PAREHONG NABALING ANG tingin nila kay Caci. Hinahabol pa rin nito ang paghinga kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita. “Kuya,” dali-dali itong lumapit sa kanya at yumakap. “Good to see you’re okay.” “It’s because of you,” saad niya sa kinakapatid. Naniniwala siya na kung hindi ito dumating nang panahong kailanganin niya ng tulong ay baka ngayo’y pinaglalamayan na siya. “You need to change now, Kuya. May mga importanteng taong naghihintay sa iyo sa labas,” seryosong saad nito. “Naghahanda na rin ang Mahal na Reyna. Sasamahan ka niya kapag humarap ka sa mga bisita.” Nakatingin lamang kay Caci si Rocco sa loob ng ilang segundo. Mukhang mga importanteng tao iyon para maging ganito ang reaksyon nito. Nang huli’y tumayo rin siya upang makapagpalit ng damit. Nang matapos sa pagpa

