Chapter 7
KENZO KIEL'S POV
"woah for real?? na trapped kayo sa bakanteng Room?! what the Eff?!! at siya pa talaga?! anong nangyari?? " sunod sunod na saad ni Neo na talagang hindi makapaniwala..
umirap lang naman ako
"what do you expect me to do?? tsk! wag mong isipin na pinatulan ko Yun.. wala sa mukha niya ang ka patol patol " sagot ko kaya natawa SILA
"kasi nga naman.. pano ba naman papatulan?? lalapit pa lang siguro tong si kenzo baka ma flying kick na! at ang malupit baka baogin pa!! hahahahaha"tatawa tawang saad ni Lance.. kaya sinamaan ko sila ng Tingin.. mga walanghiya!!
"pero pare seriously! kayo lang sa loob ng isang walang katao taong room.. hindi mo talaga binalak?? Isang Kenzo kiel Madrigal.. nakasama ang isang babae sa iisang Room wala manlang nangyari??? ooooOw that's new! "di talaga makapaniwalang saad ni Neo na wala talagang nangyari samin ng Tomboy na yun ng kaming dalawa lang.. tsk. the Eff.. Ayaw nilang maniwala na may babaing nakatanggi ng Charm ko kuno..
tsk ASA pang papatulan ko yung babaing yun! .. CRISIS lang ako nung Araw na nakasama ko siyang na trapped kaya naisip ko yung mga bwisit na bagay na Akala ko Hot siya sa paningin ko! thats it..
"kahit ganun naman yun manamit.. babae parin naman yun "saad ni dino..
"hahaha. babae nga.. pero lalaki naman kung Umasta.. magbabalak palang tong si Kenzo.. bugbog sarado na hahaha "natatawang saad ng litsing neo.. kaya nagtawanan silang lahat..
"mga gago! paanong may mangyayari.. magsasalita pa lang ako nakaplano na agad ang gagawin niyang Pag bubugbog at lahat ng marahas na paraan na alam niya sakin! tsk tumahimik nalang kayo.. coz that Night with that Room and that manang is my Worst nightmare!! bwisit!! hindi ko nga alam kung may multo nga ba talaga dun O ano pero isa lang ang masisigurado ko.. hinding hindi na ako babalik dun at sisigiraduhin ko munang bago ako pumasok sa isang rOom na hindi talaga sira ang Door knob nito "saad ko at sabay napailing iling pa.. habang naaalala ang Araw na na lock kaming dalawa lang..
wala nga yung Utang na Loob.. matapos kung iligtas sa pagkakahulog..inaway at inaway nanaman ako .. napaka talaga yung babaing Yun! sana hinayaan ko nalang na Bumagsak siya...
"akala ko pa naman.. matapos ang gabing pinagsamahan niyo sa Room na yun ay Atlast makakasigaw na kami ng PRAISE THE LORD! dahil magkakasundo na kaayo at hindi na magbabangayan kapag nagkita kayo sa iisang lugar.. Oh oh.. but were wrong men! haha mas lalo yatang grumabe "saad ni cedric.. kaya umirap nanaman ako..
what a term sa 'gabing pinagsamahan'the hell!! Goosebumps!!
LORRAINE'S POV
buti nalang nakaligtas ako sa lahat ng katanungan nila mama papa at nila kuya kung saan ako nang galing nung gabing na trapped kami ng Manyak na yun sa iisang Room.. syempre hindi ko sinabi na natrapped ako kasama ang isang lalaki dahil siguradong kulang nalang sumugod sila papa kapag sinabi ko yun..
sinabi ko kasi na nakitulog ako kela Kiera dahil may project kaming kailangang tapusin at buti nalang nakisakay din yung isa kaya hindi ako tinambak ng katanungan nila mama..
"Uyy may Utang ka sakin na Explanation na babae ka!! saan kaba kasi nang galing at hindi ka Umuwi sainyo?? Don't tell me makikipag tanan ka sana na hindi na tuloy noh?? ""malisyosang saad ni kiera sakin kaya kinurot ko siya na ikinadaing niya..
"makikipag tanan ka jan!! bunganga mo! sa mukha kong to makikipag Tanan ako!? gaga kaba?!" sagot ko saknya.. kaya kumalma siya
"saan ba kasi nanggaling?? " mahinahon niya ng tanong. m kaya napabuntonh hininga ako
"naalala mo yung pinatawag ako ni Mrs. horton?? na punish ako dahil sa ginawa kong Pagsipa ng kinabukasan at pagsuntok dun sa Manyak na yun at dahil punish nga.. pinalinis niya yung bakanteng Room sa likod ng faculty.. at worst na Lock ako dun "paliwanag ko kaya nagulat siya.
"my geee!! diba yun yung room na may nagpapa ramdam na MUmu?? hala!! what do you feel?? May nagparamdam ba talaga?? Gosh!! "gulat niyang saad tsaka ako napabuntonh hininga nanaman
"hindi ako nag iisang na lock dun.. kasama ko yung Manyak na kenzo na yun " sagot ko nanaman na mas lalong ikinagulat niya at nanlaki pa ang mata
"Holy gracious!! si Kenzo kiel Madrigal?! God! may nangyari sa inyo???? "hindi makapaniwala niya nanamang saad..
kulang nalang.. batukan ko to sa sobrang lakas maka react
kaya umirap ako
"Anong may nangyari ang pinagsasabi mo.. subukan niya lang.. kundi ititilapon ko siya sa taas ng Atip "saad ko At nagbasa Ulit..
"grabe din.. first time yatang may tumanggi sa charm ng isang Kenzo kiel Madrigal .. kasi alam mo kaibigan.. kapag ibang babae yun.. aba! baka agad agad titihaya sa harap ni Kenzo at agad humiga!! pero iba ka!! ibang iba ka! matanong ko nga?? babae kaba talaga?? " saad nito kaya agad ko siya binatukan kaya sumimangot siya..
"kung sipain kita ng ikaw ang tumihaya jan! gaga ka! " inis kong saad kaya natawa pa siya
"joke lang naman.. binibiro lang kita.. alam mo ba ang salitang biro?? ahay nako.. napaka seryoso mo din talaga sa buhay.. syempre naman.. kilala kita! ikaw pa! lahat nga ng lalaki sa campus takot lumapit sayo sa sobrang angas mo.. at iba ka nga kasi.. kasi hindi ka naman tulad ng ibang babae na easy to get lang.. "sagot nito
kaya hindi na ako sumagot pa..
"yun lang ba talaga ang nangyari?? o may kilig moments kayo dun?? ano? ano?? "tanong nanaman niya na mukhang excite na excite pa...
"wala! wala ng ibang nangyari maliban sa ang daldal at ang ingay naming dalawa sa sobrang bangayan.. yun lang "sagot ko at nagbasa ulit.. magsasalita pa sana siya nung biglang dumating si franz..
"Uyy! may Good news ako sa inyo!! " saad nito tsaka agad lumapit samin..
"ano yun? " agad ko namang tanong..
"ano?? magla ladlad ka na ba?? mag papa interview ka kay boy abunda? "pang asar naman ni kiera sakanya kaya kinurot siya ng isa.. gesh.. ayan nanaman sila..
"ito kasi yun.. na post na sa bulletin board na may gaganaping pageant dito sa school at paglalabanan ang title na Miss Hilton University this year.. oh.. diba bongga? "saad nito.. kaya napa kunot noo ako..
"anong Good news dun?? Oo ngat matagal na yang hinihintay ng ibang estudyante dito.. pero EXCEPT SAKIN"walang pakialam kung saad..
matagal na kasi talaga yang pinagpa planuhang gawin dito sa school pero hindi matuloy tuloy kaya siguro ngayong Year na nila tinuloy dahil maraming excited na mga estudyante ang gusto mangyari ang pageant na yan dito.. lalo na sa darating na school fest.
"Aish slow ka?? pagong?? tsk.. syempre.. kapag sumali excempted sa darating na Exam.. " saad ni kiera sakin..
ano naman ngayon?? gesh.
"hanapin nyo sakin ang pakialam ko sa pageant na yan.. tsk.. anong pakialam ko?? magpupursige akong mag aral kung ganun at hindi ko iaasa sa kahit ano "walang pakialam ko nanamang sagot at nag basa Ulit ng libro..
"gaga ka! eh maganda nga to diba? " saad ni franz sakin.. kaya kinunutan ko sila ng Noo..
"kayong dalawa ba may gustong iparating sakin??!" tanong ko na sakanila..
kaya sabay sabay silang nag tanguan..
"sali ka! " excited na excited nilang sabay na sabi..
kaya kung may iniinom lang siguro ako.. baka napa ubo at nabilaukan na talaga ako sa kinauupuan ko
"kayo ba mga baliw at wala nang magawa sa mundo?? ako pa ang inaya nyo??! kung kayo nalang kaya!! " hindi ko na mapigilang inis na saad
"Girl naman.. this is the time para mag iba kana ng nakaugalian mo! com'on.. this is your show.. this is your time.. its showtime!! maganda ka alam mo yun?? pero sadyang tinatago mo lang jan sa t shirt ,jeans, sapatos, malaking salamin at naka pusod mong buhok.. sali kana! kami ang mag hahandle sayo!! " saad ni kiera at parang excited na excited talaga..
gesh.. in their dreams!! ASA pang sasali ako
"maghanap kayo ng ibang maluluko.. wag ako.. hinding hindi ako sasali sa pageant pang babae na yan!! " matigas kong sabi..
"akala mo naman hindi ka babae?! naku naman kung naging babae lang ako?? aba! sasali talaga ako jan!! pero hindi e! opportunity mo nato Girl!! "saad ni franz
"Oo nga naman! . kung siguro maganda lang ang pangangatawan ko at hindi bilbilin aba sasali din ako jan noh! kaso wala eh.. matakaw ako kaya eto.. kaya ikaw na!! "si kiera..
at dito pa talaga sila nagkasundong dalawa!!
"hindi!! hinding hindi ako sasali jan sa pisting pageant na pinagsasabi nyo!! mag solo kayo!!! " pagmamatigas ko nanaman
"ayy saareey.. nilista na kita eh.. Advance kasi ako mag isip "nakangiti ng saad ni franz
"dahil advance siyang mag isip.. alam naming Hinding hindi ka talaga sasali kaya inunahan kana namin.. Ayan kasali kana! whether you like it or not! " masayang saad na ni kiera tsaka nakipag apir pa kay franz
Langya!!!!
"hindi!! hindi ako sasali jan!! bahala kayo! hindi ako sisipot sa kahit anong rehearsal hanggang sa ma disqualified ako!!"matigas at inis ko nang sabi kaya napasimangot sila
aba akala nila ha!!
"sige na kasi friend!! sali kana!! for change! hindi naman namin sinasabi na pangit ka jan sa itsura mo.. pero com on.. maki update ka naman sa bagong Usong Mukha ngayon.. nagpapa iwan kapa sa lumang maria clara eh "pamimilit ni franz kaya matigas nanaman akong umiling uling.. As in never!
"girl naman.. for sure ikakasaya to ng buo mong angkan!!"saad ni kiera.. Gesh..
"hindi nga!! hinding hindi ako sasali! hinding hindi ako rarampa at ipapakita tong katawan ko sa harap ng maraming tao! hinding hindi ako mag su suot ng mga pambabaeng damit katulad ng sinusuot ng iba! hinding hindi !! kaya kayong dalawa maghanap kayo ng iba " inis ko nanamang tanggi at kulang nalang isa isa ko silang pagpapaluin ng hawak kong libro sa pamimilit nila..
"hindi talaga??? talagang talaga?? " tanong ni kiera..
"hindi talaga"sagot ko at umirap nanaman..
"kahit na sabihin namin na bibilhin namin yung Mahal na librong gustong gusto mo?? " saad ni franz kaya napatigil ako.
Oh no.. iba na kapag pinag uusapan ang mga paborito kong libro.
may gusto kasi akong bilhing libro kaya lang hindi ko mabili bili dahil sa sobrang mahal nito at ayaw ko namang magsayang lang ng pera dahil lang sa isang Novel book lalo nat wala akong trabaho at kela mama pa ako humihingi ng allowance ko.. mas mabuting gumasta nalang ako para sa pag aaral kesa ibili ko ng librong yun.. but iba na kapag makukuha ko to ng libre..
i really want that book.. so bad..
kaya agad akong napaharap sakanila..
"Oh ano?? sasali kana kapalit ng gusto mong libro?? "excited na tanong ni kiera habang nakangiti namang tagumpay si franz..
" Ang galing nyo din mag isip ng magpapa Oo sakin e noh? but what should i do?? wala akong alam jan sa pa pageant pageant na yan .." saad ko sakanila kaya nakangiti silang tumingin sakin
"kaming bahala sayo! sisiguraduhin naming hindi ka makikilala ng kahit sino sa gagawin namin Transformation mo! "masaya at excited na saad ni kiera
"at luluwa ang mata at mapapanganga nalang sila! " saad ni franz
KENZO'S POV
"Miss Hilton University?? tsk tuloy na pala yun this year.. edi mabuti " saad ko
"Oo pare.. at marami nanamang chika bebs at seksing kababaihan ang makikita natin sa pageant na yan!! witwiw!! "saad ni Neo
"sino ba daw ang mga chika bebs ang nakalista na?? nakita mo ba??" tanong ni Lance kay neo..
"Oo.. may naalala akong pangalan.. yun kasi yung huling pangalan sa mga nakalista e.. if im not mistaken.. Lorraine Fyel Avella is the name "sagot naman nito..
kaya nangunot ang noo ko
lorraine??? tsk.. ang rami rami nga namang kapangalan ng tomboy na yun.. pero mukha?? wala...
"gago.. isang pangalan lang pala alam mo.. hindi naman natin yan kilala e.. baka nga pangit yan. tsk. "saad ko sakanya..
"haha grabe pare.. hindi naman machine tong utak ko na ma mememorize lahat ng pangalan dun noh "sagot naman nito
"Oh maganda to.. coz its hunting time!! " masayang saad ni dino kaya nagtawanan kami..
yeah its really hunting time..
to be Continued.....
AUTHOR'S NOTE: TO MAKE THINGS CLEAR.. HINDI PO ALAM NI KENZO ANG FULL NAME NI LORRAINE .. THATS IT
LORRAINE'S POV
"GOD GRACIOUS LORRAINE!! kung noon nalilito ako kung babae kaba talaga o ano! pero ngayon nalilito na din talaga ako kung Poste kabang naglalakad O kawayan na may suot na heels!! Gaahd! girl nagmumukha kang Robot na ewan na parang Zombie kung maglakad!! may itutuwid pa ba yang katawan mo sa katigasan ha?! Are you sure youre really a Girl?! " sermon sakin ni Kiera na parang nawawalan na ng pasensya dahil sa paulit Ulit nalang ang pag pra practice namin habang suot suot ko tong pisting Heels!!
Leche!! kung itapon ko kaya to sakanila Isa isa ng malaman nila kung gaano na Kasakit ang Paa ko sa Sobrang pagka paltos na!!
"transformation nga tawag dito.. nagmukha kang ROBOT lumakad e.. Gash abilgas fyel! Ilang linggo nalang pageant na ! swerte pa nga natin at walang Pasok ngayon para sa pag practice mo oh.. Ayusin mo naman pwede?? " sermon narin ni franz
hindi ko na nga siguro mabilang kung ilang Ulit nila akong senermonan at sinigawan dahil sa kada kikilos yata ako ay Maling mali talaga .. wala ba daw akong pang babaing kilos na alam.. Aish! bwisit! kung hindi lang dahil sa libro baka kanina ko pa sila tinapunan ng heels nato dahil narin sa sobrang sakit na ng paa ko..
"Girl tatlong araw na tayong nag pra practice.. hindi mo parin ma perfect ang kahit maglakad lang gamit ang heels na yan ! Kahit Kumembot ayaw mo pa!! paano ka mananalo nyan??kung paluin ka kaya namin ng dos por dos sa katawan ng lumambot ka naman?? " naiinis na ring saad ni kiera at may suhestyon pa. .kaya inirapan ko sila
"pwede ba! kung kayo nalang kaya dito sa kinatatayuan ko??! nang hindi kayo mapagod sa kaka kunsumisyon!! Ang reklamador niyo ang sarap niyo tapunan ng pisting Heels nato eh! talagang kakatayin ko kung sinong nag imbinto ng pointed heels nato Leche!! "saad ko at tinanggal ang heels sa paa tsaka umupo at hinilot hilot ang paltos na paltos ko ng mga paa..
de leche!! kung alam ko lang na ganito kasakit mag suot ng heels.. hindi na sana ako naging babae
tsaka sila lumapit sakin
"Girl naman .. nandito na tayo oh.. nasimulan na natin to.. alangan namang ngayon kapa Uurong?? "saad ni kiera
umirap nanaman ako at napa buntong hininga nalang
"Oo nga naman fyel.. lubos lubusin mo na ang pagka paltos ng paa mo. atleast may matutunan ka at may another experience sa buhay babae mo.. "si franz
buhay babae?? tsk.. mga gaga!
tsaka ako napabuntong hininga
wala na nga naman akong magagawa.. nasimulan ko na.. at ilang linggo na nga.. Pageant na talaga.. Ang kailangan ko lang siguro talagang gawin ay seryosohin ang Practice nato kahit sobrang nahihirapan ako..
"ano pa nga bang magagawa ko?? Kundi dahil sa libro.. hindi ko naman papatusin tong trip niyo " saad ko at sinuot na ulit ang Heels..
"thats the Spirit Of Lorraine fyel Avella!! "sabay pa nilang saad at nakipag apir pa..
KENZO KIEL'S POV
"uy uy.. pansin ko yata.. hindi na natin madalas makita yung Manang na tomboy ah?? ano na kaya nangyari dun?? " bigla ay tanong ni Reo sakin.. na agad ko rin namang ipinagtaka..
Oo nga noh? bakit hindi ko na nga ba nakikita yung Tomboy na yun sa school nato? dati rati naman ay hindi talaga pwedeng lumubog ang Araw ng hindi kami nagbabangayan.. tsk. ano bang pakialam ko?? .. buti nga yun ng wala ng bwisit sa buhay ko
"hanapin mo sakin kung saan sa sinabi mo ang pakialam ko "walang pakialam kong sagot at umirap
"asus.. kunwari kapang Ugok ka! minsan nga nakikita kitang lumilinga linga sa room sa period na kaklase natin siya eh.. "saad ni dino
sinamaan ko naman siya ng Tingin
"the hell!! i didn't do that! "sigaw ko sakanya....
natawa naman sila at sabay sabay pang sinabing........
"OOWWS DEFENSIVE"
kaya mas lalo akong nainis.. mga Gago!!
"tsk. stop making None sense " saad ko at tinalikuran na sila..
"Uyy pare naman.. pikon ka naman masyado.. alam naming hindi ka talaga magkakagusto dun sa babaing yun.. inaasar ka lang namin " saad ni Lance..
na hindi ko namalayang naka sunod na pala sila agad sakin..
"tsk at sinong nagsabing magkakagusto ako dun sa tomboy na manang na yun?! Psh.. " sagot ko..
"wala nga.. wag ka kasing defensive masyado. haha.. baka mapaghalataan ka eh "natatawang sabi ni reo kaya sinamaan ko nanaman sila ng tingin..
tsk.. ako pa talaga ang ginawang pulutan ng mga gagong to!
nang may ma asar lang!
Psh.. sa ngayon.. eenjoyin ko muna ang mga araw na hindi ko nakikita at nakakasalubong ang Tomboy na yun..
buti naman.. at kung saan man siya naroroon ngayon. Sana rest in peace na siya ng wala ng sumira ng araw ko lage..
LORRAINE'S POV
(WEEKS HAD PASSED )
"oh my god Oh my God!! hindi ko aakalaing marunong kana talagang maglakad!! " masayang tili ni kiera sakin..
"gaga.. anong akala mo sakin?? infant?? malamang marunong naman talaga akong maglakad noh! ! " sagot ko naman..
"hindi yun!! i mean! sobrang galing mo na talagang Rumampa na babae ka! at im proud to say!! certified babae kana talaga!! " tili nanaman ni kiera sakin habang napapalakpak pa sa sobrang excitement
"Yaaah handa kana gurl.. at Ang galing at Ang ganda mo nang magdala ng heels na suot mo "segunda ni franz na ngiting ngiti pa..
pagod naman na Umupo ako sa silya.. at tinanggal mo na ang heels na suot
"syempre naman.. sa ilang linggo ba naman na pag pra practice natin at sa tiyaga nyong turuan ako.. imposible na talagang hindi ako matuto.. naaawa narin naman ako sa inyo at sa boses niyo dahil sa sobrang pagka kunsumisyon sakin "sagot ko..
Kaya preho silang natawa
"Oh my!! Ang galing mo na talaga !! babae kana !! nagmumukha ka pang Model kung Maglakad eh! talo mo pa sila!! "masayang saad nanaman ni kiera kaya natawa ako..
ang O Oa lang nila.
"Oo nga naman.. Wag ka nang magtaka kung ganito kami mag react sayo ha..Kung siguro sa ibang babae hindi na nakapag tataka.. pero kung sayo?? naku!... kasi sino ba namang mag aakala na Isang Lorraine fyel avella na Noon Astig astigin kung maglakad.... ngayon.. daig pa ang dalagang pilipina "natatawang saad ni franz kaya natawa nanaman ako.. mga gaga talaga..
"at isa nalang talaga ang kulang!! "bigla ay sabat ni kiera kaya napatingin ako sakanya at napakunot ang noo dahil sa pagtataka ..
tsaka sabay silang nagsalita
"MAKE OVER!! "
-------------------------------------
-------------------------------------