NAPABALIKWAS mula sa pagkakabangon si Elle. Mataas na ang sikat ng araw nang magising siya at hindi niya man lang namalayan na lumipas ang gabing kasama si Jeremiah. Ni hindi niya man lang naisip na may anak na naghihintay sa kaniya. Matatandaang nakailang round pa sila kagabi ni Jeremiah matapos siyang sabayan nito sa pag-inom ng beer at saka natulog. Hindi niya akalaing magagawa niyang magpalipas ng gabi sa may apartelle kasama si Jeremiah.
Kaya naman dali-dali niyang pinulot ang underwear na nagkalat sa sahig at saka nagbihis ng damit. Bahala na kung anong dahilan ang ipaliliwanag niya kay Aleng Ester pag-uwi. Ilang sandali lang ay naramdaman niya na bumangon na rin si Jeremiah.
"O, aalis ka na?" tanong nito habang naabutan siyang nagbibihis.
"Oo, kailangan ko nang umuwi, tiyak na hinahanap na rin ako ng aming katiwala sa bahay, even Gelo kahit na batid nitong may kasama akong iba. Aside from this ay hindi ko na nga alam kung anong palusot pa ang sasabihin ko kay Angelie." Bahagyang napangisi si Jeremiah.
"Ano pa bang bago sa katotohanang wala nang pakialam sa'yo ang husband mo. Baka nga kapag nagkaharap kami ay tuluyan ka na niyang ipamigay sa akin."
Doon bahagyang kumunot ang noo niya. "What the hell are you saying? Na para lang akong laruan na basta na lang ipamimigay kapag napagsawaan? Jeremiah, stop acting like your my husband, dahil at the end of the day ay alam mo naman kung hanggang saan lang tayo." Hindi maiwasang makaramdam ng lungkot ni Jeremiahm And for some reason ay tanggap nito ang anak niya kahit na tanging sa kama lang sila nagkakasundo. But given the fact that she's not really serious about him, lalo na't at the end of the day ay presensya pa rin ni Gelo ang hinahanap-hanap niya. At kahit sino pang lalaki ang makasiping niya ay iba pa rin ang pakiramdam kapag sa taong mahal mo ipinagkakatiwala ang iyong pagkatao.
"Okay, ihahatid na kita."
"No need, Jeremiah. I can manage. Ahm, pero kung gusto mo naman ay sumunod ka na lang paglabas ko," suhestyon niya rito habang pasimpleng hinahanap sa contact ang number ni France.
Walang duda na may personal na nararamdaman si Jeremiah sa kaniya-- at hindi lang basta tawag ng laman ang dahilan kung bakit gusto siya nito laging makasama. In fact, she's not feeling the same way. At hanggang ngayon ay walang makapapantay sa pagmamahal niya para kay Gelo.
Nang tuluyan na siyang makalabas ng k'wartong iyon ng apartelle ay saka niya ini-dial ang numero ni France. Kamukat-mukat ay bumungad na rin ang boses nito.
"Ano na naman bang problema?" pagbungad nitong katanungan sa kaniya. In fact, sanay na ito sa mga dilemma niya sa buhay.
Kaya isang malalim na pagbuntong hininga ang pinakawala niya bago pa man magsalita, "I need your help."
"Hay, ngayon na ba agad? Hm, I guess, gumawa ka na naman ng kalokohan, Elle.." Napairap siya sa kawalan habang nai-imagine ang mapanermong tingin ng malapit na kaibigan.
"P'wede bang 'wag mo na akong sermunan? Hindi ako p'wedeng magtagal pa na hindi nakakauwi dahil siguradong humihingi pa rin ng update iyong si Gelo kay Aleng Ester."
"But, Elle--"
"I don't care about your reason, pupuntahan kita riyan," deteminadong aniya.
Saka nag-commute patungo sa bahay ng kaibigan. As usual, sa bahay ni France na naman niya ipapaalam kay Aleng Ester na roon siya nakitulog para hindi nito maisip ang maghinala ng kung anu-ano.
Samantala'y sa kanilang bahay ay kagigising lamang ni Angelie at kasalukuyan namang tumawag sa telepono si Gelo upang humingi ng update kay Aleng Ester tungkol sa asawa.
"Yaya, where is mama? I looked at her since last night." Mahahalata sa mukha nito ang lungkot nang lingunin niya subalit nagkataon namang naririnig na niya ang tinig ni Gelo mula sa telepono.
"Hello, Aleng Ester? Are you still there?"
Kaya naman sumenyas siya ng, "wait lang," kay Angelie bago niya itinuon muli ang atensyon mula sa kabilang linya. "Ah, Sir Gelo, w-wala pa rin po kasi si Ma'am Elle."
"Gano'n ba? Pero may idea ka ba kung saan siya pumunta?"
Sasagot na sana siya nang marinig na naman ang boses ni Angelie. "Yaya, is that papa? I want to talk to him!"
"Ah, Aleng Ester, kindly told to Angelie na may trabaho ako. Ahm, sige, tatawag na lang ako ulit and kindly update me once na nakauwi na si Elle." Halata sa boses ni Gelo ang pagkadismaya at nang mga sandaling iyon ay nagkataon namang dumating na rin si Elle kasama si France pagkalapag niya pa lamang ng telepono.
Siyang salubong naman dito ni Angelie. "Mama!"
"Hi, Angelie," pagbati rito ni France nang sumulyap dito si Angelie.
"Hi po, ninang!" kumakaway namang pagbati ni Angelie. At saka nito muling itinuon ang tingin sa ina. "Mama, where have you been? Yaya told me that you left the home since yesterday."
Doon sandaling nagkatinginan sina Elle at France habang nanatiling tahimik lamang at nakikinig sa kanila si Aleng Ester. At nang sandaling iyon ay sinikap kausapin ng masinsinan ni Elle ang anak na si Angelie. "Baby, mama's here now, so you don't have to worry about. Doon lang talaga ako nagpalipas ng gabi sa bahay ng Ninang France mo. And I'm sorry kung hindi na ako nakatawag kay Aleng Ester para sabihin kung nasaan ako kagabi." Bahala na kung ito ang naiisip niyang dahilan para pagtakpan ang kaniyang kamalian. Ang alam niya lang ay iyon ang makabubuti para sa paniniwala ng mga taong nakapaligid sa kaniya-- except France who knew all about her stink. Im fact, Angelie is turning four years old that's why there are some things that it might understand.
"Hay, mama, papa was really worried about you. He asked yaya many times just to know if where you are." Anong munting puwang sa puso niya ang narinig na iyon lalo na't tungkol iyon kay Gelo. Kaya naman ang kabang nararamdaman ay napalitan ng munting kasiyahan sa puso niya.
"Is that true? Na nag-aalala talaga sa akin ang papa mo?" At kasabay nang pagtango ni Angelie ay ang pagtango at pangngiti naman ni Aleng Ester bilang pagtugon din nito sa kaniya.
-
Naging maayos na sana ang lahat matapos niyang malusutan ang isang pangyayari na nagresulta ng kaniyang kapabayaan sa nag-iisang anak na si Angelie. Ngunit nang dumating si Gelo ay sermon agad ang ipinukaw nito sa kaniya.
"How could you do this, Elle? After you showed me your true colors and now, you made me realized that you are not worth enough to be our daughter's mother."
"Stupid. How would you expect from me? To be kind after all you did to me? Matapos mo akong ipagpalit sa kabet mo?"
"E, sino bang nagpumilit na maikasal tayo? I said before na hindi pa ako handang maikasal. At alam mo naman na hindi ko pa natutupad ang pangarap ko no'n!"
"And how about now? 'Di ba naging successful ka na? You earned a lot of money to build your own house and buy new car. Habang ako ay habang buhay na pinagsisisihan na mas pinili kita over my dreams. Pinili kita kasi alam ko na sa'yo ako mas sasaya." Hindi niya naman namalayan ang unti-unting pagbagsak ng kaniyang luha. Bago pa man magsimulang humakbang palayo sa asawa. Ilang sandali pa ay mapatingin pa siya sa may kisame habang pilit na pinipigilan ang patuloy na pag-agos ng luha. "Pero binalewala mo ang pagmamahal at pagpapahalagang ibinigay ko. Ang dami kong tiniis, e. 'Yung bawat araw na lumilipas at mararamdaman kong parang hangin lang ako sa'yo, na kakausapin mo lang ako sa tuwing nangungumusta ka kay Angelie, na magiging sweet ka lang sa akin kung wala sa harap natin si Angelie o ang iba pang malalapit nating kaibigan. All we had for about two years above of marriage was just a pretend or maybe was just a show. Ang sakit-sakit no'n, Gelo. At ang mas matindi pa, ay parang mas matimbang na ngayon ang kabet mo kaysa sa amin ni Angelie."
"Kahit kailan ay hindi kita pinilit na mag-stay sa akin, it's your choice to stay whenever you feel bad or in sorrow. Pero hindi naman ako gano'n kasama para ipagtulakan kang umalis, 'di ba? Yes, I have hurt you at all times but I still care about you, cause no matter what happened, you are the mother of our child. You gave me a chance to be a father." Doon na naman nagsimulang pumatak ang luha niya.
"But you can't love me back no matter what I can do. Maybe I'm not your ideal wife material." Para siyang pinipiga ng mga katagang 'yon lalo na nang muling magtama ang kanilang mga mata. Hanggang sa maramdaman niya na lang ang pagsalubong ng yakap nito.
'Yung yakap na unti-unting tumutunaw ng kaniyang kalungkutan sa kabila ng sakit na nararamdaman.
And upon the space between them, she heard the next few words that could hurt her the most. "I'm so sorry kung iyan ang nararamdaman mo." Saka ito bumitiw sa yakap at nagawa siyang harapin nito. "Ang gusto ko lang naman malaman mo ay kahit hindi ko na matupad ang pangarap mong kumpletong pamilya, asahan mong hinding-hindi ko kakalimutan ang obligasyon ko sa inyong mag-ina. Maybe, there were times that we have miunderstandings and fights. But still, at the end of the day, I still care. Kaya, Elle, ang tanging hiling ko lang ay 'wag mo naman sanang kalimutan ang obligasyon mo kay Angelie bilang isang ina. Dahil kahit ano namang mangyari, maghiwalay man tayo ay mga magulang niya pa rin tayo."
"So, it does mean na.. makikipaghiwalay ka na?" walang pag-aalangan na katanungan niya na nagpaawang ng labi ni Gelo.
At sa puntong iyon ay tila gumuho ang kaniyang mundo nang dahan-dahan itong napatango bilang kasagutan sa kaniya.