
Si Vhenno Hernan ay isang American-Filipino na lumaki sa isang pamilyang may mataas na pangarap para sa kanya. Tahimik siyang binata—seryoso, mapagkumbaba, at may pusong madaling masaktan ngunit mahirap magtiwala. Sa kabila ng pagiging simple niya, naging kapansin-pansin ang presensya niya sa campus noong high school dahil sa talino at pagiging responsible. Sa parehong eskwelahan, naroon si Althea "Thea" Weyza, isang nerdy at hindi kagandahang dalaga sa paningin ng karamihan—mahiyain, hindi fashionista, laging nakayuko, ngunit busilak ang puso. Sa hindi inaasahan, si Vhenno ang unang nakakita ng kagandahan ni Thea sa likod ng pagiging "nerd." Dito nagsimula ang una nilang pag-ibig.
Mahigit dalawang taon ang itinagal ng kanilang relasyon. Legal sila sa magulang, suportado, at halos araw-araw na magkasama. Ngunit nasira ang lahat nang dumating si Jia Li, isang bagong transferee na agad kumain sa atensyon ni Vhenno. Nasabayan ito ng pagiging curious niya, at unti-unti siyang nabighani sa kakaibang charm ni Jia. Sa gitna ng pagkalito niya, nang sagutin siya ni Jia, nakipaghiwalay siya kay Thea isang desisyong hindi niya naintindihan agad na magsisisihan niya nang matagal.
Nagkulong sa sakit si Thea. Hindi siya nagpaka-bitter; nagpakatatag siya. Umalis siya papuntang Cebu, kung saan nagbago siya—hindi lamang sa itsura kundi sa confidence. Nagulat ang mga kaibigan nang bumalik siya sa Maynila mas maaliwalas, mas matured, mas siguradong hindi na iiwan-iiwan.
Sa pagbabalik niya, dito niya nakilala si Kenchie "Chie" Swellden, ang akala lang niya ay simpleng kaibigan ni Jia. Ginamit sana ni Thea si Chie upang ipakitang moving on na siya, ngunit tumanggi si Chie na maging "pantapal sa sugat." Sa halip, naging tunay na magkaibigan sila at unti-unting nagkaroon si Thea ng kaunting admiration kay Chie dahil iba ito sa dating boyfriend niya: mas mahinahon, mabait, at hindi manloloko.
Ngunit nabasag ang katahimikan nang malaman ni Thea na si Jia at Chie ay hindi lang magkaibigan—mag-fiancé sila. Niyanig ang mundo nina Thea at Vhenno nang pumutok ang truth bomb na ito. Para bang binastos ng tadhana ang puso nilang parehong sugatan. Totoong karma. Nagulo ang isip ni Vhenno at halos magpakamatay sa sobrang sakit ng pagkakanulo. Tinawagan ng ina niya si Thea para tulungan ang binata. Dinala nila si Vhenno sa hospital. Sa tagpong 'yon, rekindled kahit bahagya ang samahan nilang matagal nang nawala.
Nang makabalik si Vhenno sa tamang pag-iisip, nagdesisyon siyang lumayo. Umalis siya patungong America para magpahinga, magpagaling, at maghanap ng direksyon. Sa Maynila, si Thea ay nagpatuloy ng buhay, piniling mag-simple at mag-focus sa kanyang pamilya. Ngunit kahit nagkalayo, hindi nila maalis ang koneksiyon na parang lubid na hindi maputol.
Pagbalik ni Vhenno sa Pilipinas matapos ang ilang buwan, agad niyang hinanap si Thea. Nalaman niyang nasa plaza ito ang dati nilang tagpuan noong magkasintahan pa sila. Nagkita sila, awkward ngunit sincere. Sinama siya ni Thea sa bahay ng ex niya—si Jia—at nagulat si Vhenno nang malaman na buntis ito at gusto siyang gawing ninong. Dito nila napag-usapan ang closure nila ni Jia ang nangyaring betrayal, ang mga nasayang, at ang mga natutunan.
Sa gabing inihatid ni Vhenno si Thea pabalik ng apartment, hindi inaasahang bumigay ang damdamin nilang dalawa. Sa tagal ng panahong pinigilan nila ang sarili, isang gabi ang naging simula ng panibagong gulo ang gabing iyon, nagbunga.
Nang makapagtapos ng high school si Thea, nabalitaan niyang siya ay buntis. Nagdesisyon ang mga magulang niya na dalhin siya sa Cebu upang maiwasan ang pressure, tsismis, at komplikasyon. Doon niya ipinanganak ang kanyang anak na lalaki, si Louie John Hernan. Nagsumikap siya, patuloy na nag-aral, at kumuha ng degree habang inaakay ang buhay bilang single mother.
Samantala, sa America, pumasok sa college si Vhenno, nagsimulang maging mas aloof, mas mapili sa kaibigan, at halos walang ibang iniisip kundi pag-aaral at ang negosyong balak niyang itayo. Ngunit sa bawat tagumpay, may isang pangalan na paulit-ulit na sumasagi sa isip niya: Thea.
Makalipas ang ilang taon, naging matagumpay ang business proposal ni Vhenno. Nabanggit ng ina niya na baka magandang magtayo ng branch sa Cebu. Sa parehong panahon, si Thea ay nagtatrabaho bilang part-time waitress habang nagtatapos ng isa pang degree. Hindi niya alam na tinatahak niya ang landas na muling maglalapit sa kanilang dalawa.
Nang mag-apply si Thea sa isang broadcasting company, hindi niya alam na iyon ay pag-aari ng dating minahal—si Vhenno mismo. Nagkagulatan ang dalawa nang umiikot ang pinto ng office at nagkatitigan sila hindi dahil sa gulat lang, kundi dahil nagbalik ang lahat ng alaala. Mas mature na sila, mas mahinog, mas maraming sugat, pero nandoon pa rin ang tahimik na kirot at hindi natapos na storya.
Doon umamin si Thea. Walang drama. Walang paligoy.
"Si Louie...anak mo."
Napaupo si Vhenno. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman. Shock, tuwa, lungkot, guilt

