ANG MGA SUMUNOD na sandali ay naging pakikipaglaban nila sa matinding kadiliman ni Hillion. Nang sumilay naman ang matinding liwanag ay hindi na nila naramdaman ang salitang pahinga. Nagsidatingan na lamang kase bigla ang mga kalaban na hindi nila alam kung saan nanggaling. Habang nasa pakikipaglaban si Rocco, ang atensyon niya ay nasa dalawang kinakapatid. Masyado ng matagal ang mga ito sa itinakda nilang oras ng pagpatay sa mga supply ng kuryente. Hindi niya maiwasang huwag mag-aalala kahit na malaki ang tiwala niya sa dalawa. Bawat pagsugod at pag-atake ni Rocco ay sinisigurado niyang may matatamaan siya. Ayaw niyang sayangin ang oras na mayroon ngayon. Sa bawat pagtakbo niyang iyon ay maraming nangyayari. Ang iba sa mga iyon ay hindi nila maiiwasan. May pagkakataong masasaktan din s

