Chapter 24- Paninira

1723 Words
ISANG SABUNOT mula kay Elle ang bumungad kay Deina sa mismong harap ni Gelo. "Ah!" pag-ingit ni Deina habang mabilis namang rumescue si Gelo upang pigilan si Elle. May pagtataka sa mga mata nila kung paano nalaman ni Elle na naroon sila. "Gelo, halika na at umuwi na tayo! Kailangan ka namin ng anak mo!" ma-awtoridad na wika nito. "Elle, please stop doing this. 'Wag kang mag-eskandalo rito," kalmado ngunit naiinis na sabi ni Gelo sa asawa. "Walang hiya kayo! Ang kakapal ng mukha n'yo para gawin 'to sa akin!" inis na sabi naman nito habang pinipigilan pa rin ito ni Gelo. "At ikaw babae ka, gaano kakapal iyang mukha mo para isama ang asawa ko sa bakasyon! Alam mo na ngang nakasira ka ng isang pamilya ay kina-career mo pa!" "Stop that accusations, Elle!" pasigaw na sabi ni Gelo na ikinatigilan nito. Saka ito muling nagpatuloy sa pagsasalita, "Wala kang karapatang isumbat iyan kay Deina dahil unang-una ay pina-process na ang annulment natin, pangalawa ay may kasunduan tayo na every other day akong mag-i-stay sa bahay na ipinundar ko. Pero parang gusto ko na ngang baliin ang kasunduan na 'yon, e. Dahil ngayon pa lang ay nagde-demand ka na ng atensyon at oras na kung tutuusin ay para dapat kay Deina at Angelie lang." Napapailing na tinanggap ni Elle ang mga salitang 'yon. "No, it shouldn't happening. Kung hindi lang dahil sa kirida mong 'yan!" Ipinagduldulan pa nito sa mukha ni Deina ang salitang 'yon. "Stop it, Elle. Para sa akin ay matagal nang walang bisa ang kasal natin. Matagal na tayong tapos at ikaw na lang ang pilit na kumakapit. And now, you are trying to slap me the truth that I am only the one who cheat on this marriage?" Sandali pang natawa si Gelo. "Habang ikaw ay walang pakundangang nakikipagsiping sa iba." Doon lalong nagngitngit sa galit si Elle habang nagtataka naman ang mukha ni Deina sa mga nalaman. "'Wag mong isisisi kay Deina ang lahat, dahil kung tutuusin ay mas madumi ka pa kay Deina. And knowing Deina is a decent girl, kailan nga lang may nangyari sa amin, e. At masaya ako dahil ipinagkatiwala niya ang kaniyang sarili sa akin sa kabila ng mga nangyari." "Gelo.. tama na, hayaan na natin siya," wika ni Deina na nagiging kalmado lang sa kabila ng mataas na tensyong namamagitan sa dalawa. "Anong hayaan, Deina? Ikaw dapat ang hayaang maiwan dito. Kaya, Gelo, umalis na tayo," wika pa ni Elle habang pilit na hinihila ang asawa. "I can't. Hindi ako sasama sa'yo, Elle. May kasunduan tayo na tanging sa anak lamang natin ilalaan ko ang oras at atensyon ko. And don't take this as an advantage para magkasama tayo. Dahil kahit papel pa man ang makapagpatunay na nananatili tayong kasal ay para sa akin walang saysay 'yon dahil wala na akong kahit katiting na nararamdaman para sa'yo." It was hurt to hear those words for Elle. And for Deina ay hindi niya maiwasang maawa sa sitwasyon ni Elle kahit na siya ang sinisisi nito kung bakit naghiwalay ang mag-asawa. At para sa kaniya ay hindi niya rin maiwasang sisihin ang sarili dahil pinili niyang maging kabet kaysa ang palayain si Gelo at ibalik ito sa piling ni Elle. Sa puntong iyon ay puno ng luha ang mga mata ni Elle habang hawak na ngayon ni Gelo ang nobyang si Deina. "Tandaan n'yo 'tong dalawa, hindi pa tayo tapos!" Nag-iwan ng malaking epekto ang huling sinabi ni Elle para kay Deina. Pero sa kabila niyon ay tinanggap niya ang mahigpit na yakap ni Gelo para sa kaniya. "Gelo, natatakot ako.. paano kung may gawin na namang hindi maganda si Elle na maaaring makaapekto sa relasyon natin.." Doon siya hinarap ng nobyo at sinabi, "Hindi ka dapat matakot, okay? 'Cause no matter what happen, I would always choose to be with you." Napahikbi siua habang napapatango. Saka nila muling tinanggap ang yakap ng isa't isa. Samantala'y matapos harapin ni Elle sina Deina at Gelo ay isang paghahalungkat naman tungkol sa pagkatao ni Deina ang ginawa niya upang mabilis na matunton ang lugar na kinalakihan nito. Napag-alaman niya sa social media na sa isang barangay sa Calamba, Laguna ito lumaki at naninirahan kasama ang magulang at dalawang kapatid. Kaya naman nang malaman iyon ay sinamantala niya ang oras upang matunton ang lugar na iyon at maisagawa ang plano. Dahil sa pagiging desperada na mapasakaniya muli si Gelo ay hahamakin niya ang lahat kahit makatapak pa ng karapatan ng iba. Dahil para sa kaniya ay walang makatatalo sa nag-iisang Elle Agustin. "Hija, narito ka na nga sa Brgy. Punta, teka, sino nga pala ang hinahanap mo?" "Si Deina Gomez po, malapit niya ho akong kaibigan at napabisita lamang, first time ko lang po kasing makakapunta sa bahay ng magulang niya dahil doon kami nagkakilala sa Q.C," pagkukunwaring k'wento pa niya. "Ah ganoon ba, malapit-lapit naman na ang bahay nila Deina rito, pero kung mamarapatin mo ay ayos lang ba na samahan kita?" "Yeah sure." Kaya naman sinamahan siya ng isang kakilala ni Deina na si Mang Tibo. Huminto sila sa isang bahay na bungalow style at yari sa semento, may bakod iyong yari sa kawayan at pinaliligiran ng mga halaman. "Narito na tayo, hija. Sandali at tatawagin ko lang si Mang Rolando." Napatango naman siya. "Mang Rolando! May bisita kayo!" At ilang segundo lamang ang lumipas ay may dumungaw sa pintuan na isang matandang lalaki na sa pakiwari niya'y nasa middle forty na ang edad. "Sige, hija, maiwan na kita, hah." "Sige po, salamat po," aniya kahit sa sarili ay hindi na niya matiis ang amoy ng matanda. Saka bumungad sa kaniya ang boses ng isang matandang lalaki. "Sino po sila?" "Ay, magandang araw po. Ako po pala si Elle, kaibigan ni Deina." May pagtataka itong tumingin sa kaniya. Bago pa man ito magpasyang siya'y papasukin. Pinaupo siya nito sa upuang yari sa narra. At doo'y natanaw naman niya ang babaeng kamukha ni Deina, ang ina nitong si Aleng Diana, na sa tingin niya ay nasa middle thirty na. "Siya po ba ang asawa mo, manong?" tanong niya kahit kating-kati na siyang sabihin dito ang totoo. "Oo, e, teka, kailan pa kayo nagkakilala ni Deina?" Nagpatuloy ang usapang iyon hanggang sa sumali na rin sa usapan nila si Aleng Diana. "Mabait na bata si Deina, matulungin at responsable," k'wento pa ni Aleng Diana. "Hindi rin," bulong niya sa sarili. "Ahm, ano 'yon?" "Ay wala po, ang sabi ko po ay talagang mabait si Deina.." Napangiti naman si Aleng Diana sa sinabi niya. Hanggang sa magawa na niyang i-segway ang usapan. "Nga pala, kaya po ako naparito ay para.. pauwiin ang asawa ko." "Asawa? Bakit? Nagbakasyon ba rito ang iyong asawa?" tanong ni Mang Rolando. "Opo, at kasama siya ngayon ni Deina," aniya kahit sa loob-loob niya'y dapat lamang malaman ng magulang nito na isang kabet lamang ang anak nila. Bagama't batid na ng mga ito na hiwalay na sa asawa si Gelo at pina-process na ang annulment. "Sandali, ang ibig mo bang sabihin ay ikaw ang dating asawa ni Gelo?" tanong ni Aleng Diana. "Mag-asawa pa rin po kami." "Pero ang sabi niya--" "Kasal pa rin kami, at walang annulment na nangyari," pagsisinungaling niya. Doon nagduda ang magulang ni Deina sa pagmamahal ni Gelo para sa anak nila. "Ang totoo niyan ay mahal pa rin namin ang isa't isa at nagsasama sa iisang bubong kasama ang isa naming anak. Pumasok lamang sa eksena si Deina para guluhin kami." Bahagyang napakunot ang noo ni Aleng Diana. "Sandali, hindi ko maintindihan. Ibig mo bang sabihin ay alam talaga ng anak kong may asawa na si Gelo? Pero nakipagnobyo pa rin ito sa asawa mo?" "Gano'n na nga ho.." Sandaling nagkatinginan ang magulang ni Deina sa naging kasagutan nito. Patunay lamang na sinadya talagang maging kabet ni Deina at pinili nitong mahalin si Gelo kahit labag iyon sa batas. "Diyos ko, hindi ko pinalaki ng maayos ang anak namin para lang maging kabet siya balang araw," malungkot na sabi ni Aleng Diana bago pa man siya balikan ng tingin. "'Wag kang mag-alala, hija, gagawan namin 'to ng paraan, aayusin namin ang gusot na ginawa ni Deina sa lalong madaling panahon.." "Salamat po, tita at tito. Ahm, hindi na ho ako magtatagal dahil magdidilim na rin," pagpapaalam niya. "Sige, hija. Paumanhin na rin sa nangyari," sabi pa ni Aleng Diana. At doo'y nagawa pa siya nitong maihatid sa labas. Pagkatalikod na pagkatalikod ay napairap siya habang napapangisi sa kawalan. Ngayon ay sigurado na siyang sa kaniya pa rin huling babagsak si Gelo. Sa kaniya pa rin ang huling halakhak at siya pa rin ang mananalo over Deina. And for some reason, it was her another plan of being not accomplished upon her first plan. Pagkabalik ni Elle ng Quezon City ay expected na niya ang sermon ni France sa kaniya. "Elle, why you didn't fulfilled your promise? I was felt paranoid to think if where did you have to go. Akala ko ba ay susunduin mo lang si Gelo sa malapit, pero hindi ko naman inakala na sa Laguna pa. And then, nagawa mo pa talagang guluhin ang pamilya ni Deina? Paano kung maging rason 'yon para lalo kang kamuhian ni Gelo? And ituloy niya talaga ang annulment?" "Sinabi niya na sa aking itinuloy niya na ang pag-file annulment without asking me. But, the hell I care. Whether he just drop off his annulment or not. Hindi pa rin mapapasawalang bisa ang kasal namin hangga't hindi ako pumipirma sa papel na idedeklara ng judge pagdating ng araw. And hahayaan ko ba naman silang maging tunay na masaya? And could you please stop accusing me, France? Instead of freaking me out, why don't you make a way para magmukha pa rin akong mabango sa mata ni Gelo?" Doon napamewang si France. "Are you insane, Elle? After what you did? Sa tingin mo ba ay matutuwa si Gelo kapag nalaman niyang siniraan mo siya mismo sa magulang ni Deina? Lalo mo lang inilalayo ang loob ni Gelo sa'yo at kapag nangyari 'yon ay kakalimutan na lang nitong may anak ka sa kaniya." "It will never be happen.." napapailing na aniya. "It could be, Elle. Lalo na kapag nagkaanak si Gelo kay Deina." Doon siya natigilan. At tila sinampal siya ng katotohanang iyon para lalong tumindi ang bigat na nararamdaman ng kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD