Thea POV Nagising ako dahil napaginipan ko ang magulang at ang anak ko. Nag-sign of the cross ako bago bumaba sa kama at dumeretso sa banyo. Nang makapag-hilamos ako lumabas na ako nilingon ko pa siya bago ako lumabas ng kwarto namin. Pumunta ako sa kusina at naghanap ng iluluto para sa amin. Napatingin ako sa wall clock na nakadikit sa may gilid. Mag-tatanghali na pala. Day-off nang katulong namin kaya ako ang nagluluto para sa mag-ama ko. Napalingon ng may tumawag sa akin nakita ko siya. "Ma!" tawag niya. Lumingon ako sa kanya natawa siya sa itsura ko kapag nasa bahay kami binabalik ko ang dating ako nilapitan niya ako at hinalikan ako sa labi. "Pa naman eh!" saway ko sa kanya nahihiya pa rin ako kapag ganito siya. "Si Louie John?" tanong niya sa akin. Humiwalay siya at siniko

