Thea POV Sa Blossom State University, kasama ko ang anak sa dating school ko napag-desisyon kong dito i-enroll ang anak kung saan ako nag-graduate ng high school at college. Nursery to Collage ang university ng dati kong school. "Hindi na ba tayo babalik sa Cebu, mom?" tanong ng anak ko sa akin ng naglalakad na kaming dalawa. "Hindi na nag-resign na si mommy sa work para alagaan ang gwapo kong anak at makasama natin ang lolo at lola mo dito sa Manila ayaw mo ba?" tanong ko naman. "Inalis ka po ba ng boss mo sa kumpanya?" tanong ng anak ko sa akin umiling ako bigla. "Hindi ako inalis ng boss ko desisyon ko na ito nung una pa lang bago ako pumasok sa trabaho kapag nakapag-ipon na ako ng maraming pera babalik na tayo dito sa Manila para makasama ang lolo at lola mo," ngiting sambit ko bu

