Chapter 16- Embracing His Lies

1411 Words
SOMEHOW, Gelo would still have the reason to believe on himself despite of any negativities from his wife, Elle, that he has been deceived by her few times. Ang masakit pa ay handa nitong gawin ang lahat para lang ito ang magmukhang kaawa-awa. Given the fact that he much able to convinced himself that Elle was not worth to love for. Kaya sa tuwina ay mas pinahalagahan pa rin niya ang isa ring kamalian na kaniyang nagawa sa buhay-- ang mahalin si Deina sa hindi tamang panahon at pagkakataon. At kahit sanay na siya sa set up ng relasyon nila ni Deina na magkikita lamang sa pribado at safe na lugar, hindi niya akalain na isang araw ay kekwestyunin naman siya ni Deina tungkol dito. "Gelo, I'm sorry kung maitatanong ko man ito sayo.. hindi ka ba proud sa relasyon natin?" A moment of silence was prevailed around when he did able to stopped for a second. And upon gazing at her, he gently wrapped his two hands around her face. Tipong maririnig nila ang bawag paghinga ng isa't isa. "Bakit mo naman naitanong 'yan? Of course, I'm so proud of our relationship." Doo'y bahagyang napakunot ang noo nito sa sinabi niya. "Pero bakit nagsisinungaling ka sa akin?" Nakaramdam siya ng kaba na baka nabatid na nito na kasal pa rin siya. Kaya naman bahagya siyang dumistansya at kasabay niyon ang pagkalas ng kaniyang pagkakahawak sa mukha ng nobya bago ito muling nagsalita, "Once I used to search your name in social media ay accidentally, may nakita akong isa mo pang account. Doo'y nakita kong naka-in a relationship ang account na 'yon sa babaeng nagngangalang Elle Agustin. So, if I may ask, 'yung Elle Agustin ba na 'yon ang ina ng anak mo?" Dahan-dahan siyang napatango habang kapantay ang matinding kaba na posibleng maging dahilan ng trust issue sa kaniya ni Deina. "Upon checking, 'yung ilang posts na nakita ko ay mukhang nangyari pa ilang taon na ang nakalilipas. Mukhang hindi na rin active ang account na 'yon. But, I don't know why I felt guilty. Hindi ko alam kung ano ba ang reason mo kung bakit hindi mo 'yon ipinaalam sa akin. Kahit pa sabihin mong matagal na 'yong hindi active." For some reason, Gelo is not really active to any social media. Naka-focus lang kasi talaga siya sa trabaho at pamilya kahit pa no'n. Pero nang makilala niya si Deina ay aaminin niyang gumawa ulit siya ng bagong account at tuluyan nang ibinaon sa limot ang dating account na huling naging active lamang noong bago pa siya maka-graduate ng college. Pero dahil wala siyang hilig na mag-post sa social media ng mga pangyayari sa kaniyang buhay noon ay walang dahilan para balikan niya ang memories, maliban na lang sa mga posts ni Elle at ng iba pa niyang kaibigan na itina-tag siya. Luckily ay wala naman siyang dapat ipangamba dahil naka-friends lang ang privacy ng bawat posts at information ng account na 'yon. "Deina, please let me explain, tama ka, matagal na nga ang account na 'yon. At wala nang rason para gamitin ko pa 'yon, so I used to make a new account bilang pagsisimula ng bago kong buhay kasama ka." Doon bahagyang napatango si Deina. "Pero kung wala lang talaga 'yon sa'yo ay bakit hindi mo pa nagawang burahin ang account na 'yon?" "Deina, wala na kasi akong pakialam doon. Hindi ako masyadong nagtatambay sa kahit anong social media. At tanging sa messages lang ako tumitingin just to check you out all day." "Okay, pero ang sa akin lang ay baka kung ano ang isipin ng mga taong kakilala mo in case na malaman nilang may bago kang account at naka-in a relationship na sa akin." "Ano bang pakialam nila sa buhay ko? This is my life and my decision. Kaya wala silang karapatang mangialam sa buhay ko." Doon niya nagawa muling paglapitin ang mukha nilang dalawa at sinabi, "Deina, 'wag ka na sanang mag-over think pa sa relasyon natin. Dahil lahat nang ipinapakita ko sa'yo ngayon ay totoo." Tila sinampal siya ng sarili niyang mga salita. Ni hindi niya matandaan kung kailan siya nagpakatotoo sa kaniyang nararamdaman simula nang maikasal siya kay Elle. Pero ang tanging alam niya lang ngayon ay mahal niya si Deina sa kabila ng kasinungalingang bumabalot sa relasyon nila. Aniya'y umaasa siya na darating ang araw na maipagmamalaki niya sa lahat na mahal niya si Deina. Dahil sa ngayon ay batid niyang marami pang tao ang posibleng maapektuhan kapag nalaman ng lahat na mas pinaninindigan na niya ngayon ang kaniyang kabet kaysa sa legal na asawa. Unang-una na rito ang kanilang magulang ni Elle both sides, sunod ay anak niyang si Angelie, at huli ay ang kaniyang ilang malalapit na kaibigan. "Okay, sige na, tanggap ko na ang mga paliwanag mo. And I'm sorry kung nagduda ako sa pagmamahal mo sa akin. Pasensya ka na dahil takot lang talaga akong masaktan sa pagmamahal.." Iyon ang mga katagang nakapagpalubag ng kaniyang kalooban. At kamukat-mukat ay naramdaman niya na lang ang yakap sa kaniya ng nobya. Sadyang napaka-understanding lamang ni Deina na kahit kailan ay hindi niya nakita kay Elle. At nang magtagpo ang kanilang tingin ay hindi na siya nag-alinlangan pa na salubungin ng halik ang labi nito. Dahilan para pagsaluhan nila ang isang dalisay na halik. Hindi niya alam pero tila ngayon niya lang ito naramdaman ang tunay na saya sa pagmamahal. Kahit na minahal niya rin naman no'n si Elle, pero ang pakiramdam na lubos siyang binabalot ng kasiyahan ay tila ayaw na niyang matapos pa. Matapos nilang mamasyal sa isang lugar na batid niyang walang p'wedeng makakilala sa kaniya ay nagdesisyon siyang dumiretso sa sariling condo upang isama roon si Deina. At kung ang iba ay iisipin na may mangyayari sa kanila dahil nagdala siya roon ng ibang babae bukod kay Elle, iba naman ang paninindigan ni Gelo na kahit anong mangyari ay igagalang niya si Deina hanggang sa ito na ang kusang ipagkatiwala ang sarili nito sa kaniya. In fact, batid niyang malabong mangyari 'yon dahil conservative na tao si Deina. Kaya siguro anong kilig ang dulot sa kaniya sa tuwing hinahagkan ito. "P'wede bang mamaya ka na umuwi, Deina?" "Ahm, p'wede naman. Pero baka hindi na ako magtagal, hah? Alam mo naman na may curfew hours ako sa parents ko kahit adult stage na ako." "It's okay, I understand. Makasama lang kita kahit saglit ay okay na ako. Besides, I am planning to visit my daughter, tomorrow," aniya. In fact, between his hard and white lies, ito 'yung moment na kailangan niyang magsinungaling para sa ikabubuti ng lahat. And to know his real intention, ay wala naman dapat ipangamba si Deina sa kaniyang pagmamahal dito. Kahit na malaking barrier ang katotohanang nakatali pa rin siya hanggang ngayon kay Elle at hindi niya alam kung deserve ba talaga nitong maiwan ng ganito na lang. Kahit pa ilang ulit na siyang sinuyo nito ng mga nakaraang araw. Samantala'y pinagbutihan niyang makapagluto ng isang masarap na dinner para sa kanila. Nagluto siya ng dinakdakan na batid niyang kaniyang magiging isa sa paborito ni Deina. Minsan na kasi siyang nakatikim nito sa isang cafeteria sa workplace, at dahil sa willingness na matutuhan itong lutuin ay nag-search siya sa internet kung anong mga ingredients at kung paano ito lutuin. Kaya naman bumili na siya ng ingredients kahapon at sinubukan iyong lutuin ngayong gabi. At sa hinaba-haba ng oras na hinintay ni Deina ay sa wakas-- natapos na rin siyang magluto. "To my beautiful, Deina, dinner is ready--" Bahagya siyang natigilan nang mapuna na mahimbing na ang pagkakatulog nito. Kaya naman pasimple niya itong kinalabit. "Deina.." Subalit tila useless lang ang paggising niya rito. Hanggang sa mapangiti na lang siya habang pinagmamasdan ito. "I love you." Nasambit niya sa tuwina at doo'y maingat niya itong inihiga sa kama. Batid niya na napagod din ito sa kanilang pamamasyal kanina. "I'm sorry kung pinaghintay kita ng matagal. 'Di bale, p'wede ko namang initin 'to bukas para ipa-take out ko na lang sa'yo. Goodnight," wika pa niya rito kahit imposible namang marinig siya nito. Hanggang sa hindi na lang din siya kumain ng hapunan at dinalaw na rin ng antok, kaya nahiga siya sa may sofa at tuluyan na ring ipinikit ang kaniyang mga mata. Sa pagpikit ng kaniyang mga mata ay dala niya ang isiping, "Panahon na ba para itama ko na ang lahat? Kahit batid kong maraming tao ang masasaktan sa desisyon na aking gagawin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD