Now Playing: You and Me Nakapatong ang dalawang kamay ko sa balikat niya habang siya naman ay sa beywang ko. "You're so stunning today, Ja," he said. "Salamat,” sagot ko without even smiling at him. "Galit ka pa rin ba sa akin, Janina?" tanong niya dahilan para sumagot na ako. "Paanong hindi ako magagalit sa iyo, James, eh sinaktan mo ako, sobra," turan ko rito. Napayuko siya. "Kaya nga paulit ulit akong humihingi sa iyo ng patawad dahil alam kong nasaktan ka, at sobra ko nang pinagsisisihan iyon, Ja, sana mapatawad mo na ako," hingi niyang muli sa akin ng paumanhin. Alam ko naman na sincere siya habang nagsasalita and I can feel it. Ramdam na ramdam ko. Sa totoo lang, gusto ko siyang yakapin, pero nag-aalangan ako, dahil alam kong may masasaktan at si J

