CHAPTER 8
LORRAINE FYEL'S POV
"MAY HIMALA!!!! ANG HIMALA AY NASA HARAPAN NA NAMING LAHAT!! "
"WOAH BUNSO?! ANONG DRUGA ANG NAHITHIT MO?? "
"MAY SAKIT KABA ANAK??? "
"MAY TANING NABA ANG BUHAY MO KAYA KA NAGBAGO?? "
sunod sunod na saad nilang lahat pagka kitang pagkakita palang nila sakin mula sa may pinto..
" Tsk.. wala po papa!! wala po mama!! wala po mga kuya!! napagkatuwaan lang po ako nila franz at kiera.. " walang kagana gana kong sagot
kaya lahat sila nagtawanan
"CONGRATS BABY GIRL!! babae kana talaga! proud na proud kami ng papa mo sayo! at nanalo kapa sa contest na yan! " masayang saad ni mama tsaka ako niyakap
Aish
"Oo nga naman anak! . sana lagi ka nalang ganyan.. " sagot ni papa ng nakangiti pa..
ito nanaman sila..
"O baka may boyfriend na yan ma " saad ni kuya Josh kaya sinamaan ko siya ng tingin
"wala nga!! tadyakan kita jan e! " inis ko ng sagot kay kuya Josh
"Oh oh.. naka gown ka.. tapos mananadyak ka?! pangit tignan " natatawa nitong sagot sakin..
kaya nakasimangot akong umupo sa sofa dahil narin sa pagod at sakit na ng mga paa ko
" dapat marunong kanang mag ayos sa sarili mo anak.. dalaga kana at syempre gusto rin naman naming magka Apo sayo noh " saad ni mama kaya sumimangot nanaman ako..
gesssh
" mama naman! ano ba tingin niyo sakin??? tomboy???? " saad ko ng medyo naiinis na
at nagulat pa ako nung sabay sabay silang sumagot
"OO !!!! "
Aaaaaish !!
"nagtaka kapa.. pormahan mo palang talagang feeling na namin na hindi kana magkaka boyfriend eh.. kaya hindi ka dapat magtaka kung sobrang saya nila mama ngayon na babae kanang pomorma " saad ni kuya Louie
" Oo na Oo na! .. Hindi ko naman tinatanggi yun.. anong magagawa ko?? yun na ang nakasanayan ko e " sagot ko sakanila
"Aish. pero dapat sana ganyan ka nalang anak.. para kahit papano may magtangka manlang na manligaw sayo at may mapakilala kanang boyfriend sa harap namin ... kung palaging Astig Astigin ka pumorma.. lalapit palang sayo ang lalaki ay natatakot na "saad ni papa kaya napasimangot nanaman ako..
ayan nanaman sila.. hindi nanaman nila ako tinitigilan sa topic na ganito.. kaya nga nagmana na sila kiera at franz sakanila e
"Ilang libro ba ang gusto mo para mapabago kalang namin sa naka ugalian mo anak?? "saad pa ni mama kaya sumimangot nanaman ako..
habang natatawa sila kuya
Ang dalawang yun talaga!!! hindi mapirmi ang bunganga! alam na alam nilang ang libro talaga ang kahinaan ko sa ganitong sitwasyon! at sinabi pa nila kela mama!!
"hali kana Josh.. gumawa na tayo ng LIBRARY para sa MGA LIBRO ni lorraine " at nang asar pa si kuya Louie na ikinatawa lang naman ni kuya Josh..
Grrrr.. ako nanaman talaga ang Hot seat dito!!
"gesh tigilan niyo na po ako.. pagod ako e " sagot ko sakanila..
"Oo na sige na. umakyat kana sa taas at hindi kana namin kukulitin.. magpahinga kana at wag mong kalimutang bumaba mamaya para kumain kapag nagutom ka ah" saad ni mama..
"Oo nga.. sige na pumanhik kana sa taas at kayong dalawa.. tigilan niyo na to sa pang aasar tong kapatid nyo.. " saad naman ni papa at binalingan pa sila kuya Louie at kuya josh na natawa lang..
Aish.. kaya umakyat na ako dahil baka simulan nanaman nila ako sa pangungulit na Mag boyfriend
--------------------
habang nakahiga ay hindi ko din talaga maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng bwisit na Kenzo na yun..
psh.. Miss Miss!!
Miss niya nga akong awayin at Asarin!!
KENZO'S POV
Sht! bakit ko ba nasabi yun lahat??!
I just want to tease her!!
Fcking hell!!
i really don't know why Of a sudden na sabi ko yun sakanya .. tsk. there's no meaning anyway..
Miss ko nga siya!!
Miss ko siyang ka away!!
Miss ko siyang kapikonan!!
Miss ko siyang kabangayan
and that's it! wala nang iba..
"Hoy langya ka pare!! bakit hindi mo sinabi na Yung Lorraine palang yun ay Ang lorraine na palagi mong kabangayan and the Lorraine na palagi mong sinasabihan ng Manang na tomboy!! Geesh pare!! we really didn't recognize her! " parang gulat na gulat pang saad ni Neo sakin pagkapasok niya palang sa leisure room tsaka sumunod na yung iba na yun din ang reklamo sakin
whats that?? kasalanan ko bang bulag sila??
but anyways.. inaamin ko rin namang kahit ako hindi ko rin nakilala ang manang na yun kung hindi lang dahil sa boses niya..
Im really surprise .. at sobrang nagulat talaga sa kagandahan niya.. maybe Complimenting her beauty will Not hitting my ego right??
kaya binalingan ko sila..
"its not my fault .. hindi ko na kasalanan kung bulag talaga kayo at pati boses niya hindi nyo nakilala " saad ko..
"Geesh pare.. how can we recognize her?? eh kayo lang naman tong bangayan ng bangayan araw araw.. natural lang na kabisado mo na talaga ang boses niya.."saad ni dino
"But.. admit it or not.. nagulat talaga kami sa naging Labas ng make over Ni Miss Manang na Tomboy MO " sagot naman ni lance ng nakangiti
na sinang ayunan Ng iba.
"tsk.. make up lang ang kina ganda nun.. kapag bumalik na yun sa pagiging manang niya.. wala na rin ulit na makakapansin sakanya dito " walang pakialam kong saad
"Asus. kunwari kapa.. ayaw mo lang aminin na pati ikaw nagulat sa sobrang laki ng ikinaganda niya " malisyosong saad ni Nathan
na ikinatawa ng iba..
"and take note.. natulala kapa" dagdag Ni neo..
Psh..
" kahit ilang beses pa siyang magpaganda.. manang parin naman siya sa paningin ko.. nothing will change.. maybe. nung una nagulat pa ako.. but even if she's putting make up on her face nothing will change the fact that she's still the manang na tomboy i Knew.. " sagot ko ng baliwala..
"Woah.. sabi mo e " sagot ni neo.
"paano ba yan?? siguradong hindi na yun babalik sa pagiging manang niya.. at marami na talaga ang mga manliligaw saknya.. sasabihan mo parin ba siya ng manang na tomboy kahit maganda na siya?? " bigla ay tanong ni paolo.. dahilan para matigilan ako..
"tsk ewan ko sa inyo " sagot ko at umalis nalang dahil sa pang aasar nila..
--------------------------
--------------------------
LORRAINE'S POV
"Uyy bata ka!! gumising kana Jan! at may bisita tayo!! "
sigaw sakin ni mama habang nasa harap ng pinto..
Geshh! .. kaya nga Ako absent dahil gusto ko pang mag pahinga!!
wala bang Time Out?!
"5minutes mah.. 5minutes po! " inaantok ko pang sagot at nagtalukbong ulit ng kumot..
"Ikaw na bata ka!! pang limang 5Minutes mo na yan!! gumising kana!! at nang mapakilala kita dun sa bisita natin !! " sigaw nanaman nito sakin kaya tamad na tamad akong bumangon..
"5minutes mah" sagot ko sakanya..
sisigawan niya nanaman sana ako pero dinugtungan ko na ang sinabi ko
"5minutes po.. maliligo lang ako " saad ko at tamad na tamad nanamang tumayo at dumiretso sa banyo..
Gesh.. sino ba kasi yang bisita ??
-----------
THIRD PERSON'S POV
"Oh nanjan na pala siya eh.. hali ka dito Lorraine.. ito Ang tita Corrine at tito Craige mo.. sila Ang kaibigan namin ng papa mo simula pa nung College kami " saad ng nanay ni Lorraine kaya ngumiti si Lorraine at nag beso sa dalawa..
suot ni Lorraine ang isang simpleng mini dress na talagang pina suot ng mama niya sakanya at simpleng winagayway ang curly niyang buhok at hindi niya narin suot ang salamin sa mata ..na mas lalong nagpakita sa simple niyang Ganda..
"Hi po.." bati naman ni Lorraine sakanila na ikinangiti lang ni Corrine at craige.
"Ang laki mo na Hija.. huling punta kasi namin dito ay sobrang Liit mo pa..and look at you now.. kasing ganda mo ang mama mo nung college pa kami" saad naman ni Corrine kay Lorraine..
malamang ay hindi na talaga maalala ni Lorraine ang mga ito dahil sabi nga nila.. bata pa siya nung huling pumunta sila Corrine at Craige sa bahay nila.. kaya simpleng ngumiti lang si Lorraine..
"mahal..dapat pala sinama natin si kiel dito.. para pati sila ay magka kilala ni Lorraine right?? " saad naman ni Craige.. na sinang ayunan ni Corrine
"Oo nga Corrine..para magka kilala naman ang dalawang bata.. malay mo at magka gustuhan pa " natatawang saad ng nanay ni Lorraine
kaya simpleng ngumiti si Lorraine na kahit sa loob loob ay.. gusto nalang umirap dahil obviously.. niririto nanaman siya ng nanay niya sa anak ng kaibigan nila..
"wag kang mag alala Sofie.. One of this day.. isasama namin si Kiel dito at para magka kilala sila ni Lorraine.. "sagot naman ni Corrine..
"yeah right.. para hindi puro kalukuhan ang nalalaman ng Isang yun. "saad naman ni Craige..
"Teka nga.. nasaan na nga ba si drake?? bakit wala dito ang asawa mo??" agad ay tanong ni craige kay Sofie..
" may Client meeting ang isang yun pero baka maya maya ang balik niya.. " sagot naman ng nanay ni lorraine..
Gesh.. OP
sa isip isip ni Lorraine dahil gusto niya nalang umalis dahil wala naman siyang ma aambag sa topic nila..
"alam mo ba hija.. Noon ay hindi talaga namin akalain na ang papa at itong mama mo talaga ang magkakatuluyan.. dahil diba sofie.. wala ka naman nababanggit sakin Noon na may gusto kang lalaki O ano " natatawa pang kwento ni Corrine
LORRAINE'S POV
masayang kinuwento ni tita Corrine ang mga pinagsamahan nila ni mama nung College pa sila.. si tita Corrine daw kasi ang student Council president noon tapos si mama ang secretary ng Council na kasangga at kasundo sa lahat ng bagay.. pati narin daw sa kalukuhan.. tango at tawa lang naman ako nung kinu kwento din ni tita Corrine yung mga ginawa niyang Punishment noon kay tito Craige dahil nga ito daw ang Number 1 rule breaker sa school nila at puro pang ba babae lang daw ang alam
naalala ko tuloy yung isang yun! puro pambababae din ang alam..
Ang cute nga ng story nila.. dahil sa pag babangayan nila araw araw.. Dun siguro na develope ang feelings nila sa isat isa.
si papa drake naman.. ay isa sa mga barkada nOon ni tito craige na kasama nga sa lahat ng kalukuhan nito.. at hanggang nakilala niya daw si mama..
Oow kita mo to.. puro Coincidence.. hindi mo aakalaing yung imposibleng mangyari.. nangyari na ngayon at nagkatuluyan pa..
marami pa silang pinag kwentuhan na mga nangyari sakanila nung College life nila hanggang sa nagka trabaho na at iba pa.. tango at ngiti lang naman ako dahil sa Ang cute nga ng mga Love stories nila na aakalain mong mga kwento sa libro at dun mo malalaman na may destiny nga talaga..
na destined nga sila para sa isat isa..
hanggang sa nagpa alam na sila tita Corrine at Tito Craige at sinabing babalik nalang sila kasama yung anak nilang si Kiel ba yun??
tsk.. alam ko na talaga ang likaw ng mga bituka nila.. may balak silang e kaibigan kuno ako sa anak nila para magkamabutihan kami.. Tsk at alam kong si mama nanaman ang Leader ng lahat ng To!! bakit ba kating kati silang magka Boyfriend ako?!
Ilang Ulit natong ginawa sakin ni mama eh! dati din yung anak din ng kaibigan Ni papa na si tito Reo ang nirito nila sakin.. pero wala rin silang nagawa dahil lahat na ng pwedeng e ka Turn off ng lalaki ginawa ko para tigilan lang nila ako sa pag rito rito sa mga anak ng kaibigan nila.. tsk at hindi pa sila napagod! ito nanaman ba?!
maybe.. gagawin ko nalang ulit ang dating gawi.. make that guy Turn off over me para Tumigil na sila!!
KENZO KIEL'S POV
"OH NO WAY!! HINDI PABA KAYO NAPAPAGOD KAKA RITO SAKIN SA MGA ANAK NG KAIBIGAN NIYO MOM ?! IM SICK OF IT ! " reklamo ko Nung sinabihan nanaman nila ako na sumama NANAMAN para bumisita to One of their College friends..
I really get it !!
ganyan na ganyan sila !! gusto na nila ako makahanap ng serious relationship at yung hindi daw puro kalukuhan ang alam ko
GeeEsh.. they know.. I really Hate it ! but still they really keep on Pushing on it!!
"then what will You do all your life Kenzo kiel?! ang maglaro Ng babae?? manluko? mag bilang ng collection mo?! you're not a kid anymore Son! " naiiritang saad ng nanay ko..
Oh com on.. !
" Hindi pa ako 50 years old para matakot kang hindi na ako mag Asawa Mom ! im Not Old enough! marami pa akong Oras para mahanap ang babaeng masasabi kong Gusto ko nang makasama pang habang buhay.. But please.. not now " sagot ko
"pareho lang talaga kayo ng tatay mong babaero! .. puro panlalandi lang ang alam sa buhay! ni hindi niyo iniisip ang Future niyo! " inis nanaman nitong saad sakin kaya nagreklamo na si dad
"Oh bakit nasali nanaman ako jan mahal?! kayo lang ang nag uusap eh .. " saad naman ni dad kaya napairap ako..
"ewan ko sayo!! kausapin mo yang anak mong nagmana sayo!! " sigaw ni Mom kay dad at tsaka umalis kaya napapakamot si dad na napatingin sakin..
"Com'on Son.. magbago kana . Ako ang palaging nabubuntungan ng galit ng mommy Mo eh.. " saad nito sakin
"what should i do dad?? sayo ako nagmana e " sagot ko tsaka ngumisi..
"this once son.. pagbigyan mo na ang mommy mo sa gusto niya.. para hindi narin yun magtampo.. and if you'll do it.. hindi kana namin kukulitin sa kahit na Ano.. just do what she wanted you to do " saad ni dad.. kaya natahimik ako.
"tsk Fine!" wala na akong nagawa kundi pumayag.. but they should promise na huli na to
LORRAINE FYEL'S POV
"Woooah Himala Nga!! babae kana Bunso!! "kantyaw ni Kuya Josh sakin pagka baba ko
suot ko kasi Ang dress na binigay sakin ni Tita Corrine nung huli silang pumunta dito kaya todo kantyaw nanamn tong dalawang walang magawa sa buhay kong mga kapatid..
"tumahimik kana kuya pwede ba!! sipain kita e .." inis kong saad at dumiretso na sa kusina para kumain..
"Ooops naka dress ka! mahiya ka naman! maninipa ka ng naka dress!! ganda ganda mo nga e.. tapos sisipain mo lang ako " sagot naman nito ng natatawa..
akala mo lang Compliment yun pero Pang Aasar talaga yun para sakanila..
"syempre magpapaka babae na talaga yang si Bunso.. pinangakuan na kasi yan ni papa na bibilhan ng maraming paboritong libro " natatawa namang saad ni kuya Louie kaya inirapan ko lang sila..
wala naba akong katahimikan sa bahay nato?!
Ishti !! mag mamaong nanaman kasi sana ako kanina e.. kaso..hindi ko na mahanap Lahat ng lumang damit ko.. nalaman ko na inunahan na ako ni mama na Kunin lahat ng Maong, loose shirt, sapatos ko sa kwarto..
pati na nga rin yung salamin sa mata hindi ko na rin mahanap..
lahat na nga yata laman ng Closet ko puro mga bago.. yung mga dress na tinatabi ko lang naman noon at hindi sinu suot.. ayun nakabalandra na sa Closet ko! ..
buti na nga lang.. naawa pa sila sakin at flat shoes ang nilagay at hindi heels..
alam na alam talaga na lahat sila pinag kakaisahan ako dito!!
"Uyy nag suklay ka manlang ba ng Buhok mo?? parang hindi ka babae.. tignan mo nga yang buhok mo.. para kang na kuryente eh " saad sakin ni kuya Josh.. umirap lang naman ako..
eh sa nakalimutan ko e.. hindi naman kasi ako sanay na hindi pinupusod ang buhok..
"mamaya na pagkatapos kong kumain " sagot ko ng baliwala..
kinuha naman nito ang suklay at siya na Ang nagsuklay sa buhok ko habang kumakain parin ako..
"eh kuya naman eh! sabi ng mamaya na! " reklamo ko habang sinusuklayan niya na ako
"kilala kita .. alam kong hindi kana manunuklay pag alis mo dito.." sagot nito..
GeeEsh...
pagkatapos ko Ay agad naman nila akong hinatid sa skwelahan.. at kulang na nga lang lakad takbo na ang ginagawa ko dahil sa ma le late na nga ako..
pero napahinto din nung biglang may lalaki ang humarang sa dinadaanan ko at binigay ang isang red roses sa akin dahilan para matigilan ako..
"Hi Miss hilton U.. Ang ganda mo nga talaga sa malapitan " saad nito habang binibigay ang bulaklak.. para naman akong naging tood sa kinatatayuan ko at walang nagawa kundi ang tanggapin ang bulaklak..
"ah.. salamat. salamat din sa bulaklak " sagot ko na medyo uneasy dahil narin sa marami narin ang nakatingin samin dito sa hallway
"by the way Im dale. can I invite you for Lunch later?? " saad nito..kaya nagulat ako..
hindi naman sa ano.. pero unang beses kasing may lalaking nag imbita sakin para kumain.. o kahit itong pagbibigay ng bulaklak..
siguro nga.. malaki nga ang mababago sa buhay ko sa school nato.. simula nang sumali ako sa pageant na yun..
sasagot palang sana ako nung biglang may nagsalita na sa likod ko..
"No.. She's with ME later.. "saad ng isang familiar na baritonong boses sa likod ko sabay akbay pa sakin..
Aba!!
kaya pilit ko yung inalis pero ang pisti.. mas lalo niyang hinigpitan ang pagkaka akbay sakin..
mas lalo namang umugong ang gulat at singhapan mula sa mga taong nasa paligid at talagang kumukuha na kami ng atensyon mula sa madla..
"She's Off limit dude.. so Back Off " saad ulit ni Kenzo dun sa lalaki kaya mas nagulat ako sa sinabi niya.. at mas lalong natigilan..
"Oow. im Sorry Kenzo .. I didn't know that she's your girl " sagot naman nung dale tsaka agad umalis..
tsaka ko pilit inalis ang kamay niya sa pagkaka akbay at tinignan siya ng masama..
"Anong pakulo to Madrigal ha?! " inis kong bulyaw..
natawa naman siya.. tsaka kinuha ang kamay ko sabay hila sakin papalyo mula sa mga taong nakikiusyoso..
nung malayo na kami ay agad niya akong binitiwan
"naka druga kaba ha?! bakit mo yun sinabi?! " sigaw ko sakanya nanaman..
"wait.. im just giving you a favor here.. hindi mapagkakatiwalaan yung lalaking yun..He's really a heartbreaker " sagot nito..
tignan mo nga naman ang nagsalita!!
"mukha mo!! anong karapatan mong magsalita kung pati ikaw hindi ka rin matino!! " bulyaw ko sakanya..
"Psh.im not saying that im not like him!! but .this is not about me ! .. this is about that f*****g Man! He Only wants to play you... and ending up hurting you.. . mas mabuti nang agapan sa simula palang kesa lumala pa " sagot nito sakin..
"at may malasakit kana sakin ngayon ganun ba ?!!" sagot ko ng pabalang
"Im just helping you ! don't tell me gusto mo ring makipag date sa lalaking yun?! " sagot nito.. kaya inirapan ko siya. .
"I was about to reject his Offer.. inunahan mo lang talaga ako! " sagot ko sakanya..
"Tsk..edi mabuti.. Coz NO one Should treat you the way I do.... Ako lang dapat Ang mang aaway sayo.. " sagot nito tsaka umalis..
----------------------