DAHIL TUMAGAL ANG pakikipag-usap ni Rocco sa tatlo, nagkaroon siya ng pagkakataon na basahin ang ugali ng mga ito. Kahit papaano ay hindi na siya masyadong manghuhula sa mga susunod niyang hakbang upang mas makilatis ang mga ito. Sa ngayon, kailangan niya munang asikasuhin ang isa niya pang problema–ang Palazzo. Bago magtungo sa mundo ng tao, sinigurado niya munang magagaling na mandirigma ang nakabantay sa lagusang patungo sa lugar ng mga Vosrak. Hindi niya inaalis ang posibilidad na manalantang muli ang mga ito. Hanggang ngayon kase ay hindi pa rin naisasara ang lagusan dahil hindi pa rin nila matagpuan ang Kuletris. Nagpatawag na rin siya ng ibang eksperto sa pagsasarado ng portal ngunit hanggang ngayon ay wala pang naging tugon ang mga ito kaya, ipinasa niya na kay Vera ang pakikihara

