"SINO 'YAN?" tanong ni Jeremiah sa kaniya nang salubungin siya nito sa tapat ng bagay. It was already ten in the evening, that's why, bihira na lang ang makikitang tao sa labas. "'W-wag nang maraming tanong, Jeremiah, tulungan mo na lang akong humanap nang pagtataguan niya!" tarantang aniya. Pinagmasdan pa ni Jeremiah si Deina na wala pa ring malay na nakahiga sa likod ng kotse. "Sa tambakan ng mga lumang gamit sa bahay, doon lang siya p'wede.." sagot ni Jeremiah. At inobliga niya itong tulungan siyang maipasok ito sa loob ng bahay. Subalit sumunod naman ang katanungan ni Jeremiah na hindi maiwasang ikainis niya. "E, sandali, kaninong kotse pala itong gamit mo and where is Angelie?" "Kay France, kilala mo naman siya, remember? At doon ko muna pinatulog si Angelie habang hindi ko pa na

