Chapter 27- Elle's Karma

2199 Words
HINDI PA rin makapaniwala si Deina na halos abot kamay na nila ni Gelo ang kalayaan para sa kanilang dalawa. Sa kabila ng mahirap na sitwasyon na kanilang kinakaharap. Hati man ang oras at atensyon na kailangang ilaan ni Gelo sa kaniya at sa anak nitong si Angelie ay hindi naging hadlang 'yon para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan. Sa mga lumipas na araw ay nakahanap na rin si Gelo ng rerentahan niyang apartment. Kung saan ay sinamahan din siya nitong maglipat ng kaniyang mga damit at ilang gamit. "Sa tingin mo ba ay okay na ang arrangement ng k'warto?" paghingi niya ng ideya kay Gelo matapos niyang mag-ayos at magligpit. Nataon din na pareho nilang rest day kung kaya't inilaan niya ang oras at panahon para sa pag-aayos ng bahay na bagong nilipatan. "Yeah, it's nice," nakangiting sabi pa ng nobyo. Halatang napapahanga ito sa naging resulta nang ginawa niya. "O, anyway, sabihin mo lang kung may iba ka pang kailangan then I'll provide." "Wala naman na, sapat na sa'kin 'yung ganitong ambiance, Gelo." Napangiti si Gelo at saka inilahad nito ang kamay paharap sa kaniya. Nagtataka naman siyang pinagmasdan 'yon. Ngunit walang sabi-sabi na mabilis siyang ikinulong sa mga bisig nito. Kaya naman nagkalapit ang kanilang katawan maging ang agwat ng kanilang mukha kung saan ay maririnig niya ang t***k ng puso nito at mararamdaman ang paghinga nito. "Lahat ay handa kong ibigay sa'yo, Deina. Marangyang buhay, magaganda at gwapong mga anak at maging apelyido ko." Ngingiti na sana siya subalit bigla niyang naalala na wala pa rin siyang kasiguraduhan kay Gelo habang hindi pa naaaprubahan ang annulment nito kay Elle. "O, bakit parang hindi ka masaya sa sinabi ko?" Bahagya siyang napalihis ng tingin. "Hindi ko naman kailangan ng marangyang buhay, Gelo. Sapat na sa akin 'yung sigurado akong ako lang ang babaeng mamahalin mo habang buhay." Muli siyang hinarap ni Gelo sa paraang kusa nitong ipinaharap ang mukha niya. Saka siya nito sinentro ng tingin. "Sigurado naman ako sa sarili ko na pagkatapos nitong pagsubok sa atin ay sa'yo lang ako ikakasal muli. Deina, you gave me a reason to pursue my life, you gave me a true happiness that I'd never felt before. The past had seem to be a lesson that I could apply from present. Maybe, I once did a wrong decision and now, I will never let myself to make things so hard." Pagkatapos sabihin iyon ni Gelo ay saka nila pinagsalubong ang dalawang kamay at mas niyakap pa ng mahigpit ang isa't isa. Saka rin nila niyakap ang katotohanang bumabalot sa kanilang buhay. Kaya naman sa gitna ng yakap na iyon ay sinabi ni Gelo ang mga katagang, "It may be a hardest battle for us, Deina, but I would not let my heart to pretend again that I'm not happy. I would choose where my heart is truly happy, and that is to be with you." Sa mga lumipas na oras ay nanatili silang magkasama ni Gelo. "Matagal pa raw ba sila?" tanong niya kay Gelo. "They are on the way na, saglit na lang siguro 'yon. Nag-commute lang kasi sila kaya medyo matagal ang biyahe," sagot ni Gelo at napatango naman siya sa sinabi ng nobyo. Habang naghihintay sa isang bench na inuupuan nila ay piniling isandal ni Deina ang kaniyang ulo sa balikat ni Gelo. Kasalukuyan kasi nilang hinihintay sina Aleng Ester at Angelie kagaya nang napagkasunduan nilang paglabas kasama ang mga ito. Maya-maya pa'y sandali siyang napabangon ng ulo nang marinig ang boses ni Gelo. "O, nandito na pala sila." Doo'y natanaw niya ang maputi at magandang batang babae. Magkahalong mukha nina Elle at Gelo ang itsura nito, may kasama itong nanny na sa tingin niya ay nasa middle forty na. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman gayong first time niyang makakasama si Angelie. "Sir Gelo, pasensya na kung medyo natagalan, hah? Hinintay pa kasi naming makaalis si Ma'am Elle," ang sabi ni Aleng Ester. "It's okay, Aleng Ester, o, anyway, she's Deina, my girlfriend." Napatitig sila sa isa't isa ni Aleng Ester at sandaling nagkangitian. Bago pa man din naman dumating ang araw na iyon ay ipinaliwanag na ni Gelo na makakasama rin nila sa paglabas si Deina. At minsan na ring nai-k'wento ni Gelo si Deina kay Aleng Ester kaya hindi na ito nagtaka na may kasama siyang ibang babae. "Hello, Aleng Ester, nice to meet you po," aniya. At saka naman niya narinig ang boses ni Angelie. "Papa, who is she? And why is not mama here?" Sandaling nagkatinginan sina Gelo, Deina at Aleng Ester sa itinanong ni Angelie. Doo'y hinawakan ni Gelo sa balikat ang anak upang ipaliwanag dito ang lahat. "Baby, please listen. She is Tita Deina, my girlfriend, and you have to understand from now on, na hindi na kami p'wedeng magsama ni mama mo." "But why? Papa, kawawa naman si mama. She is always wondering about you, about our family." Deina was surprised to hear those words. Lalo na't galing lamang iyon sa tatlong taong bata. Bukod doon ay lingid pa kay Angelie ang sitwasyon nila ngayon. Kaya naman sa tingin pa lang ni Gelo sa kaniya ay mukha na itong humihingi ng pasensya. "Baby, starting today, kikilalanin mo si Tita Deina bilang girlfriend ko and soon ay magiging asawa ko." "Asawa? Magiging mama ko rin po ba siya?" tanong nito na bahagyang nagpangiti sa kaniya. "P'wede. You can also call her mama if you want." "Wow! Dalawa na ang mama ko? I am so happy! M-mama Deina!" Anong gulat niya nang salubungin siya ni Angelie ng yakap at bagay din naman na nagustuhan niya. Paano pa kaya kung sarili niya itong anak na kayakap niya? "Angelie.." nakangiting aniya matapos bumitiw sa yakap. Nakangiti rin naman itong tumingala sa kaniya. "Sigurado ka bang.. .ituturing mo rin akong mama?" umaasang aniya. Saka niya hiningi ang opinyon ni Gelo na ngayon ay tatango-tango habang nakangiti sa kanila. "Opo, Mama Deina, I'm glad to be your daughter. And I'm sure mama will also be happy." Doon siya napabuntong hininga. Sigurado siyang kapag nakarating ito sa kaalaman ni Elle ay gulo na naman ito. Tipid siyang ngumiti sa kabila ng isiping iyon. Hanggang sa magawang i-segway ni Gelo ang usapan. "O, nga pala, saan n'yo gustong kumain?" - Samantala'y kasalukuyang bumisita si Elle sa bahay ng kaniyang magulang. At sinigurado niyang hindi malalaman nito ang annulment nila ni Gelo. Maliban na lang sa eldest sister niyang si Gail. Kaya roon sila nag-usap sa may terrace kung saan ay silang dalawa lang ang naroon. "Are you really sure about that, Elle?" tanong sa kaniya ni Gail. Matapos niyang i-post sa social media ang kanilang sweet photo ni Gelo noon. "Yeah, at kung kinakailangang i-tag ko riyan si Deina ay gagawin ko, para lang bangungutin siya sa katotohanang ako pa rin ang legal na asawa," napapairap na aniya. "But how will you do that kung hindi naman kayo friends sa social media?" "Edi ita-tag ko 'yung account ni Gelo." Matapos niyang sabihin iyon ay saka niya itinype ang pangalan ni Gelo. And accidentally, she found it's new account kung saan ay hindi ito naka-in a relationship sa kaniya. "What does it mean? Na gumawa talaga siya ng isang account para ipangalandakan na single siya at hindi kasal sa akin? How stupid." Tipid na natawa si Gail. "E, of course, paraan iyan ng mga lalaking gustong mangabet. Bago pa ba 'yan sa'yo? Hindi pa nga kayo talagang annulled ay pinagsabay niya na kayo ng kirida niya." "The hell I care, magsama sila kung kailan nila gusto, basta 'wag niya lang kakalimutan na sa akin pa rin siya uuwi." "O sige na, kailangan ko na rin bumalik agad dahil kailangan kong bumawi kay Angelie." "At bakit naman? Ikaw naman itong madalas niyang kasama?" Bahagya siyang kinabahan na baka malaman nito ang madalas na paglabas niya kasama si Jeremiah, knowing that only France has knew all of her wrong doings. "It doesn't matter. Basta, kailangan ko nang umuwi." - Naging masaya nga ang paglabas nila kasama sina Aleng Ester at Angelie. Masayang-masaya si Angelie na nakapamasyal muli siya at nakakain ng pagkaing gusto niya. And of course, Deina was also happy to see from Angelie's eyes the real happiness. Pakiramdam niya'y pinunan niya sandali ang pagiging ina. Nevertheless, hindi niya naman intensyon na agawin ang role ni Elle rito bilang isang ina. Pagkatapos ng ilang oras na pamamasyal at pagkain sa labas ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Masaya rin si Aleng Ester na nakilala niya si Deina at wala siyang nakikitang dahilan para kamuhian ito at ituring na masamang babae dahil lang sa isa itong kabet. In fact, humanga pa nga ito sa katauhan ni Deina. Subalit hindi akalain ni Aleng Ester na mapapawi ang kaniyang ngiti ng seryosong sumalubong sa kanila si Elle. "Saan kayo nanggaling, Aleng Ester?" "Ah.. ma'am--" "Saan?" Napalakas na tono ng boses nito Dahilan para sandali siyang kabahan. "Lumabas po kami nila Sir Gelo, ma'am." Doon nagtaka si Elle dahil hindi man lang iyon ipinagbigay alam sa kaniya ni Gelo, at para sana nakasama siya. Subalit, hindi inaasahan ni Elle ang sasabihin ni Angelie, "Yeah it's true, mama. I'm having fun with papa and Mama Deina lately." "Deina?" Doon siya napalingon kay Aleng Ester. "Is it true na kasama si Deina?" "Ah, Ma'am Elle--" "Is it true?" nanggagalaiti na aniya. "Opo, ma'am. Minsan lang nama ho 'yun, e." "I don't care! Ayoko nang mauulit 'yon!" inis na sabi nito. Saka niya pinilit kumalma. "Anyway, dalhin mo na muna si Angelie sa k'warto niya at kakausapin ko lang si Gelo." Napatango naman si Aleng Ester, saka siya sandaling napabuntong hininga nang tuluyan ng nawala ang dalawa sa kaniyang paningin. Saka niya nagawang tawagan si Gelo sa numero nito.  Doo'y bumungad sa kaniya ang boses nito mula sa kabilang linya, "Elle." "Where are you?" Narinig niya ang sandaling pagbuntong hininga nito. "I'm with Deina, nasa park pa kami, at ano bang kailangan mo? P'wede bang mamaya na tayo mag-usap--" "Alam ko nang lumabas kayo kasama si Angelie." "O, pati ba naman 'yon ay issue sa'yo? Deina would be nice at Angelie." "Kahit na, anak natin si Angelie at wala siyang karapatan sa bata." Doon natahimik si Gelo. "Anyway, saan mo siya ihahatid pagkatapos n'yong lumabas?" "Hindi mo na kailangan malaman. Tiyak na gulo na naman ang balak mo, e. Sige na, bye na." Doon siya napabuntong hininga at saka naisip na tawagan si Claudine. "Hello, Ma'am Elle?" "I need your help," walang into-introng sabi niya. "Ano po 'yon, ma'am?" At dahil nakarating sa kaalaman niya na nirentahan ng apartment ni Gelo si Deina ay naisip niya na siguradong doon didiretso ang dalawa kaysa sa condo. "Alamin mo kung saan umuuwi ngayon si Deina, and please make sure na hindi niya ito malalaman. Makakaasa ba ako?" "Y-yes po, ma'am.." "Alright.." aniya at saka ibinaba ang linya. Kaya kinalaunan ay ginawa agad ni Claudine ang pinapatrabaho sa kaniya ni Elle. "Teka, bakit ba interesado ka sa bagong tinitirhan ngayon ni Deina? Don't tell me na papasyal ka ro'n after this?" Mga katagang sinabi ni Ted kay Claudine. "Sabihin na nating oo, e, kasi, nagwo-worry rin naman ako sa kaibigan natin, e. Gusto niyang umiwas sa issue na matawag siyang kabet kahit na napag-uusapan na rin siya rito sa Spa," pagpapalusot pa niya. "Hay naku, kaloka nga, e. Sige, basta kapag pumasyal ka sa kaniya ay balitaan mo ako, hah? Gusto ko rin makita ang bahay ni Deina, e. Malay mo, one of these days ay maki-sleep over ako ro'n." "Sure, Ted. Excited na nga ako mamaya," wika pa niya habang lihim na iniisip na tiyak na gulo na naman ang mangyayari sa pagitan nina Deina at Elle. Pero anong magagawa niya kung kinakailangan niya iyong gawin para sa maintenance ng kaniyang ina na may breast cancer? Kaya, bago pa man matapos ang araw ay tagumpay nga na nalaman ni Claudine ang exact address ng tinutuluyang apartment ni Deina kaya naman agad din iyong nakarating sa kaalaman ni Elle. Kaya naman sa hinaba-haba ng araw at natunton pa rin ni Elle ang apartment na 'yon sa tulong ni France. "Are you sure na rito 'yon?" tanong niya kay France. "Of course, hindi naman ako tanga sa location, Elle. And besides, bakit mo ba ginagawa 'to? You are trying to make things more ruined." "Wait, what do you mean? Na hindi ko dapat ipaglaban ang karapatan ko bilang asawa?" "Asawa ka lang sa ngayon pero hindi magtatagal ay magiging ex wife ka na. Pero para kay Gelo naman ay ex wife ka na talaga, e. Saka hindi mo ba naisip, na aside from your wrong doings, ay kinakarma ka na?" Doon napataas ang kilay niya. "What?" "Hindi ko na kailangang ulitin, Elle. Digital na ang karma, best. Kaya hangga't maaga pa ay 'wag mo nang pagbalakan ng masama si Deina." "Hindi ba dapat siya ang karmahin dahil sa pang-aagaw niya sa asawa ko at ngayon naman ay pinipilit niya namang agawin ang anak ko?" "I don't know, pero sa nakikita ko ay walang masamang intensyon si Deina. Over thinking ka lang." Sandaling napaisip si Elle sa mga katagang iyon ni France bago pa man magdesisyong tumuloy sa bahay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD