NANG DAHIL sa naging usapan nila ni Gelo kagabi ay mas nagkaroon ng dahilan si Elle para mas lalo itong itali sa kaniya. Her obsession from Gelo would become worse. In fact, hindi rin naman siya makapapayag na basta-basta na lang silang maghiwalay nito. What her is her. At kahit sino pa ang pumasok sa buhay ni Gelo na babae ay handa siyang lumaban para lang manatili itong nakatali sa kaniya. At kung nakaraan ay nais niyang manahimik muna, ngayon ay nais niya nang umaksyon nang hindi pa rin ito aware na siya ang p'wedeng gumulo sa buhay ng kabet ni Gelo na si Deina Gomez.
Kaya umaga pa lang ay humingi na naman siya ng tulong kay France, para sa isang planong batid niya na makapagdudulot ng inis para kay Deina.
"Elle, I have been support you from all things, pero itong pinaplano mo ngayon ay hindi ko kayang i-tolerate." Hindi maiwasang mapailing ni France habang minamaneho ang mini cooper nito.
"France, I know na mali itong pinaplano ko but if you're in my position ay maiintindihan mo rin kung anong ipinaglalaban ko."
Bahagyang napairap si France. "Alam ko ang ipinaglalaban mo, si Gelo. Kaya nga nandito tayo ngayon sa Spa na pinapasukan ng kabet niya, e."
Tipid lamang siyang napangiti sa umaatakeng radar ni France. Pero kahit ganito ito minsan ay batid niya na kahit anong mangyari ay willing siya nitong suportahan. Ilang sandali pa ay napuna ni France na may tinatawagan siya.
"Hello, ma'am? Napatawag ka?" Iyon ang boses na bumungad sa kaniya mula sa kabilang linya.
"Where are you? May ipapagawa ako sa'yo."
"Gano'n po ba? Nasaan ka po ba?"
"Pumunta ka rito sa may parking area, makikita mo ang naka-park na black mini cooper. May iaabot ako sa'yo. Ngayon na," ma-awtoridad na aniya.
"Pero, ma'am-- on duty pa po ako."
"I don't care, magpaalam kang lalabas ka muna sandali. Is it reasonable?"
"Okay po, ma'am."
"O, sino naman 'yon?" pang-uusisa ni France nang ibaba na niya ang linya.
"Tauhan ko."
"Ayos, hah?"
"Malaki rin naman ang pangangailangan niya kaya no choice siya kundi ang sumunod."
Ilang sandali pa ay nakita nilang sumilip sa may bintana ng kotse si Claudine, na siyang tinawagan niya para sa isa na namang plano.
Kaya naman binuksan niya ang window glass ng kotse upang iabot dito ang pagkain na nasa lunch box. "Wow. Para po sa akin 'to, ma'am?"
"Hell no, para iyan kay Deina." Nagtataka namang tinanggap iyon ni Claudine.
"Bakit mo po bibigyan ng lunch si Deina? Hindi ba't galit ka po sa kaniya?" tanong pa ni Claudine.
"'Wag ka na ngang maraming tanong. Basta, ibigay mo na 'yan sa kaniya."
Doon bahagyang natawa si France lalo na't batid nito ang nilalaman ng lunch box na iyon. Bagay na hindi alam ni Claudine na posibleng maging dahilan nang pagkasira ng araw ni Deina. "O, anyway, may ibabalita ka ba sa akin?"
"Ahm, ang alam ko po ay susunduin pa rin mamaya ni Sir Gelo si Deina."
"Ayon lang? Then alamin mo kung saan sila pupunta!" Tila napaatras mula sa kinatatayuan si Claudine nang dahil sa pagsigaw niya.
"O-okay po, ma'am."
"Alright, makakaalis ka na." Napatango pa ito bago umalis.
Napapailing na lamang si France habang napapahagikhik nang tuluyan na ngang pumasok ng Spa si Claudine. "Let Deina feel her unforgettable karma of being my husband's mistress." Nagkangisihan lamang sila matapos niyang sabihin iyon bago pa muling pinaandar ni France ang mini cooper nito.
Samantala'y sa Spa ay natigil sa ginagawa si Deina nang i-abot sa kaniya ni Claudine ang isang lunch box. "Deina, may nagpapabigay sa'yo."
Doo'y sandaling napatitig si Deina sa lunch box. "Lunch para sa akin? At sino namang nagbigay nito?" umaasang tanong niya habang hindi maiwasang isipin na mula ito kay Gelo.
"Hindi nagpakilala, e. Basta ang sabi niya lang ay para sa'yo 'yan."
Nag-alalangan ma'y tinanggap niya ang lunch box at dahil sa excitement ay binuksan niya iyon. Habang tahimik lamang na nakatingin sa ginagawa niya si Claudine. Subalit ang excitement na iyon ay nawala nang makita niya ang laman nito.
"Ay! Putek!" Halos mabitawan niya ang lunch box nang makita ang ipis na nakaibabaw sa kanin. Mukhang namatay naman na ang ipis sa init na dulot ng kanin kung kaya't hindi gaanong nakaka-panic para kay Deina na makita ito.
"O, my gosh!" napahalukipkip na wika ni Claudine habang hindi rin nito inaasahan ang makikita.
"Sino ba talagang nagpabigay nito?" napataas sa tonong tanong ni Deina, dahilan para magsilapitan sa pwesto nila sina Ted at Rex.
"Anong nangyari, girl?" pagbungad ni Ted sa kaniya at nang makita nito ang lunch box na naglalaman ng kanin at ipis ay hindi nito naiwasang mapatili. Saka bumwelta pa ng biro. "Yuck! Bakit naman ganiyan ang ulam mo, girl?"
"Excuse me, ipinabigay lang 'to sa akin," katwiran niya rito.
"E, sino raw?" pakiki-isyoso ni Rex.
"Iyon nga, e. Hindi raw kilala ni Claudine," sagot niya.
"Hay, imbyerna! Imbes na magutom ka ay mawawalan ka pa ng ganang kumain. Akin na nga, 'yan at nang mapicturan ko," wika ni Ted.
"O, bakit mo naman pipicturan?" tanong agad niya.
"Ay slow, edi siyempre, para mai-send ko kaagad kay Gelo. Para naman malaman ng boyfriend mo kung ano ang kamalasang nangyari sa'yo ngayon," sagot ni Ted habang sine-save na ang litrato na iyon at upang maipadala kay Gelo sa chat.
"Uy, 'wag na kaya. Kalimutan na lang natin na nangyari 'to, 'di ba, Deina?" wika ni Claudine na hindi naman masyadong napagtuunan ng pansin ni Deina dahil sa lalim nang iniisip nito.
"Teka, Deina, ano bang iniisip mo?" tanong ni Rex.
Bahagya siyang napabuntong hininga habang isinasara na ang lunch box. "Naisip ko lang, kung sino kaya ang p'wedeng gumawa nito sa akin. E, wala naman akong kaaway," aniya at saka siya nagbalik ng tingin kay Claudine na tila balisa ang isip. "Claude? Sigurado ka ba talaga na hindi mo kilala ang nagpaabot nito?"
"O-oo naman, Deina. E, 'di ba lumabas ako sandali, tapos may babaeng nag-abot niyan sa akin."
"Babae?" paniniguro pa niya. Napahalukipkip sina Ted at Rex habang parang nasilihan ang dila ni Claudine dahil medyo nadulas ito sa clue na binigay niya para isipin ni Deina na may isang babaeng galit sa kaniya. "Ahm, namukhaan mo ba?" pang-uusisa pa niya.
"H-hindi, e. Mabilis kasi siyang umalis, e," pagpapalusot pa nito.
"Naku, girl, hah. Hindi kaya malaking threat sa'yo ang babae na 'yon?" ideya ni Ted na lalong naging palaisipan sa kaniya.
"What about ex girlfriend iyon ni Gelo na mahal na mahal pa rin si Gelo at inggit sa'yo dahil ikaw na ang new girlfriend ni Gelo?" ideya naman ni Rex na mas ikinakunot ng noo niya.
Pero hindi naman nila inaasahan ang pagsang-ayon ni Claudine. "Posible ang sinabi ni Rex. Baka nga nakarating sa kaalaman ng ex ni Sir Gelo ang relasyon n'yo." Matatandaang naka-post sa social media ang relationship status nila.
"Teka, wala naman akong natatandaang may nai-k'wento si Gelo sa akin tungkol sa mga naging ex niya. Pero baka ayaw niya lang balikan ang nakaraan, 'no?"
"Well, tama ka. May mga lalaki kasing nakatuon na lang sa present. Kasi minsan kapag binalikan mo pa ang past para i-k'wento mo ngayon sa present mo ay posibleng maging dahilan pa 'yon ng pag-aaway. Maybe, sensitive lang si Gelo sa mararamdaman mo," mahabang paliwanag ni Rex na mukhang marami na ring pinagdaanang relationship.
In fact, bisexual talaga ito kung kaya't mabilis din nitong naka-close sina Ted at Deina.
Samantala'y nang makarating kay Gelo ang nangyari ay nag-alala talaga ito kay Deina kaya naman nang mag-lunch break ay tumawag agad ito sa kaniya.
"Deina, what happened? May nai-send sa aking picture si Ted, is that true?"
"Ahm, oo, Gelo. Pasensya ka na, hah. Hindi mo na dapag itong nalaman pa. Pero ito kasing si Ted--"
"No, I should know it. Para maging aware naman ako sa mga nangyayari sa'yo. Kung alam mo lang ay sobrang nag-aalala ako sa'yo ngayon. Pero, kumusta, may gana ka bang kumain?"
Tipid siyang napabuntong hininga. "Wala pa nga akong gana, e. Kasi bukod sa bunungad sa aking ipis ay iniisip ko rin kung sino ba ang posibleng gumawa no'n sa akin.."
"Pero may nakaalitan ka ba, even client, para may gumawa nito sa'yo?"
"Wala naman, Gelo. Smooth ang pakikitungo ko sa mga clients namin kahit medyo mataray minsan. Pero ang sabi ni Claudine ay babae raw ang nagpabigay nito sa kaniya at hindi raw niya kilala. Kaya I am thinking na baka.. ex girlfriend mo?"
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Gelo habang hindi niya alam na may ideya na ito tungkol sa kung sino ang posibleng nagbigay nito sa kaniya. "Hindi magagawa iyon ng ex girlfriend ko," mariing pagtanggi ni Gelo dahil bukod kay Elle ay wala naman na
itong naging girlfriend bukod dito.
And yes, Elle was Gelo's first love, first kiss, first hug and first touch. Lahat ng first time ay naranasan niya rito, pero simula nang makilala niya ang tunay na ugali nito katulad na lang nang pag-iinom nito kahit bagong panganak lamang kay Angelie, dahil nasanay ito sa marangyang buhay, pagiging mahigpit at bantay sarado sa kaniya sa lahat ng gagawin niya sa buhay at pagiging mapusok na tila walang kapaguran sa kama. In fact, bigla na lang niyang naramdaman na wala na siyang nararamdaman kay Elle maliban na lang sa hindi nawalang care para rito.
Hindi niya namalayang namatay na lang ang linya nang dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya. Kaya naman matapos niyang sunduin si Deina sa trabaho para sabay na mag-dinner sa labas at maihatid sa bahay nito ay hindi rin nagpaalam na rin siyang umuwi lalo na't sa ngayon ay hindi pa sila legal ni Deina sa side nito. In behalf of it was his reason to ask Elle about of what happened to Deina.
Pagkaparada niya ng mercedes benz ay bumungad kaagad sa kaniya si Aleng Ester. Nakangiti ito nang bumati sa kaniya. "Magandang gabi po, Sir Gelo. Mabuti at medyo maaga ka po ngayon."
Pero imbes na sagutin ito ay malayo sa sinabi nito ang isinagot niya, "Where's Elle?"
"Ahm, nasa k'warto po ni Angelie." Hinubad niya na lang muna ang kaniyang coat bago muling kinausap si Aleng Ester.
"Okay, p'wede bang pakisamahan mo na muna si Angeli sa k'warto at kailangan kong makausap si Elle."
"Sige po, pero indi ka ba muna kakain, Sir Gelo?"
"Kumain na ako. Sige na, pakitawag si Elle, at pakisabing hihintayin ko siya sa may kusina. Salamat."
"Okay po, sir."
Seryosong mukha ang ibinungad niya kay Elle bago pa man ito tuluyang makalapit sa kaniya. Humihithit siya no'n ng yosi sa may mini bar ng kitchen.
"What's going on? Mabuti naman at ako ang unang hinanap mo ngayong pag-uwi mo," tila sarkastikong sabi ni Elle.
Mataman niya itong tinitigan at sandaling inilapag ang filter ng yosi sa may ash tray. "Maupo ka." In fact, he was trying to be nice at his wife whenever he knew about her wrong actions.
"Then?"
"Now, ipaliwanag mo sa akin kung bakit mo nagawa iyon kay Deina."
"What are you saying?"
"Stop pretending like you haven't know about it."
Doo'y nakita niya ang pagngisi nito. "O, kung nagawa ko man 'yon, what is your issue about it? Hindi ba't may karapatan naman akong gawin 'yon?" Tila proud pa ito sa ginawang kamalian dahil sa pagngisi nito subalit natigilan ito nang hawakan niya ang braso nito. At kasabay pa nito ang pagtangis ng bagang niya.
"Sinabi ko ba sa'yong idamay mo si Deina sa galit mo? Elle, sumusobra ka na! You are worse than I ever known. Hindi na kita kilala, Elle!"
"E, ikaw? Sa tingin mo ba ay tama ang pangbababae mo habang kasal ka pa rin sa akin? How could you say these words to me kung minsan naman ay minahal mo rin ako?" Batid niya na may halong kirot ang pagkakasabi nito pero mas nanaig ang paninindigan niya na kahit saang parte ay mali pa rin ang ginawa nito.
"Pero mali pa rin ang ginawa mo, Elle. Kung galit ka sa nagawa ko ay 'wag mo nang idamay pa si Deina. Ako na lang ang saktan mo. Saktan mo lang ako hangga't gusto mo at ipamukha mo sa lahat na ako lang ang masama dahil hindi naman magtatagal ay aasikasuhin ko na ang annulment natin." Doon niya nakita ang takot sa mga mata ni Elle. "Akala mo ba ay hindi ko nalaman na sinisiraan mo ako sa parents ko? That you were trying to make them believe na nagloko lang ako, without telling him the main reason why I'm almost over you since we got married? And what are you trying to please them? To make them feel sympathy about you?" Sandali pa siyang napangisi. "Na sa'yo ang problema, Elle at 'wag mo akong sisisihin kung bakit nahanap ko kay Deina ang qualities ng babaeng hindi ko nakita sa'yo!" Hindi na nakapagsalita pa si Elle at sa tuwina ay nakita niya na lang na unti-unti itong dinudurog ng sarili nitong luha.