Chapter 6

4777 Words
CHAPTER 6 CONTINUATION "mamili ka.... ililibing kita ng buhay O paglalamayan ka muna??? "seryosong tanong ko sakanya habang mahigpit paring kinu kwelyuhan siya kaya napalunok siya.. "H-hey.. w-wait t-teka.. im just k-kidding.. masyado ka namang seryoso .Nag bibiro lang ako .. a-alam mo kasi.. pangarap kong maging Clown someday.. pero naisip ko hindi pala talaga ako nakakatawa kaya mag momodelo nalang ako.. " utal na saad nito.. na alam kong walang kabuluhan ang sinasabi niya.. "baka Gusto mong maging PUNCHING BAG someday?? willing na willing akong e practice ka.. "seryoso kong saad sakanya.. tsaka marahas na binitawan siya.. narinig ko namang napamura siya at parang dun pa nakahinga ng maluwag "Subukan mong mag PATAWA sakin ulit.. baka e suggest ko nalang na kalimutan mo na ang pag momodelo dahil sisirain ko yang pagmumukha mo at ilalambitin kita sa Puno at gagawing Human Punching bag ko"Inis kong saad tsaka umalis.. KENZO'S POV the hell!! napaka talas ng bibig ng babaeng Manang na Tomboy na Yun!! ang sarap Tahiin!! "Ok ka lang pare?? nakahinga kana ba?? " agad na tanong ni dino kaya sinamaan ko siya ng tingin.. leche "for the Last 15seconds.. nakita kong parang hindi ka Huminga hahaha ano ka?? kinabahan ka noh?? "nang aasar na saad naman ni Neo.. Isa pa to!! "shut Up!!! " inis kong saad.. at inayos ang nagusot kong polo dahil sa babaing yun!! "namutla eh.. hahaha.. but by the way.. nice joke pare hahahahaha "natatawa saad ni zeke.. kulang nalang matusta silang lahat dahil sa kulang nalang mag apoy ang titig ko sakanila... Sht.. nagpapadagdag ng Inis!! "Ang sabihin mo.. Nice Palusot para Hindi malibing sa lupa!! hahahahaha "si Lorence kaya nagtawanan silang lahat.. pag pa palanuhan ko na talagang Pumatay ng kaibigan next time.. The hell!! kaya iritado akong Umalis.. LORRAINE FYEL'S POV "ikaw bang babae ka.. hindi talaga natatakot sakanya?? "saad ni kiera sakin.. Habang kakatapos lang ng klase namin at naglalakad na Pauwi.. "Hindi... bakit? siya ba si kamatayan para matakot ako sakanya?? "sagot ko naman.. napa iling iling lang naman siya at magsasalita na sana nung biglang may tumawag sakin.. "Lorraine ! pinapatawag ka ni Maam Horton "agad na saad sakin ng babaeng hindi ko na matandaan ang pangalan.. "bakit daw?? " tanong ko.. napa iling iling naman ito "di ko din alam eh.. basta pumunta ka daw muna sa Office niya.. " sagot naman nito kaya agad kong binalingan si kiera.. "Mauna kanang umuwi.. pupuntahan ko muna si Maam Horton " saad ko kaya agad rin naman siyang tumango at sinabing mag ingat din ako Pauwi.. tutal Alas dos pa naman ng hapon kaya maaga pa.. tsaka ako dumiretso sa Office ni Maam HOrton na siyang dean of discipline.. kaya Agad naman akong pumasok.. "pinapatawag niyo raw ako maam?? " agad kong tanong.. "Yes Ms. Avella.. please take a seat first at marami tayong pag uusapan "saad nito kaya umupo naman agad ako.. ano ba talagang sadya sakin ng matandang to?? "may nag report sakin sa ginawa mong Pag suntok at pag sipa kay Mr. Madrigal.. You beat Him twice ha?? " saad nito na mukhang disappointed at hindi talaga nagustuhan ang ginawa ko.. "pero maam.. hindi nyo po kasi alam ang nangyari.. sinubukan niya akong manyakin and i just did what he deserve.. " sagot ko na medyo naiinis na.. sana kasi inalam muna yung nangyari bago mag react diba?! at ngayon mukhang ako pa ang nagmumukhang masama ! "but thats not the proper way para bigyan mo siya ng leksyon.. you hurt him physically at sana alam mong mali ka.. at maling mali ang ginawa mo "saad nito sakin .. "paano nalang kapag nalaman to ng mga magulang niya?? they must so Mad about this.. at maaring mapahamak siya dahil sa ginawa mong pag sipa sa ano nya! "saad nanaman nito na may galit na sa tuno.. edi lumabas din ang totoo.. dahil sa magulang ng Manyak na yun kaya bibigyan ako ng parusa dahil nga ayaw nilang ma bad shot ang skwelahan nato dahil ang mga magulang ng Hayoop na yun ang may malaking shares sa school nato.. alam ko ngang mali ako... pero kung ganun naman ka hambog at ka Manyak ang ang makikilala mo ay siguradong hindi din magdadalawang isip na sipain siya at suntukan dahil sa kamanyakang ginawa niya!! buti nga sana kung nabaog yun!! tutal naman alam ko na ang patutunguhan ng usapan nato.. mas mabuting paikliin na .. "tatanggapin ko po kung anong parusa sa ginawa ko Maam.. "saad ko agad.. "aba mabuting napagtanto mo talagang Mali ka Ms. Avella.. I Want you to Clean the Vacant Room sa likod ng Faculty and thats it.. kapag nalinis mo na yun.. tapos na ang usapan " saad nito sakin.. Vacant room sa likod ng faculty ?? Yun yung may napabalitang may nag bigting babaeng estudyante noon doon kung hindi ako nagkakamali..at dahil dun hindi na talaga ginamit ang Room na yun.. at wala na talagang kahit sinong nagpupunta banda dun at wala naring napapadpad dahil sa takot.. kaya agad akong tumalima at kahit ngayong araw pa ay pwede ko namang linisin yun at hindi na ipag pa bukas pa.. marami akong gagawin bukas at hindi pwede ipagpabukas ko pa.. talagang Punishment talaga tong ginawa nila! dun pa talaga sa bakanteng room na yun! nung nasa tapat na ako ng Pinto ng bakanteng Room ay Agad kong binuksan ang pinto at Sobrang dilim nga.. kaya nga takot na takot ang ibang estudyante dito.. bigla akong may naalala nung sinabi nung manong caretaker na sira pala ang door knob ng pinto ng bakanteng Room nato kaya kailangang lagyan ng harang kapag papasok ka para hindi ka ma lock sa loob dahil tanging sa labas lang mabubuksan yun kapag nasarado.. hindi na daw kasi nila naisip na ipa ayos ang Knob nito dahil nga hindi naman daw ginagamit at tambakan lang ng files.. kaya hindi pwedeng masarado to kung ayaw kong ma lock ng buhay.. tsaka ako kumuha ng mabigat na Paso at hinarang sa pinto para hindi talaga masara.. kaya pumasok na ako at in On ang ilaw hindi naman talaga siya Madumi.. kailangan lang talagang walisan dahil alikabok na nga.. siguradong mabilis lang akong matatapos nito.. tsaka ako pumasok pa sa pinaka dulo para maghanap ng pang linis.. ---------------------- KENZO KIEL'S POV the hell!! pati leisure room ginagawa ng Motel ng mga Gago!! leche!! gusto ko ng peaceful place!! i really want to be alone! paano pa ako makakapag isa kung nandun silang lahat at kanya kanyang partner.. ewan ko ba.. pero wala talaga akong ganang lumandi ngayong Araw.. and that's because of that Manang Tomboy na sinapian ni Guko! sht!! nakakainis yung babaeng yun!! Ang sarap niyang ipalapa sa pating dahil sa pananakot niya sakin!! the hell!! pero bakit ba takot ako sakanya??? e tinatakot niya lang naman ako diba?? tsk.. syempre naman hindi naman siguro siya mamamatay tao para ilibing ako ng buhay at paglamayan na ng mga magulang ko.. the hell of this Sht!! at ngayon kailangan ko pang maghanap ng Lugar na tahimik at walang anumang manggugulo dahil sa mga kutong Lupang ginawang Motel ang Leisure Room at sobrang ang iingay nila dun.. hindi ko sinasabing hindi ako isa sa kanila but excemption muna ako ngayong araw.. dahil capital BADTRIP ako sa babaing yun .. gesssh kahit siguro makasama siya sa iisang lugar hindi ko kakayanin!! .. ang sarap sarap niya talagang sakalin kanina!! pinahiya pa ako sa mga kaibigan ko !! the hell! Ayaw ko pa namang Umuwi.. dahil kapag naka uwi ako.. siguradong bantay sarado na ako ni Mom at magmumukhang preso kinagabihan at hindi na makakapag night Out mamaya.. sht.. i just want to take a nap.. kaya sa paglalakad ko ay nakita ko agad ang bukas na bakanteng Room sa likod ng Faculty.. ooooOh this is great !. what a nice.. swerte yata ako ngayon.. kaya agad akong pumasok at napansin agad ang nakaharang na Paso sa pinto.. Gesssh sino bang naglagay nito dito?! Istorbo sa pahinga ko!! kaya agad ko itong inalis at tsaka sinirado ang pinto para feel na feel ko ang peaceful ambience at tahimik na luga----- "walang hiya!! sinong nag sara ng pinto?!!! "malakas na sigaw mula sa likod ko kaya agad akong napa harap at nagulat "Ayy kaladkaring pusa!!! Ano bang ginagawa mo ditong Tomboy ka?! " sigaw ko.. Sht the hell!! at siya pa!! imbis ay sagutin ako ay dumiretso siya sa pinto at sinubukang buksan to pero hindi na mabuksan.. what the???? 0_0 hell!! kaya ako naman ang sumubok pero bwisit !! bakit hindi na mabuksan ?! kaya inis na inis niya akong tinignan!! "ikaw!! anong masamang hangin ang nagtangay sayo dito ha?! tignan mo!! hindi na tayo makakalabas dito na bwisit ka!! talagang pri prituhin kitang hayooOop ka!! " inis na inis niyang sigaw sakin at sobrang nanggigigil.. sht.. at ako pa?? "bakit ako ang sinisisi mo??! im just want to take a nap here " saad ko naman.. kaya natawa siya.. in a big sarcastic way "pwes.. pag planuhan mo nang Matulog hanggang Bukas! dahil hindi na tayo makaka alis dito dahil sA katangahan mo!! kita mo na ngang may nilagay akong Paso na hinarang para hindi masara eh ... aish ang tanga tanga!! " nang gigigil na talagang sigaw nto na kulang nalang kainin ako ng buhay.. aba.. "bakit??? alam ko ba?? hindi ko naman alam na Sira pala yang Pintong Yan!! Ikaw ang may kasalanan eh.. edi sana nilagyan mo nang warning diba o kaya Note manlang!! " saad ko sakanya.. na naiinis narin.. "aba aba!! ako pa ngayon??! kung basagin ko yang bungo mo ngayon at ikaw ang pumangalawa sa babaing nag bikti noon dito ha?! "sigaw nito kaya napatigil ako.. b-bigti?? babae?? O_o "m-may nag bigti dito?!! " utal kong tanong LORRAINE'S POV alam kong mainit dito pero grabe naman yata to kung pag pawisan.. tsk.. takot pala e.. "Oo may nag bigti dito.. at kanina lang.. may narinig akong kaluskos habng naglilinis dito. nagpaparamdam yata.. kaya ikaw Kung takot ka.. ngayon palang pakiusapan mo na siyang wag kang takutin "saad ko ng nang aasar.. agad naman siyang napalunok "hell no way!! im a man! kahit kailan wala akong kinakatakutan!! "matapang na sagot nito.. or should i say?? nag mamatapang tapangan.. tignan natin kung maka hinga pa to hanggang bukas kapag hindi kami nakalabas.. "sabi mo e " sagot ko.. tsaka sinubukan nanamang buksan ang bwisit na pinto pero talagang ang tibay at ayaw talagang mabuksan.. leche kasi tong lalaking to!! daot sa buhay ko!! siya na nga ang dahilan kung bakit ako nandito!! wala narin naman akong magagawa.. kahit bugbugin ko tong walang hiyang nasa harao ko dahil sa katangahan niya.. wala paring magagawa kundi tanggapin na na trapped kaming dalawa dito.. leche!! kaya napa upo ako sa likod ng pinto.. "sandali.. Unli call unli text ako! may mahihingian tayo ng tulong dito " saad niya na parang may bulb na nag Ting sa taas ng Ulo at feeling niya ang galing at ang talino niya dahil sa naisip niya.. na parang may nagawa siyang Big Achievement sa tanang buhay niya dahil naisip niya ang bright idea na yun.. kaya napa iling iling ako.. matalino nga namang idea.. pero sana nga lang inisip nya muna kung may signal.. akala niya ba hindi ko naisip yan ?! langya "ooH.. kapag Yan ang inasahan mo baka dekada tayo ma ta trapped dito.. leche ka!! walang signal!! akala mo ba hindi ko din naisip yan?! "inis kong sigaw.. kahit siguro mag sisigaw sigaw kami dito ay wala talagang makakarinig at maliit lang na tsansya na may tumulong pa sa amin ngayong araw.. dahil nga.. pinangingilagan puntahan to ng nakararami.. at wala talagang pumupunta dito kung hindi kinailangan.. bwisit naman oh! kaya napa upo narin siya sa katapat ko.. "lumayo ka.. wag kang lumapit lapit sakin na manyak ka.. dahil hindi kapa nakakalapit talagang siguradong baog kana " banta ko sakanya.. subukan niya lang talagang gumawa ng kahit ano.. talagang gigising siyang putol ang kinabukasan niya.. "Aish as if namang susubukan kung Halayin ka.. tsk.. mahiya ka nga! kahit kailan hinding hindi ako papatol sa kauri ni adan " sagot nito kaya binato ko siya ng maliit na bato na napulot ko dito sa sahig sa sobrang inis saknya.. "eeesh bakit ka kasi nandito " inis namang saad nito.. kaya inirapan ko siya.. "para may makasama kang ma trapped bwisit ka! " pabalang kong sagot.. at umirap ulit.. "para may makasama kang ma trapped bwisit ka! " pabalang kong sagot.. at umirap ulit.. "tsk.. ang tanga mo rin kasi.. sa rami raming pupuntahan sa bakanteng room pa nato nagustuhan mong tambayan " saad nito kaya hindi ako makapaniwalang tinignan siya.. aba aba!! at ako pa ngayon?! kung e m******e ko na kaya tong damuhong to! "at sino namang may gustong tumambay sa ganitong lugar?? tsk IKAW lang "inis kong saad.. mukhang tanga.. pupunta punta dito.. walang alam.. kahit sirang door knob hindi niya alam.. pati narin yung nag bigti dito noon hindi niya din alam!! bobo! "tsk.. gusto ko nga kasing matulog! naiintindihan mo ba ako?! ito yung nakita ko kaya dito ako pumasok! " inis nitong sagot kaya umirap nanaman ako.. "edi wow.. wish granted superior! talagang matutulog tayo dito ng buong gabi! "pabalang ko nanamang sagot.. umirap rin naman siya at hindi na nagsalita na napag hahalataang nainis na.. leche ang Init!!!!!! tsaka ko pinunasan ng panyo ang basang basa kong Noo at leeg.. KENZO KIEL'S POV tinignan ko naman siya.. gulo gulo na ang buhok niya.. at pinagpapawisan narin siya dahil nga wala namang aircon sa room nato at tanging hangin mula sa maliit lang na bintana ang nagbibigay hangin.. sht the hell!! bakit Ang Hot niya nung pinupunasan niya ang pawis sa leeg niya?! hell!! bwisit kailangan ko na nga yatang mag pa tingin sa mata.. nanlalabo na ang Paningin ko.. sht Kenzo!! pero babae parin siya!! babae!! at kasama mo sa Apat na sulok ng Room nato!! patulan mo na lahat!! wag lang yang Manang na tomboy na yan!! gessh never and her wildest dream!! Never! hindi siya babae para sakin .. Maton siya Maton!! pero Langya!! bakit Ang Hot niya ngayon sa Paningin ko ?!sht! kaya may naisip ako.. LORRAINE'S POV "alam mo bang hindi ako energize ngayong araw?? alam mo bang tayong dalawa lang dito?? "saad nito ng nakangiti ng malisyoso.. . at alam ko na ang nasa Loob ng ugat at Utak ng Manyak nato.. "bago mo pa pag planuhan.. mag dalawang isip ka muna.. Kung ayaw mong lumipad sa ala paap ng nag iisa "saad ko at umirap.. "Tsk..bakit kasi Ikaw pa ang nakasama ko dito eh.. kung iba pa sanang babae.. masasayahan ako at mag eextend pa kahit ilang gabi "saad nito.. aba!! manyak nato.. "Manyak ka talaga kahit kailan!! bwisit ka!! "inis kong sigaw.. "Psh.. nakakainis! .. tomboy pa ang nakasama kong na trapped dito walang hiya! " inis nitong bulong "Gago! gusto mo bang pag labas mo dito baldado ang labas mo?! .. panindigan ko nang sinasabi mong tomboy ako!! "Hamon ko.. "tsk.. walangya talaga oh.. pagmamalasin ka nga naman! ikaw na nga ang iniiwasan ikaw pa tong nakasama ko! bwisit kang maton ka! " sigaw niya mismo sakin aba aba!! langya to.. kaya tatayo sana ako para sampulan siya nung bigla nalang may nahulog na karton sa isang sulok kaya nagkatitigan kaming dalawa.. "a-ano yun?? " utal utal niyang tanong.. kaya napakibit balikat ako.. . binibiro ko lang naman siya kanina about dun sa may narinig akong kaluskos.. pero ito totohanan nato.. "ikaw kasi.. ang ingay mo " saad ko.. "anong ako?! ikaw kay-----" at tsaka may nahulog nanamang isang karton.. sht! this is real!! kaya unti unti siyang lumapit ng lumapit sakin.. hanggang sa magkatabi na talaga kami.. "anong ginagawa mo?? " saad ko sakanya.. "defense mechanism.. kapag nagpakita siya.. ikaw agad ang itutulak ko sakanya "sagot niya naman kaya kinurot ko siya.. walangya! "tumigil ka nga! Gusto mong ikAw ang itapon ko sakanya?!" seryoso ko nang saad kaya natahimik siya.. at tsaka napayuko kaya tinignan ko siya "sht.. kailangan ko na bang simulan na pakiusapan siya?? " saad nito kaya inirapan ko siya.. baliw!! "tumahimik ka na nga.. tsaka mo na siya pakiusapan kapag nag pakita na " saad ko na kahit na kinakabahan narin.. lahat ng Tao.. may kinatatakutan.. at isa narin ako sa natatakot sa Multo na nag mamatapang tapangan narin ngayon nagulat nalang ako nung hinawakan niya na ang isang braso ko.. "Eesh wag mong isiping tina tsansingan kita.. defense mechanism to.. para kapag hinila ka niya kasi ikaw ang malapit dun.. mahila pa kita pabalik " saad nito.. aba aba!! "sinong nag sabi na ako ang hihilain niya?? pagkaka alam ko.. galit siya sa lalaki kaya nag bigti siya.. "saad ko naman.. kaya napalunok ang gago.. "I realize something...bakla pala ako.. "saad niya agad.. kung hindi pa sa seryosong sitwasyon ay baka inasar asar ko na siya dahil sa mukha niya ... kaya agad kong inalis ang kamay niya na nakapulupot sa braso ko "bitaw nga.. kung maka hawak ka naman. bakit?? close ba tayo? gesh kinikilabutan ako sayo "saad ko.. umirap naman siya sakin.. "napaka damot nito kahit hawak lang.. ipagdadamot mo pa "sagot nito sakin aba! "kalalaki mong tao.. Ikaw pa ang mas matatakutin kesa sakin... mahiya ka nga " inis kong saad.. umirap nanaman siya Ulit "palibhasa.. kaya mong mag hami hami wave..... ikaw kasi si Guko "saad nito kaya hinampas ko siya ng karton na nasa gilid ko "Oh ayan! hami hami wave.. masakit diba?! "inis kong saad.. "Lintik ka namang babae ka!. Ang malas malas ko na nga na ikaw ang nakasama ko dito.. may balak ka pa talagang bugbogin ako "reklamo niya.. tsk may gana pa siyang mag reklamo.. eh siya nga ang dahilan kung bakit kami na trapped dito.. "talagang mabubogbog ka! ikaw na nga ang may kasalanan kung bakit tayo nandito ikaw pa talaga ang may ganang magreklamo!! "inis ko nanamang sigaw.. umirap nanaman siya Ulit.. at hindi na sumagot.. maya maya "Uyy Gutom na ako " biglang saad niya.. "aba.. ano akala mo sakin ?? may dalang refrigerator?? " inis kong saad kung makapag reklamo..akala mo naman nag pe pecnic lang kami na anytime may dalang pagkain.. at hindi lang naman siya ang gutom dito! nakita ko namang madilim na talaga sa labas at ibig lang sabihin na wala na talagang pag asa na makalabas kami ngayong gabi dito at Uumagahin pa.. "Psh.. manang ka talaga " inis niyang sabi na parang isang batang hindi binigyan ng Candy tahimik lang kami Nung biglang namatay ang Ilaw "Sus maryosep!! sht. what the hell!! ang dilim!! "sunod sunod niyang Mura nung sobrang dilim na talaga at kahit kaming dalawa hindi na magka kitaan.. "L-Lorraine?? where are you?? "saad nito ulit.. "bwisit ka.. wag mong subukang kumapa ng kumapa jan! baka may mahawakan kang endangered pieces sa katawan kong leche ka!! " agad kong sigaw.. "Psh.. as if naman na may mahawakan ako sayo!! "saad nito.. walang hiya talaga to.. "Sht!! I can't see anything!! the hell!! bakit ba kasi nag brown out?! wala bang generator dito sa bwisit na skwelahan nato?! " reklamo niya nanaman.. "pintuan nga hindi na ayos e.. mag pa generator pa kaya?? tsk"saad ko.. "Hell.. sht kang manang ka!! Yung buhok mo! nasa mukha ko na! " sigaw niya kaya nagtaka ako.. "Uyy naka pusod ang buhok ko !! wag mo kong pinagbibintangan!! "sigaw ko at nanlaki ang mata nung narealize ko Yung sinasabi niya.. di kaya?? buhok yun ng??? O_o "AAAAAAAAAAAH!!!!!!! " sigaw naming pareho tsaka ko naramdaman ang pagyakap niya sakin.. "SHT!! the hell!! I swear pag nakalabas ako dito!! ipagigiba ko tong Room nato!! " sigaw niya habang mahigpit na nakayakap sakin.. "SHT!! the hell!! I swear pag nakalabas ako dito!! ipagigiba ko tong Room nato!! " sigaw niya habang mahigpit na nakayakap sakin.. "sht!! bitaw nga!! "sigaw ko.. kaya agad din siyang bumitaw.. nung narealize na nakayakap parin siya sakin.. "Sht The hell!! jusko naman!! gusto ko pang mabuhay pagka labas ko dito at hindi mamatay sa atake sa puso " saad nito.. "Kasalanan mo kasi To!! tatanga tanga ka!! bakit hindi ka na lang Umuwi para matulog sa inyo! " sisi ko sakanya.. "Aish.. langya naman.. kung iba pa sana ang kasama ko baka hindi ko naisip na matakot ngayon dito"Imbis ay sagot niya.. Grrr. alam ko na ang nasa isip ng manyak nato.. kalaswaan nanaman.. "subukan mong bastusin ako.. talagang lilipad ang kaluluwa mo! "banta ko sakanya.. tska napa upo ako ng maayos.. "Psh.. As if nga namang may ka bastos bastos sayo.. mukhang lahat nga ng nasa sayo.. capital FLAT ..sabi ko nga diba na kapag IBA ang kasama ko.. hindi ko naman sinabing Ikaw! "sagot din nito kaya kinurot ko siya sa tagiliran na ikinadaing niya.. "hindi ka lang Kauri ni Adan.. kauri kapa ng Alimango.. bwisit "reklamo nito.. kaya tumahimik nalang ako.. kahit na magbangayan kami ng magbangayan dito.. wala ding mangyayari.. mauubos lang ang pasensya ko sa lalaking to.. "Grrr gutom na talaga ako! " reklamo niya nanaman.. mas masahol pato sa babae.. sobrang ma reklamo.. "tumigil ka.. isipin mo munang isa kang Taong kalye.. walang makain sa gabi .. swerte pa nga tayo.. ngayon lang hindi maka kakain. eh sila? tsk. palibhasa nakukuha mo lahat ng gusto mo "saad ko at napa pikit dahil wala na akong magagawa kundi itulog tong gutom at takot ko.. "psh.. buti sana kung ngayon lang talaga tayo hindi makakakain.. pano nalang kung bukas hindi parin nila alam na wala tayo?? " sagot niya naman.. "edi.. condolence .. reason of death.. takot at walang makain " sagot ko sakanya.. "Geeesh.. hindi ka talaga maayos kausap! " saad niya.. hindi nalang din ako sumagot.. dahil gusto ko nang matulog "hell.. kailan ba babalik ang Kuryenteng to.?!" reklamo niya nanaman.. "kapag tumigil kana jan sa kaka reklamo.. sobrang ma reklamo ka..tumahimik kana pwede ba!! inaantok na ako at gusto ko nalang tong itulog! " sigaw ko sakanya.. "hey wait.. wag ka munang matulog! sino nang kausap ko kapag tulog ka?! geeesh.. hindi ako makakatulog ng ganito!! " saad niya.. kaya napa irap ako.. buti na nga lang walang lamok e.. kung hindi baka kanina pato reklamo ng reklamo tong maarteng to.. "Kausapin mo yung nag mamay ari ng buhok "saad ko.. kaya naramdaman kong mas umurong siya papalapit sakin "hell you!.. bakit kaba nananakot ha! " inis niyang sabi.. "tsk takot rin naman ako.. pero hindi ako nagpapahalata.. ikaw mukha kang bakla jan.. akala mo hindi lalaki kung umarte "saad ko naman.. "sinong hindi lalaki!!? gusto mo bang patunayan ko sayo ngayon?! "inis niyang saad.. langya to!! "Sige subukan mo!! para mapatunayan mo ding Mas masakit akong mangarate Kesa kay jet lee jackie chan at chun lee!! "banta ko. "Tomboy ka talaga tomboy!! " inis na inis niyang sabi.. kaya kahit hindi ko naman siya kita.. ay umirap ako.. "Pwede ba! matulog kana!! ang ingay ingay mo! hindi na talaga ako magtataka kapag bigla ka nalang mawala jan dahil sobrang ingay mo! "sigaw ko.. "pero hindi ako makatulog ng ganito.. sobrang dilim! i can't see anything ! the hell!! " ang arte talaga!! "hawakan mo braso ko.. para kahit papano mawala yang takot mo.. " saad ko sakanya.. kesa naman hanggang mamaya to mag ingay at Hanggang Umaga manatili kaming dilat ang mata! naramdaman ko namang hinawakan niya na ang braso ko.. "alam mo?? tong braso mo.. braso pang babae " saad niya.. kaya siniko ko siya ng malakas kaya napa daing siya "anong akala mo sakin? lalaki?! ugok ka! "sigaw ko.. "Ang lakas mong manuntok eh! mukhang pang lalaki " reklamo niya namn.. bwisit talaga to.. !! "pwede ba.. matulog kana!! .. kita mo na ngang Ang dilim!! ang ingay ingay pa natin dito!! matulog na tayo pwede ba! para pag gising natin umaga na " inis ko nanamang saad.. THIRD PERSON'S POV... nagising si Lorraine kinaumagahan at napansing naka dantay na ang ulo ni kenzo sa balikat niya at ang mas ikinagulat ni Lorraine na ang kamay nitong kagabi ay nakahawak sa braso niya ay nakahawak na ngayon sa KAMAY niya.. As in. intertwined!! kaya agad niya tong inalis at tinapik ang Pisngi ng natutulog na kenzo.. "gumising kana jan!! umaga na!! ayaw mo bang maka alis dito?! "sigaw ni lorraine sa natutulog pang kenzo .. kaya pupungas pungas itong nagreklamo "Psh. bakit? kapag gising naba tayo.. magbubukas ba agad ang pintong yan?!"reklamo nito.. "hindi!! Ang sarap sarap kasing ng tulog mong naka dantay pa sa balikat ko!! nahiya naman ako sayo!! ang sakit sakit ng leeg ko tapos ikaw nagpapakasarap sa balikat ko.. at yang kamay mong gumagalaw mag isa!! nakahawak na sa kamay ko!! manyak ka! " sigaw ni lorraine dito.. tsaka tumayo.. tumayo rin naman ito at nag inat inat pa.. aba ! "malay ko ba? hindi ko naman alam e.. tulog kasi ako. tsk.. as if naman na gusto kong dumantay jan sa matigas mong balikat at humawak jan sa kamay mong magaspang! " sagot nito kaya mas lalong nainis si Lorraine. walang hiya!! "ikaw sumusobra kana talagang haYoooP ka!! kung sipain nalang kaya kita sa may pinto para mAsira yan at makalabas tayo dito!! "inis na sigaw ni Lorraine.. "ikaw sumusobra kana talagang haYoooP ka!! kung sipain nalang kaya kita sa may pinto para mAsira yan at makalabas tayo dito!! "inis na sigaw ni Lorraine.. "Geeesh.. mag ala Shrek kana lang jan.. wag mo na akong idamay damay sa ka matonan mo! "saad nito.. kaya kulang kulang na sakalin ni Lorraine ang lalaking kaharap.. kagabi lang ay sobrang takot na takot ito.. tapos parang naka kain ng energy drink at naging mapang asarin. "Gusto mong masipa?! langya ka " inis na inis na saad ni Lorraine tsaka sinubukan ulit na buksan ang pinto "you've just wasting your strength.. hindi yan karaniwang pinto na magigiba mo. "saad naman ni kenzo sakanya.. kaya napabuntong hininga nalang si lorraine sa sobrang inis.. at nilubayan ang langyang pinto.. tsaka siya may naisip na paraan.. "Uyy lalaki! kunin mo yung mga Karton! at may naisip ako " saad ni lorraine kay kenzo kaya napakunot noo ito. "tsk. bakit?? ipapakita mo bang kaya mong kumain ng karton kapag sobrang gutom kana? "tanong naman nito kaya sinamaan siya ng tingin ni Lorraine.. "FINE!! " wala narin naman itong nagawa at kinuha nalang ang mga mabibigat na karton tsaka pinag patong patong ito ni Lorraine para umakyat sa pinaka mataas.. "Uyy anong ginagawa mo?? mag bibigti ka rin?? sht! ayaw kong may makasamang bangkay dito !! "sigaw ni kenzo skanya kaya binato siya ni Lorraine ng makapal na folder na nasa tabi lang nito.. "kung may utak ka! alam mo ang gagawin ko! "sigaw ni Lorraine sakanya.. nakita niya naman ang taas at nakitang wala ngang kesame ang room nato at pwedeng umakyat si Lorraine at pumasok sa butas sa taas tsaka tumalon sa kabila para makalabas na siya at mabuksan ang pintuan mula sa labas.. hindi naman talaga masyadong mataas ang pagkaka build ng room nato at pwedeng pwedeng akyatin kaso lang.. ang problema.. pag tatalon kana sa kabila.. "ang talino mo ah.. bakit hindi mo yan naisip kahapon?? " saad ni kenzo sakanya.. .. kaya sinamaan lang siya ng tingin ni lorraine at umakyat na nga .. nandun na siya sa pinaka dulo nung biglang ...... biglang bumigay ang isang karton kaya nagulat si Lorraine at napa pikit at hinihintay nalang na bumagsak ang sarili sa semento . . . . . . . . . pero agad siyang nasalo ni Kenzo ! " muntik na yun ah ! mag ingat ka kasi! tatanga tanga! "sigaw ni kenzo sakanya tsaka siya ibinaba.. tsaka naman napa hinga ng maluwag si lorraine sa sobrang kaba.. "s-salamat " saad ni lorraine dito.. at first time yung nabanggit nya sa harap ng lalaki.. at first time na hindi na sumagot si lorraine sa sinabi ni kenzo "ako na nga ang aakyat! pang suntok sipa ka lang e! mas matangkad naman ako sayo.. " saad nito at sinimulan ulit na pag patungin ang mga karton.. hanggang ngayon ay nararamdaman parin ni lorraine ang kaba sa muntikan niya ng pagkahulog mula sa taas.. baka nga nabalian na siya kung sakaling hindi siya nasalo ng lalaki. kahit inis siya dito ay talagang nagpapasalamat talaga siya kay kenzo dahil hindi ito nag dalawang isip na saluhin siya.. kaya ngayon.. ceasefire muna sila.. naka akyat na nga si Kenzo at Tumalon na sa kabilang dingding.. kaya nakahinga na ng maluwag si Lorraine dahil makakalabas narin sila sa wakas!! at agad nitong binuksan ang pinto mula sa labas.. "kung kahapon mo pa sana naisip to edi sana hindi ako nagugutom ng husto ngayon aish "reklamo nanaman ni kenzo.. "tumahimik ka nga.. hindi ko nga rin napansin.. ang importante nakalabas na tayo dahil sa kasalanan mo "sagot naman ni Lorraine "tignan mo to.. ikaw na nga ang sinalo ikaw patong walang utang na loob "saad ni kenzo.. "nag thank you na nga eh.. " sagot naman ni Lorraine at nagsisimula nanamang mainis sa Ugok na lalaki.. pagpapasensyahan nya na sana si kenzo dahil sinalo siya nito.. pero talagang nakakainis naman talaga ang ugali ng lalaki at nagsimula nanaman silang mag bangayan.... Amen..... -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD