Madaling-araw nang mag-impake si Thea isang maleta, backpack at ang buong pusong sugatan ang bitbit niya sa pagbalik sa Cebu.
Sa sala, hinarap siya ng kanyang Mama niya sasama siya dito pabalik sa Cebu.
"Sigurado ka na ba?"
Tumango si Thea sa Mama niya.
"Hindi ako tumatakbo, Ma, I'm choosing myself."
Sa airport, saglit siyang huminto tumingin siya sa cellphone—walang bagong mensahe mula sa kanya.
"Okay lang," bulong niya sa sarili. "Kahit wala."
Sa eroplano, pinikit niya ang mata.
Sa Cebu, magiging ako ulit hindi agad nakaalis si Thea kinabukasan.
Bumalik siya sa dating café kung saan minsang naghintay siya kay Vhenno, paulit-ulit, at tahimik.
Umupo siya sa paborito nilang mesa.
Last time, sabi niya sa sarili.
Ilang minuto pa, may pamilyar na boses.
"Thea?"
Napatingin siya at nakita niya si Vhenno.
Nagulat silang pareho nang makita ang isa't-isa.
"Hindi ka pa umaalis?" tanong niya.
Umiling si Thea. "Later."
Nagka-tinginan sila walang galit, walang lambing sa kanilang boses pero nasasaktan silang dalawa.
"May gusto akong sabihin," sabi ni Vhenno.
"Pero hindi ko alam kung may karapatan pa ako."
Sumandal si Thea sa upuan.
"Sabihin mo pa rin."
Huminga siya nang malalim nakita niya 'yong lungkot at naghahanap.
"I didn't plan to fall for Jia. It just...happened."
Tumango si Thea.
"Hindi naman kasalanan ang mahulog."
"Pero kasalanan ang hindi lumaban," sagot ni Vhenno.
Napangiti si Thea nang malungkot sa kanya.
"Hindi rin lahat ng laban kailangang ipaglaban."
Tumayo siya at kinuha ang bag.
"Magiging okay tayo, hindi ngayon—pero balang araw."
"Sa Cebu?" tanong ni Vhenno.
"Sa sarili ko," sagot niya.
Hindi sila nag-yakap.
Hindi sila nagpaalam nang mahaba at habang naglalakad palayo si Thea, alam niyang:
May mga pag-ibig na hindi mo dadalhin dahil kailangan mong buhatin muna ang sarili mo.
Hindi agad umalis si Thea.
Sa mga sumunod na araw, inasikaso niya ang mga papeles—transcript, inquiries, mga tanong na "paano kung tumuloy ako?"
Isang hapon, nasa plaza siya nang biglang tumawag si Jia.
"Thea," sabi nito, alanganin. "Pwede ba kitang makausap?"
Nagkita silang dalawa ni Jia.
Tahimik. Awkward.
"Alam ko," simula ni Jia, "na hindi kita nasaktan nang direkta...pero parte ako ng dahilan."
Tumango si Thea.
"Hindi mo kasalanan ang magmahal."
"Pero kasalanan ko ang hindi naging tapat," amin ni Jia.
Ngumiti si Thea hindi niya magawang magalit ang nararamdaman niya hindi na siya masaya.
"Pareho tayong natututo."
"May balak ka ba talagang umalis?" tanong ni Jia.
"Hindi pa," sagot ni Thea. "Pero darating."
"Babalik ka ba?"
Tumingin si Thea sa langit.
"Kung babalik ako, gusto kong buo na ako."
Pag-uwi niya, kinuha niya ang maleta pero hindi pa rin niya sinara.
Hindi pa ngayon, sabi ng puso niya pero papalapit na.
Unti-unting nagbabago si Thea.
Hindi pa pisikal kundi sa paraan ng pananalita, at sa pananamit sa desisyong mas pinipili na ang sarili.
Isang araw, nagkita sila ni Vhenno sa isang convenience store—unexpected, awkward, tahimik.
"Hi," sabi ni Vhenno.
"Hi," sagot ni Thea.
Sandaling katahimikan.
"Balita ko," simula ni Vhenno,
"may balak kang umalis talaga at hindi ka na babalik."
"Hindi pa," sagot ni Thea. "Pero iniisip ko na."
Tumango siya. "Good, you deserve a reset."
Napangiti si Thea nang bahagya sa sinabi ni Vhenno sa kanya.
"Hindi ako umaalis dahil sa'yo."
"Alam ko," sagot niya. "At mas masakit 'yon."
Naghiwalay sila na walang yakap, walang drama pero may malinaw na hangganan.
Sa gabi, nag-impake si Thea ng kaunti lang hindi para umalis, kundi para ihanda ang sarili.
Sa notebook niya, isinulat niya:
Hindi ako tumatakbo kundi gustong baguhin ang sarili.
Isinara niya ang maleta hindi tuluyan at humiga sa kama niya.
Sa isip niya, malinaw na:
Ang Cebu hindi pagtakas.
Ito ang pagbabalik sa sarili.
Mas naging madalas ang pag-iisa ni Thea.
Hindi na siya palaging sumasama sa mga lakad. Mas pinipili niya ang tahimik na café, ang mga librong hindi humuhusga, ang musika na nagpapakalma.
Isang gabi, tumawag ang kaibigan niya mula Cebu.
"Sigurado ka ba?" tanong nito.
"Hindi ka pa umaalis ah."
"Hindi pa," sagot ni Thea. "Pero naghahanda na ako."
"Para kanino?"
Ngumiti siya. "Para sa sarili ko."
Sa plaza, muling bumalik ang alaala nina Vhenno pero this time, hindi na masakit. May kirot, oo, pero may linaw na.
Hindi lahat ng minahal kailangang balikan.
Sa bahay, tinitigan niya ang salamin. Mas maayos ang postura niya mas diretso ang tingin.
"Hindi ako nawalan," bulong niya. "Nagising lang."
Isinara niya ang maleta hindi pa tuluyan pero mas handa na siya kaysa dati.
Hindi biglaan ang pagbabago ni Thea.
Unti-unti itong nangyari parang paghinga.
Isang hapon, nagpunta siya sa isang salon hindi para magbago agad kundi para magsimula.
"Sigurado ka?" tanong ng stylist.
Tumango siya. "Gusto kong makita kung sino na ako."
Sa salamin, hindi na siya ang dating Thea na naghihintay.
Sa labas, dumaan si Vhenno sa lugar, hindi siya nakita pero ramdam ni Thea ang presensya ng nakaraan.
Hindi ko na kailangang ipaliwanag ang sarili ko, naisip niya.
Sa bahay, isinulat niya sa notebook:
Kung aalis man ako,
hindi dahil may iniwan,
kundi dahil may pinili.
Isinara niya ang notebook, at sa unang pagkakataon, nakangiti siyang natulog.
Hindi pa umaalis si Thea pero nagsisimula na siyang mag-empake ng sarili niya naghahanda siya.
Hindi damit.
Hindi gamit.
Kundi tapang.
Sa café, nagkita sila ng isang kaibigan.
"Magbabakasyon ka raw?" tanong nito.
"Siguro," sagot ni Thea. "Siguro matagal."
"Dahil kay Vhenno?"
Umiling siya. "Dahil sa sarili ko."
Sa labas ng café, nakita niya si Vhenno sa kabilang kalsada. Magkasalubong ang tingin nila pero walang lumapit isa sa kanila.
Hindi pa oras.
Sa gabing 'yon, tumayo si Thea sa harap ng salamin.
"Hindi ka iniwan," sabi niya sa sarili.
"Pinili ka lang muna."
At sa unang pagkakataon, naniwala siya.
Nasa waiting shed si Thea, may hawak na maliit na bag. Hindi siya aalis pero parang sinusubukan niya ang pakiramdam ng paglayo.
Hindi niya inaasahan si Vhenno.
"Thea," tawag nito.
Lumingon siya, hindi na siya nagulat parang inaasahan na rin.
"Akala ko nasa school ka," sabi niya.
"Umalis ako," sagot ni Vhenno.
"Kailangan kitang makita."
Tahimik silang magkatabi.
"Kung aalis ka," bigla niyang sabi,
"sabihin mo man lang."
Hindi tumingin si Thea. "Hindi pa ako umaalis."
"Pero iniisip mo," dugtong niya.
"Matagal na." sagot ni Thea parang sila na hindi.
"May chance pa ba tayo?" tanong ni Vhenno, halos pabulong.
Tumahimik si Thea bago sumagot.
"Hindi ko alam kung ako pa ang taong mahal mo."
Umulan nang mas malakas.
"At hindi ko rin alam," dugtong niya, "kung kaya ko pang mahalin ka nang hindi nawawala ang sarili ko."
Hindi sila nagpaalam sa isa't-isa pareho nilang alam—malapit na.
Hindi pa umaalis si Thea pero inayos na niya ang kwarto.
Inilipat niya ang mga lumang gamit mga litrato, notes, lumang shirt na iniwan ni Vhenno noon hindi niya itinapon inilagay lang sa isang kahon.
Hindi ko itinatanggi, naisip niya.
Inaayos ko lang.
May tumawag—ang pinsan niya sa Cebu.
"Anytime ka raw welcome dito," sabi nito.
"Salamat," sagot ni Thea.
"Hindi pa ngayon."
Pagkababa ng tawag naupo siya sa sahig hawak ang kahon.
"Hindi kita iniiwan," bulong niya sa alaala.
"Pinapahinga lang kita."
Sa labas, nagdaan ang bus papuntang south. Tiningnan niya ito at hindi sumunod.
Sa salamin matagal tinitigan ni Thea ang sarili.
Hindi na siya 'yong babaeng umiiyak sa gilid ng hallway pero may direksyon ng pupuntahan.
Naglakad siya papunta sa café kung saan madalas silang magkasama ni Vhenno noon.
Umorder siya ng kape—mag-isa.
Hindi ko kailangang tumakas, naisip niya.
Kailangan ko lang huminga.
Sa kabilang mesa may magkasintahang nag-aaway.
"Hindi pala ako nag-iisa," bulong niya.
Pag-uwi niya, tinext siya ni Vhenno—isang simpleng mensahe.
Okay ka lang ba?
Matagal bago siya sumagot.
Okay lang. Natututo lang.
Nang makauwi siya sa apartment niya nagpalit lang siya ng damit bago nahiga sa kama niya.
"Hindi pa ako umaalis," bulong niya sa sarili.
"Pero hindi na rin ako 'yong naiwan."
Madilim ang kwarto tanging ilaw mula sa bintana ang pumapasok nakaupo si Thea sa sahig, yakap ang tuhod.
Sa harap niya ang kalahating naka-empakeng maleta.
"Hindi pa," sabi niya sa sarili. "Hindi pa ngayon."
Kinuha niya ang lumang bracelet—regalo ni Vhenno noon.
"Ang dali mong itapon," bulong niya.
"Pero ang hirap mong kalimutan."
Tumayo siya at humarap sa salamin.
"Hindi ako mahina," mariin niyang sabi.
"Nasaktan lang."
May kumatok sa pinto ang kaibigan niya.
"Okay ka lang?" tanong nito.
"Oo," sagot niya agad.
"Pagod lang."
Pagkaalis ng kaibigan napaupo ulit siya.
"Hindi ko siya hahabulin," sabi niya sa sarili.
"Pero hindi ko rin ikakaila na mahal ko pa."
Hinawakan niya ang maleta at isinara ito pero hindi dinala palabas.
"Kapag umalis ako," mahina niyang sabi,
"dapat buo na ako."
Humiga siya sa kama, pumikit, at huminga nang malalim.
"Hindi pa ako aalis," pangako niya.
"Pero babalik ako iba na ako."
Nasa sahig si Thea hindi na nag-abala sa kama. Kalat ang damit, bukas ang maleta parang isip niya.
Hinila niya ang buhok niya, napapikit.
"Ang tanga ko," pabulong niyang sabi.
"Alam ko namang masasaktan ako."
Kinuha niya ang phone nakabukas ang lumang conversation nila ni Vhenno hindi niya binabasa.
Tinitignan lang ang pangalan.
"Isang tawag lang," sabi ng isip niya.
"Isang text lang."
Pero inilapag niya ulit ang cellphone niya.
"Hindi," mariin niyang sabi. "Hindi na."
Humagulgol siya ng hindi maingay, pero buo.
"Ginawa kitang mundo," umiiyak niyang bulong.
"At iniwan mo ako sa gilid."
Hinawakan niya ang tiyan niya parang may hinahanap na lakas doon.
"Hindi ako mahina," paulit-ulit niyang sabi.
"Nasaktan lang ako."
Tumayo siya humarap sa salamin—namumula ang mata, mukha niya pagod.
"Kapag umalis ako," pangako niya sa sarili, "hindi na ako babalik bilang babaeng iniwan."
Umupo siya sa kama yakap ang unan.
"Mamahalin ko muna ang sarili ko," mahina niyang sabi. "Kahit masakit."
Hawak ni Thea ang papel nanginginig ang kamay niya.
Hindi siya umiiyak agad parang may pumigil—shock, galit, realization.
"Ganito pala," bulong niya.
"Ganito pala ang pakiramdam."
Naupo siya sa kama, hawak ang ulo.
"Hindi lang pala ako iniwan," sabi niya sa sarili.
"Pinagpalit pala ako."
Tumayo siya naglakad-lakad parang hinahabol ang sarili niyang isip.
"Hindi ako kulang," mariin niyang sabi.
"Hindi ako mali."
Pero bumigay ang boses niya.
"Pero bakit ako?" umiiyak niyang tanong.
"Bakit ako ang kailangang maghilom?"
Hinampas niya ang una ng isang beses, dalawang beses.
"Hindi ako tatakas," hingal niyang sabi.
"Pero kailangan kong lumayo."
Huminga siya nang malalim pinunasan ang luha ang luha niya.
"Kapag bumalik ako," pangako niya,
"hindi na bilang babaeng iniwan."
Hindi umalis si Thea.
Hindi rin siya humiga ulit.
Naupo lang siya sa sahig, likod sa kama, nakatitig sa pader.
"Hindi pala ako nagkulang," mahina niyang sabi.
"Pinili lang niya ang iba."
Huminga siya nang malalim—isa, dalawa.
"Masakit," amin niya sa sarili.
"Pero malinaw na sa akin ang lahat."
Kinuha niya ang notebook niya at nagsulat hindi maayos, hindi maganda ang sulat.
Hindi ako iiwan ng sarili ko pinunasan niya ang mata niya.
"Kung aalis man ako," sabi niya,
"para maghilom, hindi para magtago."
Tumayo siya at sinara ang maleta hindi tuluyan, kalahati lang.
"Hindi pa," bulong niya.
"Hindi pa ngayon."
Umupo si Thea sa gilid ng kama nakapulupot ang tuwalya sa buhok, basang-basa pa ang balat mula sa paliligo parang gusto niyang hugasan ng sobra.
Tumingin siya sa salamin.
"Hindi ako galit," sabi niya sa sarili.
"Nasasaktan lang."
Umupo siya ulit, kinuha ang phone hindi para mag-text, kundi para i-off.
Ibinaba niya ito sa drawer.
"Hindi lahat ng sakit kailangang sagutin," bulong niya.
"May iba na kailangan lang damhin."
Humiga siya, nakatagilid, nakatitig sa pader.
"Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta," amin niya.
"Pero alam kong hindi na ako babalik sa dati."
Pinikit niya ang mata niya hindi para matulog, kundi para manatili.
The Plaza After Class
Sa plaza kung saan sila unang naging sila nakatayo si Thea hawak ang bag, at nakatingin siya sa fountain.
"Hindi ko akalaing babalik pa ako rito," sabi niya.
"Nandito ka pa rin," sagot ni Vhenno katabi niya.
"Hindi dahil gusto ko," sagot ni Thea.
"Kundi dahil may naiwan."
Tahimik si Vhenno.
"Hindi mo ako kailangang kausapin," dagdag ni Thea.
"Pero kailangan kitang makita."
"Para saan?" tanong niya.
"Para masigurong totoo," sagot ni Thea, "na kaya ko na."
Napangiti si Vhenno.
"Mas malakas ka na."
"Hindi," sagot niya.
"Mas honest lang."
Nagkat-inginan sila walang hawakan, walang yakap man lang.
"Hindi pa ako aalis," sabi ni Thea.
"Pero may bahagi sa akin na handa na."
Tumango si Vhenno.
"Kapag handa ka na... hindi kita pipigilan."
At sa pagitan ng katahimikan alam nilang pareho may darating, pero hindi pa ngayon.
Hatinggabi na sa plaza naupo sina Thea at Vhenno sa parehong bench, may pagitan, pero pareho ang direksyon ng tingin.
"Hindi ka na tulad ng dati," sabi ni Vhenno.
"Hindi na rin kita hinahanap para buuin ako," sagot ni Thea.
Tumango siya.
"'Yon ang kinakatakot ko noon."
"Tama lang," sagot ni Thea.
"Kasi hindi ko dapat ibinigay sa'yo ang responsibilidad na 'yon."
Tahimik ulit.
"Kung aalis ako," dagdag ni Thea, "hindi dahil tinatakasan kita."
"Kundi?" tanong ni Vhenno.
"Kasi gusto kong bumalik na hindi ka kailangan kundi pinipili."
Napapikit si Vhenno.
"Hindi pa ako aalis," sabi ni Thea.
"Pero nagsisimula na akong magpaalam sa version ko na nasaktan."
Tumayo siya.
"Goodnight, Vhenno."
"Goodnight," sagot niya.
Hindi siya sumunod.
Hindi rin siya humabol.
Mag-isa si Thea sa jeep pauwi nakasandal ang noo sa bintana, tanaw ang ilaw ng Manila.
Hindi pa ako aalis, isip niya.
Pero hindi na rin ako pareho.
Pagbaba niya, tumigil siya sa gate.
Hinawakan ang dibdib.
"Hindi na ako babalik sa babaeng humingi ng paliwanag," bulong niya.
"Kung babalik man ako... buo na."
Sa loob ng bahay tinanggal niya ang lumang larawan sa drawer—siya at si Vhenno, nakangiti, bata pa.
Hindi niya itinapon.
Inilagay niya sa kahon.
Isinara.
Sa plaza kung saan dati silang masaya nakatayo si Thea dumating si Vhenno na parang hinabol ng maraming zombie.
"Akala ko hindi ka na sisipot," sabi niya.
Tumawa si Thea walang saya.
"Ganun naman lagi, 'di ba? Dumarating ka kapag huli na."
"Hindi ko ginustong masaktan ka," sagot ni Vhenno.
"Pero pinili mo," sigaw ni Thea.
"Araw-araw mo akong hindi pinili."
Lumapit siya, nanginginig.
"Alam mo bang minahal kita kahit hindi ako ang pinakamaganda? Kahit hindi ako ang katulad ng type mo?"
"Hindi kita minahal nang kulang," depensa ni Vhenno.
"Pero hindi sapat," balik niya.
"At 'yon ang mas masakit."
Humagulgol si Thea.
"Ginawa kitang mundo ko ginawa mo akong option."
Natahimik si Vhenno at sa katahimikan na 'yon, tuluyang napagod si Thea.
"Hindi pa ako aalis," sabi niya, pilit na matatag.
"Pero hindi na rin ako maghihintay."
Sa labas, rinig ang tawanan ng ibang estudyante.
Parang ang dali nilang maging masaya sa isip niya.
Pumikit siya.
"Hindi ako pangalawa," bulong niya sa sarili.
"Hindi ako pahinga at hindi ako pansamantala."
Naalala niya si Vhenno—ang tawa nito, ang paraan ng paghawak ng kamay niya dati.
Pero mas naalala niya ang mga gabing siya lang ang naghihintay.
Tumayo siya at humarap sa salamin.
"Kung hindi mo ako kayang piliin," sabi niya sa sarili, "pipiliin ko na lang ang sarili ko."
Hindi pa siya aalis pero sa sandaling 'yon may iniwan na siyang bahagi ng lumang Thea.
At 'yon ang tunay na simula.
Nasa terminal si Thea may hawak na maliit na bag si Thea, simple lang ang suot.
Walang drama.
Walang nagha-hatid.
Pero sa kabilang banda, gising si Vhenno nakaupo sa kama, nakatulala sa kisame.
Hindi niya alam kung bakit mabigat ang dibdib niya.
"Jia..." bulong niya, hawak ang cellphone may unread message at may tawag na hindi niya sinagot.
Bakit parang may mali?
Samantala, nakapila si Thea para sa ticket.
Pinikit niya ang mata.
"Hindi ako tatakas," sabi niya sa sarili.
"Uuwi lang ako sa lugar na hindi ako kailangang ipaglaban."
Naalala niya si Vhenno ang paraan ng pagtingin nito sa kanya ang mga sandaling halos siya ang piliin.
Halos.
Sa dorm room ni Vhenno, bigla siyang tumayo.
Tinignan ang orasan may gusto siyang puntahan pero hindi niya alam kung saan.
"Bakit pakiramdam ko... may umaalis?" bulong niya.
Hindi niya alam na sa oras na 'yon nakasakay na si Thea sa bus pa-Cebu.
Sa tabi ng bintana tahimik siyang umiiyak.
"Mahal pa rin kita," amin niya sa hangin.
"Pero mas mahal ko na ang sarili ko."
At sa Manila, naiwan si Vhenno nalilito sa relasyon niya kay Jia hinahabol ng alaala ng babaeng hindi niya pinili.
Hindi niya alam kung alin ang mas masakit ang mawala si Thea, o ang marealize na baka siya ang unang bumitaw.
Tahimik ang condo kung nasaan siya ngayon.
Masyadong tahimik nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone. Tatlong beses niyang binuksan ang pangalan ni Thea walang bagong message.
Bakit parang may kulang?
Hindi naman sila—pinutol ko na ang meron sa aming dalawa mas pinili ko si Jia.
Pero bakit parang may namatay sa loob niya?
Humiga siya nakatitig sa kisame.
Si Jia ang pinili ko.
Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili parang mantra, parang depensa.
Pero sa likod ng isip niya may bumubulong:
Pinili mo ba... o tinakasan mo lang ang mas mahirap mahalin?
Naalala niya ang huling tingin ni Thea—
hindi siya galit, hindi galit na galit, kundi pagod.
At doon siya mas natakot.
Mas masakit ang taong umaalis nang walang paninisi.
Bigla siyang umupo hinanap ang jacket niya.
"Hindi pa siya aalis," bulong niya.
"Hindi pa."
Pero nang tumingin siya sa orasan may kumurot sa dibdib niya.
Paano kung nakaalis na?
Hindi niya alam kung si Jia ba ang mahal niya o ang ideya ng isang relasyong mas madali.
Hindi niya alam kung bakit ngayon lang masakit.
At doon niya inamin sa sarili:
Hindi niya pinaglaban si Thea at minsan, ang hindi ipinaglaban hindi na bumabalik.
Tumahimik ulit ang kwarto.
At sa katahimikang 'yon naiwan si Vhenno na may tanong na wala nang sasagot.