Chapter 7

665 Words
Chinny's Pov Hindi ako pumasok ngayong araw, tanghali ng umalis ako para pumunta sa bar. 24 hours naman ang bukas ang bar. May lumandas na namang luha sa mata ko habang tulala sa isang basong gin tonic na iniinom ko. 'Yung pakiramdam na miss na miss ko na siya pero wala akong magawa desisyon ko ito. He left. Kilorn left. At nakipagsagutan na naman ako kay Farley. One Week Ago Hindi ako mapakali sa kwarto hangga't hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit aalis si Kilorn. From: Couz_Farley Hey! Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo. Me? Wala akong kinalaman sa pagalis ni Kilorn. Talk to me in person, okay? Meet me in Hell Gate Bar. 5pm sharp. Napakagat labi ako. It's impossible na wala siyang kinalaman sa pagalis ni Kilorn. Siya lang naman ang pinakaunang suspek ko. Umalis ako ng bahay ng walang paalam, hindi naman ako pinapakialaman ni Angelo e. I'm free. Nagkita kami sa Hell Gate Bar na pagmamay-ari ni Lucifer. Ilang minuto kong hinanap ang walanghiyang sa Farley. When I spotted her bigla ko siyang pinuntahan at binigyan ng magasawang sampal. She looked confused. "What the fvck?" "Alam kong ikaw ang may pakana kung bakit umalis si Kilorn." Gustong-gusto ko nang sabunutan si Farley dahil para siyang tangang nakatingin sa akin. "So, palagi na lamang ako ang may kasalanan? Now, where's the justice?" She said grimly. "May sasabihin ako." Dugtong niya. "Ano 'yon?" Tanong ko at tinignan ang seryoso niyang mukha, may itsura naman si Farley. Okay, fine. Maganda talaga si Farley lalo na 'yong argentine eye color niya. Ika nga ni Khairro it's beguiling and unearthly magnetizing. Swerte naman ako sa kanya pero she had this kind of attitude na masyadong controlling and manipulative. "Umalis si Kilorn dahil inatake sa puso ang daddy niya." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Humugot siya ng malalim na hininga at muntik na siyang pumiyok. "Cool off muna kayo." "No way." "Yes way." She said dryly. "Sinasabi mo lang 'yan dahil gusto mong bigyan ko ng pansin si Angelo." I said angrily. I gaped at her. "Makakaahon ako. Hahanap ako ng paraan para mabayaran ang pamilya ni Angelo sa kanilang naitulong at makikipag-annul ako." "Really? Anong alam mo sa business?" Nakakalokong tanong ni Farley. "The last time I check wala kang alam." Uminit ang ulo ko sa kanyang nakakalokong ngiti. "I love numbers. Then, I'll do investing." "Investments?" I glared daggers at Farley. "Kahit na. Nag-iinvest ka lang. Trabaho ng tamad." Nag-iwas ako ng tingin. Tama siya wala akong alam sa business. For pete's sake hindi business ang kinuha ko kundi ang maging lawyer. "Tama ka. At least ako hindi kagaya mong worthless. Kaya nga naglayas ka di'ba? Isa kang kahihiyan sa pamilya mo." Tumulo ang luha ko ng tumama sa pisngi ko ang malambot na palad ni Farley. Napaigik ako sa sakit. Malambot nga masakit naman sumampal. "Yes, naglayas ako. Pero alam ko kung paano mabuhay ng mag-isa lang." Nilagpasan niya ako. Chinat ko si Kilorn at sakto naman na online siya. Kilorn Sandoval : I'm sorry, Chinny. Inatake si Dad sa puso. What have I done? Hindi pala si Farley ang may kagagawan ng pagalis ni Kilorn. Why so tanga. Chinny? Nasaktan ko na naman si Farley. *Present* "Screw driver." Sabi ko sa bartender. Hindi ko pinansin ang oras patuloy na lang ako sa pag-inom. Pagabi na pala. Gusto ko ng umuwi. Nakakahiya baka sabihin nilang isang law student lasinggera. I dunno kung tipsy o lasing ako. Gusto ko ng matulog. "Ang tanga-tanga ko." Bulong ko sa akin sarili, natawa naman ako. Mapagkakamalan akong baliw nito. "Mojitos nga!" Sigaw ko sa bartender. Naguunahang umagos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "Hey, tama na 'yan." Nainis ako sa taong pakialamero. Tumayo ako at binigyan ng matalin na tingin. Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha sa sobrang lasing ko. "Gago, mind your own biz. " Nahihilo ako, bahagya akong muntik ng matumba at unti-unting nawawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD