CHAPTER 5
LORRAINE'S POV
"nalagot na.. hindi mo ba pwedeng itikom yang bibig mo fyel?? my gahd! alam mo bang dahil sa pag papainit mo ng dugo niya.. pwedeng Hindi kana makapag aral ng tahimik sa skwelahan nato at mag aral ng mapayapa?! dahil jusko! gulo! gulo ang dala nun at guguluhin niya ang buhay mo hanggat nandito ka sa school nato! " nag he hysterical NANAMAN na sigaw sakin ni kiera.. kaya tinignan ko siya..
"sayang yung pagkain ko dun sa mesa.. mahal pa naman yun.. hindi ko na ubos . gutom tuloy ako ulit " imbis ay sagot ko at hindi pinansin ang lahat ng sinabi niya kaya napahilot siya sa sintido na parang siya pa ang stress na stress sa nangyari
"GaAhd fyel!! hindi mo ba naiintindihan ang lahat ng sinabi ko?? o pwedeng e record ko nalang ng pa ulit ulit para maintindihan mo ang point ko!" sigaw niya pa..
" Hayaan mo siyang mamatay sa sobrang inis niya sakin.. siya lang naman ang palaging na e stress..hindi naman ako. kaya pwede ba. chill ka lang "sagot ko at kinuha ang libro sa bag ko at binasa ang hindi ko pa natatapos basahin sa paborito kong Novela
"Ayy ewan ko sayong babae ka.. " Saad nito at bigla nalang Umalis na ikina kibit balikat ko nalang ..
tutal naman wala na akong klase.. tatambay muna ako dito sa Garden ng school.. dito ang palaging tambayan ko kapag naghihitay ng schedule.. maganda kasi ang ambience at magandang magbasa..
KENZO KIEL'S POV
masyado talaga akong pinapahanga sa katapangan ng babaing yun.. yung tipong gustong gustong gusto ko nalang siyang tirisin kapag kaharap ko siya at kapag nag sasalita siya!
he never fail to Annoy me.. Kada makikita ko siya ay talagang hindi siya pumapalyang painitin ang Ulo ko sa inis sakanya.. ang sarap niyang tirisin!
how could an Old Fashion woman Can do this to me! bwisit ka Manang!!
talagang pagsisisihan niyang binangga niya ang isang Pader na kagaya ko.. dahil hindi ako matatahimik hanggat hindi ko siya nabibigyan ng leksyon sa walang Atubiling pagkalaban nya sakin!
.
+---------------------------+
THIRD PERSON'S POV
Mag a alas singko nung nag text si kiera kay Lorraine na may pupuntahan pa siya kaya hindi na muna sila magkakasabay na dalawa..
Palabas na sana si Lorraine sa school gate nung naalala niyang may naiwan siya kaya nagmamadali siyang bumalik para kunin ang naiwan niya..
"Shit.. bakit kasi sa lahat ng makakalimutan yun pa?!" inis niyang sambit sa sarili habang lakad takbo ang ginagawa..
Naiwan niya kasi ang librong kanina lang ay binabasa niya kaya hindi niya mapigilang mapamura na baka may ibang naka pulot na NUn..
pagkabalik niya sa pwesto niya kanina ay wala na dun ang libro.. kaya napa mura nanaman siya..
leche!
"ito ba ang hinahanap mo?? " saad ng baritonong boses sa likod niya kaya humarap siya at nakita ang lalaking kuting na hawak hawak ang pinakamamahal niyang libro..
"oh . sa kasamaang palad.. ikaw pa ang nakapulot sa libro ko .. salamat sa pag pulot.. akin na ang libro ko " saad ni Lorraine at lumapit kay Kenzo na ngayon ay nakangiting hawak hawak parin ang libro
"Ooops.. pasalamat ka nga ako ang nakapulot sa libro mo e.. kung hindi baka.. tinapon na to sa kung saan "saad nito na parang nang iinis..
aba!!
"anong gusto mo?? gusto mo bang patayuan kita ng rebulto tulad ni Rizal dahil nagmagandang loob ka na pulutin ang libro ko at hindi tinapon sa kung saan?? pasensya na... kahit pang seminto ng rebulto wala akong pambili.. kaya akin na yang libro" Saad ni Lorraine at kukunin na sana ang libro kay kenzo nung bigla nalang nitong itinaas ang kamay dahilan para hindi ito maabot ni Lorraine dahil nga hindi naman siya katangkaran..
kaya seryoso nang nakatingin si Lorraine kay kenzo at nakapameywang pa
"ano ba talagang Gusto mo?! nagpasalamat na nga ako diba dahil nagmagandang Loob ka.. kahit na nga alam kong wala naman talagang maganda jan sa loob mo atleast nagpasalamat parin ako diba? " saad Ulit ni Lorraine na hindi matago ang inis sa lalaking kaharap dahil Obviously.. bumabawi lang ito sa mga ginawa niya dito kaya ngayon iniinis siya nito..
Gahd Lorraine! kalma ka. kalma lang..
paulit ulit na saad ni Lorraine sa sarili..
dahil kapag si Lorraine ang hindi nakapag timpi.. baka mapunta si kenzo sa Ospital ng bali bali ang buto..
"Com on.. ganyan kaba magsalita sa taong nag magandang loob na Pulutin ang libro mo?? "nakangiting pilyo na tanong ni kenzo kay Lorraine..
"dapat nga hindi na ako magpasalamat sayo eh.. dahil nanahimik lang yang libro ko jan na nakalapag.. pinulot mo pa.. " saad ni Lorraine kaya bahagyang natawa si Kenzo sakanya
"what?? ako pa ngayon?? kinuha ko na nga tapos ako pa ang masama?? the hell.. sakit ng mga pinoy " sagot ni kenzo dito..
"wag ka kasing makialam kung hindi naman Iyo.. bakit?? may naka lagay ba sa libro na 'HEY! PICK ME! ' ..kaya kinuha mo??kung sana pinabayaan mo lang jan edi sana nakita ko na at nakuha at tsaka nakauwi na ako kanina pa bwisit "inis na saad ni Lorraine ngayon..
kaya mas lalong natawa si kenzo
"eh paano kung hindi ko to kinuha?? edi baka iba na ang naka kuha?? baka nga hindi mo na makuha e" sagot naman ni kenzo..
leche siya.. puro makuha makuha makuha!!
"At sinong kukuha?? Kanina pa naman Uwian ah kaya wala ng tao ang mapapadpad dito.. If i know.. alam mong sa akin yan kaya mo kinuha!!! " inis ng saad ni Lorraine
"tsk bakit ko naman gagawin yun?? bakit? maganda ka maganda ka???? para magpapansin ako sayo.?. tsk. mangarap ka ! "sagot ni kenzo sakanya
"alam mo ikaw? masyado kang pahalata e! ang sinasabi ko.. kaya mo yan kinuha para inisin ako! hindi ko sinabing maganda ako para magpapansin ka!! akin na nga! Ang rami rami mo pang sinasabi!! "sigaw na ni Lorraine sabay lahad ng kamay para sa libro.
at dahil nainis narin si kenzo.. mas lalo niyang itinaas ang libro..
"kunin mo muna sa kamay ko Liit " nang iinis pang saad ni kenzo habang nang iinis na nakangisi kay Lorraine..
kaya Kulang nalang magka apoy sa mga tingin ni Lorraine para matusta ng buhay ang kaharap dahil sa masamang tingin niya kay kenzo..
bwisit talaga!
kung siya lang ay baka tinadyakan, sinipa sinuntok niya na ang lalaki sa sobrang inis niya.. pero hindi pwede dahil hawak parin nito ang libro at baka ano pang gawin nito sa pinakamamahal niyang libro pag ginawa niya yun kay kenzo
bakit kasi wala nang sale na ganung libro ngayon.. edi sana hindi na siya nagkanda hirap hirap sa pagkuha ng libro sa masamang demonyong may hawak nito
.
kaya wala siyang nagawa kundi ang abutin ang librong pilit tinataas ng lalaki kaya talon lang siya ng talon dahil nga.. hanggang balikat lang yata siya ni Kenzo dahil sa liit niya.. habang talon siya ng talon ay atras lang naman ng atras si kenzo dahil sa pang iinis nito
patuloy niya parin yung inis na inaabot nung biglang hindi inaasahang Nadulas si kenzo sa pag atras nito kaya maagap na nahawakan nito sa beywang si Lorraine para kumuha ng supurta pero hindi niya rin nakaya ang bigat ng lalaki kaya silang dalawa ang natumba at nadaganan na ni Lorraine si kenzo at...............
1
.
.
2
.
.
3
.
.
O_o
at Aksidenteng nag lapat ang mga labi nilang dalawa
at Aksidenteng nag lapat ang mga labi nilang dalawa
Kulang nalang yata na mag mukha silang Tarsier dahil sa Panlalaki ng mga mata nila pareho kaya nung narealize Nilang nakalapat parin ang mga labi nila ay Agad agad mabilis pa sa Isang segundong Tumayo silang dalawa.. habang hindi parin makapaniwala sa nangyari..
"Sht the hell! pweee! pweee! pweee! naka halik ako ng lalaki!! " Parang nandidiring saad ni Kenzo kaya sa sobrang inis ni Lorraine ay agad niyang kinuha ang libro at hinampas sa Ulo ni Kenzo
"Mas Pweee ka! lumapat ang labi ko sa lalaking Maraming Virus!! Kung maka Asta ka akala mo Mahinhing Virgin ka!! Tsk nakakadiri!! hindi ko matatanggap na sayo pa nanggaling ang First kiss kong HayoooOp ka!! " Inis na inis na sigaw ni Lorraine habang hinampas ng Sunod sunod si Kenzo ng makapal na libro..
"Sht! sht! the hell!! stop it! stoOop!!! "paulit ulit na daing ni Kenzo.. habang sinasalag ang bawat pag hampas ni Lorraine..
" tsk ang sabihin mo ! nasarapan ka kasi sa halik ko!! bakit ako ang sinisisi mo??at ikaw pa ang galit ? eh ikaw nga yung nakadagan sakin at ikaw Mismo ang humalik------Ouch sht stooOp!! "Nang iinis nanamang saad ni Kenzo kay Lorraine kaya Hinampas pa siya ng malakas dahil sa sobrang inis ni Lorraine
"Manyak Bastos antipatiko !!!!"Inis na inis na sigaw ng babae tsaka Sinipa ang tuhod ni Kenzo kaya napaluhod ito sa sakit at dahil sa Sobrang inis niya.. imbis na sampal ay Suntok nanaman ang binigay niya dito kaya magkakasunod sunod na mura nanaman ang lumabas sa labi nito..
tsaka inis na umalis si Lorraine at paulit ulit na pinupunasan ang labi ng Panyo..
" Hell !! sht Ang sakit!! "mura ni Kenzo at Hinaplos ang Gilid ng labi nanamang sinuntok ng sinasabi niyang Manang na tomboy..
"Pisti.. mas masakit pa yata talaga siyang sumuntok kesa sa tunay na lalaki.. " inis nitong saad sa sarili nung naramdaman nanamang namaga agad ang labi niya dahil sa isang suntok nito..
-----------------------
KENZO KIEL'S POV
"Ohh? pAre?? Ano nanamang nangyari jan sa gilid ng Labi mo? sumali kaba sa Rambol?" Tanong ni Lorence sakanya na ikinairap niya..
"buti sana kung sumali sa Rambol.. pero hindi e.. Isang suntok Lang to nung babaing Manang na Sinapian ng ispiritu ng lalaki " saad ko Habang nilalagyan ng Betadine ang sugat ko sa labi..
natawa naman sila.
"nanaman?? " sabay sabay nilang saad kaya inis ko silang tinignan..
"Ohh bakit pati lips mo nilalagyan mo ng alcohol?? adik kaba?? "nagtatakang tanong ni dino sakin.. nung paulit ulit kong pinupunasan ng bulak na may kunting alcohol ang labi ko.. kaya umirap nanaman ako..
" tsk ! may pa Consolation prize... we accidentally Kiss.. tHe hell ! "inis kong saad kaya lahat sila nag hiyawan..
"WoooOah brad.. thats a sign!! " Hiyaw ni Neo.. kaya sinimaan ko siya ng tingin
"Crap!! Anong sign ang pinagsasabi mo ?! Grrr... i Can't get Over with that fckin Kiss!! Feel ko nga nandidiri parin ako hanggang Ngayon dahil sa Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang labi nung Tomboy na manang! "inis na inis kong saad. kaya natawa sila.
"Ganun ba talaga?? eh bakit sakanya lang?? diba araw araw ka namang may hinahalikan?? bakit sakanya lang yata parang nanatili parin yung pakiramdam na naglapat parin yung mga labi nyo.. ayiieeee iba na yan!!! "nang aasar na saad ni Neo kaya Inis ko siyang tinapunan ng Alcohol ..na ikinatawa lang nila..
"StooOop it!! hindi ako natutuwa! at hinding hindi ko matatanggap na nahalikan ko yung manang na yun!! "Inis ko parin sigaw..
kaya mas lalo silang natawa..
"Wooow.. Nag fe feeling Mahinhinang Virgin! dalagang Pilipina pre?? hahaha bakit hindi mo matanggap e ang rami rami mo nang nahahalikan na babae.. sakanya pa kaya?? babae rin kaya siya"saad ni Paul habang nang iinis na tumatawa..
The crap!
"paanong hindi?? hindi siya babae para sakin.. katawan babae lang siya na may Ugaling lalaki na malakas pang manuntok kesa sa tunay na lalaki.. "inis kong saad..
"haha.. Oooh bakit nung Una niyaya mo pa nga siyang Ano eh.. kaya ka nga niya unang sinuntok diba?? tapos ngayon magpapaka choosy ka hahaha"saad ni Neo na natatawa..
"I don't mean it.. iniinis ko lang siya!! the hell na papatulan ko ang tulad niyang walang taste in kind Of Fashion! tsaka hindi ako pumapatol sa Kauri ni Adan leche!! "inis na inis kong saad. ..
"Aba.. haha kung maka react ka pare akala mo naman first kiss mo yun ... ano nalang sakanya?? coz im hundrend percent sure na First kiss niya nga yun! "natatawang saad nanaman ni paul..
tsk wala akong pakialam!
---------------------
LORRAINE'S POV
"Uyy teh!! anong nasa labi mo ba at kahapon mo pa yata paulit ulit na pinupunasan?? my Gasss.. for sure.. O percent bacteria na yan kaya itigil mo na " saad ni Kiera na nagtataka sa paulit ulit kong ginagawa..
walang hiya!! talagang hinding hindi ko matatanggap na sa Manyak na walang hiya pa napunta ang frst kiss ko!! hindi katanggap tanggap!! At siya pa tong may ganang mandiri?! aba!! talagang! walang hiya siyang HayooOp siya!!
"wala .. nakahalik kasi ako ng lupa.. kaya sinisigurado ko lang na walang kahit isang Bacteria "sagot ko at tinigilan na ang labi kong Kahapon pa namumula dahil sa pag ngudngod ko ng Cotton buds
"Ayy?? ganun ba yun?? Ahh Uy kamusta ka naman kahapon? wala bang nangyari sayong masama?? kasi si kuya eh.. may pinapabili na out of the way kaya tinext na kita na hindi ako makakasabay sa pag uwi " agad na saad nito
kaya umirap ako..
"ok lang naman ako.. pero dahil sa pinaka mamahal kong libro.. nangyari ang pinaka nakakakilabot na nangyari sa tanang buhay ko .. na wag na wag mo nang tatanungin "saad ko at isinauli na ang mga Bulak at alcohol na pinang kiskis ko sa labi ko..
kaya nangunot ang noo niya sa pagtataka
"Yung libro mong paborito?? bakit?? ano ba kasing nangyari?? "saad nito na curious na curious na..
kaya umirap ako ulit..
"sinabi na ngang wag nang tatanungin " may inis kong saad..
"ahay.. Tag mo yung kaibigan mong madamot sa info " saad niya..
" Tara na nga.. Canteen tayo.. nagugutom ulit ako " saad ko tsaka tumayo na .para lang makaiwas sa mga tanong niya..
nakasimangot naman siyang sumunod sakin..
at bumulong ng 'madamot' hindi ko nalang naman yun pinansin
at naglalakad Papuntang Canteen nung nakita kong makakasalubong namin ang walang hiyang MAnyak na walang mudo!
Inirapan ko naman siya..
nung bigla nalang kumanta ang isa niyang kaibigan na rinig na rinig ko talaga .. ewan ko ba kung kanta O nagpaparinig talaga
"?FIRST KISS never die.???. lalalala lala l?a la ? "malakas na kanta nito kaya nainis ako.. hindi lang dahil wala siya sa tuno kundi dahil sobrang pinamali Ang Lyrics niya ng kanta.. bwisit!! talagang sinabi niya sa iba?! magbabayad siya!!
kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap sila na papalampas na sana
"Ang kapal mo rin eh Noh???Sinabi mo Talaga sakanila?!!" inis na inis kong sigaw.. kaya napatigil sila at pati na siya tsaka humarap sakin ng nang iinis na ngumiti..
"bakit ??? its not a big deal for me anyway.. .. hindi na yun bago sakin kaya sanay na silang may araw araw akong kahalikan.. why??? dinibdib mo ba masyado Ang Halikan natin kahapon?? " nang iinis nitong saad sabay ngiti pa ng malisyoso na talagang nang iinis talaga..
kaya nanlaki ang mata ko sa walang habas na pagsabi nito mismo sa harapan ng mga kaibigan niya kay at kaibigan ko!! kaya gulat na gulat na ngayon si kiera
"h-halik?? gahd!! naghalikan kayo?!?! " hysterical na si kiera pagkasabi niya yan..
itong bwisit na lalaking to!!
"Gusto mo bang madagdagan ang pasa mo?! at talagang walang hiya ka!! sinabi mo pa mismo sa harap nila!! "sigaw ko na sabay duro na sakanya..
kaya nang iinis nanaman siyang natawa kahit naba may Band aid nanaman ang kaliwang labi niya dahil sa ginawa ko kahapon..
"Hey relax.. Masyado mo ba talagang dinamdam yung halik?? sabagay.. its your first kiss.. pero para sakin wala lang yun eh.. pero ang bago lang..first time kong makahalik ng manang .. but if you want.. pwede naman nating Ulitin.. this time yung Torrid naman para hindi ka mabitin.. mukha kasing nabitin ka e " saad nito ng tumatawa na pati mga kaibigan niya nakitawa narin kaya sila na ang masaya na tumatawa ngayon sa harap ko.. at sa sobrang kulong kulo na ang dugo ko..
agad ko siyang nilapitan at kinuwelyuhan
kaya natahimik silang lahat sa pagtawa at pati na siya..
"mamili ka.... ililibing kita ng buhay O paglalamayan ka muna??? "seryosong tanong ko sakanya habang mahigpit paring kinu kwelyuhan siya kaya napalunok siya..