ISANG MALAKAS na ang nakapagpagising kay Deina nang sumapit na ang gabi. Hindi niya namalayang nakatulog siya sa maghapong kasama niya si Gelo. Pero dahil gusto na rin nitong magpahinga ay umuwi na ito sa condo. Sa ngayon ay sinisikap muna nilang hindi pagmulan ng issue gayong hindi pa talaga annulled sina Elle at Gelo.
"Sandali, sino ba 'yan?" Nagtataka naman siyang lumapit sa may pinto dahil hindi man lang magawang magsalita ng taong kumakatok. Naisip din niya na kung sino ang bibisita sa kaniya ng ganoong oras gayong imposible namang bumalik pa si Gelo dahil nagpapahinga na ito. Ilang sandali lang ay mas lumakas pa ang katok na 'yon, dahilan para makaramdam siya ng takot. Nagpatuloy ang malakas na katok hanggang sa makarinig siya ng boses mula sa labas.
"Elle, baka nakakaistorbo tayo, umalis na nga tayo--"
"Hell, no! Gusto kong ipamukha sa babaeng 'to kung gaano niya ako sinasagad sa galit." Doon siya kinabahan. At inisip kung paano natunton ni Elle ang apartment niya. Pero sa kabila ng pag-iisip na 'yon ay nilabanan niya sandali ang kaba at saka tuluyang binuksan ang pinto.
Doo'y namilog ang mata ni Elle sa gulat nang bumukas ang pinto at iniluwa siya. Gayundin si France na halatang kabado sa maaaring mangyari.
"Elle."
"Buti naman at niwe-welcome mo ang legal na asawa ni Gelo sa bahay mo," panimulang maanghang na mga salita nito na bahagyang nagpakulo ng dugo niya.
"Elle, kung nagpunta ka lang dito para humanap ng gulo ay makakaalis ka na." Isasara niya na sana ang pinto nang itulak nito ang pinto pabalik sa kaniya.
"Alam mo ba kung ano ang ikinagagalit ko? Ang pagpasok mo sa buhay namin isang pamilya. It supposed to be complete-- it supposed to be happy, kung hindi ka lang dumating."
"Elle, you're not in the right place para mag-eskandalo rito at baka makarating pa ito kay Gelo," pagpapaunawa pa rito ni France. Subalit nanatili ang prinsipyo ni Elle na bigyan siya ng leksyon.
"I don't care, France, kung hindi ko man ito teritoryo. Kung siya nga ay wala ring paalam na inagawa ang asawa ko." Kasabay ang maaanghang nitong salita ay ang masama ring tinginan nito na sadyang nakakatunaw.
Pero kahit gano'n ay ayaw niyang ipakita kay Elle na labis siyang naaapektuhan. Kaya naman pinilit niyang maging matapang kahit nasasaktan. "E, ano ba talagang ipinunta mo rito? Si Gelo? Kahit halughugin mo pa ang bahay ko ay hindi mo siya makikita rito."
"Are you kidding? Ganoon na ba ako ka-desperada para kahit saang sulok ay hahanapin at susundan ko siya? O baka nakakalimutan mo, ako pa rin ang asawa at huling uuwian niya. You're crazy, Deina. Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na isa ka lang hamak na kabet?"
"Elle-- pagpigil dito ni France.
"Let me, France. Dahil nagsisimula pa lang ako." Doo'y mas sumamâ ang tingin nito sa kaniya. At saka pinagsasampal siya ng walang pakundangan. Wala siyang nagawa kundi ang damhin ang pagkakalapat ng palad nito sa pisngi niya habang si France naman ay napahalukipkip lamang.
Animo'y namanhid ang pisngi niya sa lakas nang pagkakasampal nito. Wari ay hindi siya naging handa sa naging bala nito. Kaya sa halip na manahimik ay ginantihan niya rin ito ng sampal. "Ah!" malakas na pag-ingit nito habang nanlilisik ang tingin sa kaniya.
"Sumusobra ka na, Elle. Oo, naging kabet ako pero wala akong intensyon na manira ng pamilya. Dahil unang-una ay nagpakilala sa akin si Gelo na hiwalay siya sa'yo. At ang tungkol sa anak ninyo na si Angelie, matagal ko nang alam na may anak na siya, kagaya nang sinabi niya sa akin."
"Iyon na nga, e. Alam mong hiwalay na kami kaya umeeksena ka na rin sa buhay ng anak ko. At anong akala mo sa akin? Na hindi ko nalaman na lumabas kayo kasama si Angelie?" Doon bahagyang napakunot ang noo niya.
"Ano namang kaso ro'n, Elle? Inagaw ko ba ang anak n'yo? Ipinakilala lang siya sa akin ni Gelo dahil gusto ko rin makilala ang anak niya. E, malay ko ba naman na napalapit agad sa akin ang bata. At siya mismo ang tumawag sa akin ng mama. Of course, I'm grateful to hear it from your daughter."
"O, 'di ba? Lumabas din ang totoo na iisa lang ang intensyon mo, ang pumapel bilang tunay na asawa. Para masabing one happy family kayo. Ang galing! Then what are you trying to prove? Na porque hiwalay na kami ni Gelo ay aasta ka nang tunay niyang asawa? Tandaan mo na kasal pa rin kaming dalawa sa papel. At kahit anong paghihintay na gawin mo ay mananatili ka pa ring kabet dahil hinding-hindi ko pipirmahan ang annulment paper!" Pinandilatan niya ito ng mata matapos na marinig ang mga katagang 'yon. Hindi niya akalaing magiging sukdulan na ang galit nito sa kaniya nang dahil lang sa intensyon niyang pagiging malapit kay Angelie. "Ano? Hindi ka makapagsalita? Kasi hindi ka lang naman kabet, e. Isa ka ring mahilig pumapel sa buhay ng may buhay."
"Hindi totoo 'yan."
"E, ano bang totoo? Na isa kang linta na dikit ng dikit kay Gelo?" Sandali pa itong natawa habang nanlilisik na rin ang mata niya sa galit. "'Wag ka ngang umasta na inosente kang kabet ka. Inagaw mo na nga sa akin si Gelo and now, si Angelie naman? You're such a ridiculous! How come that you made a chaos to our family and suddenly you supposed to act as Angelie's mother. Para ano? Para masabing buo na kayong tatlo?"
"Wala akong inaagaw, Elle. Ikaw lang ang nag-iisip niyan, nag-o-over think ka lang. Saka, tapos ka na ba? Kung tapos ka na ay makakalis na kayo," aniya bago talikuran ang mga ito at para isara ang pinto. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kahit sobrang taas na ng tensyon sa pagitan nila. Pero dahil ayaw pa rin siyang tantanan ni Elle ay hindi niya inaasahan ang biglaang pagsabunot nito. Kaya naman agad siyang napaingit sa sakit ng kaniyang anit. "Ah-- aray!"
"Hindi pa ako tapos, Deina. Tandaan mo 'yan. Dahil kung anong inagaw mo sa akin ay dapat mong ibalik," pagbabanta pa nito na nakapagpaluha sa kaniya. Hindi dahil sa maanghang na salita nito kundi sa sakit na dulot nang pagkakasabunot.
At tila nahimasmasan lamang si Elle nang pigilan ito ni France. "Elle, tama na 'yan." Saka lamang si Elle napabitiw sa kaniya.
At ang gabing iyon ay nagsilbing bangungot sa kaniya dahil lang sa isang kasalanan niya na habang buhay niyang maaaring pagdusahan sa kamay ni Elle.
-
"Talaga? Sinugod ka talaga niya sa apartment? Grabe talagang malditang babae na 'yon! Jusko!" naiinis na sabi ni Ted. Isang pagbuntong hininga lamang ang ginawa niya bago ito muling nagsalita," E, teka, paano niya naman natunton 'yon? E, 'di ba, ako pa lang naman ang pinagsabihan mo ng exact address no'n?"
"Oo nga, e. Teka, off ba ni Claude?"
"Oo. Ay teka, naalala ko, hiningi pala sa akin ni Claude ang exact address mo. Nag-aalala rin kasi sa'yo si bakla. E, pero, ang tanong dito ay kung paano nga natunton ni Elle ang apartment mo?"
Napakibit balikat lamang siya. "Hindi ko rin alam. Masyado yatang updated ang babaeng iyon sa buhay kaya nasundan niya agad ang bahay na 'yon."
"Pero, girl, I have a guts, 'di ba minsan ay parang tuliro si Claudine? At.. kapansin-pansin ang kaniyang madalas na paglubog at paglitaw sa tuwing magkakausap tayo."
"O, e, ano namang conclusion mo sa mga actions niya?"
"Girl, I'm not sure pero sa tingin ko ay-- may koneksyon siya kay Elle? Kasi isipin mo na lang, may babae raw siyang naka-encounter no'ng araw na may nagpabigay sa'yo ng lunch box na may ipis and after that parang kakaiba na ang mga actions niya tapos sabi mo, natunton niya rin kayo ni Gelo sa beach resort na pinag-stay-han niyo ng ilang araw matapos kang usisahin ni Claude kung saan ka nagbakasyon, hindi ba't posibleng tuta ni Elle itong si Claude?" paliwanag ni Ted.
"Pero imposible, posible rin kasing sinundan talaga kami ni Elle at posibleng nagtanung-tanong ito sa office ni Gelo bago siya umaksyon at ipa-trace ang kinaroroonan nito. 'Di ba is it possible?"
"I don't know, pero nagdududa na talaga ako kay Claude, e." Sandaling natigil ang usapan nila nang mag-notify sa notification ng phone ni Ted ang isang litrato sa social media na naka-tag kay Gelo Madrigal kung saan ay may nag-comment sa litratong iyon. "Deina, look, anong ibig sabihin nitong picture nina Elle at Gelo?" Napatingin si Deina, hindi lang sa litrato kundi sa caption pa nitong, "Inseparable."
"Hindi ko alam. Pero mukha namang matagal na 'yan. Malabong maging sweet sila at okay dahil kinamumuhian na ngayon ni Gelo si Elle," paliwanag niya.
"Pero, this post was two days ago. Do you think na palabas lamang ito ni Elle sa lahat na okay pa sila ni Gelo?"
"P'wede. Pero alam mo, Ted, wala akong pagdududa sa pagmamahal sa akin ni Gelo. I trust him so much, ang inaalala ko lang ay baka habang buhay na akong maging mistress dahil sa paghahabol pa rin dito ni Elle." Bahagyang napaisip si Ted.
"Pero baka nga--"
"Baka ano?"
"Baka proof lamang 'yan na kahit kailan ay hindi magagawang bitiwan ni Elle ang kasal niya kay Gelo." Doon siya nalungkot. Hindi niya akalain na kahit malakas ang kaniyang paniniwala sa pagmamahal ni Gelo ay hindi pa rin magbabago ang katotohanang mahihirapan silang makamit ang kalayaan sa pamamagitan nang paglaya ni Elle sa kasal nito kay Gelo.