Chapter 8

745 Words
Chinny's Pov Para akong umangat sa lupa. 'Yung pakiramdam na may bumubuhat sa akin. Saglit kong binuka ang mata ko at nagulat ako sa bumungad. "Luci?" Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. He carried me in a bridal style, "s**t! Don't move. Mabibitawan kita pagmagulo ka, pasensya na kanina. I was trying to stop you from drinking." Seryosong sambit nito, he didn't even bothered to look at me. Bukod kay Khairro na gwapo at cold, at mala boy next door ang style, Rhysand na mukhang gwapong fvckboy, isa pang gwapo 'to si Lucifer.  "Ako na ang sumundo sa'yo, nakita kasi kita at tumawag rin si Angelo sakto naman kasi na may gig kami ngayon." "Ah.... Okay." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bakit hindi na lang siya ang sumundo sa akin? Tinawagan pa talaga niya si Lucifer, siguro alam niya na may gig sila ngayon. Nang-abala pa talaga siya, nag-utos pa siya ng kaibigan. "Sabi niya nahimatay si Jessa kaya kailangan din niyang samahan pauwi." Bigla akong nainis sa sinabi niya. Bakit mas inuna pa niya ang Jessa na iyon. Di'ba dapata ko 'yung inuuna niya kesa sa ibang tao? Hindi na lang ako umangal. Ano bang paki ko sa kanya? Magsama na sila tutal naman bagay naman sila itapon sa basurahan. Inihatid ako ni Lucifer sa bahay. Wala pa rin siya? Umiling na lamang ako. Bakit ko ba siya iniisip? Dumiretso ako sa kwarto. Sana mabuti na ang kalagayan ng daddy ni Kilorn. Habang nagpapahinga ako naicheck ko ang f*******: account ko. Nalungkot ako sa inupload na picture ni Karma kasama ang buong pamilya niya. Kita ko ang saya sa mga mata niya. Napatalon ako ng magring ang skype ko. Agad kong sinagot ang tawag niya. "Hi." Bungad niya, ang gwapo talaga niya. Naka-messy hair siya. "Hi. Kumusta na si tito?" Nakangiting tanong ko. Parang gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit. "Nasa hospital pa rin si dad, nagpapahinga bawal siyang mastress." Kumindat siya sa akin. "Ang ganda mo talaga, Chinny." "Hahaha.. Nang bola ka pa. I missed you." Nag-init ang pisngi ko. Kinikilig ako ng sobrang-sobra. "I missed you too. Nakakapagod at nakakastress pala ang traboho ni daddy." Natawa ako sa kanya, halata sa mukha niiya ang pagod. "Halata naman. By the way, baka nakahanap ka na ng iba diyan." "Wala akong mahanap na kasing ganda at kasing bait mo. Mag-sleep ka na mukha kang napaaway." Natawa ako habang tumatango. "Good night and I love you." Nagflying kiss ako. "I love you too." I hung up. Unti-unting bumukas ang pintuan ng kwarto ko, bumungad ang nakakumay na mukha ng magaling kong asawa. He is irritating me! Bakit hindi niya ako sinundo kanina? Holy cheese! Hindi ako affected. Angelo's Pov "Nag-cutting ka raw kanina." I said dryly, habang pumapasok sa loob ng kwarto niya. "Fvck! Sinisira mo ang kinabukasn mo dahil lang sa lalaking 'yon." Kalmado ako pero sa totoo lang, nagtitimpi lang ako na sigawan siya. Sinisira niya ang buhay niya at ang kinabukasan niya dahil lang sa hindi permanenteng pag-alis ni Kilorn. Kumunot ang noo niya. "Are you happy now? Nasa Japan siya at narito ako naiwan sa'yo, sana ikaw na lang 'yung umalis at siya nanatili dito." I pressed my lips together. She's really hurting me emotionally. "'Yun taong ayaw ko makita ang siya pa ang narito, FYI hindi ko sinisira ang buhay at kinabukasan ko, bakit ko gagawin 'yon? Ikaw naman talaga ang sumira sa buhay ko. Remember, pagkaya ko ng I-handle ang manufacturing company ng pamilya namin babayaran ko lahat ng naitulong ng pamilyo niyo sa amin at makikipag-annul ako. I regretted meeting you." Bumuntong hininga ako. Mapait akong ngumit sa kanya, masakit marinig ang mga salitang iyon galing sa kanya. Nagkukunwari ako na hindi ako apektado sa mga pinagsasabi niya. "Iniisip mo ba ang lahat na lumalabas dyan sa bibig mo? Before you speak, mag-isip ka muna kung nakakasakit ka na." I smiled slyly. "Kung nagsisisi ka mas nagsisisi ako na nagustuhan pa kita at pinagpipilitan ko ang sarili ko sa'yo. I'm just worried, then ito 'yung isusukli mo sa kabutihan ko. From now on, wala na tayong paki sa isa't isa!" Tumaas ang baritono ko. Natigilan siya at napaawang ang labi niya. Tumalikod na ako, bago pa ako makaalis sa kwarto niya nagsalita muna ako. "Maybe I'll get tired of loving you." Minsan nakakapagod nang umasa sa wala. Tama ba ang sinabi ko sa kanya? Hindi ko na kasi matantya ang ugali niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD