Chapter 25- Weather The Storm

2101 Words
KASALUKUYANG nakauwi na sina Deina at Gelo galing sa bakasyon-- nang isang masamang balita ang bumungad sa kanila. "Magkasama pala kayo," seryosong wika ng kaniyang ina. Hindi yata nito inaasahan na okay na ulit ang dalawa, matapos magtampo ni Deina kay Gelo dahil sa kakulangan nito sa oras at atensyon sa kaniya. At bilang may bahay ay hindi maiwasang kaawaan siya ng kaniyang ina subalit muli nitong naalala ang mga sinabi ni Elle. "Oo naman po, ma, sumunod po kasi sa akin si Gelo. Tapos ayon, nagkabati kami." Nakangiti si Deina ng sandaling iyon at maging si Gelo nang hindi nila inaasahan ang ibinungad na sampal sa kaniya ng ina. Malakas ang sampal na iyon na tila nagpamanhid sa kaniyang kaibuturan. "M-ma.. b-bakit mo po ako sinampal?" tanong niya sa kabila nang maluha-luhang sitwasyon. At saka naman dumating si Mang Rolando galing sa palengke. "Mahal, pasensya na--" natigilan nitong sabi nang mapuna ang presensya nilang dalawa ni Gelo. Gayundin ang sandaling katahimikan sa pagitan nila. "Ngayon, ma, ipaliwanag mo po sa akin kung anong ibig sabihin ng sampal na 'yon?" napataas na tonong aniya dahil sa labis na pagtataka. At medyo napanatag naman siya dahil agad siyang ikinulong sa mga bisig ni Gelo. "Dahil gusto kong magising ka sa katotohanan na hindi ka karapat-dapat na umibig sa lalaking 'yan!" Pareho silang natigilan ni Gelo sa narinig. Habang tahimik namang inilapag ni Mang Rolando ang mga bitbit na pinamili sa may lamesa. Saka ito uminom ng isang tasa ng tubig bago nakisali sa usapan. "Sandali, ano po bang sinasabi mo, tita? At bakit mo po sinasabi 'yan kay Deina?" wika ni Gelo na hindi na naiwasang sumagot sa kaniyang mother in law. "Dahil sinadya niyang maging kabit. Sinadya niyang mahalin ka kahit alam niyang may asawa't anak ka na." Tila sinampal si Deina ng mga katagang 'yon habang hindi naman makapaniwala si Gelo sa akusasyon ng sariling ina ni Deina. "Mawalang galang na po pero saan n'yo po ba nabalitaan 'yan? At bakit po si Deina ang sinisisi n'yo rito imbes na ako?" "Hindi na mahalaga iyon, Gelo. Pero ang nais lang namin ay gawin ninyo kung ano ang tama. Doon ka sa mag-ina mo at iwan mo na ang anak namin," desididong sabi ni Aleng Diana na parehong nagpakalas sa kanilang yakap sa isa't isa. "M-ma.." naluluhang pagsusumamo rito ni Deina. At saka naman matapang na hinarap ni Gelo ang magulang niya. "Tita, tito, hindi n'yo po kailangang magalit kay Deina dahil simula't sapul ay wala naman siyang naging kasalanan kundi ang magmahal lamang. Sa akin po kayo magalit dahil nagsinungaling ako sa kaniya-- at oo, hindi niya inakalang magiging kabit siya pero itinama ko naman po ang lahat, e. Itinuloy ko ang annulment na nararapat sa amin ng ex wife ko habang hindi natigil ang suporta ko sa nag-iisang anak namin." "Sandali, bakit ang sinabi sa amin ni Elle ay kasal pa rin kayo at walang nangyaring annulment?" tanong ni Aleng Diana na ikinatango naman ni Mang Rolando. Kaya naman bilang patunay ay ipinakita ni Gelo rito ang kaniyang palasingsingan na wala nang suot na wedding ring. At doon ay parehong natulala sina Aleng Diana at Mang Rolando. Habang ang katanungang iyon ay nagbigay linaw sa kanilang hinala na posibleng siniraan sila ni Elle sa mismong magulang ni Deina. Nanatili ang katahimikan sa pagitan ng mag-asawa habang binasag naman ni Gelo ang katahimikang iyon. "So, tama nga po ang hinala ko na siniraan kami ng ex wife ko sa inyo." "Nagpunta siya rito kahapon at inilahad sa amin ang lahat," k'wento pa ng ina ni Deina. Dahilan para sandali silang magkatinginan ni Deina. Saka namuhay na naman ang inis ni Deina. "At nagpunta pa talaga siya rito para sa kaniyang kasinungalingan," wika ni Deina. Kaya naman doon napailing si Gelo. "Tita, tito, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa inyo na kung anuman ang mga ik'winento sa inyo ng ex wife ko ay puro kasinungalingan lamang lahat 'yon. Pinagbigyan ko siya sa kasunduan naming every other day ay doon ako mag-i-stay sa bahay na ipinundar ko para sa amin, para lang hindi niya ilayo sa akin ang anak namin. And yes, ginawa niyang pain ang anak namin para makasama niya rin ako at ipangalandakan sa lahat na buo at masaya pa rin kami bilang isang pamilya." Sandaling nagkatinginan ang magulang ni Deina sa mga narinig. Hindi nila alam kung alin ba ang paniniwalaan. Kung si Elle ba o si Gelo na lalaking pinagkakatiwalaan ngayon ng anak nila? "And now, she's getting exceed with her demands na kung tutuusin ay sobrang hirap at sakit na no'n sa part ni Deina. But, knowing Deina is very understanding. That's why I really love her. While Elle, has never change with her principle that she was trying to make everyone to feel sympathy about her." Hindi maipaliwanag ni Gelo ang mararamdaman nang mapagtantong hahamakin talaga lahat ni Elle para lang sa huli ay masira ang pagsasama nila ni Deina at maging masamâ siya sa k'wento. Hindi niya alam kung paano ipauunawa sa puso't isipan ng kaniyang in laws ang mga nangyari gayong alam na rin nito ang isyu ng nakaraan. Dahil sa maling k'wentong isiniwalat ni Elle. At ang masakit pa, kung kailan naman maayos na silang muli at handa na muling ipaglaban ang isa't isa ay saka naman dumating sa kanilang buhay ang isang pagsubok na kailangan nilang harapin. Dahil lingid sa kanilang kaalaman na natunton din ni Elle ang lugar na kinalakihan ni Deina sa Calamba, Laguna. Dahil sa mga nalaman ng magulang ni Deina ay nagsilbi iyong katotohanang sumampal sa kanila subalit nag-udyok din para tutulan nito ang kanilang pagsasama ni Gelo. Kaya matapos humupa ang tensyon ay muling kinausap ni Aleng Diana ang anak sa k'warto. Habang kasalukuyan naman no'ng magkausap sina Mang Rolando at Gelo sa may salas. "Anak, sigurado ka ba talagang nagtitiwala ka pa rin sa pagmamahal sa'yo ni Gelo?" "Ma, 'di porket minsan nang nagkamali sa buhay ay habang buhay nang pipiliin ang mali. Siyempre, mahal ko siya at alam kong mahal din ako ni Gelo, handang ipaglaban sa kahit na ano pang bagay." "Pero hangga't may bisa ang kasal nila ni Elle ay mananatiling kabit ka sa mata ng Diyos at ng mga tao." Doon siya natigilan at sandaling pinagmasdan ang ina. "Ma, pinili kong mahalin si Gelo dahil alam kong sa kaniya ako masaya. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, basta ang mahalaga ay wala kaming natatapakang tao. Except, Elle na hindi marunong tumanggap nang pagkatalo. Alam ko na hindi niya kami tatantanan ni Gelo pero dahil mahal namin ang isa't isa ay walang makapaghihiwalay sa amin.." "Anak, mayroon.." anito na ikinalingon niya sa kawalan. "Sa ngayon ay tumututol na muna ako sa inyong pagsasama hangga't hindi pa maayos ang lahat. Hangga't kabit ka pa rin sa paningin ng iba." "Ma, hayaan mo na po kaming magsama. Hindi ba't simula pa lang ay umamin naman na sa inyo si Gelo na nagkaroon siya ng asawa at may anak na rin siya? Wala siyang inilihim sa inyo. At oo, naglihim nga siya sa akin na sa iisang bubong pa rin sila nakatira ni Elle kahit hiwalay na sila, pero para lamang iyon sa kapakanan ng bata." "Ewan ko ba, hindi lang talaga ako makampante lalo na sa tuwing iniisip ko na isang kabit ang anak ko. Na siya ang dahilan kung bakit nakasira ng isang pamilya." "Ma, bago pa man ako dumating sa buhay ni Gelo ay hindi na talaga masaya ang pagsasama nila ni Elle. Tanging anak na lang nila ang nag-uugnay sa kanila kung bakit nagsasama pa rin sila sa iisang bubong. Ma, I understand your reasons, pero kasi.. ngayon pa ba kami susuko kung kailan pina-process na ang annulment? Kailangan ko lang maghintay ng tamang panahon para maging legal na ang pagsasama namin." Doon bahagyang napayuko si Aleng Diana. "Pero isipin mo nga ang sitwasyon n'yo ngayon, Deina, anak, kahit mahal ka niya ay hindi mo siya p'wedeng masabing sa'yo lang. Lalo na't hati ang oras niya sa inyo ng mag-ina niya." Saglit pa itong napabuntong hininga. "Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit minsan lang 'yang umuwi rito. At ang masaklap pa, imbes na ibahay ka niya mismo nang bukod sa amin ay nakapisan kayo sa amin. Paano n'yo makikilala ang ugali ng isa't isa niyan?" "Ma, bukas po ang pang-unawa ko sa responsibilidad niya sa kaniyang mag-ina kahit hiwalay na sila ni Elle. At kung bakit nakapisan pa rin kami ngayon sa inyo ay dahil pinoprotektahan niya lang ako kay Elle, na posibleng saktan ulit ako nito kapag doon kami tumira sa mismong condo niya." "Sinaktan ka ni Elle?" Dahan-dahan siyang napatango. "Pero deserve ko naman ang sampal na 'yon, dahil pagbali-baliktarin man ang mundo ay isa pa rin akong kabit.." maluha-luhang aniya. "Kaya nga iyan ang rason kung bakit tinututulan na muna namin ng ama mo ang inyong pagsasama. Ayaw naming maging laman ka ng tsismis at magmukhang masama sa paningin ng iba.. dahil bilang ina, ay masakit para sa akin na isiping isang kabit lamang ang anak ko.." "Hindi n'yo na po kailangang tumutol sa pagsasama namin, tita." Doon sila natigilan sa boses na bumungad mula sa kanilang likuran. "Dahil ako na po mismo ang aalis sa bahay na ito bukas na bukas din. Para na rin sa kapakanan ni Deina." "Gelo.. iiwan mo ako?" "Hindi kita iiwan, Deina, iiwas lang din ako sa posibleng gulo. Ngayon na alam na ni Elle ang bahay na 'to ay posibleng gumawa iyon ng eksena rito. Ayoko lang na mapahiya ka, Deina. Tayo pa rin at walang magbabago ro'n kahit hindi na tayo p'wedeng magkasama palagi." Sa mga sinabi ni Gelo ay isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya rito. At dala nang matinding kalungkutan ay pahikbi niyang sinabi ang mga katagang, "Mahal kita, Gelo.. mahal kita.." "Mas mahal kita," tugon nito sa kaniya sa gitna ng yakap. Habang nanatiling nakatanaw lamang sa kanila ang magulang ni Deina. "Sige na, magpahinga na kayo, para maagang makapag-impake bukas si Gelo," wika ni Aleng Diana na tila hindi matanggap isipin ni Deina. Kaya nang silang dalawa na lamang dalawa sa k'warto ay kapansin-pansin na hindi mawalay ang yakap ni Deina sa nobyo. "Bakit ang higpit naman yata ng yakap mo? Para namang hindi na tayo niyan magkikita, e." "Hindi ko lang maiwasang malungkot, Gelo." Tipid pa siyang napabuntong hininga bago muling nagsalita, "Alam kong mas magiging mahirap ang kahaharapin nating sitwasyon kung saan ay mas magiging madalang na ang pagkikita at pagsasama natin pero kailangan ko iyong tanggapin." "Ako rin naman, e. Nalulungkot din ako dahil akala ko ay magiging maayos ang lahat kapag ginawa ko ang tama. Na tuluyang kumalas sa pagsasama namin ni Elle. Pero hindi pa rin naman ako papalya sa pagsundo sa'yo, e. Maliban na lang kapag rest day ko dahil nakalaan na talaga iyon kay Angelie." "Kay Angelie lang, hah?" "Oo naman, never na kaming nagtabi ni Elle simula nang magkalamat ang relasyon namin. At anuman ang sabihin ng iba, palagi mong tatandaan na sa'yo lang ako, Deina, pangako 'yan." "Talaga?" paniniguro pa niya. "Oo," walang alinlangang sagot nito. "Mahal.. na mahal.. kita, ikaw muli ang kumumpleto sa buhay ko na kung dati ay tila may kulang. Deina, magiging maayos din ang lahat.. magiging legal din ang ating pagsasama, kung saan ay p'wede ko nang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal.." Napangiti siya. "Magtitiwala ako at aasang darating ang araw na 'yon," sagot niya. At tila mas humigpit pa ang yakap na 'yon hanggang sa magsalubong ang kanilang mga labi upang pagsaluhan ang isang dalisay na halik. Ang halik na unti-unting naging mapusok at agresibo. Ng halik na unti-unting pumapawi ng kanilang kalungkutan. At hanggang sa kusa na nilang tinatanggal ang kanilang pang-ibabaw na kasuotan. Hanggang sa tanging balat na lamang ang nagbibigay init sa kanilang katawan. Hanggang sa pareho na silang uhaw sa yakap at haplos ng bawat isa. At hanggang sa ang gabing iyon ay nag-udyok muli sa kanila para maging isa. "Mahal na mahal kita, Deina.." wika ni Gelo habang patuloy siya nitong inaangkin. Bagay na hindi niya maiwasang ikaluha sa kabila ng matinding kasiyahan. At ang bawat pag-ulos nito ay nagsisilbing palatandaan na kahit anong mangyari ay siya lang ang babaeng nais nitong makasama habang buhay. Na tanging siya lang ang magsisilbi nitong kalakasan sa bawat kahinaan. Na tanging siya lang ang kukumpleto sa buhay nito. Maaaring hindi siya ang nauna, ngunit sisiguraduhin niyang siya naman ang huli, at anuman ang kanilang harapin na pagsubok ay hindi magbabago ang prinsipyo ni Gelo na ipaglaban si Deina sa lahat ng bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD