ITS TIME!!!
(THE PAGEANT DAY)
KENZO KIELS POV
iba nga naman talaga pag VIP talagang nakaupo kaming lahat na magbabarkada sa harapan.. syempre. kailangan makita namin Lahat .. dahil kapag sinabing Hunting time.. hunting time talaga.. (smirk)
"woOaah pare i can't wait!! sino sino kaya yung sumali?? " bigla ay tanong ni Lance sakin
"tsk. syempre .. we Don't know until makita na natin lahat ng kababaihan na rumampa jan sa harapan " sagot ko Habang nababagot na sa kakahintay kung kailan pa magsisimula tong lecheng pageant nato..
Ganito kAsi talaga.. kumbaga Surprisa na hindi nila pinapakita yung kahit Picture ng mga Candidate . Mga pangalan Lang yung Pinopost sa Bulliten kaya hindi namin Alam kung sino sino yung mga kalahok sa pageant na yan.. . maliban nalang kunG Well-known talaga yung babaing sumali..
kaya Mas lalo Kaming na eexcite kapag ganito na ang tagpo.. dahil marami nanaman ang maglalabasang magagandang dalaga sa intablado na yan. kaya nga yan ang hinihintay ng karamihan eh.. LALO na syempre KAMI..
LORRAINE'S POV
"Fyel!! Magsisimula na!! Maghanda kana!! " Sigaw sakin franz habang Sobrang nanginginig na yata ang tuhod ko sa kaba..
pwede bang umatras nalang??
hanggang dito kasi sa likod ng stage ay rinig na rinig na ang malakas na hiyawan ng mga estudyante kaya hindi ko talaga mapigilang kabahan..
sht first time ko to!!
"Gesssh wag ka ngang kabahan!! gurl cheer Up!! Gahd! sobrang ganda mo! at kung sino man ang makakakita sayo??! pwes hawakan na nila ang mga Panga nila para hindi malaglag noh! " pagpapalakas ng Loob sakin ni kiera.. Gesh..
tsaka ako napahinga ng malalim na malalim
nung sinabi na ng isang teacher na magsisimula na. kaya napatayo na ako... at bumuga ng hangin..
woooh Go Lorraine Fyel!!
"kaya mo yan!! nandito lang kami para sumigaw ng Malakas kapag lumabas kana Fyeeeel!!! " saad ni Franz napatango tango lang naman si kiera at ngumiti para bigyan pa ako ng lakas ng Loob.. tsaka sila umalis na para umupo na sa Viewers seat..
kaya ko to.. Ang kailangan ko lang gawin ay gawin kung Ano ang pinag praktisan namin!
KENZO'S POV
at nagsimula na nga!!
mas lalong dumagundong ang malaking Gymnasium ng school dahil sa malakas na sigawan nung tinawag na ang Unang kandidata..
Oow.. shes not Bad anyways..
"Ayy Ito Ang maganda!! hita palang Ulam na! haha.. kunin mo number lance pagkatapos ah " saad ni Neo kay Lance tsaka natawa habang tinitignan namin ang contestant number 1 na nagpapakilala. .
mga Ugok..
"Diba ang ganda niya Pare?? " sundot sakin ni dino kaya napatango tango ako..
she's really not bad for my taste.. pwede narin namang pagtyagaan..
"oh Anastasia Ang pangalan.. haha wag na yan! baka may Christian Grey na yan eh hahaha "natatawang saad ni Paolo.. kaya natawa rin ang Iba..
Oo nga naman...
At sunod na tinawag ang paNgalawang kandidata na mas lalong nagpa ingay sa loob ng Gym .. dahil sa Lakad palang nito.. nakaka lakas na ng Appeal para sakanya..
i know her.. mukha ito yata tong babaeng kahalikan ko Last week. hindi ko lang alam ang pangalan.. haha
"Ayy Ayan Ang Maganda!! Super Model!! Lakad palang may Appeal na!! parang ang sarap papakin ng hita Oh.. parang manok "Saad ni dino
"GoooO Babe!! Date Tayo pagkatapos niyan haaa?!! " malakas na sigaw ni Neo kaya nagtawanan kami.. walang hiya talaga tong Isang to..
Tsaka na tinawag Ang pangatlo at tulad Kanina.. Mas lalong nag hiyawan ang ibang manonood..
Tsk.. natikman ko na yan...
" WoooAh Pang coca cola Body Pare!! Kasing lapad nga lang yata ng kawayan namin Ang bewang niyan eh! .. woah sexy darling!! " hiyaw ni nathan..
tsk.. palagi na akong may nakikitang Ganyan.. nagsasawa na ako.. Gesh
Hanggang sa tinawag narin yung pang apat at panglima na As always ay hiyawan din ang lahat dahil sa Maganda rin Ang mga to at May ipagmamalaki sa hinaharap at katawan.. at panigurado pagkatapos ng pageant nato.. magkakandarapa ang mga manliligaw ng mga to.. pero ang hindi nila Alam.. naikama at nakahalikan ko na yang dalwang yan.. but hindi ko nga lang Alam ang pangalan.. tsk. i hate remembering names..
Psh ano ba to!! puro nga yata natikman ko na Ang mga sumali sa Pageant nato!! wala bang Bago?!
THIRD PERSON'S POV
at tinawag na nga Ang pang huling Kandidata..
"LETS ALL WELCOME!! CANDIDATE #6 !!!"
tsaka Lumabas na si Lorraine habang suot Ang Isang Fitted pink dress na nababagay sakanya para lang mas lalong ma imphasize Ang tinatagong perpektong hubog ng katawan nito..
na hindi mo talaga aakalaing siya Ang manang at tomboy na tinatawag ni Kenzo dahil wala na Ang malaking salamin na tinatago ang magagandang mata ni Lorraine.. naka ladlad narin ang medyo curly nitong buhok kaya walang sino nga yatang nakakakilala sakanya maliban sa mga kaibigan niya..
lahat iba iba Ang reaksyon nung nakita si Lorraine.. dahil hindi nga familiar sakanila Ang dalaga kaya lahat napapamangha nung lumabas na siya..
Lalo nga yata si kenzo at Ang Mga kaibigan nito
kaya Mas lalo Pang lumakas ang hiyawan nung ngumiti siya ng pagka luwag luwag na mas lalong pinakita ang Angking ganda niya
"Wooooah.. diwata.. " wala sa sariling nasambit ni Neo..
"Gahd.. siya na ang may Magandang katawan magandang ngiti Magndang mukha.. sino siya mga pre?? " wala din sa sariling saad ni dino..
para namang naka kita ng Multo si Kenzo sa pagka tulala sa babaing nasa intablado..
"Isang siyang Anghel Na bumaba sa lupa! " si paolo..
"Gesh kung ito lang naman ang Anghel na susundo sakin sa kabilang buhay.. talagang magpapakamatay na agad ako at sasama ng hindi nagdadalawang isip "sambit ni nathan
at wala na.. parang tumigil na Ang lahat kay kenzo at tanging parang si Lorraine nalang ang nakikita nito..
"Gahd.. She's the real meaning Of Beauty " At yun nga! wala sa sariling saad ni Kenzo habang nakatulalang nakatingin parin kay Lorraine.. at walang ka ide ideyang Ang Nasa harapan niya Ngayon Ay ang dating tinatawag niyang Manang na tomboy
sino ba namang mag Aakalang gaganda ng ganito si lorraine kapag naayusan diba? at umabot sa puntong siya na Ang dahilan Kung bakit hinihiyawan siya ngayon ng mga kalalakihan.. lalong lalo na ng pinaka mortal niyang kalaban na nagawa pa siyang lait laitin sa mismong harapan niya Noon.
"IM LORRAINE FYEL AVELLA.19 ..KAYO NA PO ANG BAHALANG HUMUSGA! "simpleng at maiksing pakilala ni Lorraine na Mas lalong ikinahiyaw ng lahat..
"Woooah panalo kana Babe!! ikaw na!! mahal na kita!!! bigyan ng award yan!! " sigaw ni Neo
" hindi manlang nito sinabi kung anong year o anong course niya.. " sambit ni Lance said
"Oo nga noh.. Masyado siyang pa mysterious.. but We like Mysterious right??? " sagot naman ni paolo..
"Woaah. shes really Beautiful.. alam mo yung ngiti niya?? ngiti palang parang napapangiti kana rin .. may hipnotismong dala " saad ni dino. .
"grabe.. Ang rami nga talagang magaganda sa school nato ng hindi pa natin nakikilala.. minsan nga tambay ako sa entrance gate para lahat kita ko " natatawang saad ni lance..
"luko ka.. pero baka naman transferee yang Si Ms. Lorraine ng hindi natin alam "saad naman ni nathan..
"transferee?? kalagitnaan na ng klase?? psh malabo.. " sagot naman ni Neo
"Oh ano na pareng kenzo?? Anong nangyari sayo?? tinamaan ka noh?? " natatawang baling sakin ni Neo
Sht!! Her Voice was Familiar!!
her name is Lorraine !!
Lorraine !!
The hell!!!
Lahat ng Panglabas niya nagbago sakanya pero hindi ako pwedeng magkamali na Ka boses niya talaga yung tomboy na yun lalong lalo nat araw araw ko yung kabangayan!! The hell!!
How can she be so beautiful like that????
CONTINUATION
KENZO'S POV
How can she be so beautiful like that????
SHT!! SIYA NGA!!
kahit ilang beses ko pang ipikit at idilat ang mata ko.. talagang siya nga !
the hell! . anong sumapi sakanya????
and crap!! I just can't take my eyes of her!!
"Uyy Kenzo!! what happened to you?? kanina kapa namin kinakausap pare "
Agad akong napakurap kurap at napabuntong hininga..
What happened to me ?!!
" all of you .. don't you really have any idea kung sino Ang babaeng nasa stage na yan?? " agad kong saad sakanila..
tinignan naman nila ng maigi si Lorraine
at nanlaki pa ang mata na parang Gulat na Gulat sabay tingin pabalik sakin na talagang hindi makapaniwala..
.
.
.
.
.
"Oh hell !! Dont tell Us na nakama mo na Ang MagAndang Anghel na yan ?! Sht Pare!! Ang Swerte mo !!! "
"naging Ex mo?"
"dating fling?? "
"Ang swerte mo !! ikaw na! "
"Girlfriend??? "
Sunod sunod nilang saad.. kaya napahilot ako sa sintido ko..
they don't really get it !. ano paba Ang aasahan ko sa Mga to ?!
sabagay.. Paano ba naman nila makikilala Ang dating Manang na tomboy na ngayon Sobrang ganda na???
Geeesh !! Should I really Need to Compliment her ?!
THIRD PERSON'S POV
natapos Ang Pageant At si Lorraine nga Ang nanalo .. maliban kasi sa Gandang pinapakita nito ay Maayos at maganda niyang nasagot Ang Question and Answer portion na dahilan kaya siya tinanghal na Miss Hilton U
Para namang hindi siya makapaniwala dahil unang una ay wala naman talaga sa balak niya ang manalo pa at tanging gusto niya Lang naman ay Ang libro na pinain sakanya ng mga kaibigan niya para Sumali siya..
"GAAAAAHD FRIEND!! MISS HILTON U!! Im soooo proud Of YouuuU!! " sisigaw sigaw habang tumatakbo at napapatalon pa si kiera sa tuwa at agad yumakap kay Lorraine na hindi parin makapaniwala habang nasa likod na ng stage sila..
"Oo nga Lorraine!! Lahat yata ng mga estudyante ay sayo talaga boto at Ikaw ang gustong gusto nilang manalo!! " Masaya ding saad ni franz
"hindi ko nga rin inaasahan to eh.. Ang Gusto ko lang naman ay libro.. hindi ang manalo " sagot ni Lorraine at kinuha sa Ulo niya Ang Korona dahil sa nabibigatan siya..
"Gesssh ano kaba!! bakit mo yun kinuha?! maya maya lang baka may gustong magpa picture sayo ! Naku!! at hindi na kami magtataka kung biglang Sobrang rami ng manligaw at Sikat na sikat kana dito sa eskwelahan nato!! " saad ni kiera na excited na excited pa..
napairap lang naman si Lorraine..
dahil Alam niya na nga Ang mangyayari.. dahil sa nanalo siya ay magkakaroon na ng Pansin sakanya Ang iba.. at yun ang ayaw na ayaw niya.. Ang Atensyon
namuhay at nag aral siya sa eskwelahan ng hilton ng walang sino man ang nakakapansin sakanya pero ngayon siguradong ibang iba na..
" mas mabuti pa nga yatang hindi ako nanalo.. you know I really hate Attention.. alam niyo naman gusto ko ng tahimik at mapayapang nag aaral ako dito sa skwelahan nato.. " sagot ni Lorraine..
" aish.. dapat masanay kana ! .. isipin mo nalang na Wish Granted nato para sa Mga magulang Mo sayo noh!! ito kaya ang hiling nila.. kasi ikaw.. Astig Astigin kapa! eh babae ka ngang ginawa ng diyos diba? " saad ni franz..
kaya napabuntong hininga si Lorraine at sasagot na sana nung biglang may dalawang babae Ang lumapit sakanila..
" Hi Miss Hilton U ! alam mo.. sobrang Fan na Fan mo ako ! pagkalabas mo palang talagang napahanga mo na kami lalo na sa lupit ng mga sagot mo kanina!!! at sobrang Ang ganda mo " saad ng isang estudyante kay lorraine..
"Oo nga po.. Pwede po bang magpa picture sa inyo?? " saad naman nung isa.. at palagay ni Lorraine ay mga freshmen pa ang dalawang lumapit sakanya..
"Ayy Oo Oo pwedeng pwede!! " imbis ay agad na sagot ni Kiera sa dalawang dalaga.. at agad sinuot kay Lorraine ang Koronang hinubad nito kanina..
sinimangutan naman siya ni Lorraine at wala nang nagawa nung kinukuhanan na sila ng litrato..
pagkatapos umalis ng dalawang eatudyante ay bagot na bagot na hinubad ni Lorraine Ang heels na suot niya
"Ang sakit sakit na ng paa ko! Ang kati kati pa ng damit nato! pati mukha ko nangangati dahil sa make up na nakalagay sa mukha ko! "sunod sunod na reklamo ni Lorraine..
" Ayyy! sige ! subukan mong maghubad ng maka experience naman ang iba dito na hindi pala to pageant at Bold show to ! friend naman.. nanalo ka! tignan mo! marami ng nakakakilala sayo.. Noon You're Only a NOBODY but now.. isa kanang Somebody!! na hinahangaan ng lahat ng estudyante dito dahil sa ganda mo.. babae nga humahanga sayo.. naku! paano pa kaya Yung mga lalaki na humihiyaw sayo?! hindi mo lang alam kung gaano kami ka proud ni franz na naging kaibigan ka namin at naririnig naming Ang ganda mo na palaging sinasabi ng ibang tao "saad ni kiera..
napabuntong hininga naman si Lorraine at wala ng nasabi..
" hindi mo lang talaga alam kung Gaano karami na Ang humahanga sayo sa crowd palang kanina.. sa eksaktong sagot mo.. sa Ganda mo.. sa pagiging Confident mo at parang hindi mo to first time Girl!! kung hindi kalang namin kilala at hindi ka namin kaibigan??? baka inisip na namin na sumasali ka talaga sa mga pageant at sanay na sanay kana " saad ni franz habang nakangiti
"ginawa ko lang naman kung ano Yung sinabi niyong gawin ko.. so did it " tanging sagot lang ni Lorraine..
" but you did it so perfect girl!!! " tili ni kiera at hindi nanaman napigilan na yumakap nanaman kay Lorraine...
" Aish.. Oo na Oo na!! at salamat sa inyong dalawa dahil hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa inyo " sagot ni Lorraine at nakangiti na..
" Of course.. what are friends for?? " sabay pang sagot nila kiera at franz..
"so tara na ?? Uwi na tayo?? Pagod na pagod na ako e " at hindi na nga mapigilang saad ni Lorraine.. dahil inabot na nga sila ng gabi dahil sa sobrang rami nga yata ng nag cocongratulate sakanya na mga taong hindi niya naman kilala kanina.. at pag iimpake pa ng mga gamit nila kaya hindi narin niya matiis Ang sobrang Pagod at gusto niya nalang yata humiga at matulog pagkarating niya sa bahay nila..
"can I say Congratulation ??? "
natigil silang tatlo nung biglang may nagsalita mula sa likod ni Lorraine..
at boses palang nito ay kilalang kilala na nga ni Lorraine..
kaya humarap siya rito.. at hindi siya nagkamali ...
its really Kenzo Kiel Madrigal Ang taong nasa harapan niya ngayon..
"Ahhhm?? girl?? Una na kami sa labas ahh? hintayin ka namin!! Bye????!!!! " agad na saad nila kiera at nagmamadali pang umalis para makapag solo ang dalawa..
Sht mga traydor tong mga to!!
hindi mapigilang saad ni lorraine sa isip dahil sa pag iwan ng mga kaibigan niya sakanya sa taong kaharap.
"sige thank you.. makaka alis kana " agad na saad ni lorraine kay kenzo dahil hindi niya matago Ang hiya dahil sa alam niyang nandun Ang lalaki at nanood sakanya kanina at siguro ay tinatawanan na siya nito dahil sa suot at anyo niya ngayon..
"hindi mo naman sinabi na May nakatagong GAnda ka pala Manang.. and you know what?? im really surprise "saad ni kenzo habang nakangiti.. kaya umirap siya at naamoy na nang sa asaran at away nanaman mauuwi ang gabing to. .
" alam mo?? pagod ako.. kaya bukas ka nalang makipag asaran pwede?? dahil bukas baka pumayag pa akong tawanan at tawanan mo nalang ako dahil sa pinag gagagawa ko kanina " sagot ni lorraine kaya natawa si Kenzo..
" hey.. why should i do that?? sinabi ko ngang Maganda ka.. at hindi ko nga alam kung Anong nakain O anong nalaklak mong gamot para gumanda ka ng ganyan.. but really.. thats a Compliment " saad pa nito..
hindi niya nga alam kong Compliment nga ba ito O asar na parang may panunukso..
" Oh sige.. salamat sa Compliment mong parang hindi naman.. but I'll take that for the brighter side at hindi na makikipag away sayo " sagot ni Lorraine at tatalikod na sana para umalis na nung biglang...
" hey manang.... I miss you "
kaya agad siyang napalingon pabalik rito..
"I miss being Annoyed by you... . Hindi na ako sanay na hindi ka naaaway at hindi ka kabangayan.. kaya dapat bukas bumalik kana sa pagiging manang mo ...........dahil Ayaw ko ng maraming kaagaw sa atensyon mo.. " saad ulit ni kenzo at tsaka Umalis...
-----------------