Chapter 21- What Is Right And What Is Best

1367 Words
ASIDE FROM being a loving father, son and husband. Gelo Madrigal has found himself to be critical in a situation where he can prove on what is right and what is best. In fact, for him, what the best thing to do is to continue the annulment without any approval from her wife, Elle. Pasasaan pa at umaasa siyang darating din ang araw na pipirma rin ito sa kasunduang iyon. "Thank you for your cooperation, Mr. Francisco." Iyon ang mga katagang sinabi niya sa abogadong si Mr. Crismond Francisco na siyang mag-aasikaso ng kanilang annulment ni Elle. "You are always welcome, Mr. Madrigal. Basta, if you have any concern, you may contact me anytime." Napatango naman siya habang tipid na nakangiti. Saka ito nakipagkamay sa kaniya bago pa ito tuluyang umalis. Sa ngayon ay panatag na siya na ginawa niya ang nararapat na gawin para sa ikapapanatag ng puso niya. Ngunit, dahil sa pananakot ni Elle na matatanggalan siya ng karapatan sa kanilang anak na si Angelie ay binalot naman siya ng takot na mangyari 'yon. Kaya kahit masakit ay pinili niyang gawin ang tama. Bagay na hiniling niya rin kay Deina na payagan siya minsang makasama ang kaniyang anak. Kahit lingid sa nobya na magkasama pa rin sila sa iisang bubong ni Elle. Nagpatuloy ang set up na 'yon nang wala siyang naririnig na pag-angal mula kay Deina. Nagagawa rin siya nitong pagtakpan sa magulang sa kabila nang kawalan niya ng oras sa relasyon nila. Bagay na ipinagpapasalamat niya rito nang sobra. At para naman kay Gelo ay panatag siyang gawin iyon dahil alam niyang mahaba ang pasensya ni Deina. Hanggang isang araw ay hindi niya namalayang mas lamang na ang ibinibigay niyang oras sa kaniyang mag-ina kaysa kay Deina na walang ibang ginawa kundi ang unawain siya. "Deina?" Nagtaka siya dahil hindi niya naabutan si Deina na naghihintay sa kaniyang pagsundo. Saka niya nakita si Ted na batid niyang malapit na kaibigan nito. "Where is Deina?" "Gelo, ahm, hindi niya ba sinabi sa'yo na naka-leave siya for three days?" "Ano?" "Napansin kasi namin na parang stress siya. Kaya nag-request siya kay Sir Ferdie na kung p'wede siyang mag-leave for three days. Kaya walang katuwang ngayon si Claudine sa front desk." "Gano'n ba, pero alam mo ba kung saan siya nagbakasyon?" Sandaling natigilan si Ted gayong nangako ito kay Deina na hindi nito sasabihin kung nasaan ang dalaga. But Ted know what is best for them as a couple. At kahit batid na nito ang problemang kinakaharap ng kanilang relasyon ay pinili pa rin nitong gumitna lamang. Kaya naman sa kalagitnaan ng gabi ay desidido si Gelo na mapuntahan si Deina sa kinaroroonan nito. Sa isang beach sa Laguna niya ito natagpuan. At laking gulat ni Deina nang makita siya nitong tila hingal na hingal sa kahahanap. "Deina!" Sasalubungin niya na sana ito ng yakap at halik ngunit sumenyas ito ng, "stop," kaya naman natigilan siya mula sa kinatatayuan. "Bakit mo ako sinundan, hindi ba't masaya ka naman sa piling ng 'yong mag-ina?" Ramdam niya ang kirot sa mga katagang iyon ni Deina. Hindi niya akalaing nakarating pala rito ang balitang nasa iisang bubong pa rin nakatira sina Gelo at Elle sa kabila ng paghihiwalay nito. At ang balitang 'yon ay si Elle mismo ang nagsabi kay Deina. Pero anong magagawa ni Gelo kung naiipit siya sa dalawang sitwasyon na alam niya naman na pareho siyang nagiging masaya? Sa piling ng anak at sa piling ng nobya. Sa katunayan ay hindi na talaga sila nagtabi ni Elle simula nang mangyari ang set up na minsan ay doon siya uuwi ay minsan ay sa bahay naman ng magulang ni Deina kung saan sila nakapisan. Doon talaga siya natutulog sa tabi ng anak. Dahil nangako siya sa sariling hindi na mauulit pa ang minsang pagkakanulo niya kay Deina. "Deina, I'm sorry, kung hindi ko agad sinabi sa'yo na nagsasama pa kami ni Elle sa iisang bubong. Natakot lang ako na mawala ka sa akin.. pero sa maniwala ka man o hindi ay wala nang nangyayari sa amin. Si Angelie, na anak ko ang lagi kong katabing matulog. Habang walang gabing hindi ka naalis sa isip ko sa tuwing kasama ko ang aking anak. Na kung p'wede lang ay ikaw na ang mag-alaga sa kaniya." Napatingala sa langit si Deina. Tila pinag-aaralan nito ang mga katagang nais sabihin. Kung ano ang mas nararapat at kung ano ang mas makabubuti. "Alam kong mahirap para sa'yo na pagtimbangin ang karapatan mo bilang magulang at karapatan mong magmahal. Pero bakit ngayon pa lang ay hindi ka na lang mamili?" "A-ano bang sinasabi mo, Deina?" "Bakit hindi mo na lang piliin si Elle kaysa sa akin?" "Hell no. Hinding-hindi ko magagawa 'yon. Deina, ikaw na ang mahal ko.." Halos lumuhod na siya sa lupang kinatatayuan. Pero parang walang emosyon si Deina para intindihin 'yon. Hanggang sa makita niya na lang ang luhang pumapatak mula rito. "Tama naman si Elle, e. Ano ba namang laban ko sa halos apat na taong pagsasama? Na isa lamang akong malaking hadlang sa inyong dalawa." Doon siya natigilan. "Nagkausap kayo ni Elle?" Dahan-dahang napatango si Deina. "Oo, sinabunutan niya lang naman ako at pinamukha sa akin na malandi ako." Napailing siya sa narinig. Masakit para sa kaniya na marinig iyon. "Pero taman naman siya, e. Nanira ako ng isang pamilya." "But you didn't, Deina. Ako, ako talaga ang may kasalanan, dahil naglihim ako sa'yo. Hindi lang sa'yo kundi sa magulang mo-- na hindi na kami kasal ni Elle. Pero sa maniwala ka man o hindi ay inasikaso ko na talaga ang annulment, no'ng mga araw na hindi tayo nagkikita. Kasi gusto kong maging legal na ang pagsasama natin. Ipinaliwanag ko naman sa'yo kung bakit kailangan kong gawin na bigyan ng oras at atensyon ang mag-ina ko, 'di ba? Dahil ayaw kong ilayo sa akin ni Elle ang anak namin. Alam kong naintindihan mo 'yon. Pero bakit parang sumuko ka na sa relasyon natin? Deina, you don't know how I've been longing for you for the days that were not together and I miss you so much.." Doon na bumuhos ang sarili niyang luha. Hanggang sa maging malaya siyang makalapit sa pwesto ng nobya na ngayo'y sinisikap lamang na yakapin ang sarili. Pero nang subukan niya itong yakapin ay itinulak lang siya nito. Pero hindi siya nagpatinag at sinubukan pa rin itong yakapin. Hanggang sa mapahagulgol na ito habang nakakulong ito sa kaniyang yakap. "Ang sakit-sakit kasi.. tipong palagi kitang pinagtatakpan sa magulang ko pero deep inside ay gusto ko na talagang ilabas ang galit sa puso ko. That's why I'm here. Alam mo ba kung gaano kabigat sa aking isipin na mahal kita pero wala akong karapatang ipagdamot ka kasi kabet lang ako. Na kahit anong mangyari ay mas nauna si Elle sa akin. Mas nauna mo siyang minahal kaysa sa akin." Doon niya hinarap ang nobya habang nakayakap pa rin ang kaniyang mga braso sa bewang nito. "Deina, iba ang noon sa kasalukuyan. Iba ang iniisip mo sa nararamdaman ko. At kung iniisip mo na mas matimbang ang halos apat na taong pagsasama kaysa sa sandaling pagsasama natin? Diyan ka nagkakamali, dahil sigurado akong ngayon lang ako nagmahal ng ganito." "Gelo.. mahal din kita. Kaya nga masakit sa akin na wala akong karapatan sa'yo.." "Deina, may karapatan ka. Mas may karapatan ka na ngayon kay Elle dahil hiwalay na kami at pina-process na ang annulment. And I promise to you na hinding-hindi ko na hahayaang saktan ka pa ni Elle." "Pero kasal pa rin kayo--" "I don't care. Walang papel na makakapagpabago ng nararamdaman ko para sa'yo, Deina. Aside from my daughter, you are the reason why I am truly happy. You are the reason why I have to pursue my life. And I can't live without you.. I love you so much." Doon niya siniil ng halik ang nobya matapos sabihin ang mga katagang iyon. At hindi rin naman siya napahiyang tugunan iyon ng nobya. Halik na puno ng kasabikan at pagmamahal ang pinagsaluhan nila. Animo'y nagsasayaw ang kanilang katawan sa gitna ng madilim na bahaging iyon ng beach. At tila dinadala siya nito sa alapaap at nagbibigay ng anong saya sa kaibuturan ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD