TILA NAALIMPUNGATAN si Deina nang magising siyang wala sa sarili niyang k'warto. Alas singko pa lamang ng madaling araw nang bumangon siya at mapagtantong sa condo unit siya ng nobyo nakatulog. "Hala, lagot ako nito kila mama!" Mga katagang naibulong niya sa sarili kaya naman dali-dali niyang inayos ang bedsheet na nagusot mula sa pagkakahiga. At nang tanawin niya ang kabuuan ng condo unit na iyon ay napansin niya ang mahimbing na pagkakatulog ni Gelo sa may sofa. Kaya naman sandali siyang nagmumog sa may lababo dahil wala naman siyang baong toothbrush, saka inayos ang nagulong buhok. Iniisip na niya ang galit na reaksyon ng kaniyang ina ngayong hindi sinasadyang sa condo unit siya ng boyfriend nakatulog.
Nang handa na siyang makauwi ay saka niya nilapitan si Gelo. Nag-aalangan man siya na maistorbo ang tulog nito ay naglakas loob pa rin siya na rito'y magpaalam. "Ahm, Gelo.." Nakita niya ang bahagyang pagmulat ng mga mata nito. At nang masulyapan siya ay saka ito napabalikwas sa pagbangon.
"O, uuwi ka na ba?"
"Oo sana, e. Siguradong magagalit 'yon si mama. At iba ang iisipin no'n kapag nalaman niyang sa condo unit mo ako nakitulog."
Doon napahalukipkip si Gelo at sinikap na pagaanin ang kalooban ng nobya. "You don't have to worry, Deina. Ako mismo ang magpapaliwanag sa mama at papa mo na inabot ka lang ng antok kagabi. Besides, wala naman talaga tayong ginawang iba, 'di ba?" Tila nag-init naman ang kaniyang pisngi sa huling sinabi nito.
"Ahm, sige na, kailangan ko nang umuwi."
"Wait, baki hindi ka na muna mag-almusal?"
"Wala pa naman akong ganang kumain, Gelo," pagtanggi niya.
"How about coffee? Para mainitan man lang iyang sikmura mo." At dahil sa pangungulit ng nobyo ay dahan-dahan siyang napatango. Kaya naman in-obliga na muna siya ni Gelo na maupo sa may sofa habang nagtitimpla ito ng kape para sa kanilang dalawa. Ilang sandali pa ay dumating na si Gelo mula sa may kitchen dala ang dalawang tasa ng kape na makikita pa ang pag-usok nito sa init. "Kukuha sana ako ng bread ang kaso ay ubos na rin pala ang stock niyon kaya walang kapares itong kape," anito matapos ilapag sa may center table ang dalawang tasa.
"Ano ka ba, ayos lang naman."
"O, wait. May ipapa-take out pala ako sa'yo." Tumayo ito patungo sa may kusina at natanaw niyang may inilagay ito sa microwave na nakalagay sa may tupperware. At saka ito bumalik sa pwesto niya. "Since you didn't taste dinakdakan last night, I want you to take out para na rin may ibaon kang ulam mamaya."
Bahagya siyang napangiti sa sinabi ng nobyo. "How sweet, pero saan pala gawa ang dinakdakan? Parang ngayon lang kasi ako nakarinig ng gano'ng recipe."
"Ah, it is made from different parts of grilled pork na binudburan ng suka, asin, sibuyas at sili."
"Wow. Mahilig pa naman din ako sa maanghang. Can I taste it?"
"Sure!" masiglang sagot ng nobyo. Napangiti pa si Gelo at saktong sapat na ang init ng dinakdakan sa microwave kaya naman sandali nito iyong kinuha upang ilapag ito sa may center table.
"Wow!" Napahalukipkip siya nang makita ang itsura ng dinakdakan sa kaniyang harapan. Dahil sa tingin niya ay masarap talaga ito.
"You may now taste it." Napatango siya at kimuha ang kutsara para tikman iyon. Habang kinakabahan naman si Gelo sa kaniyang magiging reaksyon at komento. At tila hindi napawi ang kaniyang ngiti matapos iyong matikman. "So, how's the taste?"
"Sobrang sarap! P'wede bang dagdagan ko ang i-uuwi ko para makatikim din sina mama't papa?"
"Ah, sure! No problem, my beautiful, Deina." Doo'y hindi naiwasang magtama ng mga mata nila habang nakangiti sa isa't isa. "I love you.." pabulong na wika nito na tila nagbibigay ng kaunting ilang sa kaniya. Hindi lang siguro siya sanay na sabihin ni Gelo ang katagang iyon vocally, kahit minsan na nito iyong sinabi sa kaniya ng harapan. Kaya naman bahagya siyang napaiwas ng tingin at piniling ibahin ang usapan.
"Ah, 'yung kape natin, lumalamig na."
"Ahm, yeah. But, ang sakit pala kapag walang response ang I love you.." pasimpleng sabi ni Gelo habang inihahanda ang kaniyang i-uuwing dinakdakan.
Napahagikhik naman siya matapos na marinig 'yon at doo'y pasimple niyang itinanday ang kaniyang ulo sa balikat nito. "Hindi naman patanong iyon, 'di ba? Pero kailangan ba palaging may sagot iyon kung p'wede namang ipakita through actions?" Doo'y bahagyang natigilan si Gelo sa sinabi niya at kamukat-mukat ay parang hindi na siya nahiyang iparamdam dito ang kaniyang nararamdaman. So she grab his hands and simply embrace it with her hands. Mainit ang mga palad nito na nagbibigay init din sa palad niya.
And as they started to gaze with each other, she felt the abnormal speed of her heart beats. Sadyang mabilis ito na tila nagkakarerahan sa pagtibok. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakakulong na ang kaniyang isang bahagi ng mukha sa palad nito. "It may sound crazy, but I am falling deeply in love with you, Deina. Kahit sabihing hanggang hawak lang tayo ng kamay, sandaling yakap at halik, ay kakaibang kilig ang nararamdaman ko lalo na sa tuwing pagmamasdan ko ang 'yong magandang mukha. I didn't felt this before, that's why it feels new for me. At bagay na gusto ko ring i-embrace habang nasa tabi mo ako."
"I am so happy, Gelo. Hindi ko maipaliwanag, basta masaya ako na kasama kita at mas nakikilala pa." Doon siya mas napangiti lalo na nang kusang naglapat ang kanilang mga labi upang pagsaluhan ang isang dalisay na halik.
Undeniably, she seen herself so lucky to find a man like Gelo. Tipong hindi nito sinamantala ang pagkakataong pagkakatulog niya sa sariling condo nito para lang sa isang bagay na bawal pang mangyari sa ngayon. Sa edad niyang twenty ay kaniyang masasabi na hindi pa siya handa sa bagay na iyon lalo na't sa kaniya ang umaasa ang kaniyang magulang at dalawang nakababatang kapatid. Maski nga ang pagnonobyo niya na lingid sa mga ito.
-
"Saan ka ba nanggaling, Deina? Buong gabi kami naghintay ng papa mo sa'yo." Nanaig ang kaniyang kaba nang bumungad sa pinto ang kaniyang ina matapos siyang maihatid ni Gelo. Pasado alas sais na ng umaga nang maihatid siya ni Gelo na piniling tumayo lamang sa kaniyang likuran. At tila mas nagsalubong pa ang kilay nito nang makita nito si Gelo na kasama niya. "Anong ibig sabihin nito? May nobyo ka na? Tapos ano? Doon ka nakitulog sa bahay nila at may nangyari sa inyo? Jusko, Deina. Akala ko ba ay wala pa sa bokabularyo mo ang pag-aasawa!"
"Ma--"
"Ahm, tita. Paumanhin po ngunit mali ho ang iniisip ninyo sa amin ng anak n'yo ni Deina. And I'm sorry po kung ngayon lang ako naglakas loob na humarap sa inyo. Dahil katulad po nang sinabi ni Deina ay hindi pa siya maaaring magnobyo."
"Buti alam mo, hijo," wika pa ni Aleng Diana.
"Pero 'wala po kayong dapat ipag-alala dahil malinis po ang intensyon ko sa anak ninyo. Mahal ko po siya at hindi po ako magiging hadlang sa mga pangarap niya." Hindi inaasahan ni Deina ang magiging kasagutan ni Gelo lalo na ang pagiging matapang nito sa pagharap sa kaniyang ina.
Ilang sandali pa ay bumungad naman sa kanila si Mang Rolando, ang ama niya. "Deina, anak." At siyang mano niya naman dito. Na kumpara sa kaniyang ina ay mas mahinahon itong magsalita sa lahat ng sitwasyon. "Sino ba ang kasama mo? Nobyo mo ba siya?"
Sasagot na sana siya nang sariling ina niya ang sumagot, "Natural, Rolando. At kaya nga nagpunta iyan dito ay dahil nakuha niya na ang anak natin. Hay naku, Rolando, pagsabihan mo 'yang anak mo dahil hindi iyan tumupad sa pangako niyang hindi na muna mag-aasawa." Doon napakunot ang noo ni Mang Rolando ngunit bahagya namang umaliwalas ang mukha nito sa paninindigan nila ng katotohanan.
"Pero, ma--" natigilang aniya.
"Ahm, tita at tito, mawalang galang na po pero mali po ang iniisip ninyo. Wala pong nangyari sa amin dahil hindi naman po kami nagtabi at kahit sa sariling puder ko ho siya nakatulog ay wala akong balak samantalahin ang p********e niya dahil iginagalang ko po si Deina." Tila humanga naman si Mang Rolando sa naging kasagutan ni Gelo habang natameme naman si Aleng Diana.
Pero pareho nilang hindi inaasahan ang mga salitang sasabihin ng kaniyang ama para sa kaniyang ina, "E, mahal, bakit ka naman magagalit sa posibleng mapangasawa ng anak mo kung mukha itong disente at mahal talaga ang anak natin?"
"Anong ibig mong sabihin, mahal?"
"Mahal, tumatanda na tayo at batid naman natin na may sariling buhay din si Deina, karapatan niyang maging tunay na masaya. Kaya bakit hindi na lang natin siya hayaang gawin ang kaniyang nais sa buhay? Ang makapag-asawa, tutal naman ay hindi natin maiiwasang mag-isip na baka may nangyari na nga sa kanila. Hindi ba't ito ang mas nararapat nilang gawin?"
Doo'y agad na nag-react si Deina, "Pero, pa.. wala pa po talaga sa isip ko ang pag-aasawa."
"Pero, anak, mas maigi nang gawin ninyo kung ano ang nararapat, subukan n'yo munang magsama sa iisang bubong at kung maramdaman ninyo pareho na handa na talaga kayong maitali sa isa't isa ay saka kayo magpakasal."
"Pero, Rolando, baka hindi pa rin naman handa pareho ang dalawa para sa kagustuhan mo, saka walang naidudulot na maganda ang pagli-live in para sa akin, ang maganda ay maikasal na muna sila bago tuluyang magsama," mahabang sabi ni Aleng Diana.
"Ahm, tito, tita, wala pong kaso sa akin ang pagli-live in, dahil minsan na rin po akong may kinasama. Kinasal kami at ngayon ay pina-process na rin ang annulment," pagsisinungaling ni Gelo.
"Kung ganoon ay may anak ka na pala?" paniniguro ni Mang Rolando.
"Opo, ipinaalam ko naman na po iyon kay Deina kahit no'ng nanliligaw pa lamang ako sa kaniya."
"Maraming salamat at hindi ka naglihim sa anak namin, hijo."
"Walang anuman po. Pero kung talagang desidido na po talaga kayo ay handa po ako na magsama na kami ni Deina, para na rin mas makilala namin ang isa't isa bago kami maikasal, someday." Tipid na napangiti ang mag-asawa sa sinabi ni Gelo habang si Deina naman ay hindi pa rin makapaniwala sa biglaang desisyon ng kaniyang magulang.
At tungkol sa kagustuhan ng kaniyang magulang ay nangako naman si Deina sa sarili na kailangan na muna niyang makausap si Gelo. Lalo na sa magiging approval ng parents nito sa kanilang pagsasama.
"O, teka, ano pala iyang dala n'yo?" tanong ni Aleng Diana.
"Ahm, dinakdakan po, tita. Para po sa inyo."
Kaya naman lalong mas tumindi ang ngiti sa mga labi ng kaniyang magulang, isabay pa ang isipin niyang hindi inaasahang mabilis na pagtanggap sa relasyon nila ni Gelo. Isabay pa ang isang desisyon na sadyang mahirap paniwalaan. Lalo na't handa rin naman siyang sumugal sa kaniyang pagmamahal kay Gelo.
"Ang sarap naman nito! Kaso sa edad namin ay masama ang masobrahan sa karne," sabi pa ni Mang Rolando na ikinasaya nila.
"Okay lang po 'yan, tito, minsan lang naman po yata, e." Hindi batid ni Dein kung gaano kabilis makuha ni Gelo ang kiliti ng kaniyang magulang, maging ang kagustuhan nito na magsama sila sa iisang bubong. At sa mga lumipas pang oras ay mas nakilala pa ng pamilya niya si Gelo. Doon nalaman ng magulang niya na laki rin ito sa hirap at nagsumikap lamang para matupad ang pangarap at maging instant millionare sa loob ng apat na taong pagtatrabaho. Hinangaan naman iyon ng kaniyang magulang at kahit binabalot ng kasinungalingan ang kanilang relasyon ay desidido pa rin si Gelo na maitama ang lahat balang araw.
At bilang pag-welcome kay Gelo ng kaniyang pamilya ay nanatili pa ito ng mahigit isang oras sa kanila bago siya maihatid nito sa trabaho.
"Salamat sa paghatid," aniya.
"You are always welcome, my beautiful, Deina. So paano? Sa condo na ba kita uuwi starting tomorrow?" umaasang sabi ni Gelo kahit sa isip nito ay magiging mahirap ang sitwasyon lalo na't unang-unang maaapektuhan sa kanilang relasyon ay ang kaniyang anak na si Angelie.
"Ahm, mag-iimpake pa ako ng mga gamit. Maaari mo ba akong samahan, bukas? Saka gusto ko sana munang mag-stay ng isa pang gabi sa bahay namin, e."
"Ahm, sure, no problem. Sige, mag-ingat ka buong araw, hah. Baka maging busy rin ako ngayong araw for my daughter."
"Okay, walang problema. I hope makilala ko rin ang daughter mo, isang araw."
"Oo naman," nakangiting saad pa nito bago pa man sila tuluyang maghiwalay sa isa't isa.