Chapter 19- Girl Instincts

1976 Words
NANG DAHIL sa mga nalaman ay tila nagkaroon ng pag-aalinlangan si Deina sa pagmamahal sa kaniya ni Gelo. Isabay pa ang opinyon ng kaniyang malapit na kaibigang si Ted na kung tutuusin ay nagpapakatotoo lamang. Pero kahit gano'n ay hindi nagbago ang desisyon niyang pagpayag sa kanilang napipintong pagsasama sa iisang bubong. Aniya'y paraan din iyon para mas makilala pa si Gelo. Kaya naman ang isang araw pa niyang pananatili sa kanilang bahay sa Calamba, Laguna ay sinigurado niyang magiging makabuluhan sa piling ng kaniyang magulang at dalawang nakababatang kapatid. Saktong rest day din niya ngayon kung kaya't mas mahaba ang oras na makakasama ang magulang at dalawang kapatid. Pero may kaunting bahid ng lungkot siyang nararamdaman dahil simula mamayang gabi ay malalayo na siya sa bahay na kinamulatan niya-- malalayo na siya sa kaniyang magulang at dalawang nakababatang kapatid. Doon na kasi siya uuwi sa mismong condo ni Gelo mamayang gabi. At ang huling araw niya sa Calamba ay nakatakdang mag-impake siya ng mga gamit. "Anak, sana naman ay hindi ka makalimot kahit magkakaroon ka na ng sariling pamilya, hah?" wika iyon sa kaniyang inang si Aleng Diana. Habang sa may upuan namang narra ay doon nagpapahinga ang kaniyang ama na si Mang Rolando dahil tumulong din itong maglako ng isda sa asawa. "Oo naman po, ma. Hinding-hindi, at saka.. 'yung financial support ko sa inyo ay hindi mawawala 'no. Lalo na ngayon at pa-graduate na rin si Daine," aniya habang tinitingnan ang kapatid niyang si Daine na ngayon ay patapos na ng kolehiyo. Dalaga na talaga ito at magbebente ayos na sa sunod na taon. "Naku, Deina, may umaaligid na nga ring manliligaw iyang si Daine, aba'y gusto pa yatang tumulad sa'yo," pang-aasar ng kaniyang ama na si Mang Rolando. "Pa, hindi naman po. Siyempre, magtatrabaho po muna ako katulad kay ate. Saka hanga nga po ako sa'yo, ate, e. Kahit sa TESDA ka lang grumaduate dahil hindi ka kayang pag-aralin sa kolehiyo nina mama't papa ay nagpursige ka pa rin para makahanap ng magandang trabaho, at heto nga, ang laking tulong mo sa pag-aaral ko." "Asus, 'wag na nga maraming drama, Daine. Sino pa nga bang magtutulungan, siyempre, tayo-tayo rin isang pamilya." Doon lumapad ang ngiti nila hanggang sa mapawi naman ang ngiting iyon sa itinanong niya, "E, sandali, kumusta naman ni Ronnel? Nag-aaral naman ba ng mabuti? Pa-graduate na rin siya ng high school, 'di ba?" "Hay naku, anak. Paano naman ga-graduate 'yon kung puro barkada at online games ang inaatupag? Ang bababa ng grades, e," malungkot na k'wento ni Aleng Diana. Nasa labing-anim na taong gulang na ito. At hindi maiwasan ang mapabarkada dahil sa lalaki ito at sadyang matigas ang ulo. "Ganoon po ba, pero hindi naman gano'n dati si Ronnel, 'di ba, ma?" "Kaya nga, ewan ko ba sa batang iyon at naging matigas na ang ulo at mas mukha pang magulang kapag pinagsabihan mo," sagot ni Mang Rolando na tila disappointed sa bunsong anak. "Hay, si bunso naman, hindi man lang naisip ang inyong pagsisikap dalawa. Aba, kung alam ko lang na mawiwili si Ronnel sa online game ay hindi ko na sana siya ibinili ng cellphone." "Kaya nga dapat ay mabigyang leksyon 'yang bata na 'yan dahil masyado nang nagiging matigas ang ulo," ang sabi pa ni Aleng Diana. Napailing na lang siya sa narinig. At habang naghahanda ng tanghalian ang kaniyang ina ay nagawa naman nitong ibahin ang usapan. "Sandali, anong oras nga pala pupunta si Gelo?" "Pag-out niya pa po sa trabaho, ma." "Kung ganoon ay mamaya pa pala siyang gabi makakasabay sa ating kumain, nakakahiya naman dahil susunduin ka pa niya rito para samahang maghakot, siguradong pagod na 'yon sa trabaho, e," ang sabi pa ni Aleng Diana. "Hayaan mo na, mahal, maigi nga at nag-e-effort ang lalaki na makasama ang anak natin. At kung talagang mahal niya si Deina ay handa niyang pasukin ang butas ng karayom para sa kanilang dalawa. Hindi 'yung ibang butas na sinasabi ko, hah?" pahapyaw pang biro ni Mang Rolando sa kabila nang pagiging seryoso. Lumipas pa ang ilang oras at nagdapit hapon na. Kaya naman abalang muli si Aleng Diana na maghanda ng pagkain para sa hapunan. At siyempre, hindi maaaring hindi sila makumpleto sa hapunan bilang isang pamilya dahil ang lahat naman ay nakauwi na. Isa pa ay iyon ang inaasahan ni Aleng Diana na huling pagkakataon para makumpleto silang muli. Hindi niya alam kung kailan ulit ang kasunod gayong bubuo na ng sariling pamilya si Deina sa piling ni Gelo. "Nandiyan na si Kuya Gelo!" ang sabi ni Daine na nagpatibok naman sa puso ni Deina. Ang pagtibok na natural niyang nararamdaman sa tuwing maririnig lamang ang pangalan ng kasintahan. Sadyang malakas lamang ang epekto sa kaniya ng isang Gelo Madrigal. Kaya naman sa sobrang excited ay sinalubong niya sa pinto ang pagdating ng nobyo. "Magandang gabi po, tito, Daine at Ronnel," pagbati ni Gelo. May dala itong pasalubong para sa kaniyang pamilya katulad na lang ng bibingka at suman. May isang box din ng doughnut na talaga namang kinagiliwan ng kaniyang dalawang nakababatang kapatid na sina Daine at Ronnel. "Magandang gabi rin, hijo," pagbati naman dito ni Mang Rolando. "O, maupo ka," sabi niya. Naupo naman ito at hinanap naman ng mata nito si Aleng Diana. "Nasaan po pala si tita?" "Naroon sa kusina, naghahanda ng hapunan natin," sagot ni Mang Rolando. "Mukhang napagod ka sa biyahe mo, hah," sabi pa nito. "Ahm, hindi naman po. Tito, labas lang po muna kami saglit ni Deina, hah?" "Ah, o, sige, pero dalian n'yo lang at kakain na tayo." Napatango naman si Gelo at hindi pa man si Deina nakaka-oo ay mabilis na siyang hinila nito sa kung saan. "Sandali, saan ba tayo pupunta?" tanong niya at doo'y nakita niya ang ilang mga gamit ni Gelo na nasa compartment ng sasakyan nito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa nakita. Sadyang kataka-taka ang ikinikilos ni Gelo na hindi niya maiwasang pagdudahan. Na baka nagmamadali itong umuwi sa bahay ng mag-ina nito. Kataka-taka dahil imbes na siya ang maghakot ng mga gamit ay si Gelo ang naghakot ng ilang mga gamit nito. "Teka, akala ko ba ay ngayon mo ako sasamahang mag-impake, hindi ba tayo uuwi ngayon sa condo mo?" "Hindi naman tayo roon titira," wika ni Gelo na ipinagtaka niya. Naisip niya na baka may rason kung bakit hindi magawa ni Gelo na itira siya sa sarili nitong condo ay dahil may pinoprotektahan ito o di kaya naman ay may sikreto ito na ayaw nitong kaniyang malaman. "Gelo, hindi kita maintindihan, sabihin mo nga sa akin, nagbago ba ang isip mo? Ayaw mo na ba akong makasama sa iisang bubong?" Doon niya nakita ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "Of course not, siyempre magsasama pa rin tayo. Pero rito sa puder ng magulang mo. Pansamantala, Deina. And I hope you'll understand." Matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay doon lang nito nagawang sumentro ng tingin sa kaniya. "Pero bakit? May sarili kang condo, Gelo. Paano natin malalaman kung magwo-work ba ang pagsasama natin kung nasa puder tayo ng magulang ko? Of course, ayaw ko ring mahiwalay sa pamilya ko. Pero siyempre, iba pa rin 'yung nakahiwalay tayo." Doon nagawang hawakan ni Gelo ang kamay niya. "Deina, please understand, na pinoprotektahan lang kita sa maaaring gawin sa'yo ni Elle." "So, tama nga ang sinabi ni Ted, na nagkakasama pa rin kayong dalawa ni Elle, and what if hindi lang kayo basta nagkikita para sa bata kundi nagsasama pa rin kayo sa iisang bubong? Paano naman ako? Lalabas na kabet mo?" Doon mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Gelo sa kamay niya. "Deina, I'm so sorry. I didn't mean to hurt you. Pero kasi, mas makabubuti kung lalayo tayo kay Elle. Natatandaan mo ba 'yung about sa lunch box na may ipis, kagagawan niya 'yon. And ayoko nang mas lumala pa ro'n ang p'wede niyang gawin sa'yo gayong alam na niyang nobya na kita kahit processing pa lang ang annulment." "So, bakit niya nga ginawa 'yon? It means na pinoprotektahan niya pa rin ang pagsasama n'yo. Ano ba naman kasing laban ko sa pagsasama n'yo, ikinasal kayo at nagkaanak, samantalang tayo, wala pa sa kalingkingan nang naging pagsasama ninyo." Hindi na napigilan ni Gelo ang salubungin siya ng yakap dahilan para sandaling huminto ang galit at pagdududa na kaniyang nararamdaman. At sa puntong nagtama ang kanilang mga mata ay doon niya nakita ang pagsusumamo ni Gelo. "Deina, sa maniwala ka man o hindi ay hindi ko talaga minahal si Elle simula nang magsama kami, dahil pinakasalan ko lang siya dahil sa bata. Minahal ko siya, oo, pero noon 'yon. Pero hindi ko masasabing true love 'yon. Basta, bigla na lang nawala 'yung feelings ko sa kaniya lalo na nang makilala ko 'yung tunay na ugali niya. Deina, please understand my reasons on why do I have to protect you from Elle. Hindi natin alam kung ano pa ang kaya niyang gawin. At iyong nangyari sa Spa na tungkol sa lunch box ay pahiwatig na 'yon na posible ka pa niyang saktan." Sa mga sinabi ni Gelo ay mabilis niya naman iyong naintindihan. Pero ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit biglaan ang naging pagbabago ng desisyon nito. "Pero ano ba kasing nangyari at biglang nagbago ang desisyon mo? Bakit gugustuhin mong pumisan sa bahay ng magulang ko kung mayroon ka namang sariling condo?" Doon napayuko si Gelo at hindi niya inaasahan ang magiging eksplanasyon nito. "Bago pa man ako bumiyahe papunta rito ay pinuntahan ako ni Elle sa condo, at nakikiusap siya sa akin na 'wag na raw tayong magsama. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa plano nating pagsasama. Gayong hindi naman na talaga kami nag-uusap, maliban na lang kung tungkol kay Angelie." Iyon ang dahilang sinabi ni Gelo na totoo naman talaga, ang mali lang ay ang venue kung saan sila nag-usap, dahil sa mismong bahay nila sila nagkausap at nagkasagutan ni Elle. Bahagya siyang napaisip. "Kung ganoon, ay posibleng may nagsasabi sa kaniya tungkol sa relasyon natin. Pero ano ba naman kasing karapatan niyang pigilan ka sa desisyon mo, 'di ba?" "I don't know, dahil siguro sa katotohanang mahal niya pa rin ako. And yes, ako ang nag-file ng annulement namin kahit tutol 'yon sa kaniya, and about the condo? Deina, posibleng matunton tayo ro'n ni Elle kapag ginusto no'ng sugurin ka at saktan. And hahayaan ko na lang ba na mangyari 'yon? Of course, I can't." Paggawa pa ni Gelo ng k'wento na plano pa lang sana nitong gawin kapag may pagkakataon. Doon na nagsimulang maluha ni Deina. "Pero kahit pagbali-baliktarin pa rin natin ang sitwasyon, ay lumalabas pa rin na.. kabet ako." Gelo wrapped her face and say, "I don't care kung matawag ka mang kabet, pero para sa akin ay ikaw talaga ang mahal ko. Ang babaeng gusto kong iharap sa altar. Deina, gagawin ko ang lahat para maitama ang gusot na 'to. And I want you to promise na mag-i-stay ka sa akin. Maaasahan ko ba 'yon?" "Gelo, ayoko mang sumira ng pamilya pero mahal kita. Kaya oo, mag-i-stay ako sa'yo.." naluluhang wika niya. At pagkatapos no'n ay tinanggap niya ang mahigpit na yakap ni Gelo. At ngayong alam na ni Deina ang totoo ay tila kampante na rin si Gelo na itama ang lahat. At iyon ay ang asikasuhin ang divorce paper para sa annulment na matagal na niyang nais gawin. Para naman maging legal na ang kanilang pagsasama ni Deina at para tuluyan na siyang makakalas kay Elle. Pero sa kaniyang sarili ay may kaunti pa ring pag-aalala, gayong batid niya na ang dalawang taong inaasahan niyang unang-unang makakaintindi sa kaniya, ang kaniyang magulang-- ay kampi ngayon kay Elle. Kaya naman sa tuwina ay gumawa siya ng isang desisyon na kahit alam niyang magiging mahirap ay batid niyang makabubuti sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD