Chapter 30- Trouble

1518 Words
"ARE YOU sure that you don't want me to stay here, kahit ngayon lang?" Iyon ang mga katagang itinanong sa kaniya ni Gelo matapos nilang kumain sa labas. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa may salas kung saan ay tanging monoblock chair lamang ang nagsisilbi nilang upuan dahil sa kakulangan pa ni Deina ng gamit. At dahil hindi naman schedule ngayon ni Gelo para bisitahin ang anak ay nag-request itong samahan muna siyang matulog sa apartment. "Ahm, hindi naman sa ayaw ko, Gelo. Pero kasi, hindi ko lang maiwasang isipin na kailangan mo rin ng oras sa sarili mo. I know na sa sitwasyon na 'to ay ikaw ang mas nahihirapan. You have to balance everything, pero sarili mo ay hindi mo naman na magawang intindihin." Gelo has embrace his arm to her, dahilan para maramdaman niya ang init ng mga bisig nito. And say, "You don't have worry about me, Deina. Kahit anong mangyari ay ako pa rin ang dapat managot sa naging kasalanan ko kay Elle, which I could not forget my responsibility from our daughter." Doo'y nagawa nitong ipaharap ang mukha niya nang hindi naghihiwalay ang yakap nila sa isa't isa. Animo'y ang mga mata nila ay nagkakasundo na pagmasdan lamang ang kabuuan ng kanilang mukha. At habang magkatitigan ay nagsalitang muli si Gelo, "Walang ibang dapat sisihin sa sitwasyon na 'to kundi ako, I once lose my promise for a marriage that I'm not used to be happy. I chose you, Deina over Elle. Kaya sanay na ako sa sitwasyon na ganito, na hangga't hindi pa maayos ang lahat ay magtitiis akong magsakripisyo para lang makasama ka. And please, let me do this for the sake of my own happiness, 'cause everytime I'm with you has serve as my rest from all of my frustrations and sorrows." Doo'y napatango si Deina habang tipid na nakangiti. Saka nila malayang pinagsalubong ang labi upang pagsaluhan ang isang dalisay na halik. In fact, Gelo has intend to make her believe that the sincerity of his heart to be with Deina was genuine. For some cases, Elle has still trying to convince herself that everything would be possible. At ngayong uhaw na siya sa pagkakataon para magkabalikan silang muli ni Gelo ay handa niyang gawin ang lahat, even if she exceed from limitation. Kaya naman nagawa niyang sumunod kina Deina at Gelo kung saan ay nalaman niya kay Claudine na magkasamang muli ang dalawa. Naging sunud-sunuran siya ngayon habang nasasaksihan kung gaano kamahal nina Gelo at Deina ang isa't isa. Given the fact that she's hurting and guilty secretly. Dahil kasalukuyan siyang nagtatago sa likod ng pader na malapit lamang sa pinto ng mismong apartment ni Deina. Kaya naman malaya niyang nakikita ang dalawa dahil nagkataong bukas pa rin ang pinto. "Gelo, sigurado ka bang dito ka matutulog?" Nakita niyang napatango si Gelo. "Sige, pero dahil wala pa akong sofa ay doon ka na muna matutulog sa kama." Malinaw niyang narinig ang mga katagang iyon na nagdulot lalo ng galit sa kaniya. "Hindi p'wede mangyari 'to, sa akin lang dapat si Gelo, ngayong gabi!" nagngingitngit na wika niya sa sarili. "Sige, isasara ko lang ang pinto." Narinig niyang wika naman ni Gelo. Saka naman kampante nang nagtungo si Deina sa may k'warto. Kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon para sindakin sa halik si Gelo. Dahil nang akmang isasara na nito ang medyo nakaawang na pinto ay ginulantang niya ito sa pagtulak niyon pabalik. Kagulat-gulat ang naging ekspresyon ng mukha ni Gelo habang hindi rin naman siya nagpapigil sa kaniyang nais gawin. Doo'y mabilis siyang nakalapit upang hilahin palabas si Gelo at doo'y marahas niyang hinagkan. Hindi naman tumugon si Gelo kung kaya't sinumulan niya itong hagkan sa may leeg habang marahan niyang tinatanggal ang butones ng polo nito. Subalit sa puntong iyon ay mabilis naman siyang naitulak ni Gelo. "Ano ba, Elle, stop being a low class women. Lalo na't matagal na tayong tapos. Igalang mo naman ang sarili mo bilang babae." Mataas ang naging tono ng boses nito kung kaya't para siyang hinubaran ng sarili niyang kahihiyan. Saka naman nagtatakang nagtungo ng pinto si Deina. At doo'y nagtagpo ang kani-kanilang mga mata. Pero sa kabila ng kahihiyan ay pinili niya pa ring maging confident sa sarili, doo'y malaya muli niyang nilapitan ang dating asawa at sinabi, "Okay, pero 'wag mo sanang kakalimutan kung paano ka umungol noon sa tuwing magkasiping tayo, Gelo." "Elle!" napasigaw na wika ni Gelo sa galit. Dahil na rin sa hindi dapat nitong sabihin sa harap mismo ni Deina. "Bakit? Ayaw mo bang malaman ng kirida mo na kahit kayo na ay nagsisiping pa rin tayo?" "Damn it, lasing lang ako no'n at hindi ko ginusto ang nangyari ulit sa atin, Elle!" Tipid siyang natawa habang nagtataka pa rin ang tingin ni Deina habang pinagpapalit-palitan sila ng tingin. "Wow. What a damn reason, alam ko kung kailan ka muling nagnasa sa akin o hindi, Gelo. Kaya 'wag mo nang i-deny na habang pinagsasabay mo kami ay mainit ang bawat gabing umuuwi ka sa bahay natin." Nagngitngit sa galit si Gelo. "Hindi totoo 'yan." Saka ito lumingon kay Deina na maluha-luha na ngayong nakikinig lamang sa kanila. "Deina, please don't believe her, sinisiraan niya lang ang relasyon natin." At tila nabigo si Gelo na paniwalain ang nobya dahil patakbo itong pumasok sa loob. "Deina!" pasigaw ni Gelong tawag sa nobya. Subalit hindi pa rin nagpatinag sa pagtawa si Elle hanggang sa natigilan siya sa mahigpit na paghawak ni Gelo sa kaniyang braso. "Bawiin mo 'yung sinabi mo kung hindi ay babawiin ko rin ang promise ko sa oras na inilalaan ko sa inyo ni Angelie," pagbabanta nito sa kaniya. Subalit tila hindi siya nito naapektuhan dahil napangisi lamang siya at ginantihan din ng isang banta, "Then, go on. Dahil kapag ginawa mo 'yon ay sinasabi ko sa'yong mawawala sa buhay mo si Angelie. Hindi mo na siya makikita at mawawalan ka na rin ng karapatan sa kaniya bilang ama." "Elle, please.. don't do this, I'm begging you. Pinagbigyan ko na ang kagustuhan mo, 'di ba? Na mabubuo muli tayo sa mismong birthday ng anak natin. Kaya sana ay hayaan mo na rin kami ni Deina na maging masaya." Doon siya napahilamos sa sariling mukha. "I can't, Gelo." Saka niya ito malayang hinarap habang nakapulupot ang mga braso sa batok nito. "Dahil gusto ko ay sa akin ka pa rin uuwi pagkatapos mo rito sa kirida mo. Dahil kahit may kahati na ako sa puso mo ay tatanggapin ko, At ito ang tatandaan mo, sa akin ka lang, Gelo. Sa akin ka lang." Matapos niyang sabihin iyon ay kusa siyang bumitiw kay Gelo at doo'y maluha-luhang umalis. Bagay na ikinapanatag ng kalooban ni Gelo. Kaya naman sa puntong iyon ay marahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Doo'y nadatnan niyang umiiyak si Deina. At nang matunugan nito ang pagdating niya ay hindi niya inaasahan ang sasabihin nito, "Sige na, makakaalis ka na. Kahit ano namang gawin natin ay hindi pa rin tayo p'wedeng magsama." Matapos sabihin iyon ni Deina ay saka siya sinentro nito ng tingin. Kung saan ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. At hindi niya muling inaasahan na muli itong magsasalita, "Siya pa rin ang legal mong asawa, Gelo. Kaya ayos lang sa akin kung may nangyayari pa rin sa inyo.. Dahil kahit anong gawin ko ay hindi magbabago na kabet ako." Anong sakit para kay Deina nang sabihin ang mga katagang 'yon. Pero anong sakit din naman para sa kaniya na maramdamang nasasaktan si Deina. Kaya mula sa kinatatayuan ay walang alinlangang niyakap niya ang nobya. "Deina, please.. don't underestimate yourself. Hindi mo sinadyang maging kabet, at kung may dapat man ditong magdusa sa naging kasalanan niya ay ako 'yon. Dahil nagawa ko kayong pagsabayin ni Elle, pero sa maniwala ka man o hindi ay wala akong intensyon na paglaruan ang feelings mo. Pinili kitang mahalin, Deina kahit alam kong magiging mahirap ang sitwasyon dahil nga kasal pa ako." "Iyon na nga, e. Sana sinabi mong nakatali ka pa, 'di ba? Gelo, hindi lang ako ang naapektuhan dito, e. Pati na rin ang anak mong si Angelie. At nagi-guilty ako ang dahilan kung bakit hindi mo na siya mabibigyan ng buo at masayang pamilya." "I knew it, Deina. I knew all the consequences upon my wrong doings. Pero itinama ko naman ang lahat, 'di ba? At pinipilit kong ayusin ang sitwasyon. Given the fact na matagal ko na rin talagang gustong kumalas kay Elle. Kaya please don't believe her, dahil matagal nang walang nangyayari sa amin. At aaminin kong ang minsang gabing may nangyari sa amin ay sarili niya lang iyong kagustuhan at lasing lang ako no'n. I'm begging you to stay with me, Deina. At sana ay hindi ka rin magpaapekto sa kung anumang binabalak ni Elle sa relasyon natin. Please holding on just how I hold you despite of any reason." Hindi na nakapagsalita pa si Deina sa kaniyang mga naging salita. Ngunit ang tanging naramdaman na lamang niya ay niyakap siya nito ng mahigpit. Yakap na tila kahit anong mangyari ay hindi rin siya nito bibitawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD