chapter 9

3704 Words
CHAPTER 9 LORRAINE'S POV pagka Pasok na pagka ko palang sa Room ay nadatnan ko na Agad ang isang pumpon ng bulaklak na nakapatong sa Arm chair ko.. kaya napakunot noo ako.. kanino nanaman kaya to Galing ? "tag mo yung friend mong dinaig pa si Rafunzel sa haba ng Buhok niya .. " kinikilig na saad ni Kiera sakin sabay turo pa sa bulaklak na nasa arm chair ko "kanino ba to galing?? " tanong ko at tsaka umupo katabi niya.. napa kibit balikat naman siya "aba malay ko.. sa dami dami na ng may nagpaparamdam sayo dito simula nung sumali ka sa pageant hindi na natin alam kung sino ang lalaking may nag lagay jan.. and?? yung eksina nyo ni fafa Kenzo sa hallway nung isang araw ah??? ano yun?? " na iintriga niyang tanong kaya umirap ako.. "wala yun.. naghahanap lang talaga ng paraan yung lalaking yun para Maasar ako sakanya " sagot ko at binuksan ang Libro ko at sinimulang magbasa.. nagulat naman ako nung biglang isinara agad ni kiera ang libro.. "GeeEsh.. ang ganda ganda mo na.. pero hindi ka parin nagbabago! kahit ngayon lang.. wag ka munang mag basa ng magbasa ng libro noh ! dali na! mag kwentuhan muna tayo!! " saad niya kaya napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan ng Isang to.. "ano ba kasing gusto mong e kwento ko?? " nawawalang pasensya kong tanong sakanya.. ngumiti naman siya.. " nililigawan kana ni fafa Kenzo?? " kinikilig niyang tanong kaya umirap ako.. sa lahat ba naman ng itatanong!! "gaga kaba?? bakit ako liligawan nun??! e unang una palang.. tinaga na nun sa bato na kahit sa hinagap ay hinding hindi siya magkakagusto sakin !! ligawan ka jan!! " sagot ko at pilit kinukuha sakanya ang libro na iniiwas niya lang.. "Psh.. eh.. bakit ka niya inakbay akbayan na parang mag jowa kayong dalawa?! At tsaka Uyy.. Off limits kana daw sabi niya pa sa harap ng Isang Dale Marquez na parang May gusto din sayo!! sinong hindi kikiligin dun?? na para bang Inaangkin kana niyang dapat sakanya ka lang " hindi mapigilang kilig nitong sabi.. at mukhang marami nga talaga ang naka kita ng kaganapang yun.. lalo na tong di na magkamayaw sa kilig na si kiera nakahinga na nga sana Ako ng maluwag dahil hindi ko siya nakasama ng dalawang araw dahilan para hindi niya ako matanong sa nangyaring yun at Akala ko hindi niya na itatanong ang tungkol dun.. .GeeeEsh.. tong babaing to talaga! "nang aasar nga lang yun sabi!! nakita mo naman pala ang nangyari tanong kapa ng tanong!! akin na nga yang Libro!! " inis kong saad sakanya at kukunin nanaman sana ang Libro pero nilayo niya to Ulit.. " Uyy aminin!! kinilig ka noh?? " kinikilig niya nanamang buyo sakin.. GeEsh.. malas ko lang talaga at ngayon ko to kaklase!! sobrang raming tanong ng babaing to!! nakalimutan ko na nga Ang kaganapang yun.. pina alala pa "kilig?? tsk.. Ang sarap niya Lang hampasin!! sinabi niya nga lang yun dahil Gusto niyang Siya lang dapat ang mang away sakin!! Oh naiintindihan mo na?! wag mo nang pangarapin na magkakagusto yung Hudyong yun sakin!! as if naman na magugustuhan ko rin siya.. Pweee! " naiinis ko nang sagot.. sumimangot naman siya.. "ano ba yan.. akala ko.. Love na e!! akala ko yung Enemy pwede nang maging Lovers .. psh..kinilig pa naman ako nung parang pinagdadamot ka niya sa harap ni dale " inis niya ring sabi.. na ikinairap ko.. tsaka ko kinuha ang libro sakanya.. ano bang tingin niya talaga?? na may gusto sakin yung hudyong kenzo na yun??! "Hi Lorraine .. para sayo " napa angat ako ng tingin nung may lalaking nagsalita sa harap ko.. may hawak siyang blue Teddy bear at bouquet ng bulaklak.. kaya itong katabi ko ay parang kulang nalang panawan ng ulirat dahil sa kilig.. tinignan ko naman si kiera ng masama . kaya ngumiti ako ng pilit sa lalaki at walang nagawa kundi ang tanggapin ang binibigay niya para lang hindi siya mapahiya.. dahil narin sa marami narin ang nakatingin samin.. "s-salamat " saad ko at pilit nanamang Ngumiti.. ngumiti rin naman siya ng tipid "by the way. ako nga pala si Brent"saad nito at nakipag kamay pa.. na tinanggap ko nalang.. ------------- KENZO KIELS POV pagkapasok na pagka pasok ko palang ay kita ko na agad ang lalaking nasa harapan ni Manang at nakikipag kamayan pa.. another Suitor I guess. Psh.. gumanda lang yang Manang na yan Ang rami rami ng naghahabol.. pero kung hindi naman yan nagbago ng pananamit at hindi yan sumali sa pageant.. wala naman talagang makakapansin sakanya.. what the heck.. "Uyy pare.. matunaw yan wag mo masyadong titigan " sinamaan ko naman sila ng tingin.. "tsk.. papansin tong manang na to.. gumagawa ng eksina dito "saad ko tsaka Umupo na sa upuan ko.. paanong hindi ?. lahat na nga yata ng nasa room nato.. sakanila nakatingin "syempre.. MAGANDA eh .. ngayon lang yata kasi napansin ang kagandahan niya nung talagang nagbago na talaga siya " sagot ni Nathan.. na ikinairap ko.. "And??? speaking Of Maganda na siya.. Ano yung ginawa mong eksina DIN nung isang Araw .. na parang pinagdadamot mo daw siya Kay Dale Marquez ah?? Actually nabalitaan lang din namin to e " malisyosong tanong ni Neo sakin.. " what?? that's nothing.. I just want to pissed her Off.. kaya ko yun ginawa "sagot ko na parang wala lang.. ngumiti naman sila ng malisyoso .. "Oows.. di nga?? nagmumukha kasing ayaw mong napapaligiran siya ng iba e " sagot ni lance na ngumiti pa ng malisyoso "bahala kayo kung ayaw niyong Maniwala .. I really Don't fcking Care" walang pakialam kong sabi.. "Ayy.. bakit ba masyado mo kasing Kontra si Lorraine?? mukhang wala narin naman siyang ginagawa sayo.. hindi niya narin naman pinapatulan ang pang aasar mo.. you know?? She Change Pare "sagot naman ni Neo sakin.. "Yeah.. mukhang Umiiwas na nga si Lorraine na maka bangayan kapa e.. Iwas Gulo ba. "segunda naman ni Lance kaya napa ismid ako.. "Oo nga Noh.. kung Noon walang araw Ang hindi lumulubog hanggat hindi sila nag babangayan.. ngayon Minsanan nalang.. haha. Ano?? Miss mo siya noh?? " malisyoso namang buyo sakin ni dino.. "UuuuUy Miss niya... "buyo Pa ng iba.. the hell Of this Guys!! "I DONT MISS HER!! so shut up! " hindi ko napigilang sigaw.. O_O O_o kaya napatigil silang lahat.. at gulat na napatingin sakin.. O_o "a-ah e-eh.. p-pare.. k-kalma.. maiintindihan ka naman namin ng hindi ka sumisigaw eh.. kalma lang Ok?? lahat na sila oH.. nakatingin sayo " saad ni Neo.. sabay tingin pa sa iba nming kaklase na nakatingin narin sakin.. what the heck?! "Oa ka naman yata Masyado.. Boses mo abot hanggat kabilang section eh. "sagot ni dino. na ngumiti pa ng Malisyoso.. "tayo tayo lang ang nag uusap Oh.. Ayan tuloy.. nalaman pa nilang may na MIMISS ka "saad naman ni lance.. kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bwisit!! "nag pra practice ka sa choir Noh?? Grabe nag Echo talaga eh " Asar pa ni Nathan.. Sht mga kaibigan ko ba talaga tong mga gagong To?! kaya sa sobrang inis ko ay bigla akong tumayo at umalis LORRAINE'S POV "anyare dun?? " nagtatakang saad ni kiera nung biglang inis na umalis sa room si kenzo kahit ako.. nalilito at hindi ko narin Maintindihan Ang ugaling pinapakita ng lalaking yan.. pilit ko na nga siyang iniiwasan sa mga araw na nagdaan para tumahimik lang ang mundo ko dahil ayaw ko na siyang idagdag pa sa pasaning nararanasan ko araw araw sa skwelahan nato..at hanggat sa maaari Ayaw ko na munang patulan ang pang aasar niya sakin. kaya napa kibit balikat lang ako kay kiera "ewan ko " sagot ko lang at muling nagbasa buti nga.. Umalis din agad yung brent.. dahil hindi ko din alam kung ano pa Ang sasabihin ko sakanya.. nakaka Asiwa lang dahil hindi talaga ako sanay na may pumapansin sakin.. lalo na ng mga lalaki.. And i really hate it.. Ayoko ng Atensyon na nakukuha ko ngayon.. na lahat ng tao napapansin na ako.. kontento na nga sana ako noon na parang Isa lang akong Anino sa paningin ng ibang tao at hindi napapansin ng kahit kanino.. ewan ko nga.. kung tama bang sumali pa ako sa pageant na yun at kapalit tong ganito.. pero ano pa nga ba? .. kailangan ko nalang siguro tong tanggapin ngayon.. ------------------------- -------------- Umagang Umaga ay rinig na rinig ko na Ang Sigaw ni mama Mula sa baba para pababain ako.. GeeEsh.. Ano nanaman ba yan?! gusto ko pang matulog!! Sabado kasi.. kaya Hanggang ngayon ay komportableng komportable parin akong nakahiga sa Kama ko at parang gusto ko nalang matulog ng buong Araw dahil sa tamad na tamad akong bumangon "LORRAINE FYEL !! ILANG BESES PABA KITANG TATAWAGIN PARA BUMABA KA LANG JAN!! " sigaw nanaman nito mula sa baba.. see??! sobrang powerful ng boses ni mama.. yung tipong Abot talaga hanggang kwarto ko ang boses niya... GeeEsh!! ke Aga Aga.. maririnig ko na Agad Ang mala armalite nyang bibig.. talagang hindi ako makapaniwala na sinabi ni tita Corrine na si Mama pa daw ang pinakatahimik,pinaka kalma at pinaka mabait nyang kaibigan Noon. Kung ano Ang kinatahimik ni mama Noon.. Yun naman ang ikinaingay ng mga sigaw niya Ngayon.. Aish.. kaya pupungas pungas Ako ng matang bumangon at hindi manlang inabala ang sariling mag suklay manlang habang suot ko Parin ang pang tulog kong damit at walang paki alam kung ano Ang itsura ko pagkababa ... Pagkababa ko ay nadatnan ko si mama na abala sa pagluluto at marami ng nakahain sa hapag na parang may fiesta.. tsk.. sinong bang may birthday ngayon at Ang raming pagkain?? malamang tuwing may birthday lang naman may maraming handaan dito sa amin.. "GeeeEsh mahiya ka Nga bunso!! at hindi kapa talaga naligo!! sabog na sabog ang buhok mong bumaba ka dito!! hindi ka manlang nag mumog! tumingin ka manlang ba sa salamin bago ka bumaba?!" sigaw sakin ni kuya Louie kaya napakamot ako sa ulo.. ano bang big deal dito?! eh ganito naman talaga ako kapag dito lang sa bahay ah!! Ang O Oa lang! kaya natawa sakin si Kuya Josh pagka kita sakin... "ikaw na yata ang pinaka magandang BRUHA bunso.. ganyan kaba haharap kela tita Corrine At tito craige pati narin sa Anak nila?? "natatawa nitong sabi sakin.. "Ayy naku!! ikaw na bata ka!! maligo kana Dun at parating na sila!! " nagmamadaling sabi sakin ni mama.. kaya napakamot nanaman ako sa ulo ko.. Tsk.. kaya naman pala parang may pa fiesta.. "hindi kana nahiya.. may panis na laway kapa sa mukha " saad ni kuya Louie.. Grrr. pakialamero tong mga to!! "maligo kana nga dun!! problema sayo tanghali kana magising e " saad naman ni kuya Josh.. kaya nakasimangot akong tumalikod para bumalik na sana sa kwarto ko para mag Ayos.. nung biglang.......... "Anjan na pala sila !! " sigaw ni mama "hi!! Im sorry kung nahuli kami Sofie.. ito kasing si Kiel Ang bagal kumilos " hinging paumanhin ni tita Corrine "Ano kaba! ok lang.... Ay ito naba si Kenzo Kiel?? ay aba! ang gwapong bata!! "puri ni mama kay.......... kay O_O O_O O_o At biglang tumigil Ang Mundo...... O_o O_O bakit nandito tong lalaking to?! O_O ---------------------- KENZO KIEL'S POV O_O WHAT THE ???? 0_o "Anak.. Com'on.. Batiin mo Ang anak ng Tita Sofie mo "saad sakin ni Mommy nung hanggang ngayon ay hindi parin ako makapag salita.. Sht!! So Siya Ang gustong Ipakilala nila Mom at dad sakin?! Oh com on.. what A Great Coincidence!! kaya tinignan ko Ulit Ang Manang na Lorraine at tinignan mula ULO hanggang TALAMPAKAN niya.. the hell?! .. mukhang kakagising lang nito at paki wari ko ay hindi pa to naghihilamos O nag mumog manlang.. geeEsh ... tong babaing to ! kaya pilit akong ngumiti.. "Oww.. Hi.. New style mo?? " Agad kong saad at pinag tuunan ng pansin ang buhaghag niyang buhok.. natawa naman ang mga kuya niya sa gilid.. kaya sinamaan niya ako ng tingin.. "Ah Oo.. Ganda Ko noh?? bagay ba?? "Sagot naman nito na matuunohan ng sarkasmo..mapaghahalataang naiirita talaga sakin.. kaya napa ismid ako.. Maganda??!! Magandang BRUHA!! "Magka kilala ba kayo Anak?? diba sa iisang School lang kayong dalawa?? " tanong naman sakin ni mama.. kaya napatango lang ako "Yes mah.. Actually She's my Classmate On my One subject.. Right Lorraine?? " Sagot ko.. Tumango naman siya at palihim na inirapan ako.. "sa kasamaang palad-----i mean O-opo tita.. Classmate ko po siya " sagot naman nito.. sabay medyo suklay pa sa buhaghag na buhok gamit ang kamay niya .. na Obviously .. talagang nahihiya na sa kung anong itsura niya ngayon at parang gusto nalang tumakbo papunta sa kwarto niya .. kaya Gusto ko nalang matawa .. How can be a Miss hilton University like her.. is now acting look alike ..like a real witch?! tsk...what a lady .. "that's Good!! para naman hindi na kayo mahirapang magka kilalahan ni Lorraine Hijo " sagot naman ni tita Sofie sakin kaya pilit lang akong ngumiti.. Habang si Lorraine ay hindi na mapinta ang mukha. . LORRAINE'S POV bwisit!! sa kasamaang Palad!! at bakit siya pa?! Ano bang gustong ipahiwatig ng tadhana samin ha?! nung matapos Ang greet greet kanina ay agad akong Nag excuse para Bumalik sa kwarto ko at kulang nalang isahing hakbang ko lang ang papuntang kwarto ko dahil sa hiya ko kanina .. at kulang nalang katayin na ako ni mama sa mga tingin niya palang habang pinagtatawanan naman ako ng dalawa kong kapatid dahil sa Nadatnang ayos ng mga Bisita sa kung anong itsura ko kanina.. Syempre.. may hiya naman ako noh! at lalong lalo na dun sa bwisit na Kenzo na yun! .na siguradong sa kaloob looban ay gusto ng matawa sakin kanina.. Sht!! sht!! Sht!! at talagang hindi Ako makapaniwala na Siya pa Ang Anak nila tita Corrine at tito Craige!! sa lahat ba naman ng tao?! Kung hindi nalang kaya Ako bumalik dun?? tama yun! para wala na silang maraming tanong na dapat kong sagutin kung sakali.. at hindi ko na din kailangang harapin yung damuhong Bwisit na Kenzo na yun! nakaligo at nakabihis na kasi ako.. at plano ko ngang wag nalang sigurong bumalik dun.. nakakainis naman!! kung hindi sana Yung bwisit na kenzo na yun ay hindi ko naman mararamdaman Ang hiyang to ngayon!! THIRD PERSON'S POV ----sa hapag--- "Louie.. tawagin mo nga Ang kapatid mo dun.. At kaninang kanina pa yun sa taas " utos ng nanay ni Lorraine sa panganay na Anak.. tumalima naman si Louie para tawagin na si Lorraine na hanggang ngayon ay hindi parin bumababa.. "Hayaan mo na Sofie.. hindi naman Kami naiinip ni Kiel eh.. " sagot naman ni Corrine sa kaibigan.. Ilang Sandali pa ay bumaba na nga ang mukhang napipiliting lorraine habang Suot Ang isang Pink dress na bagay na bagay sa hulma ng katawan nito at Mas lalong lumabas ang kaputian niya dahil sa suot suot.. . kaya lahat sila nakatingin sa babaing papalapit palang sa kinaroroonan nila.. Lalong lalo na si KENZO na hindi ma alis alis ang titig sa babaing papalapit na si Lorraine.. "ayan Bunso.. mas nagmukhang Tao kana " saad naman ng kapatid ni Lorraine na si Josh.. kaya sinamaan siya ng tingin nito. "Umupo kana Anak at lumalamig na Ang pagkain " saad naman ng nanay ni Lorraine.. kaya naupo narin ito.. ewan niya ba??! talaga ngang pinag kakaisahan nga siya ng mga ito.. dahil pinag tabi talaga sila ng upuan ni Kenzo! kaya wala siyang nagawa.. . "So hija?? How was kenzo sa School nyo?? nag uusap din ba kayo dun?? " tanong ni Corrine kay Lorraine na obvious na obvious ay talagang gustong gustong paglapitin ang dalawa.. "So hija?? How was kenzo sa School nyo?? nag uusap din ba kayo dun?? " tanong ni Corrine kay Lorraine na obvious na obvious ay talagang gustong gustong paglapitin ang dalawa.. kaya napatikhim si Lorraine "Ahh.. Nag uusap po?? sobra sobra pa nga po sa pag uusap e " sagot ni Lorraine.. na Ang pinupunto ay Ang ARAW ARAW nilang PAGBABANGAYAN.. "Oow.. thats Good.. thats a great sign " masayang saad naman ni Corrine.. "Oo nga Anak.. siguradong magkakasundo kayong dalawa " segunda naman ng nanay ni Lorraine kaya sa isip isip ni Lorraine ay napapa irap nalang sya.. magkasundo?! Psh...... "Ay Opo.. MAGKASUNDONG MAGKASUNDO nga po kami eh" sagot ni Lorraine at simpleng umirap sa huli magkasundong Magbangayan! magkasundong Mag asaran! magkasundong Mag away! magkasundong kulang nalang magpatayan! "at sigurado.. hindi na kayo mahihirapang kilalanin ang isat isa.. dahil nasa iisang skwelahan lang naman kayong dalawa " natutuwa ulit na saad ni Corrine.. Gessh.. kailan ba sila mapapagod sa pag rito rito samin?! sa isip isip ni Lorraine.. dahil sa totoo lang pagod na pagod narin siya sa ginagawa ng magulang niya na parang mauubusan siya ng lalaki sa Mundo .. wala ba talaga silang tiwala sakanya sa paghahanap ng taong magugustuhan at kailangan pa ng ganito ?! kaya napa ismid siya.. "hehe hindi naman po ako nagmamadali sa pag boboyfriend tita.. at alam ko pong MARAMI pa naman akong MAKIKILALA "sagot ni lorraine na obiously emphasizing the word MARAMI pa siyang makikilala "Oh no hija.. i really like you for kiel.. kaya dapat sana kayo nalang dalawa.. tutal naman magkakaibigan narin naman kami ng mga magulang mo.. so were connected to each other right?? "sagot naman ni Corrine kaya muntik ng mabuga ni Lorraine ang kinakain.. na mukhang ikina pula niya pa .. Oh hindi ! bakit kasi sa lahat ng lalaki.. si kenzo pa talaga!! hindi niya nanaman mapigilang maisip.. "hehe.. si kenzo nalang po ang tanungin niyo nyan "awkward niyang baling sa katabi dahil na aasiwa siya sa klase ng topic nila ..kaya dapat si kenzo naman ang sumagot dito.. dahil nahiya naman si Lorraine kay Kenzo na Chill lang na nakaupo at kumakain habang walang pino problema.. tapos siya kulang nalang maubusan ng pawis dahil sa naasiwa siya sa pinag uusapan nila ng mga magulang nila! aba hindi to pwede!! dapat siya naman ang mahirapan sa pagsagot noh!!! hindi lang naman sakin umiikot ang usapang to .. sakanya rin naman !! isip isip ni Lorraine .. "How about you kiel?? " pag baling din naman ni Corrine kay kenzo.. dahil sigurado !! siguradong sigurado si Lorraine na tatanggi talaga si kenzo sa plano ng mga magulang nilang e Match silang dalawa sigurado yan!! siguradong sigurad--------------- "its ok for me " walang atubiling sagot ni kenzo O_o LORRAINE FYEL'S POV "its ok for me" wala manlang pagdadalawang isip niyang sabi.. O_O HUH?! ANO DAW?! ok lang sakanyang e pag Match kami ng mga magulang namin?! nasisiraan naba siya?! baka natamaan to ng bato pagka punta dito?! "Oow thats Good Hijo.. im happy this time dahil pinag bigyan mo na ako " masayang saad ni tita Corrine sabay ngiti.. tsaka nagpatuloy na sa pagkain.. habang ako hindi parin ako makapaniwala sa sinagot ng damuhong to!! kaya sa inis ko ay hindi ko napigilang pasimpleng siniko siya ..kaya napadaing siya at tinignan ako ng masama "mag uusap tayo mamaya... pepeteyen kete"pa inosente kong bulong.. inirapan niya lang naman ako.. Aba!!! --------------------- LORRAINE'S POV hinila ko si Kenzo sa likod ng bahay namin pagkatapos naming kumain tsaka ako nameywang sa harapan niya at inis na tinignan siya .. "BALIW KABA ?! anong nasa utak mo at parang pumayag kapa na ipag match nila tayong dalawa ?! baliw kaba talaga ?!" hindi ko makapaniwalang sigaw sakanya .. kumunot naman ang Noo niya .. "what's the problem of what i said ?? sinabi ko lang naman na ok lang sakin .. and it does'nt mean na ipapakasal na agad tayong dalawa ..wag ka masyadong Oa" sagot nito na parang wala lang .. GeeEsh .. at ako pa ang Oa ngayon ?! "so sa tingin mo ?? san patutungo to ?? they would really Assume na magkakagustuhan tayong dalawa at mauuwi sa relationship at yun naman talaga ang kagustuhan nila !! Ano ?? Ok parin sayo ?!" di ko talaga makapaniwalang sagot sakanya .. " you really think too much.. im just giving you a favor .. but swear you'll thank me after this .. alam kong pareho tayong dalawa na nagsasawa na sa ginagawa ng mga magulang natin sa pagririto satin sa kahit kaninong anak ng mga kaibigan nila .. so we should end it by doing this . magpanggap nalang tayo para matigil na sila sa kahibangan nila " sagot nito sakin kaya napatigil ako .. at narealize kong tama siya .. matitigil na sila mama sa pag rito sakin sa mga Anak ng kaibigan nila .. so gusto niyang makipag team work ganun ?! "paano kung sabihin kong ayoko ?? baka e take advantage mo lang ako dahil sa pagpapanggap na sinasabi mo " sagot ko sakanya sabay irap .. inirapan niya lang din naman ako "gumanda ka lang ..naging ambisyosa kana.. stop dreaming "saad nito sabay irap ulit.. "all you have to do is go with the flow .. kung gusto mong matapos na ang kaliwat kanang pag rereto nila satinsa kahit kanino"saad niya pa ulit kaya hindi na ako nakapag salita .. sabagay may punto siya .. pero papayag ba ako sa gusto niya na magpanggap kaming gusto ang mga nangyayari sa harap ng mga magulang namin ?! GeeeEsh .. at nagulat ako nung bigla niya nalang kunin ang isang kamay ko at mahigpit na hinawakan .. "Uyy Anong ginagawa mo?! " inis kong saad sakanya at pilit binabawi ang kamay ko pero mahigpit niya parin itong hinawakan .. "we should start Our Act by doing this"sagot nito sabay mas lalong inintertwined ang mga kamay namin .. tsaka niya ako hinila at gusto ko nalang mahiya nung madadaanan na namin ang mga magulang namin na nag uusap sa sala .. kaya lahat sila nakatingin sa aming dalawa at sa magkasalikop naming mga kamay sabay malapad na napangiti saming dalawa .. Oh com on .. kinakabahan ako sa acting nato .. hindi ako pinanganak na maging artista pwede ba !! "Oww Look .. how sweet the both of you .. mukhang mas lalo nyo ng nakikilala at nagugustuhan ang isat isa " saad ni tita Corrine kaya namula ako .. "Yeah right hon .. you both look good together" sagot naman ni tito craige na mukhang kakarating palang .. "dalaga na talaga ang anak ko .. pumapag ibig na "masayang saad ni mama sakin .. Oh GeeEsh .. hindi naman ako makapag salita dahil hindi ko rin maipaliwanag kung bakit magkahawak kamay kami ni kenzo ngayon .. "by the way .. Saan nga ba ang punta nyong dalawa anak ??" tanong naman ni papa .. magsasalita pa lang ako ay agad ng nauna ang damuhong kenzo sa pagsagot .. "actually .. i would like to ask tito if i could have a first date with lorraine today .. can i have her ??" agad na saad at tanong ni kenzo kay papa kaya nanlaki ang mata ko .. na ikinangiti naman nila mama at tita corrine na mukhang kinikilig pa .. ----------++++++------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD