CHAPTER 66: Heryotsa

1149 Words

NANG UNA AY PARE-PAREHO silang nabato sa kinatatayuan. Nakaguhit ang matinding pagkagulat sa kanilang mukha. Makikita iyon sa paraan ng pagkakatitig nila sa mga kalabang sumusugod na ngayon sa kanilang direksyon. Paanong nabuhay ang mga kalansay na nadaanan nila kanina? Napakaimposible kung tutuusin ngunit sa nakikita niya ay may kumokontrol sa mga ito na hindi nila nakikita at maaaring pinagmamasdan din sila ngayon. Nang hilahin ni Levin ang manggas ng damit nila ni Hillion saka lamang sila natauhang dalawa upang kumilos at gumalaw sa kanilang kinatatayuan. Dali-dali ang naging pagtakbo nila patungo sa kabilang bahagi ng lugar na taliwas sa dinaraanan ng mga kalabang iyon. Patag ang bahaging iyon. Bitak-bitak ang daan na tila ba’y dumaan sa isang malalim na sumpa. Hindi sa ganitong para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD