KUNG NANATILING masaya ang magkasintahan sa kabila ng nangyari ay bigo namang umuwi si Elle. "Pagkatapos niya akong ipahiya sa korte, nagmukha pa akong tanga dahil wala ring saysay ang plano. I can't take this anymore!" inis na turan ni Elle sa sarili habang sinusuyod ang daan pauwi. Saka niya dinaanan ang anak na si Angelie na ipinasuyo muna niya kay France dahil sa may pasok si Jeremiah. "Kumusta ang conference? Mukhang beastmode ka, hah?" Mga katagang isinalubong sa kaniya ni France. "Beastmode talaga!" Hindi niya napansin ang pag-iling ng kaibigan habang umiinom siya ng pomegranate juice na inihanda ni France. "Relax, I guess, no one can beat Elle Agustin," wika ni France habang nakatitig sa kaniya. "Of course, o, by the way, where's Angelie?" "Nasa k'warto, nakatulog sa kahihin

