Chapter 22- Deeply, Madly In Love

1220 Words
IT WAS another chance for them as lovers of being together despite of what happened. Na para kay Gelo ay isang bagay na hindi maiwasan niyang ipagpasalamat sa maykapal dahil hindi tuluyang nawala sa buhay niya si Deina. At dahil kailangan pang mag-stay ni Deina sa Sun City beach resort sa Calamba, Laguna ng mahigit isang araw ay hindi nagdalawang isip si Gelo na samahan ito. Dahil para sa kaniya ay malaki ang panahong naging pagkukulang niya kay Deina simula nang matakot siyang mawala sa buhay niya ang anak ni Angelie. "Good evening, ma'am and sir! Welcome to Fiesta restaurant!" sabi iyon ng isang staff ng restaurant sa beach na iyon. Nakangiti naman nila itong sinalubong bago tuluyang pumasok sa loob. "What do you wanna eat?" "Ahm.." tipid na sagot ni Deina habang pumipili sa menu na nasa kaniyang harapan. Hindi niya maiwasan ang mapaisip sa nais niyang kainin dahil hanggang ngayon ay lutang pa rin ang kaniyang isipan sa kung anong nangyari kanina. Paano ba naman.. matapos nilang magbati kanina ay nagpasama sa kaniya ang nobyo sa room niya bagama't hindi niya inaasahang kagustuhan nitong samahan siyang mag-stay doon. Pero ang hindi niya rin akalain ay lalabas ang pagiging clingy nito-- tipong ayaw na siya nitong pakawalan pa, bagay na bago para sa kaniya. "Deina? Are you still with me?" Bahagya siyang natawa sa itinanong nito. "Oo naman, ahm, pasensya ka na, wala kasi akong mapili, e." "Sigurado ka ba?" Tipid siyang napatango. At saka naman nakaisip si Gelo na kung anong o-orderin nito ay iyon na lang din ang kakainin niya. "Wait, let me order a food for us." Nagtiwala naman siya sa choice ni Gelo at doon nga'y narinig niyang sinabi nito sa waiter ang mga pagkaing ilan lamang sa bihira niyang makain. Two java rice, pork sisig, chicken caldereta, chicken macaroni and two sliced of beef lasagna with lime juice. "Alam ko namang wala kang pili sa pagkain, e." Pasimple pa nitong pinisil ang pisngi niya na bahagyang nagpangiti sa kaniya. "Alam mo, kung aangal man ako ay sadyang napakarami lang ng pagkaing in-order mo para sa atin." "It's okay, kung maaaring oras-oras kong punan ang lahat ng pagkukulang ko sa'yo ay gagawin ko, my beautiful Deina." Hindi siya agad nakasagot. At aaminin niyang sa kabila ng mga rason kung bakit malaki ang hadlang ng mundo sa kanilang dalawa ay pagmamahal lamang ni Gelo ang pinanghahawakan niya sa ngayon. "Nabusog ako ro'n, hah? Parang ayaw ko pa tuloy bumalik sa k'warto," aniya habang sinusuyod nila ang gitnang parte ng beach. Pagkaraan lamang ng ilang segundo ay hindi niya inaasahan na hahawakan nito ng mahigpit ang kamay niya. "Bakit?" hindi naiwasang maitanong niya. Doo'y nakita niya ang malapad na pagkakangiti ni Gelo habang nakatitig sa dalampasigan. "Wala lang, araw-araw ko kasing napapatunayan sa sarili ko na hindi ako nagsising mahalin ka. I don't know why it took fast but I'm sure now that I am deeply madly in love with you." Pinisil pa nito ang kaniyang palad habang patuloy silang naglalakad sa gitna ng dalampasigan. And upon staying in the midst of the beach, Deina just realized that she couldn't imagine herself without Gelo. Matatandaang minsan niya itong sinukuan sa pag-aakalang wala na silang pag-asang dalawa. Dahil na rin sa pagpasok ni Elle sa kaniyang buhay. Knowing the fact that she's become a mess between Gelo and Elle's marriage. Hindi niya lang inakalang darating ang araw na matatawag siyang mistress. Tila may hang over pa siya sa ganda ng dalampasigan kahit na binabalot ng dilim ang kalangitan. Dahil hindi niya akalaing nakabalik na pala sila ng k'warto. "Deina, kanina ko pa napapansin na tila malalim ang iniisip mo. M-may problema ba?" Napaupo siya sa kama habang naghubad naman ng coat at pantalon si Gelo na ikinalaki ng mata niya. "Hoy! May CR kaya!" napasigaw na aniya. "Bakit? Hindi naman magtatagal at makikita mo rin 'to. At pangakong sa'yo lang ang katawan na 'to." Kumindat pa ito matapos na sabihin 'yon habang siya ay hindi maintindihan kung ano ba ang mararamdaman. Wari ay kinikilabutan siya habang binabalot ng kilig. "Sira! Tumigil ka nga, Gelo Madrigal!" Mukhang naiinis pero sa loob-loob ay kinikilig na aniya. Kaya naman hindi maiwasang marinig niya ang malakas na tawa nito. Pero ewan ba niya dahil parang lalo itong gwumapo at naging manly sa kaniyang paningin. At ang malakas na tawang iyon ay unti-unting humina sa kaniyang pandinig. Doon niya lang namalayan na malapit na ang distansya nito sa kaniya. At para siyang nabingi sa sinabi nito, "I love you." Sasagot na sana siya subalit biglang sumagi sa isip niya ang magulang nito na posibleng hindi ngayon masaya sa kanilang pagsasama. "O, bakit parang hindi ka man lang naging masaya sa sinabi ko?" Tipid siyang napabuntong hininga at sinabi, "Sa totoo lang, nahihiya ako ulit na humarap sa parents mo." "Bakit mo naman naisip 'yan?" Sandaling napatanday ang kaniyang ulo sa kamay niya na nakapatong sa may kama at saka sumagot, "Wala lang, e, 'di ba.. nabanggit mo sa akin na bumisita ka sa kanila para hingin ang permiso nilang magsama tayo?" "Oo, pero, pumayag naman sila, 'di ba? What's wrong about it?" "Naisip ko lang kasi, hindi kaya.. nanghihinayang sila sa.. pagsasama ninyo ni Elle. Kasi, kahit ano namang mangyari ay panalo pa rin si Elle dahil may anak kayo at sigurado akong napamahal na rin doon sila tita." "Alam mo, sometimes, I've always ask myself on why did I love her? Bakit noong una pa lang ay ginawa ko na 'yung isang bagay na alam kong pagdudusahan ko habang buhay.. but for some reason, I am quite thankful because, what happened to me and Elle is a lesson in my life that could make me stronger. Saka, you're right, may anak nga kami ni Elle at malaking issue 'yon sa magulang ko. But I'd already explained to them on why did I chose to love you over Elle. And knowing my reasons, pumayag sila na gawin ko ang tama. That's why nilakad ko ang annulment namin ni Elle without asking any permission from her." Doon siya napatango at tipid na napangiti. Akala niya ay tapos na ito sa sasabihin ngunit bahagyang napataas ang kilay niya sa sumunod na sinabi nito, "Pero bakit parang napi-pressure ka sa katotohanang may anak na kaming dalawa. Gusto mo ba ay gumawa na rin tayo ng atin?" "Sira!" Napahagikhik si Gelo at doo'y binato niya ito ng unan. "Aray! Sorry na! Magpapaka-behave na po ako!" nagsusumamong anito. "Kanina ka pa kasi, e. Puro ka kalokohan!" seryosong aniya na ikinatawa naman nito. "Sorry na nga po," anito at saka ito yumakap ng mahigpit sa kaniya. Saka siya pinaghahalikan sa noo, ilong, baba at labi. Bumalik na naman ang pagiging clingy nito kanina na lihim niya rin namang nagugustuhan. At ang gabing iyon ay napuno ng harutan at lambingan. Hanggang sa ayain siyang uminom ng beer ni Gelo bilang pangpatulog. "Are you drinking alcohol?" kaswal nitong tanong sa kaniya. "Medyo," tipid na sagot niya. "Good. Sabayan mo ako, my beautiful, Deina." Natatawa habang napapailing siyang tinanggap ang bote. "Okay, pero isang bote lang, hah?" "Sure. I love you." "I love you too." Sandaling nagtagpo ang mga mata nila at napangiti sa isa't isa. At kahit sa paraang iyon lang ay naipapakita nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD