Umuwi kami sa bahay kinabukasan hinatid namin sa penthouse ang anak namin. "Salamat, dad." wika ng anak namin nang iparada ko sa basement parking lot ang pickup truck. "Alis na kami, ingat ka palagi." sambit ko at inatras ko ang pickup truck palabas ng kalsada. "Bye!" sigaw ng anak namin at kumaway na lang. Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya sa tabi ko. "Tumatanda na talaga tayo, pa independent na ang unico hijo natin mula nang mag-college siya sa susunod may ipapakilala na sa ating babae at ikakasal sila." sambit niya sa akin nang napatitig siya. "Tumatanda na talaga tayo noon ang iniisip natin aral at gala," sambit ko nagmaneho na ako pauwi sa bahay namin. "Mga panahong iba ang nasa isip natin at maliban sa akin, aral, trabaho at alaga sa anak natin pero blessing siya na

