JAM'S POV "Janina, Janina,” gising ko na sa kanya, “We're here.." sambit ko rito. Napamulat naman na siya. "Where are we?" tanong niya sa akin habang palinga-linga sa paligid. "Come," I said sabay baba ng kotse at umikot para mapagbuksan siya. "Wow!" sabi niya habang manghang-mangha sa nakikita niya sa buong kapaligiran. Napangiti naman ako sa nakita kong reaksyon niya. "What is this?" she asked amazingly while looking at me. "Perya ang tawag dito, Ja,” sambit ko habang nakatingin sa kanya pero siya ay hindi nakatingin sa akin, “Tara!" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya. Ako muna this time, Ja. “Perya?” taka naman niyang tanong habang naglalakad na kami. "Yap. Perya,” sagot ko lang sa kanya, “Maraming rides dito, at masaya," dagdag ko pa.

