CHAPTER 5

2471 Words
“Nandito ka lang pala…” napatingin ako sa biglang nagsalita mula sa likuran ko at napatayo sa swing na inuupuan ko.   Si Jam.   “A-Anong ginagawa mo dito?” tanong ko na tumalikod ulit sa kanya at naupo ulit sa swing.   Umupo siya sa katabi kong swing, “Naramdaman ko kasing dito ka pupunta, kaya heto ako, sinundan kita dito,” sagot niya sa akin.   Katahimikan.   Nakakabinging katahimikan.   Naninibago ako.   Bakit ganito? tanong ng isip ko, Bakit ganito ang pakiramdam ko?   “Ja…” tawag niya sa akin, “Galit ka ba?” tanong niya na hindi ko inaasahan.   Napatingin ako sa kanya, “Bakit mo naman natanong?” tanong ko din dito, hindi galit o kaya ay naiinis kundi natural lang ang naging tono ko dito.   “Kasi alam kong galit ka eh,” sagot niya sa akin sabay yuko, hindi ko alam kung bakit parang sa tingin ko ay nahihiya siya sa akin, “Alam ko kasing may kasalanan ako sa iyo,” dagdag pa niya habang nakayuko pa din.   Napatingin ako sa kanya habang siya ay nakayuko pa din.   “Am..” sambit ko, hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin matapos niyang magtapat na siya ay may kasalanan sa akin.   Alam ko naman ang kasalanan niya, at natutuwa ako dahil nakakausap ko na siya.   “Sorry!” biglang niyang sabi habang nakayuko pa din.   Nagulat tuloy ko dito, “H-Hah?” sambit ko, “B-Bakit ka naman n-nag-so-sorry?” tanong ko na nakatingin pa rin sa kanya, hinihintay ko itong lumingon sa akin pero hindi talaga niya ako tinitingnan, “Jam,” tawag ko na dito.   Pero tahimik pa din siya at hindi sumasagot.   Napalunok ako at, “A-Ano bang kasalanan mo?” tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang sagot.   “S-sorry,” ulit na naman niya sa akin, “Naging makasarili ako,” this time ay bumaling na ang tingin niya sa akin, “Masyado akong naging masaya sa sarili kong paraan,” paliwanag nito sa akin habang nakikita ko ang sincerity sa mga mata niya, “Nakalimutan kita, Ja,” gusto kong maiyak pero pinipigilan ko, “Nakalimutan kita!” sabi niya na medyo naluluha na.   “A-Ano ka ba?” napasinghot ako sa pagsagot sa kanya, paano ba naman ay may sipon na palang namumuo sa ilong ko dahil sa pagpigil ko sa mga luha na gusto nang pumatak mula sa mga mata ko, “W-Wala ‘yon,” sabi ko dito sabay punas ng sipon sa ilong ko, “At saka, natural lang ‘yon,” sagot ko dito sabay tayo at lumayo nang bahagya sa swing dahil hindi ko na napigilan pa ang mga luhang nagbagsakan na sa mga pisngi ko.   “Ja….” Tawag niya na kinalingon ko dito.   Nakalapit na pala siya sa akin at nasa likod ko na pala ito, “Ja,” tawag niyang muli sa pangalan ko, “I will make it up to you, promise!” sabi niya na kinagulat ko, “Babawi ako sa iyo, sa lahat ng naging kasalanan ko, just forgive me,” sabay luhod sa harap ko na kinagulat ko talaga. Naalarma ako sa ginawa niya kaya naman sinita ko siya at inutusang tumayo.   “Hoy, ano ka ba?” sita ko dito, “Tumayo ka nga diyan,” utos ko dito, “Para kang sira!” sabi ko pa sa kanya habang sumesenyas na tumayo na siya, pero hindi niya ako sinunod kaagad.   “Tatayo lang ako kapag sinabi mong pinapatawad mo na ako, Ja,” sagot niya sa akin na kinalaki naman ng mga mata ko sa kanya.   “Para ka talagang sira!” muli ko na namang sabi dito, “Tumayo ka na diyan, isa,” bilang ko dito.   “Ja, sabi ko hindi ako tatayo hangga’t hindi ko naririnig sa iyo na pinapatawad mo na ako,” ang tigas talaga ng ulo ng lalaking ito, talagang ganito ang ugali niya eh.   Huminga naman ako ng malalim at sinagot ito ng, “Oo na, pinapatawad na kita, oh okay na ba?” tanong ko dito na kinangiti niya sa akin, “Sige na tumayo ka na, ang o.a mo na,” dagdag ko pang sabi sa kanya.   Pero hindi pa din ito tumayo, “Talaga ba na pinapatawad mo na ako, Ja?” tanong na naman nito sa akin.   “Hay nako naman, mukha ba akong nagbibiro, Jam?” taas ko ng kilay dito.   “Eh bakit parang galit ka pa din?” tanong na naman nito habang nakaluhod pa din.   “Hmp, ayaw mong maniwala?” tanong ko sa kanya, “Sige, ikaw ang bahala, manigas ka diyan kakaluhod,” sabi ko na bumalik sa swing at naupo.   “Hala, ito naman hindi na mabiro,” sabi niya sabay tayo na nga at lumapit sa akin, naupo na din siya sa swing, “Masyado mo namang sineryoso ang pagluhod ko.”   “Eh ang kulit mo, eh,” sabi ko na lang dito na tumayo na naman ulit sa swing.   “Pero, Ja,” tawag na naman niya sa akin.   “Oh, ano na naman?” muli ko na namang tanong din dito.   “Talaga bang pinapatawad mo na ako?” pinandilatan ko na naman siya ng mga mata, “’Yong totoo, hindi na kita tatanungin ulit,” sabi niya na nagtaas nang dalawang kamay sign na sumusuko na siya.   “Jam!” inis na sambit ko dito, “Oo nga, pinapatawad na kita, seryoso ako, ano pa ba?” naiinis ko na talagang sambit dito na dahilan para may bigla siyang gawin na hindi ko inaasahan.   “Yes!” sabi niya sabay tayo at mabilis na yumakap sa akin, nagulat ako. Hindi ko inaasahan mula sa kanya iyon. Hindi naman kasi niya ginagawa iyon.   Napapikit tuloy ako. Ang sarap sa pakiramdam na niyayakap niya ako.  Yayakap na sana ang mga braso ko sa kanya nang…   “Thanks, Ja!” sabi niya sabay tanggal ng mga braso niya sa pagkakayakap sa akin, “Sobrang thank you at naiintindihan mo ako,” sabi pa niya na nakahawak sa mga kamay ko.   “A-Ano ka ba, best friends tayo, ‘di ba?” ngiti kong sagot dito sabay tapik sa gilid ng braso niya, “waqla iyon, ikaw pa ba,” dagdag ko pa dito na kinangiti na din niya sa akin ulit.   “Ikaw talaga!” sambit niya sabay g**o sa buhok ko.   Bigla naman akong umirap sa kanya kasi hindi ko inaasahan ang gagawin niya, “Jam!” singhal ko dito na at inayos ang buhok ko, “Ano ka ba!” biglang sabi ko dito habang nakairap pa din sa kanya.   Imbes na sumagot ay tumawa siya nang malakas at, “Na-miss ko ‘yang ganyan mo,” sabi niya at ginulong muli ang buhok ko sabay takbo nang mabilis.       “Asar ka talaga!” muli ko na namang sigaw dito at saka ito hinabol.   Naghabulan kaming dalawa sa playground na parang bata.   Dating gawi na ginagawa namin.   Kung saan ako at siya lang.   Masaya.   Walang ibang nararamdaman na lungkot o hindi kaya’y mga problema.   Ganito lang.   Nakaka-miss.   Para talaga kaming bumalik sa pagkabata.   Napatingin ako sa kanya habang hinahabol ko siya, Ikaw na nga talaga iyan, Jam, sambit ko sa isip ko habang masayang-masaya sa kung ano man ang ginagawa namin ngayon.   Na-miss ko talaga ang best friend ko.   Sana lang huwang ng matapos pa ito.   Masama mang hilingin, pero sana ganito na lang kami palagi.   Magkasama.   Walang iwanan.   At walang mang-iiwan. - - - - - -   Kinabukasan…   Bumalik na naman kami sa normal na takbo ng buhay naming dalawa ni Jam, na kung saan ay sinusundo at hinahatid niya ako sa bahay at sa school.   Pumupunta na ulit siya sa bahay kagaya ng dati niyang ginagawa.   Nagtatawanan na naman kami at nagkukulitan na dalawa.   Nakakapag-usap na ulit kami katulad ng dati.   Nag-aasaran na ulit hanggang sa mapikon na naman ako, at higit sa lahat, nang-aalaska na naman kami sa isa’t-isa.   Ganoon naman kasi kami dating dalawa eh, bago pa dumating sa buhay niya ang epal na babaeng butiki na iyon.   Hindi naman sana kami magkakaroon ng gap kung hindi lang niya nakilala ang babaeng haliparot na iyon.   Pero siguro kailangan mangyari iyon para malaman ni Jam na mas kailangan pa din niya ang best friend niya kaysa sa linta na iyon.   Ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit kailangang dumaan sa ganito ang friendship namin ni Jam.   “Bogz!” tawag niya sa akin, magkasama kasi kami habang nasa canteen at nagre-review.   “Oh?” napatingin naman ako sa kanya, “Ngayon mo lang ulit ako tinawag ng ganyan ah?” sabi ko dito sabay tawa ng kaunti sa kanya.   Bogz kasi ang tawagan naming dalawa..   Bogz short for sabog.   Tumawa din siya, “Oo nga eh,” sagot niya.   “Oh, bakit mo nga ako tinatawag?” tanong ko dito na humarap na naman sa binabasa ko.   “Um, wala lang,” sagot nito sa akin na umayos ng upo sa tabi ko, “Masyado ka kasing seryoso diyan sa binabasa mo,” nagulat ako nang bigla niya akong akbayan, hindi ako nakagalaw kaagad mula sa pwesto ko, “Eh madali lang naman kung magpa-quiz si Mrs. Kura,” hindi ko na naintindihan pa kung ano ang sinasabi niya dahil bigla akong na-mental block, hindi ko alam kung bakit, “Yakang-yaka mo naman iyan, Ja, huwag ka nang mag-review, libre mo na lang ako ng pizza, 7 pesos lang naman ‘yong isang slice eh,” patuloy pa din siya sa pagsasalita habang ako ay talagang napipe na.   “Ja,” tawag niya sa akin, pero hindi ako sumagot sa kanya, nakatuon pa din ang mata ko sa notebook ko pero hindi ako nagbabasa, “Uy, Ja, ano nangyari sa iyo?” tanong niya na hindi ko maintindihan, “Uy, Ja!” inalog niya akong bigla na naging dahilan para bumalik ang huwisyo ko.   “H-Hah, a-ano ma-may sinasa-sa-sabi ka ba?” nagkakanda-utal-utal kong sambit dito.   “Hah?” napamaang naman siya sa akin, “Okay ka lang ba?” tanong nito sa akin, nakatanggal na ang pagkakaakbay niya sa akin.   “H-Hah, a-ah, wa-wala, a-ano, um, may sinasabi ka ba?” tanong ko dito.   “Ano? Ibig sabihin hindi mo pala ako naririnig?” tanong din nito sa akin.   “Hah, eh, ang g**o mo naman kasi eh,” dahilan ko dito, “Kita mong nagre-review ako, oh, ito talaga panira eh,” kunwari ko na lang na sambit dito para hindi siya makahalata na wala akong naintindihan sa lahat ng mga sinabi niya.   “Hay, ano ba iyan, bogz, hindi mo pala ako pinapansin,” tampong sabi nito sa akin.   “Eh, ano ba kasi ang sinasabi mo?” tanong ko na muli na namang bumaling sa notebook ko.   “Ang sabi ko libre mo ako ng pizza, 7 pesos lang naman ang isang slice, sige na,” sagot niya sa akin.   Kinuha ko naman ang wallet ko at binigyan siya ng bente, “Oh, bumili ka na, dagdagan mo na lang ng piso,” sagot ko na kinangiti naman niya sa akin.    “Ay, salamat, bogz,” at kinuha ang binigay kong pera.     Hay, muntik na ako do’n ah, buti na lang, sambit ko sa isip ko habang pinagmamasdan si Jam na nakapila sa bilihan ng pizza.   Lalo tuloy akong napangiti.   Hindi ko alam.   Bakit parang iba ang nararamdaman ko.   “Bogz,” sigaw niya sa akin, “Soft drinks, gusto mo?” tanong niya sa akin na kinatango ko, “Libre ko na,” sagot lang niya sabay kindat sa akin.   Ja, relax, si Jam lang iyon, hindi iba, kumalma ka, sita ko bigla sa sarili ko, nararamdaman ko kasing may iba sa akin.   “Heto na,” sambit ni Jam nang makabalik na siya sa pwesto namin, “Oh,” abot niya sa akin ng pizza at soft drinks na binili niya.   “Thank you, bogz,” sambit ko naman dito.   “Oh, mainit pa, ah,” paalala niya sa akin.   “Oo, alam ko,” sagot ko dito, Relax, Janina, sita ko na naman sa sarili ko.   “Oh, ano na, okay na ba ang pagre-review mo?” tanong niya habang kumakain na ng pizza.   “Oo naman, madali lang naman magpa-quiz si Mrs. Kura eh, kaya ko na iyon,” sagot ko dito.   “’Yon kaya ang sinabi ko sa iyo kanina, hindi ka lang nakikinig eh,” sabi naman niya sa akin na uminom naman ng binili niyang soft drinks.   “Sorry naman, bogz, nagfo-focus lang kasi talaga ako sa pag-aaral natin ngayon eh, alam mo na, graduating na tayo ng high school, dapat lang na umayos na tayo,” seryosong sabi ko dito.   “Hala siya,” gulat naman nitong sabi sa akin, “Ikaw ba iyan, Ja?” tanong nito sa akin.   “Jam naman, seryoso ako,” at talaga namang seryoso ako.   “Oo na, seryoso naman ako, bogz, nag-aaral akong mabuti,” sagot niya sa akin.   Patuloy siyang kumain habang ako ay nakatingin lang sa kanya.   May gusto kasi akong itanong pero hindi ko alam kung gugustuhin niyang sagutin or pag-usapan, natatakot  kasi ako, baka ito na naman ang pagsimulan ng hindi namin pagkakaintindihan, at ayoko namang mangyari iyon, pero gusto ko pa ding itanong, wala naman sigurong masama, baka sagutin niya.   “Um,” napalunok ako, “Bogz,” saka siya tinawag.   “Um?” lumingon naman siya sa akin.   “Um, ayoko sana magtanong pero kasi….” umpisa ko dito, Kung gusto kong malaman kung ano ang nagyari sa kanila, dapat lang na tanungin ko.   “Ano ‘yon?” tanong niya.   “Am, ano kasi….” nauutal kong sagot dito, “Parang….” napayuko pa ako bago ulit nagsalita, “Hindi ko na kasi nakikita si Jek,” tanong ko dito na kinatingin ko na sa kanya.   Nakita ko siyang bumaling ng tingin sa ibang direskyon at saka tumahimik.   Halatang nag-iba bigla ang mood niya.   From naka-smile to walang reaksyon.    Napansin ko iyon, kaya naman, “S-Sorry..” sabi ko sabay yuko, ayoko kasing magalit siya.   “O-Okay lang, Ja,” sagot niya sabay tingin sa akin at ngumuti na kinataka ko naman dito.   Pilit kasi ang ngiting iyon at saka siya sumagot ng, “W-Wala na kami eh,” sagot niya habang nakangiti pa din sa akin.   “H-Hah?!” napanganga pa ako sa gulat, kasunod nito ay ang tanong na, “Bakit?”   “Niloko nya ako,” walang kagatol-gatol na sagot niya sa akin, walang ngiti sa mga labi niya, bagkus napalitan ito ng pagkadismaya at lungkot, “Niloko niya ako,” ulit pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD