Chapter 20- Closure

1818 Words
HINDI MAINTINDIHAN ni Gelo ang mararamdaman habang naroon siya sa tapat ng bahay ng kaniyang magulang. Hindi maipaliwanag na emosyon bagama't nagtatalo ang kaniyang puso't isipan sa bagay na hindi at nais niyang gawin. Ito ang kaniyang naging desisyon na kailangan niyang gawin-- na harapin ang kaniyang magulang at humingi ng approval dito para sa annulment nila ni Elle at sa kanilang pagsasama ni Deina. Nanatili lamang siyang nakatayo sa may tapat ng gate na gawa sa kawayan nang hindi inaasahang matatanaw siya ng kaniyang ama at inang sina Mr. Evan at Mrs. Angelou Madrigal, na galing pa sa paglalako ng panindang almusal. Sa puntong iyon ay hindi maiwasang balutin sila ng katahimikan. Hanggang sa ina niya na mismo ang nagsalita, "Mabuti naman at bumisita ka rito. Mabuti at naalala mo pa kami." Mahahalata sa tono ng boses nito ang tampo at kawalang emosyon, dahil na rin sa mga nabalitaan nito sa kanilang pagsasama ni Elle. And now, hindi na siya mananahimik. At kung kinakailangang sabihin niya ang lahat para lang lumabas na hindi lang siya ang nagloko at sumira sa kasal nila ni Elle ay gagawin niya. "Ma, of course. Sino ba naman ako para kalimutan na lang ang magulang ko?" Pagkasabi niya no'n ay siyang lampas naman ni Mrs. Angelou mula sa kinatatayuan niya habang nanatili naman sa pwesto ang kaniyang ama. Pero bago pa man tuluyang makapasok sa loob ang kaniyang ina ay binalikan siya nito ng tingin. "Gusto mo bang pumasok?" Napangiti at napatango siya. Tunay ngang kahit kailan ay hindi matitiis ng isang magulang ang kaniyang anak. Hindi niya namalayang nakaupo na pala siya sa may sofa ng bahay na iyon. Hindi niya akalaing matapos ang nalaman ng kaniyang magulang sa panloloko niya kay Elle ay handa pa rin siyang patuluyin nito sa bahay. "Angge, ipagtimpla mo muna ng kape ang anak natin." Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kaniyang ama. Kaya ilang saglit lang ay may dala ng tasa ang kaniyang ina na naglalaman ng kape. Tatlong tasa iyon para sa kanila. At nang tuluyan nang nailapag ang mga tasa sa center table ay doon lang siya tsumempong magsalita, "Salamat, ma. Ahm, kaya po ako naparito ay para sana humingi ng approval sa inyo." Doo'y napabuntong hininga si Mrs. Madrigal matapos nitong tumabi sa asawa habang nakatuon ang tingin sa kaniya. "Tungkol saan?" Inipon niya ang lahat nang lakas ng loob upang sabihin dito ang mga katagang nais sabihin, "Makikipag-annul na po ako kay Elle," walang alinlangang pagkakasabi niya. At doo'y nakita niya ang pagkunot ng noo ng kaniyang magulang. Isabay pa ang pag-iling ng mga ito. Sabay sabi ng kaniyang ina, "Itutuloy mo ba talaga 'yan? At mas pipiliin mo ang kabet mo?" "Ma, hindi ko kayang isiping kabet si Deina." "Pero iyon ang totoo. Kasal ka pa kay Elle pero iniputan mo na siya sa ulo. At alam mo ba kung gaano kasakit 'yon para sa isang babae?" Doon siya napayuko. Habang walang makapipigil sa kaniyang naunang desisyon. "Anak, makinig ka sa mama mo," sabi iyon ni Mr. Madrigal. "Gelo, naiintindihan namin na hindi na masaya ang pagsasama ninyo ni Elle pero 'yung iwan mo siya ng basta-basta na wala man lang siyang chance para mapatunayan na mahal ka talaga niya sa kabila ng lahat ay masakit para sa amin ng ama mo. Parang anak na rin namin si Elle, e. At kung maghihiwalay talaga kayo ay posibleng mawalan din kami ng karapatan kay Angelie. Isipin mo na lang ang magiging karapatan namin sa bata, lalo ka na, bilang sarili nitong ama." "Pero, ma, pa, hindi lang naman po ako ang nagloko rito," wika niya na ikinatigilan ng kaniyang magulang. "Nagloko rin siya at humanap nang pupuno ng kaniyang pangangailangan. And yes, bilang lang sa daliri kung magsiping kami. Kaya siguro hinanap niya sa iba ang bagay na 'yon. Given the fact that I don't love Elle anymore since we got married. Alam niya 'yon, pero dahil mas inisip ko ang kapakanan ng bata ay nanatili ako sa kaniya. At oo, ako ang unang nagloko pero for pitty's sake-- disenteng babae si Deina at iginagalang ko siya." "Ibig sabihin ba nito ay pareho lang pala kayong nag-iputan sa ulo ni Elle? Pero bakit ipinamukha niya sa amin na siya itong mukhang mas kaawa-awa?" "Because Elle is a great pretender, ma. Kayang-kaya niyang magpanggap na wala pa siyang nalalaman. I know her rights na ipaglaban ako dahil kasal pa rin kami, pero hindi naman yata tama na gumanti siya kay Deina. Hindi pa siya nakuntento nang gumanti siya sa akin dahil sa lalaki niya. At alam n'yo bang hindi ko talaga nagustuhan ang asal niyan sa loob ng mahigit tatlong taon naming pagsasama? The reason why I can't love her anymore. And yes, hindi nawala ang pakialam ko sa kaniya, dahil hindi naman ako ganoon kasamang tao para pabayaan na lang silang mag-ina. Binigay ko ang magandang buhay para sa kanila, nagsikap akong magtrabaho sa kabila ng matinding kalungkutan na bumabalot sa akin dahil nagpakasal ako sa babaeng hindi ko na kayang mahalin. And yes, it sounds unfair, pero minsan talaga ay magigising ka na lang na hindi mo na mahal ang isang tao." Doon napailing si Mr. Madrigal habang nanatiling tulala naman si Mrs. Madrigal. "Hindi ako makapaniwalang mas naging magulo ang pagsasama n'yo, anak.. ngayon ay naiintindihan ko na, mabuti ay ipinaunawa mo sa amin," ang sabi ni Mr. Evan Madrigal. "Pa, kung tutuusin ay magiging maayos na sana ang lahat, kung nakikipag-cooperate lang si Elle, simple lang naman ang hinihingi ko sa kaniya, e, ang matuloy ang annulment naming dalawa. At magkaniya-kaniyang buhay na lang kami. Pero ayaw niya 'yong ibigay-- dahil ang sabi niya ay mahal na mahal niya raw ako. Pero parang hindi na pagmamahal ang nararamdaman niya sa akin, e, kundi obsession na. Sa katunayan ay hindi ko na nga kilala si Elle." "Anak, I'm sorry kung hinusgahan ka namin ng papa mo. At nagalit kami sa'yo.. ni hindi ka man lang namin kwinestyon bilang sarili naming anak sa iyong tunay na nararamdaman. Ngayon ay naiitindihan na namin kung bakit mas pinili mong humiwalay kay Elle. Pero, sigurado ka ba talaga sa desisyon mong 'yan?" Doon siya walang alinlangan na napatango. At saka tinanggap ang yakap ng kaniyang magulang. Habang sa tuwina ay naluluha siyang damhin ang yakap na iyon bilang suporta sa kaniya ng magulang. Dala niya hanggang sa trabaho ang isiping iyon, kung paano naging maayos muli ang samahan nila ng kaniyang magulang bilang isang pamilya. Sa ngayon, ang tanging gumugulo na lamang sa kaniya ay kung paano mapapapayag si Elle sa kanilang annulment. Para na rin mawalang kahihiyan na ang katotohanang iyon sa kapakanan ni Deina at para sa magulang nito. Kaya naman umuwi siya ng bahay kung saan ay alam niyang matatagpuan si Elle. Katulad ng nakasanayan ay seryoso ang mukha nitong bumungad sa kaniya nang maabutan niya itong umiinom sa mini bar ng kanilang kitchen. "O, mabuti naman at umuwi ka pa. Nagsawa ka na ba sa katawan ng kabet mo?" Imbes na maasar sa pang-iinsulto nito ay nagawa niyang lapitan ang asawa mula sa pwesto nito. "Bakit ka umiinom? Tigilan mo nga 'yan." Bumwelta siya ng lakas para agawin ang bote ng beer sa asawa. "At anong gusto mong gawin ko? Magpakasaya ngayong masaya ka na rin sa iba? You are so unfair, Gelo!" "Ikaw ang unfair, Elle. Dahil hindi mo kayang ibigay sa akin ang bagay na hinihingi ko." Doo'y napangisi si Elle. "And para ano? Para tuluyan ka ng maging masaya sa piling ng kabet mong si Deina? Habang ako rito ay nagdurusa?" Tipid pa itong natawa. "Anong akala mo sa akin? Madali lang tanggapin? Gelo, all my life I spend it to you, I chose you instead of my dreams. Without wondering about myself to be lost in the end. Para akong sumugal sa isang casino na wala namang napuntahan. So the only thing that I earned was guilt and frustration." Nagawa niyang hawakan ang magkabilang balikat ng asawa. "Elle, please, do it for the sake of your own happiness, not only because this is the best thing to do. Isipin mo na lang na lumalaking walang alam si Angelie, kaya mas mabuting ngayon pa lang ay ipaunawa na natin sa kaniya na kahit kailan ay hindi na maaaring mabuo ang ating pamilya." "I said no!" Hindi niya inaasahan ang kasabay na sampal nito sa kaniyang pisngi. Dahilan para matigilan siya at manahimik. "Sige, magkasundo tayo, ituloy mo ang annulment pero hindi ka na magkakaroon ng kahit anong karapatan sa anak natin. Ilalayo ko siya at sisiguraduhin kong hindi mo na siya makikita kahit kailan!" Doon siya napailing. "Elle, don't do this. Elle, don't give me a consequence like this. I love my daughter at hindi ko kayang mawala siya sa akin.." Sandaling napangisi si Elle. "Ang sakit naman na marinig, na pagdating sa anak mo ay hindi mo ito kayang mawala sa buhay mo. Samantalang ako? Kahit yata mamatay ako ay okay lang sa'yo." Ramdam niya ang sakit sa mga katagang iyon ni Elle. Pero anong gagawin niya kung nais niya lang magpakatotoo at gawin kung ano ang alam niyang tama? "Elle, life is too short for regrets. Learn to chose on how to be happy for yourself. Gusto ko lang din na maging masaya ka at maging panatag na rin ang kalooban natin.. So, let us end this relationship for our peace of mind." "And why do I let you free kung sa'yo lang naman talaga ako masaya?" Doo'y nagawa siyang hawakan ni Elle sa magkabilang braso. "Gelo, mas magiging panatag ang kalooban ko kapag pinili mo ako over Deina.. kaya please.. don't let me go.." Puno ng pagsusumamo at pagmamakaawa ang ginawa ni Elle pero parang wala iyong epekto sa kaniya para baguhin niyon ang desisyon niyang pakikipaghiwalay. "Please.." Hanggang sa isubsob na nito ang sariling mukha sa kaniyang dibdib. Hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa kaniyang harapan. Na hindi niya naman hinayaang mapahamak ang asawa. Kung kaya't agad niya itong sinalo ng kaniyang braso at kinarga na parang bata. Napabuntong hininga siya matapos itong buhatin hanggang sa kanilang k'warto dati. Wala na itong kamalay-malay na pinagmamasdan niya lamang ito dahil mahimbing na itong natutulog dulot ng kalasingan. Batid naman niya na hindi nawala ang kagustuhan niyang maging okay ito palagi. "Hay, Elle. I hope that you find the real happiness in your heart. Good night." Matapos niyang maihiga sa kama si Elle ay saka niya naman sinilip ang kaniyang anak sa k'warto nito. Napangiti naman siya nang makitang katabi nito si Aleng Ester. Ngunit sa kasuluk-sulukan ng kaniyang mata ay hindi maikaila ang kalungkutan. Kaya habang nakatitig sa anak ay nasabi niya sa sarili ang mga katagang, "I'm so sorry, my lovely daughter, if papa and mama won't give you a happy and complete family forever. But I promise that I would still be the best father you'd ever known."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD