DESPITE OF the demands and being paranoid from all things, Elle would still a good mother to her daughter. Her love and support have endless. Lalo na't nalalapit na ang kaarawan nito sa unang linggo ng buwan ng Agosto. Iyon din ang dahilan kung bakit mas lumaki ang demands niyang oras at atensyon kay Gelo.
Samantala'y hindi rin naman naiwasan ni Gelo ang mag-react sa picture nilang dalawa ni Elle na ipinost nito sa social media. Isabay pa ang nalaman niyang pagsugod mismo ni Elle sa apartment ni Deina. That's why one evening, as the night has seemed to be peaceful, Gelo was break the peace upon it when he accidentally saw that Elle has trying to convince everyone that their relationship were still good. Masaya nitong ikinakalat sa mga kakilala ang rumor na hindi pa rin sila naghihiwalay sa kabila ng ginawang kasalanan ni Gelo. Given the fact that Elle has seem like a victim here.
Doo'y mabilis niyang inagaw ang phone na hawak nito upang ihagis iyon sa may kama. Habang nakita niya naman ang pagtataka sa mga mata ni Elle. "Stop that biggest lie to everyone, Elle. Matagal ko nang ibinaon sa limot ang marriage natin."
Bahagyang natawa si Elle. "Sabagay, matagal mo na nga ring kinalimutan ang responsibilidad mo sa pamilyang 'to, e." Doon siya napailing.
"Hindi totoo 'yan," mariing pagkakasabi niya.
"O, bakit parang guilty ka? Hindi ba't ginagastusan mo ng malaki ang kirida mo gayong dapat ay iniipon mo na lang para sa future ni Angelie?" Napailing siyang muli. "Gelo, Angelie is fast growing, at hindi habang buhay ay mananatili siyang bata. Mag-aaral siya, magde-demands ng mga bagay na makakapagpasaya sa kaniya and most of all, kailangan niya ng suporta natin bilang parents."
"I know that, Elle. Hindi ko kinakalimutan ang responsibilidad ko. Of course, our daughter is my priority--"
"Wow. Spell priority? As I knew, ay nirentahan mo raw ng sariling apartment itong si Deina."
At imbes na magtaka kung paano nalaman iyon ni Elle dahil sa biglaang pagsugod nito no'ng isang gabi ay nagawa pa rin niyang ipagtanggol si Deina. "Of course, I wouldn't deny that fact, Elle. So pati ba naman 'yon ay issue na rin sa'yo? E, paano 'yung gulong ginawa mo no'ng isang gabi? Do you think na palalampasin ko 'yon? Elle, she's my girlfriend, and I love her. And you have to understand on why I protecting her. Hindi mo dapat siya takutin o pagsabihan ng kung anu-anong masasakit, dahil tao lang din siya-- nahihirapan, napupuno at nasasaktan. Kaya natural lang na mag-alala ako sa kaniya kung araw-araw siyang tagtag at pagod sa biyahe dahil sa layo nang inuuwian niya."
Doo'y nakita niya ang mapang-asar na palakpak ni Elle. "Bravo! How sweet, p'wede ka nang award-an ng the most thoughtful boyfriend," sarkastiko pa nitong pagkakasabi. "But for what I said lately, you should not forget your obligation to our daughter, dahil hindi magtatagal ay sisimulan na niyang kamuhian ang pamilyang pinagmulan niya kung sa atin pa lang dalawa ay makikita na niyang hindi tayo okay at masaya!" Ipinagduldulan iyon ni Elle sa mukha niya habang nakasentro ito ng tingin sa kaniya.
"Then what are you trying to please me? Or, ano pa bang nais mong i-demand sa akin? Buo at isang masayang pamilya? Elle, alam mong hinding-hindi ko na maibibigay 'yan. And we already talked about that issue. Bakit ba hindi ka na lang mag-focus sa anak natin?" Doon napalihis ng tingin sa kaniya si Elle, dahil kusa na namang pumatak ang traydor nitong luha. Habang siya ay sinundan lamang ito ng tingin kung saan ito humakbang palayo sa kaniya.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na hanggang ngayon ay iyon pa rin ang gusto ko? Na gusto kong tutulan ang annulment at mabuo ulit tayo bilang isang pamilya." Muli siyang sinentro nito ng tingin. Saka ito humakbang palapit sa kaniya upang hawakan ang magkabilang pisngi niya. "Gelo, I'm begging you to stop the annulment. Magsimula tayong muli and I promise to be the deserving wife that you ever expect. Mahal na mahal pa rin kita at kahit anong nangyari ay hindi nagbago ang pagmamahal ko para sa'yo." Doo'y pilit siyang hinagkan ni Elle. At siya namang pagtulak niya rito.
"Ano ba!" napasigaw na aniya, sabay hagulgol sa harap niya ni Elle.
"I know, I know na kahit anong gawim ko ay wala na. That whenever I've please you to love me, again.. ay mapapahiya lang ako. Pero, Gelo, for one last time ay ibigay mo naman ang kahilingan kong mabuo tayong muli bilang isang pamilya. Magbi-birthday na si Angelie, at isa lang ang hiling niya sa araw na 'yon-- ang mabuo tayo. At pati ba naman 'yon ay ipagkakait mo sa kaniya?"
Doo'y tila nahimasmasan si Gelo dahilan para mapahawak siya sa sariling baba habang iniisip kung anong petsa na sa calendar. "Oo nga pala, Angelie is turning four soon." Pagkasabi niya no'n ay saka niya binalikan ng tingin si Elle na nakatingin pa rin sa kaniya. "'Wag kang mag-alala, Elle. Dahil sa araw na 'yon ay hindi ko kakalimutang minsan sa buhay ko ay naging isa tayong buo at masayang pamilya. I will make our daughter feel that she has still a family, kahit na hindi na ito buo. We are still a family, Elle at hindi magbabago ang katotohanang ikaw ang ina ng anak ko." Tipid na napangiti si Elle at sa pagkakataong iyon ay naging malaya itong yakapin siya dahil hinayaan niya rin na yumakap ito sa kaniya bilang pasasalamat.
-
Sa paglipas pa ng ilang araw ay nanatili ang tensyon sa pagitan nina Elle at Deina. Habang lihim pa rin naman ang koneksyon ni Claudine bilang asset nito kay Elle.
"Girl, may napansin ka ba kay Claudine, kanina?" tanong ni Ted habang kumakain sila sa isang cafeteria.
"Wala naman, abala kasi ako sa mga kliyente kanina, e, bakit?"
"E, kasi, parang may itinatago talaga siya, e. Isipin mo naman, sa tuwing may tatawag sa kaniya ay lalayo siya sa atin para makausap 'yon. E, p'wede naman tayong tumahimik habang kausap niya 'yon, 'di ba?"
"Hay, Ted, ikaw talaga kung anu-anong iniisip mo. Pero naisip ko rin 'yan, e. Posible ngang may koneksyon silang dalawa ni Elle. Kasi roon pa lang sa pag-i-stay namin ni Gelo sa beach resort sa Laguna at ang biglaang pagsugod ni Elle sa apartment ko, ay pansin kong laging may credit doon si Claude." Napatango si Ted.
"O, 'di ba, naisip mo rin, girl? Pero ano kaya 'yung dahilan ni Claudine para gawin niya 'yon sa'yo? And willing mo siyang komprontahin about diyan?"
"Hindi na muna siguro, Ted. Sa ngayon ay gusto ko na lang din munang ma-confirm ang mga hinala ko. Mahirap na 'yung bigla-bigla kang sasabak sa giyera ng wala pa namang napapatunayan."
"Sabagay, basta, girl, kahit anong mangyari ay sa'yo lang ang suporta ko, hah? Aba'y fan na kaya ako ng Deina and Gelo tandem!"
"Loka!" natatawang sabi ni Deina habang nagtatago ang kilig.
Sa mga sumunod na oras ay nanatiling kalmado si Deina sa trabaho kahit ramdam niyang tinatraydor siya ng isang kaibigan. And for Deina, ay hindi naman kasi dapat basta-basta sumusugod sa giyera, maganda 'yung may pangbala ka bago sumugod.
Sa sobrang abala niya at pag-eenjoy sa trabaho ay hindi niya namalayan na oras na pala ng uwian. Kung saan ay naghihintay si Gelo sa kaniyang paglabas. Natanaw niya naman ito kung kaya't nagmadali na siyang lumabas. Subalit, nakasalubong niya si Claude na kalalabas lamang galing sa CR. "Ahm, Claude, mauuna na akong lumabas sa'yo, pakisabi na lang din kay Ted na nauna na ako, hah?"
"Ah sige, Deina. Ingat ka pag-uwi." Tipid siyang napatango at napangiti. At saka sinuyod ang daan palabas. Kung saan ay naabutan niyang humihithit ng yosi si Gelo habang nakasandal sa harapang bahagi ng mercedes benz nito.
"O, bakit parang ngayon lang ulit kita nakitang nagyosi? Are you stress?"
Bahagyang napabuntong hininga si Gelo. "Parang gano'n na nga.."
Saka niya ito nilapitan at mabilis na inagaw ang filter ng yosi na hawak nito upang ihagis sa kung saan. Doo'y nakita niya agad ang pagtataka sa mga mata nito. "'Wag kang manghinayang sa ginastos mo sa yosi kung 'di mo man 'yon naubos, manghinayang ka sa perang maaari mong gastusin kapag naapektuhan niyan ang baga mo."
"Pero minsan lang naman, Deina--"
"Kesyo minsan o madalas, nagyoyosi ka pa rin. Pasalamat ka dahil hindi pa kita nobyo no'ng minsan ding nakita kitang nagyosi kaya pinalampas ko 'yon. E, ngayon, pasensya na lang dahil girlfriend mo na ako."
"That's why I would like to say thank you." Doon siya natahimik. At saka naman napabuntong hininga si Gelo habang nananatili pa rin ito sa posisyon. "Sa totoo lang ay naging sandigan ko ang yosi sa problema ko no'n kay Elle, na hanggang ngayon ay magiging problema ko pa rin pala kahit hiwalay na kami."
"Nanggaling ka ba kila Elle?"
"Yeah.. pinangaralan ko lang naman siya sa bagay na hindi niya dapat ginawa. Especially sa'yo. At ang babaeng 'yon, nagawa pang isumbat sa akin ang pagiging ama ko-- ang responsibilidad ko sa kanilang dalawa ni Angelie." Now she's understand the reason behind of Gelo's dillema. Alam niyang sa sitwasyon nila ngayon ay pareho lang din silang nahihirapan. Pero hindi niya alam na mas naaapektuhan si Gelo. "I love my daughter and I'm still trying to give her a happy family. Kasi alam ko na sa paraang 'yon ay nakikita ko ang tunay na saya sa kaniyang mga mata. And now, Elle is begging me to stop the annulment."
"Iyan din ang bagay na sinabi niya sa akin no'ng gabing 'yon, ang pagkakaiba lang ay sukdulan ang galit niya habang sinasabi na hinding-hindi niya bibitawan ang marriage ni'yong dalawa sa pamamagitan ng hindi pagpirma sa annulment paper."
"How stupid. Hindi niya dapat gawin 'yon sa atin, Deina. We deserve to be free and to be happy. In fact, hindi ko naman kinakalimutan ang responsibilidad ko sa kanila ni Angelie, especially kay Angelie, dahil anak ko ang priority ko." Nanatili siyang tahimik. Habang unti-unti niyang kailangang intindihin na kahit anong mangyari ay kahati niya sa oras at atensyon si Angelie. Pero anong pagbibiro naman ng pagkakataon gayong kung kinakailangan niyang intindihin ang sitwasyon ay mas lalong kailangan niyang doblehin ang pang-unawa sa sumunod na sinabi ni Gelo, "Nalalapit na ang birthday ni Angelie, and Elle was hoping na sa araw na iyon ay mabuo ulit kami at maging masaya, bilang kahilingan din ni Angelie, which I know that she could be truly happy.."
"O, edi gawin mo ang nararapat. Para na rin sa magiging kasiyahan ni Angelie.".
"But how about you? Is it okay with you?"
"Hindi ako magsisinungaling, Gelo. Oo, nasasaktan ako kasi araw-araw kong iniintindi ang sitwasyon natin, na alam ko namang para rin sa kapakanan ng bata. Gelo, naging bata rin tayo at pareho tayong pinalad na magkaroon ng masaya at buong pamilya, pero si Angelie, minsan na lang 'yon mangyayari sa buhay niya. At nagi-guilty ako kasi-- dahil sa akin ay hindi mo na maipararanas sa anak mo palagi ang buo at masayang pamilya." Doon siya nagawang yakapin ni Gelo habang hindi rin naman nagpapigil ang luha sa pagpatak mula sa kaniyang mga mata.
Saka siya ipinaharap ng nobyo habang hawak-hawak nito ang magkabilang pisngi niya.
"No, stop blaming yourself. It's not really about you. Deina, ikaw ang pinili kong mahalin, and maybe, hindi ko lang talaga nakatadhanang mahalin si Elle habang buhay. Everything that happen has a reason. At sinabi ko naman na ang mga dahilan kung bakit na-fall out of love ako sa kaniya."
Doo'y nagawa niyang magpunas ng luha at kusang ngumiti ang kaniyang labi. Habang si Gelo naman ay sinalubong siya ng mahigpit na yakap. "I love you. I honesty love you."
"Thank you, Gelo, thank you," maluha-luhang aniya sa gitna ng yakap. And now, susunod na lang siya sa agos ng pagkakataon. Kung saan ay p'wede silang maging masaya ni Gelo sa kabila ng pagsubok na kinakaharap nila. Batid niyang sa labang iyon ay magiging kalaban niya ang sariling pang-unawa. Because between love and priority, Gelo has supposed to be balance upon it. Hindi lang dapat pagmamahal ang ilaan nito sa kaniya at hindi rin naman prayoridad ang dapat nitong isipin palagi sa anak. Those words should be combined from one another, in order to fulfill it at the same time. Maaaring mahalin at i-priority sila pareho ni Angelie from different ways and in balance.