MABILIS DIN namang kumalat ang balita sa mga kaibigan ni Deina. Bagay na hindi rin naman agad natanggap ni Ted dahil sa ilang impormasyong nalaman nito.
"Ano? Magsasama na ba talaga kayo, for real?" In fact, Ted has going to support her all throughout, but during this time ay tila tutol ito sa napipinto nilang pagsasama.
"Iyon din ang gusto nila mama, e. Malay ba naman nila kung nagsasabi kami ng totoo na wala pa talagang nangyayari sa amin."
"Hay, pero wala pa nga ba talaga?"
Sinentro niya ng tingin ang kaibigan. "Oo naman, promise, wala pa. Ang totoo niyan ay never nag-attempt si Gelo na gawin ang bagay na iyon, dahil ang sabi niya, iginagalang niya raw ako."
"Well, that's good to know. Pero kung gano'n, ay edi sana hindi ka muna pumayag na magsama kayo ni Gelo sa iisang bubong. You know, hindi naman sa tutol ako na kayo na talaga ang magkakatuluyan, pero, I guess, hindi pa sapat ang panahon para sa napipintong pagkatali mo sa kaniya."
"Bakit naman, Ted?"
"Deina, hindi naman sa sinisiraan ko si Gelo, pero kasi.. may dapat kang malaman, e."
"Ano ba 'yon? Sabihin mo na."
"Nakita ko kasi kanina si Gelo, kasama ang mag-ina niya." Sandaling nagkaroon ng katahimikan bago pa man maisip ni Deina na binisita ngayon ni Gelo ang anak nito.
"So, anong mayroon? Natural lang naman siguro 'yon kasi nga, binisita niya ang bata sa puder ng ina nito."
"I know, pero hindi lang naman iyon ang napansin ko, e."
"Ano 'yon?"
"'Yung babaeng tinutukoy ko na minsang naging kliyente natin, siya 'yon. Tandang-tanda ko 'yung mukha niya, e. Deina, maliit na lang ang mundong ginagalawan n'yo ngayon ng babaeng 'yon. And sa nakita ko, how could you make sure na hiwalay na talaga sila ni Gelo? E, sa nakita ko, masaya silang magkakasama, girl. At parang wala akong nakikitang problema sa kanilang mag-ex. Kaya naisip ko na.. baka okay pa talaga sila?"
"Hindi naman siguro, Ted. 'Wag na muna nating husgahan si Gelo. Malay ba natin, kung maayos at masaya lang ang ipinapakita nila sa harap ng anak nila pero kapag sila na lang dalawa ang magkasama ay halos kamuhian na nila ang isa't isa."
"P'wede rin, pero isipin mo rin na bago pa lang naman kayo, girl. Hindi ba't hindi mo pa naman siya lubusang nakikilala? At minsan mo na ring nai-k'wento na parang nagdududa ka pa rin sa pagmamahal niya? Deina, I hurt to say this pero sa tingin ko ay lumalabas na kabet ka."
Doon siya muling napabalik ng tingin sa kaibigan. "Hindi, hindi naman magiging ganito ang sitwasyon namin habang buhay. May tiwala ako kay Gelo na ginagawa niya ang lahat para maging legal ang aming pagsasama. Kaya nga magsasama kami sa iisang bubong, Ted, e. Doon namin malalaman kung magwo-work ba o hindi ang pagsasama namin, at kapag nag-work nga ay doon na kami p'wedeng magpakasal. Tama na rin 'yon habang in process pa rin ang annulment niya sa kaniyang ex wife."
"E, sigurado ka ba talagang in process na? Paano kung nagsisinungaling lang si Gelo? Edi kabet ka na talaga for real?"
"Hindi naman siguro nagsisinungaling si Gelo, kasi hindi naman siya papayag na magsama kami kung may nagsasama pa rin sila sa iisang bubong ng ex wife niya, e."
Napabuntong hininga si Ted. "Hay bahala ka, basta pinaaalalahanan lang kita, Deina. Alam mo kasi, girl, sa panahon ngayon, marami ng p'wedeng magpanggap na hiwalay na sila sa asawa kahit hindi pa naman talaga. At ang mas matindi pa, kadalasan lumalabas na kabet ang babaeng kalaguyo nila, kasi nga kasal pa sila. Or sabihin na nating wala na ngang sparks sa pagitan ng mag-asawa, pero dahil may anak sila ay hindi agad nila nagagawang asikasuhin ang divorce paper."
"Sabagay, pero, sigurado naman akong mas makikilala ko pa si Gelo kapag nagsama na kami." Sandali siyang napatanaw sa kawalan habang nakangiti. At saka muling nagsalita, "Mahal ko siya kahit ano pa man ang nakaraan niya."
"Hay, e, ano pa nga bang magagawa ko? Mahal mo siya at mahal ka niya. At sana lang ay walang maging problema sa inyong pagsasama. At sana lang ay walang pinaplano ang babaeng iyon sa'yo, kasi isipin mo, sa dami ng Spa & Wellness dito sa Maynila, bakit nagkataong dito pa nagpa-massage ang babaeng iyon sa mismong pinapasukan mo? Kung iisipin ay planado ang nangyari, 'di ba? Saka sa sobrang sungit at maldita no'n, hindi malabong resbakan ka no'n." Doon napaisip si Deina sa sinabi niya. Kaya naman nang bumalik sila sa trabaho ni Ted ay agad niyang hinanap ang record noong nakaraang linggo. At saka niya naisip ang pangalang nakita niya sa social media kung saan ay naka-in a relationship pa rin si Gelo sa dati nitong account. Kaya naman nang i-search niya ang pangalan nito sa social media ay ini-save niya kaagad ang litrato nito upang makasiguro kay Ted. Saka niya hinanap sa files record ang pangalan ng mga kliyente.
"Elle Agustin.." bulong niya sa sarili.
"O, anong hinahanap mo, Deina?" pang-uusisa sa kaniya ni Claudine. Na lingid pa rin sa kaniya ay minamatyagan lamang nito ang kaniyang mga kilos.
"Ahm, hinahanap ko ang pangalan na Elle Agustin, titingnan ko kung may naging kliyente nga tayo no'n dito."
Doon bahagyang kinabahan si Claudine. "Teka, bakit naman? At sino itong si Elle Agustin?" pagkukunwari nitong hindi kilala si Elle.
"Gusto ko lang siguraduhin na siya nga ang dating asawa ni Gelo." Bahagyang napakunot ang noo ni Claudine.
"Bakit? E, ano naman kung siya nga ang dating asawa? Makakaapekto ba siya sa relasyon n'yo?" tanong pa nito na mukhang gusto pang makakuha ng impormasyon sa kaniya.
"Oo, Claude, lalo na ngayon at magsasama na rin kami ni Gelo. Mas mabuti siguro kung makikilala ko rin personally ang ex wife niya."
"Naku, 'wag mo nang kilalanin ang ex wife ni Sir Gelo, Deina.."
"Bakit naman?"
"Ahm, I mean, baka hindi rin kayo magkasundo. Kasi usually 'di ba sa mga pelikula ay never naman nagkasundo ang dalawang babae na magkaribal sa iisang lalaki."
"So, it means na mahal pa rin nitong si Elle si Gelo? E, kung gano'n, bakit pumayag ito na maghiwalay silang dalawa?" tanong niya nang manlaki ang mga mata niya sa nakitang pangalan, dahilan para ma-segway sa ibang topic ang usapan. "Confirmed! Si Elle Agustin nga ang naging kliyente natin no'n na sinabing masungit at maldita ni Ted."
Doon na nakisali sa usapan si Ted na ngayon ay wala pa namang sine-service na kliyente.
"Elle Agustin? The who naman ito?"
"Ted, siya 'yung babaeng ni-service mo last week. At siya rin ang naturang ex wife ni Gelo."
"Pero, balikan natin ang tanong mo kanina, Deina.. Kung bakit pumayag itong si Elle na maghiwalay silang dalawa ni Gelo? Sige nga, isipin mo rin, may anak sila, and do you think na basta-basta na lang itong papayag na makipaghiwalay si Elle? Saka kung naghiwalay man sila ay baka sarili iyong kagustuhan ni Gelo. E, sa nakita kong tinginan pa lang nitong babae ay mahal niya pa talaga si Gelo."
"Teka, nakita mo na ba ang ex-wife ni Sir Gelo?" pang-uusisa ni Claudine kay Ted.
"Oo, bakit? Masama ba?" Napailing lamang si Claudine at saka naman sumingit si Deina sa usapan.
"Ahm, Ted, may ipapakita ako sa'yo," aniya at saka hinanap sa gallery ang litrato ni Elle Agustin. "Siya ba ang babaeng nakita mo kanina?"
Napatitig naman dito si Ted at doo'y sumang-ayon ang mga mata nito. "Oo, siya nga 'yon. Sandali, paano mo nahanap ang litrato niya?"
"Ni-search ko ang pangalan niya sa social media kung saan ay naka-in a relationship pa ito sa dating account ni Gelo."
"Kung ganoon ay posible ngang sila pang dalawa.." opinyon ni Ted.
"Sira! E, ang sabi sa akin ni Gelo, matagal nang inactive ang account na 'yon kaya siguro hindi niya na rin ma-edit ang relationship status niya."
"Asus! Style 'yan ng mga manloloko, e. Gagawa ng bagong account para walang makitang butas sa kanila, hay naku," napapailing na wika ni Ted.
"Uy, Ted, 'wag ka naman ganiyan kay Deina, siguro ay may malalim na explanation si Sir Gelo tungkol dito," wika ni Claudine habang hindi sinasadyang makita ni Ted ang listahan ng mga kliyente.
"O, bakit ipinapakita n'yo pa ang mga old records ng mga kliyente? Hello, it's a new week."
"Ahm, hinanap ko kasi ang pangalan ni Elle Agustin, at ayun nga, confirmed na siya mismo ang naka-encounter mong maldita at masungit na kliyente."
"What a small world. Pero pansin ko lang, magkalapit ang araw na naging kliyente natin itong si Elle Agustin sa araw na medyo minalas ka?" wika ni Ted.
"Minalas?" tanong ni Claudine.
"Imbyerna, e, 'di ba, kailan lang ay may nagpadala kay Deina ng lunch box na naglalaman ng ipis?" Saka ito nagbalik ng tingin sa kaniya. "Hindi kaya.. rumeresbak itong si Elle Agustin sa'yo?"
"Kung gagawin niya man iyon ay p'wedeng may maging kasabwat siya para maisagawa 'yon. E, 'di ba, ang sabi mo, Claude, may babaeng nag-abot sa'yo ng lunch box na 'yon at hindi mo iyon namukhaan?" Doon bahagyang napatango si Claudine habang binabalot ito ng kaba na baka matunugan ng mga ito na may koneksyon siya kay Elle Agustin. Pero laking buntong hininga nito nang iba ang naging konklusyon ni Deina. "So it means, iyon mismo ang kasabwat nitong si Elle."
"Siguro nga, Deina," pagsang-ayon naman ni Claudine na tila binabalot pa rin ng kaba.
Pagkatapos ng usapang iyon ay bumalik na sila sa kaniya-kaniyang trabaho dahil na rin sa ilang nagdatingang mga kliyente. At bagamat iniisip pa rin ni Claudine ang mga nalaman ay hindi nito maiwasang kabahan na isang araw ay malalaman ni Deina na nagawa niya itong traydurin.