HINDI ALAM NI ROCCO ang pinasok niya ngunit nakasisigurado siya sa isang bagay. Hindi magiging madali ang pagpunta nila roon dahil maaaring may posibilidad na hindi na sila makabalik pa. Kaya kung siya ang masusunod, ayaw niya ng isama pa si Hillion at Levin. Kung maaari ay gusto niyang siya na lamang ang magtungo sa Heryotsa. Sa ganoong pagkakataon lamang siya mapapanatag. “Kapag hindi ka nakabalik, ano na lang ang mangyayari sa mag-ina mo?” galit na tanong sa kanya ni Levin. “Hindi ka naman ganyan, Kuya. Bakit hindi mo ibalik ang pagiging walang pakialam mo sa iba? Alam kung walang masama sa pagtulong ngunit piliin mo rin sana ang makakabuti sa iyo,” galit na saad nito. Panandaliang napaisip si Rocco dahil sa sinabi ng kanyang kinakapatid. May punto ito. Dahil din sa sinabi nito ay n

