman panagutan ang bata kahit hindi muna tayo ikasal. But you made a sudden decision na hindi ko alam. Kung saan ay hindi na naiwasang mangialam ng parents mo. Kaya kahit ayaw ko pang maikasal no'n sa'yo ay no choice ako dahil tiyak na magagalit din sa akin ang parents mo." "Ang sakit, Gelo. Alam mo ang pinagsisihan ko? Na sana ay mas pinili ko no'n ang pangarap ko over you. Hindi ko sana ibinuhos lahat ng pagmamahal at atensyon ko sa'yo, edi sana-- hindi ako ganito ngayon. Edi sana-- may sarili na rin akong business katulad ni Ate Gail. At alam mo ba ang mas masakit? Was the moment that whenever I compared from Ate Gail, it seems like she's the most favorite daughter. Noon pa man ay alam kong si Ate Gail na ang pinakamagaling para sa kanila, si Ate Gail 'yung may honor, si Ate Gail 'yung board passer, at si Ate Gail ang naging successful. That's why all the love that she got ay madali niya lang nakuha sa parents ko. Ni hindi ko nga naranasan na makitang proud sa akin sila mommy. Pero alam mo kung ano ang mas masakit pa sa masakit? 'Yung taong pinangarap ko, 'yung taong minahal ko ng buong-buo at inasahan kong tatanggap sa buong pagkatao ko ay pag-aari na ng iba." Lulan ng luha ay mas sinentro pa siya ng tingin ni Elle. "May mahal na siyang iba." "I'm sorry. Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi mo na maibabalik ang dati! Iba na ang ngayon, si Deina na ang mahal ko at alam kong mahal din ako. Sa kaniya ako tunay na masaya." "Ni minsan ba ay hindi ka naging masaya sa akin?" Anong sakit ng mga katagang iyon para kay Elle. Bagay na ikinatahimik niya. "Hindi mo na kailangang sagutin, dahil alam ko naman na simula nang mapilitan kang pakasalan ako ay doon na nawalan ng direksyon ang buhay mo. It seems like I'm a mess with you. Na kung hindi lang dahil kay Angelie ay hindi mo ako ituturing na asawa no'n. And now, do you think that I'm contented to see you here? Of course not, 'cause I want you back.. I want us back, Gelo. At masakit sa aking isipin na sa maikling panahon ay mahal na mahal mo na si Deina. Kaya nga nasasaktan ako kapag kasama mo siya, e. Nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong masaya-- and the same thing na ayoko ring makita. Na parang ako pa 'yung nagmukhang kabet dahil sa pagiging uhaw ko sa atensyon at pagmamahal mo!" "Iyon na nga, e. Bakit mo pa kasi pinipilit, Elle? let me to be happy with Deina. Minsan lang kaming maging masaya, e, pero ipinagkakait mo pa. Alam mo bang nangako ako sa kaniya na roon ako matutulog sa apartment niya para samahan siya. Pero dahil ibinalita sa akin ni France na lasing ka ay doon pa lang, hindi ko na maiwasang mag-alala. Kaya kahit labag sa puso ko na makita ang lungkot sa mga mata niya ay pinuntahan pa rin kita. Paano na lang kung may masamang nangyari sa'yo? Ganiyan ka na dati, e. Mag-iinom ka mag-isa sa tuwing may problema tayo, without knowing about my feelings, you are lack from understanding, Elle, and that's my biggest problem about you. Even before na okay pa tayo. Until now na hiwalay na tayo." Matapos marinig ang mga katagang iyon ay hindi na nagawa pang makapagsalita ni Elle, sa halip ay niyakap lamang nito ang sariling kalungkutan ng mga oras na 'yon. Habang si Gelo ay kusa na lang umalis sa k'warto at sinilip sandali ang mahimbing na natutulog nilang anak na si Angelie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD